DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Sari-sari Store

Sari-sari Store

July 7, 2010

 

(July 7, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Nancy– “Sari sari store ang pag-uusapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka Kaya inaayayahan namin kayong bumili este makinig sa ating segment.”

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: “Mga Suki!!!!!Bukas na po kami.. bumili na kayo…(LAUGHING)… Ang Sari-Sari store ay isang convenience store na matatagpuan sa Pilipinas . Ang term na Sari-Sari ay wikang Pilipino na sa ibang kahulugan ay “iba’t ibang” or in English of course “variety”.

Ang ganitong hanapbuhay o negosyo ay karaniwan mo ng makikita sa mga kanayunan,at kong sa kabayanan, kung minsan kahit na sa bawat kalye may sar-sari store.

Karamihan sa Sari-Sari na mga tindahan ay mga personal na pag-aari, karaniwan ay nakalagay saextension ng tahanan at ang tindero at ang namamahala ay ang may-ari mismo ng bahay.

Ang karaniwan ay may maliit na bintana na may pinto at dito idinadaan ang binili at pangbayad. Karamihan din ay may pahabang upuan o bench sa harapan para upuan ng mga umiinom ng softdrinks o alak  habang nagtsismisan. Ang regular na tanawin ay nakasabit lang ang paninda na nakalagay sa mga  supot. 

Napansin mo ba Nancy na kadalasan sa mga sar-sari store ay hindi umaabot ng isang taon ay bankrupt na o wala ng paninda, bakit?

 Iyan ang ating pag-uusapan may friend bakit? Kaya ikaw na nakikinig makishare naman sa amin, sa ating talakayan ng sari-sari store.

(PLAY PLUG- HUWAG HARANGAN ANG DAANAN)

“Ang tanong sa atin minsan ay ganito magkano daw ang dapat na puhunan niya sa sari-sari store dahil sabi ng anak niya na nasa abroad magpatayo daw siya, para hindi na siaya magtrabaho sa bukid.

Sabi ng isang kaibagan natin sa facebook ng itanong ko ito ay ganito ang sagot: “Kaka Ali pwede siyang mag start ng 5k (anong ibig sabihin ng 5K? – P5,0000) hanggang 30k. Depende sa padala ang anak mo. But make sure na alam nyo kung saan mura ang bilihan o kumprahan.”

Alam mo ba pare na dito sa Upi o sa Nuro ay maraming kumprahan, maghanap ka ng suki.. diyan sa public market sa Amerah at Carino Store. (LAUGHING)

May nagtext: (Magbasa kunwari sa phone)  Mga anong paninda ang ititinda ko Kaka Ali?

Eh di katulad sa iba Sigarilyo, Chichirya ( malakas ung mga tigpipiso nito), diapers, softdrinks, beers (malakas to sa Christian community) biscuits, candies, can goods (eg. corned beef, beans, condensed pwedeng huwag paramihin para di mashort ang capital pwedeng, ¼ dozen 0 3 each for all sizes. Dagdag ka na rin ng Energy drink,(marami ngayon ang naghahanap, alam mo na..)  breads, chicharon, sugar, chocolate drink, coffee, tuyo, suka, ketchup, straw, mineral water, notebooks, bondpapers, glue, wax…. hay naku halos lahat na. Kong magpapabili ka tsinelas dapat in all sizes din! Alam mo ang ng maganda sa kumpleto, bumabalik lagi sa inyo ang customers, lalo kong may kalaban na tindahan.

Kung wala kayo, sa hinahanap ng customer, tell them naubusan na kahit ang totoo hindi pa kayo nakabili, para mapaniwala mo siya na kumpleto ng paninda ang sar-sari store ninyo, dahil pag di kumpleto baka hindi na sarisari store yan, kay department store na (LAUGHING) , pero put it in your list na bibilhin nyo sa susunod na pagkumpra ninyo. Pero of course, check nyo muna kung marami ba naghahanap noon.

Huwag din daw kalimutan….Cellphone Loads syempre. ITO DAW ANG USO NA NEGOSYO… Dito kailangan mo ang 4k na puhunan labas pa ditto ang celphone bilang loader, mabuti pa itemize natin ang capital ditto: 2k for globe/TM and 2k for smart/Talk & Txt sa phone pwede na ang 1k each so equals 2K. Mas maganda may separate book kau dito para alam nyo tubo nyo at hindi magulo.

REMINDERS DAW: Ang importante ang PR and syempre ang presyo di dapat mataas. Sa akin naman kahit wala kang kalaban wag mo naman masyado taasan presyo, katamtaman lang dapat kasi kahit ilang bagong tindahan ang nag silabasan kung maganda ang reputation mo sa mga customer mo tiyak dadayuhin ka pa rin nila dahil alam nila na di ka mapagsamantala.

Tama nga yan, ngunit ingat din kuwento ng kaibigan natin.. dati daw nagnenegosyo sila ng softdrinks, yes kasi   dealer sila ng softdrinks at beer malakas naman daw kaso madalas nahihiram yung basyo/case, at mga kamag-anak at kaibigan ang mga tagadoon  so nahihiya na hindi magpahiram, most of the time sila pa ang pumupunta sa nanghiram para kunin, sa kanila ang mga basyo ng bote.. alam ko Kaka Ali bwisit na bwisit ang nanay ko kaya hayun tumigil sa pagtitinda si nanay.

Tungkol sa tanong bakit maraming sarisari store na ngayon ay andiyan bukas wala na, ito ay dahil sa ugali nating mga Pilipino, pag nakita natin na may bago sa kapitbahay ay pilit nating ginagaya, nagpatayo siya tindahan patayo Karin, di mo na inisip na sino pa ang bibili sa iyo, eh di Kaka mga kamag-anak ko.. eh papano iyon kamag-anak niya rin ang kamag-anak mo, magpinsan naman kayo.. eh di hati kami kaka ng customer, papaano yan nagpatayo din ang isa ninyong kamag-anak..eh di hati-hati na kami… hanggang sa lahat na ay may sari-sari store sa Barangay.

May iba naming kuwento, iyon isa kaya nagpatayo ng tindahan ay dahil sa sama ng loob, dahil minsan na mag utang hindi pinautang …kaya hayun … ipinagmalaki.. pagnagkapera kami.. magpapatayo rin kami ng sari-sari store tingnan natin kong di mamamatay ang tingdhan ninyo dahil ako mura at magpapautang di tulad ninyo.. kaya hayun sabay silang nabancrupt ..(LAUGHING)

Ang sabi ni Lucy ang law on “Supply and demand” ang pag-aralan kong magpapatayo ng ano man negosyo…kong magpapatayo ba ako ng tindahan, sinong bibili sa akin? Gaano sila karami?
Ang sabi ni Rose Langcuas: “Huwag gastusin ang capital, wala ka ng pang-rolling, kong sakaling kukuha ang ganansiya lang .. ngunit magtira ka rin para lumago naman ang sari-sari store”…

Bweno bankrupt na kami (LAUGHING) …este gahol na tayo sa panahon kaya pansamantala isasara muna natin ang pinto n gating tindahan… (LAUGHING) segment ng ating programa.. sukran Wassallamu Alaikum.

Posted by dxupfm at 7:12 am | permalink

Previous Comments

anong biscuit ang nakakagamot ng karamdaman

Posted by camille altezo at February 13, 2012, 6:09 pm

Add a comment