Pakikipag-usap sa Kapuwa
July 12, 2010
(July 12, 2010– Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: “Walang taong nasa katinuan ang hindi nakaikipag-uganayan o communicate sa kanyang kapuwa, ang tanong natin ay Papaano ka ba makikipag-usap sa iyong kapuwa? Samahan ninyo kami kaibigan sa ating segment na nakaka…..”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Ang pakikipag-usap sa kapuwa ay mabibilang sa sining o art. Ano ang ibig sabihin ng sining?
Ang sining kaibigan ay ang pagsasagawa ng maayos na gawain, kaya naman ang pakikipag-usap ay itinuturing na isang sining, sa kadahilanan, ang pagkikipag-usap ng isang tao sa kanyang kapuwa ay dapat na madaling maunawaan at nakapagbibigay din ng aral. Samakatuwid, dapat ang pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan
Likas na ating mga tao (sabi na Kuya Kim kahit mga hayop ay nag-coccomunicate din) ang pakikipag-usap. Ang pakikipag-usap ay magagamit sa ibat-ibang layunin. Magagamit ito sa iyong pagtatalumpati, pagdedebate, pagbibigay ng pahayag, saloobin damdamin, at of course sa panliligaw sa iyong dilag na nililiyag..(LAUGHING) at instrumento sa matagumpay na pagtuturo upang malaman ang mga kamalian at wastong pananalita.
Alam ba ninyo na may mga taong mahusay na kausap at may mga tao din na walang talento? Salita ng salita wala namang kalaman-laman ang sinasabi, napansin mo ba iyon Leny?
Lenyrose: “Kaka Ali kung minsan ay nawawala na sa paksang pinag-uusapan. Out of topic na…..(LAUGHING)
Kaka Äli: “Napasin ko yan Len, kong tayo ay makikipag-usap sa simuman ay dapat mahalaga ang paksa ibig sabihig ay may value, o may halaga sa iyong kausap. Kailangan makuha mo ang atensiyon ng iyong kausap (kong hindi ikaw ay kahiya-hiya, at bakit hindi ka niya pakinggan, at ikaw naman na kausap, di man maganda ang topic ng kausap makinig ka lang–..(LAUGHING)) at kailangan kawili-wili ang mga topikong inyong pinag-uusapan. At para di ito mangyari na hindi ka napapansin o mawalan ng gana ang kausap, pagsasanay at pananaliksik ang kailangan upang magkaroon ng kasanayan sa pagsasalita ang isang tao.
Sa mga Bangsamoro may mga itinuturo noon (bakit noon? Dahil tila baga hindi natin napapansin sa mga kabataan sa ngayon) ang mga matatanda sa kanilang mga anak, narito ang ilan mga magagandang kaugalian nila sa pakikipag-usap na kanilang itinuturo sa kanilang mga anak:
1. Sanayin ang iyong sarili sa pakikinig, trained your self in listeneing kaysa ikaw ang salita ng salita, (na wala namang nakikinig); ..(LAUGHING)
2. Pag-isipan ng maigi ang mga sasabihin (kong pwede pa isang daan beses pag-isipan- ..(LAUGHING) at iwasan sabihin ang hindi mo naman alam,;
3. Huwag itaas ang tono ng inyong boses, (pero kong may sira ang eardrum- pakivolume mo naman) makipag-usap ng malumanay, kaaya-aya o yaong tamang tama na maririnig ng iyong kausaap;
4. Huwag putulin ang sinasabi ng iyong kapuwa habang siya ay nagsasalita, hayaan matapos ang kanyang gustong ipaliwanag; (dahil kong sa VHF pa yan mag-splatter ..(LAUGHING)
5. Iwasan na masabi mo ng diretsahan ang kanyang kamalian at kong sakaling hindi maiiwasan na dapat na ituwid ang sinasabi nito ay gawin sa isang matalinong pamamaraan o yaong bang positive approach;
6. Hanggat maaari paunahin mo siyang magbigay ng kanyang gustong pag-usapan, kong sakaling kinakailangan na ikaw ang mauna ay sigoradohin na magugustuhan niya; (kaya dapat alam mo ang paborito niyang topic)
7. Huwag ipilit ang tamang alam mo, bigyan din siya ng panahon na makasali siya sa mga paliwanag mo;
8. Iwasan ang paglibak sa kapuwa, dahil maaaring magduda siya sa iyong pagkatao;
9. Kong una pa ninyong pagkakakilala, iwasan na mapuri mo ang iyong sarili, baka mapagkalamalan kang mapagmalaki o hambog;
10. Kinakailangan ang magamit na salita o lengguwahe ay alam ng kausap mo’;
11. Huwag magbanggit ng mga personal na bagay sa loob ng inyong tahanan, kahit na ang kausap ay matagal ng kilala, dahil ipinagbabawal ng Islam ang pagbubunyag sa ginagawa ninyong mag-asawa.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam..


