DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Bawal Umihi Dito

Bawal Umihi Dito

July 14, 2010
(July 14, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “Ang pag-ihi nating mga Pinoy kong saan-saan, sa tabing kalsada, sa mga pader sa mga building, lalo na ang mga kalalakihan, umiihi kahit saan.. kahit na may nakasulat na bawal umihi dito sa pader, Kaya kong minsan may natagtanong: nasaan na ang good manners ng mga Pinoy? Buweno samahan kami dahil Ito ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segmet na nakaka..

(NAKAKA- INTRO)

Kaka: Napansin ba ninyo ang mga nakasulat sa mga pader na “Bawal umihi dito sa Pader?
Kong hindi mo napansin, pumunta ka sa mga Lungsod kong minsan, o kaya bumaba ka dito sa Nuro, tiyak makakita ka ng mga sinsabi natin…Kong Malabo ang mata mo o medyo hindi ka makabasa don’t worry basta may pang-amoy ka madedetect mo.. (LAUGHING).. Kong ikaw ay may pang-amoy (pa) ay tiyak maaamoy na mapanghi sa lugar na ito.

Napansin din ba ninyo na ang puno sa tabing kalsada ay naninilaw na ang kulay ng balat nito? pati na ang mga damo na malapit dito ay naninilaw na rin at tila binombahan ng clear out? Lapitan ninyo at makakamoy kayo ng mapanghi. Bakit? Lahat kasi ng dumaraan ay binobombahan, na di naman fireman. (LAUGHING)..

Heto pa … napansin ba ninyo na pag humihinto ang sasakyan lahat ng pasaherong lalaki ay bumababa at pupunta sa gilid ng kalsada at tatayo hahawakan ang zipper ng pantaloon. (LAUGHING).. syempre iihi..

Pagkatapos ilalabas si manoy.. (LAUGHING).. hahaha… umihi pala.. at of course ang favorite na puwesto punong kahoy.

“Bakit hindi marunong mahiya ang pinoy?” tanong ng isang retiradong maestra.

Oo nga maam, napansin ko din iyan, bakit kahit saan abutan ang Pinoy basta may pader o puno ok na…sigoro iyan ang impluwensa ng mga aso sa tao? bumabaho tuloy ang mga pader sa kalye..lalo na sa may mga waiting shed.

Kaibigan alam ba ninyo na marami ng bayan o lungsod ng Pilipinas ang may ordinansa na bawal umihi kong saan-saan (ang siste lang dito ay hindi naipapatupad ng otoridad nila) indi ko rin kasi alam kong sino ang magpapatupad nito? Pulis,? dyanitor,? sweeper? Kayo sino ang dapat magpatupad nito?
“Kaka Ali, Ang kawawa kaming mga babae” sabi ng isang pasaherong babae na nakasabay natin.
Bakit naman maam kayo kawawa?

“Papaano kayong mga lalaki ay pwedeng umihi kahit saan papaano na kaming mga babae kong walang palikuran o comfort room?” dagdag ni Maam.

Kong kagandahang asal ang pag-uusapan ay walang pag-ibahan ang lalaki at babae.

Sa kaugalian at manners and etiquette in Islam o magandang kaugalian ay ipinagbabawal sa Muslim na lalaki at babae na umihi kong saan-saan. Papaano?

1. Una, umihi sa lugar na hindi ka nakikita ng publiko, ibig sabihin bawal yaong kaugalian na tatabi lang sa gilid ng kalsada at binuksan na ang gripo…(LAUGHING).. Yes kailangan lalaki man o babae, magtago kong mag-ihi.
2. Next.. hugasan ng tubig si manoy o si manay.. pagkatapos umihi.. hindi pwde ang uyog-uyog lang pare koy…

(LAUGHING)..
3. Bawal din ang umihi sa mga puno, sa mga butas ng mga laman lupa..tulad ng butas alimango.. at iba pang hayop na nakatira sa ilalim ng lupa.
Gayahin natin si Ustadz, basta may lakad, tiyak may dalang tubig, na nakalagay sa empty bottle ng cologne… ang ganda nito ng aking gayahin.. ang aking boss nakishare sa akin.. pero iba siya pinahid sa kanyang braso… nagpasalamat pa sa cologne..
(LAUGHING)..

Sa ibang bansa mahirap kang makakita ng pader na iniihian..kong mayroon daw.. tiyak may kababayan na napadaan doon.. (LAUGHING).. dito lang talaga sa Pilipinas ang umiihi sa pader.. nakakahiya ka Pinoy…Magbago ka na!!!!

Sa ibang bayan, (napansin ko ikaw napansin mo?) naglalagay sila ng mga comfort room sa mga strategic location sa mga tabing kalsada.. pero kong minsan may bayad dalawang piso usually ang problema nito papaano kong walang sinsilyo o walang sukli… matitiis mo ba .???. (eh di sa pader na lang Kaka Ali)
(LAUGHING)..

Bawal umihi sa pader.. hindi na kailangan kong may mga public urinary room tayo…at higit sa lahat isama sa pagtuturo ng mga kabataan sa paaralan at tahanan bilang magandang kaugalian o good manners and etiquette.

Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ihiian sa pader.. ((LAUGHING).. itutuloy natin ito sa Lunes.. pero hindi ihi kundi…(LAUGHING).. basta abangan na lamang ninyo kami sa Lunes…
Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by dxupfm at 11:54 am | permalink

Add a comment