DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Mga Kasabihan at Paniniwala ng mga Matatanda, Naniniwala ka ba o hindi?

Mga Kasabihan at Paniniwala ng mga Matatanda, Naniniwala ka ba o hindi?

July 8, 2010

(July 8, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose Mga Kasabihan at Paniniwala ng mga Matatanda, Naniniwala ka ba o hindi? Ito ang pag-uusapan ni  Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih:  “Ako Kaka Alih depende.” sagot ng isang guro na tinanong natin. Heto mya karagdagang pa siyang paliwanag: “…..may mga kasabihan o paniniwla ang mga matatanda  na nagpapatotoo dahil sa kanilang mga naranasan na sabuhay, pero karamihan sa mga ito gawang isip at haka haka lamang, kaya dapat balansehin na lang natin, ika nga eh observe mo muna, kung di naman makakasama bakit hindi mo sundin, wala namang mawawala…diba? nasunod mo pa sila at din a sila magtatapmpo, matampuhin pa naman ang mga lolo at lola”..(LAUGHING)

Heto pa ang isa Leny: “Dapat lamang nating igalang ang mga matatanda  o nakakatanda. Malawak ang kanilang karanasan sa buhay at marami nang napagdaanan. Ngunit di lahat ng kanilang sabihin o gawin ay tama… Pulutin lamang ang tama at itapon ang mali…” Tama ka kaibigan, ano ba itong pinagsasabi natin heto ang mga halimbawa, makinig at saka ka magsabi na naniniwala o hindi.

 

1)    Kapag nahulog ang kutsara kapag ikaw ay kumakain, ikaw ay magkakaroon ng bisitang babae.  Kapag tinidor ang nahulog, lalaki naman ang bisita, samantalang kung kutsarita, isang bata ang bibisita sa iyo. Kaya ako Leny pag kumakain, nagkakamay na lamang ako dahil takot akong magkaroon ng bisita eh hahatian ko pa siya sa kinakain ko..   (LAUGHING)

2)    Ang babaeng palipat-lipat ng upuan habang kumakain ay magkakaroon ng maraming manliligaw.. ganoon? Kaya pala iyong isang matandang babae na nakita ko na kumakain palipat-lipat.. pero alam mo Leny napag-alaman ko tumadang dalaga.. (LAUGHING)

3)    Kapag ikaw ay kumakain ng maraming sibuyas, ikaw ay magiging palikero o palikera.  (LAUGHING)…

4)    Ang pagkain ng maraming papaya sa araw-araw ay magpipigil sa iyong pagnanasang sekswal.  (LAUGHING)..  kaya pala wala ng binibinta sa palengke na papaya..aat ito ang dapat ituro ng DOH na itanim para makasupport sa Reproductive Health..

5)    Kung ikaw ay biglang nabulunan habang kumakain o nakagat ang iyong labi, mayroong taong nakaalala sa iyo sa malayo, o di kaya ay kanyang nasasambit ang iyong pangalan.  Upang malaman mo kung sino siya, agad kang humingi ng bilang o numero sa mga taong kasama mo habang kumakain.  Ang bilang o numero na ibibigay sa iyo ay gamitin mo sa pagpili ng letra.  Ang letrang papatak sa bilang na ibinigay sa iyo ay ang unang titik ng pangalan ng taong nakaalala sa iyo. 

Ito po ang inyong kaka Alih na matanda na.. (LAUGHING)…Sukran Wassalam..

Posted by dxupfm at 7:14 am | permalink

Previous Comments

hahaha

Posted by ceejay at June 16, 2011, 7:14 pm

hahahaha.. nice

Posted by kaneesha at September 20, 2011, 7:21 pm

putangina MO.. ! ang KOnri mo dude ! mamatay ka na ! kantutin mo nlng ako.. ! para may magawa ako !

Posted by kaneesha at September 20, 2011, 7:23 pm

omg”"”"”napaka bastos naman ng last na nag comment d2 b4 me…………….

Posted by monica at October 20, 2011, 4:47 pm

Add a comment