Teamwork, para sa Tagumpay
July 6, 2010(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Ali: Para makamtan ng grupo o team ang tagumpay sa anumang larangan ay kailangan mamayani ang tinatawag na teamwork. Sabi ng mga bihasa kinakailangan natin ang pakipag-interact sa iba lalo na kung tayo ay nasa trabaho……… Teamwork para sa Tagumpay, iyan ang ibabahagi ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka:
(PLAY NAKAKA- INTRO)
Sigoro naman ay Bawat isa sa atin ay may experience na kung paano makisalamuha o makisama sa iba. Gayunman, hindi lahat sa atin ay alam kung paano ang tamang pakikisama para maisagawa ang isang adhikain o layunin (objective) .
Alam ba ninyo na ayon sa payo ng mga bihasa na: “Saan mang aspeto ng buhay kailangan nating i-exercise ang kahalagahan ng teamwork.”
Ano nga ba ito at paano tayo gagalaw para masabing iisang team tayo?
Narito ang ilang mahahalagang bagay na kinakailangan ng team ninyo para magtagumpay o magwagi:
Dapat bawat isa ay mayroong nalalaman upang magawa ang isang proyekto o trabaho, ito ang tinatawag na Talent. Kung mas malawak ang karanasan tinataglay ng isang team, magiging daan ito upang sila’y magtagumpay.
Ngunit hindi sapat na talino na lang ang mamayani sa isang team, kundi dapat may Enthusiasm din. Ang ibig sabihin nito ay kailangan magkaroon ng interest ang miyembro upang alam kung paano niya gagamitin ang kanyang kaalaman. Dapat maging responsable, energetic upang maging productive sa trabaho. Magiging natural ang labas ng ‘enthusiasm’ na ito lalo na kung nagiging mabuting ehemplo ka sa iba.
Dapat maging accountable ang isang miyembro hindi lang sa team kundi sa lahat ng kanyang ka-grupo. Dapat may Accountability din ang bawat isa. Hindi lang tayo responsable sa ating sarili kundi sa ating team. Dapat bawat isa’y informed, o nabigyan ng babala o imbitasyon, kong sakaling may meeting . Kapag may nakalimutan ang isa kailangan itong paalalahanan, ng iba pang membro, . Kung pumalpak, magre-reflect ito sa atin.
Dapat alam natin kung saan tayo magaling at dapat relative ito sa kakayahan ng iba. Ito ang tinatawag nilang conflict management o pamamahala. Dapat bawat isa ay may ginagawa at alam kung ano ang kanyang tina-trabaho. Kung may hindi nalalaman, dapat alam kung sinong lalapitan. Hindi dapat mag-magaling ang isa, na kunwari ay alam, na palpak naman, sabi nga nila, ang pagsasabi ng totoo ay pagsasama ng maluwag.
Ngunit tandaan kaibigan, kung ang isang tao ay may talento at enthusiasm ngunit walang oras para magtrabaho, mababalewala ang lahat ng ito. Ang mahalag kaibigan ay ang availability ng bawat miyembro ay kailangan para makatrabaho bilang isang ka-teamwork mo. Kung ang isa ay wala, sinong gagawa ng kanyang trabaho? Dapat identified natin kong sino ang hindi available. Hindi lang free-time ang punto sa work-ability na ito. Dapat present din ang adaptability. Dapat naroon ang expectation ng bawat isa sa ibang possibilities na mangyayari at alam kung paanong kumilos hinggil dito.
Ang ‘understanding’ sa members ng team ay kailangan upang ang bawat miyembro ay makapagtrabaho ayon sa kanyang abilidad. Kailangan ang membro ng team ay maging open sa bagong ideya, o suhestiyon. Dapat may kapabilidad tayong maintindihan ang bawat isa. Halimbawa sa opisina, kinakailangan maintindihan mo kayo ay iba-iba ng gender, my babae at lalaki.. na iba iba kayo ng kultura at kaugalian.. kasa ma na ditto ang pananampalataya.. Magkaroon ng bukas na komunikasyon upang maging malinaw sa lahat ang bawat proyekto o adhikaing aabutin.
Matuto tayong respituhin ang iba, ayon sa kanyang kultura, at paniniwala, nang sa gayon ay naroon din ang respeto nila sa atin. Sa brainstorming, dapat naroon ang laya ng bawat isa na ipaalam ang kanyang opinyon ukol sa isang trabaho nang walang halong pang-iinsulto o pambabastos. Matutong makinig at maging malumanay sa pagtutol sa isang opinyon.
Ito ang final key in working bilang part ng isang team. Higit pa ito sa enthusiam. Ang intensity na ito ang mismong nagtutulak sa atin para kumilos tayo at matapos ang isang trabaho.
Ito ang kateamwork, sa inyong programang Buhay-buhay sa DXUP sa segment na Nakaka… your teammate.. Kaka Alih ng DXUP.. thank you and Wassallamu Alaikuwarahmatulahi wabaakatuh.
(EXTRO-NAKAKA)


