DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Kalikasan at Kapaligiran Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi

Kalikasan at Kapaligiran Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi

July 16, 2010

 

(Script na muling isinulat ni Alih Anso -para sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” (July 16, 2010) sa segment  na “Nakaka” na ang   Host ay si   Lenyrose Bajar at segment writer/presenter-  Alih Anso

Ang orihinal title nito ay Pangalagaan ang Kalikasan Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi at naipost natin sa ating dalawang site/blog na:  http://dxupfm.i.ph/blogs/    & http://dxup.multiply.com  )  noong Enero 1, 2009, at as of July 16, 2010 ay may “hits”  ng 9,927 at  marami ang nagpost ng kanilang comments at ang iba ay ininagdag natin sa ating revision)

Lenyrose : – Sa muli ang pag-uusapan natin sa ating segment na nakaka   ay tungkol sa Kalikasan. Bago ilahad ni Kaka Ali ang ating segment writer at presenter ang usapin sa kalikasan at kapaligiran ay may  tanong para sa iyo kaibigan.. Bakit  sa tuwing maririnig    ang salitang kalikasan ay  nailalarawan kaagad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?

 (Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Bago ko ilahad ang kabuuan n gating sinulat ay ibigay ko muna ang maikling background ng ating topic ngayon. Ang orihinal nitong ating articles/script ay may title na  Pangalagaan ang Kalikasan Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi at naipost natin sa ating dalawang site/blog na:  http://dxupfm.i.ph/blogs/    & http://dxup.multiply.com  )  noong Enero 1, 2009, at as of July 16, 2010 ay may “hits”  ng 9,927 at  marami ang nagpost ng kanilang comments at ang iba ay ininagdag natin sa ating revision.

Ang tanong ni Lenyrose kaniana ay “Bakit  sa tuwing maririnig    ang salitang kalikasan ay  nailalarawan kaagad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?

Mamaya masasagot natin ang katanungan na iyan at bukas din ang mga mobile numbers natin kong kayo ay mag-bibigay ng comments.

Heto ang unang sagot sa katanungan, pag narinig natin ang kalikasan o nature ay Nag-rereplek  sa ating isipan ang mga panahon na buhay na buhay pa ang ibat-ibang nilikha ng Panginoon ditto sa ating daigdig o mother earth?  Na punong-puno ng  iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian ng Diyos.

Ang katotohanan nito ay  ang kapaligiran natin noon dito sa bayan ng Upi, di ba sa una  ay sagana tayo sa mga likas na  yaman, mga kamamanghang tanawin na nagpapangiti sa ating mga magulang lalo na ang ating mga Ninuno na sina Tabunaway at Mamalu. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Kadnan o Alatala (Diyos) dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa tao, at sa buong sangkatauhan.

Sino ba naman ang hindi   hahanga sa ganitong tanawin.   Paano nga ba hindi ka  mahahalina sa iyong kapaligiran, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng inyong  mga pangangailangan upang mabuhay   ay abot kamay mo? Gusto mo ng ulam na tapang karne ng usa sagana, gusto mo ng ubod ng rattan nadiyan lang sa tabi ng ating bahay kubo na sa paligid nitoy sari-saring halaman na ang ibay sadya o natural lamang na tumutubo.

Ang tanong nasaan ang likas na yaman ng ating kapaligiran?

Wala na bang pag-asa ang angkan ni Mamalu at Tabunaway na maibalik ang kasaganaan at kagandahan ng kapaligiran?

Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago? Isang pag-babago na siyang sumira sa ating kapaligiran, sa siyang sumira sa ating  kalikasan na ito pa nman ang nagbibigay sa atin ng buhay.

Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa atin, kasama na ang buong mundo..

At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, mga saksing nagbubulag-bulagan, na kunwari ay di natin alam ang nangyayari  sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Na ang dahilan ng pagkawasak ng kapaligiran ay tayo ( tayong mga  Tao) ang naging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.

Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, “Papaano,? ”  nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan?

Ito ba ay dahil   sa pagbabago (modernization)?; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?

Hindi kaya ang dahilan ng pagbabago na humantong sa pagkawasak ng kalikasan ay dahil nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya?

Dahil ba sa gumagamit tayo  ng makinarya, sa pamumutol ng kahoy gumagamit na ng chain saw, na kaya ng putulin ang daan-daang puno sa isang araw na lamang?

Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin.  Gumagamit tayo  ng langis sa ting mga makina, na nagbubuga ng usok, usok na nakakapagdulot ng sakit sa tao.

Hindi din kaya, na kaya mabilis ang pagkasira ng kalikasan ay kabilang din ang pagtaas ng bilang n gating populasyon (population explosion) na   dumami ang tao, syempre kasabay din ang pagdami ng mga umaasa at gumagamit sa mga kayamanang mula sa kalikasan.

Sadyang nakakalungkot   isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan.

“..sana malaman ng maraming tao na ang kalikasan ay siyang pinag kukunan ng ating pang araw-araw na pangangailangan” .

(Comments Posted by jhong at June 28, 2009, 9:17 pm)

 

Jhong, pagtulung-tulungan natin na mapaabot sa mga mamamayan na ang kalikasan ay mahalaga, hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin an gating salin-lahi (next generation).

“…kung mauubos na ang ating mga likas na yaman paano na ang mga susunod na mga henerasyon? “

(Comments  and  Posted by kenneth at July 12, 2009, 10:04 am)

Ang explanation ng isang lecturer  ang dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan ay dahil sa  Kaingin system- Ayon sa kanya:

“Landless farmers tend to engage in shifting cultivation unless they are provided with their own land. These landless farmers belong mostly to ethnic or tribal groups which practice upland farming. Along steep slopes of mountains, they clear large areas of forests to grow crops. trees are burned to clear forest. Once cleared, the area is used to grow crops. They burn trees and plant agricultural crops. This method of agriculture is generally referred to as kaingin in the Philippines. In two or three years, the soil loses its fertility. The farmer moves on and makes another clearing without replanting the used land with forest trees.”

Ngunit hindi natin basta masisi ang nagkakaingin may mga dahilan sila: “..ito lamang ang aming tanging kabuhayan na nakagisnan, kong ipapatigil ito sa amin papaano pa kami mabubuhay, papaano kakain ang aming mga anak?”

Iba naman ang pagtingin o pagtanaw ng mga environmentalist:  

  • “Ang kanilang pamumutol o paghahawan ng mga punong kahoy sa kagubatan  ay dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon kong ano ang  magiging epekto pag nawala na ang mga punong kahoy.” Pagtatanggol ng isang retiradong guro.
  • Dapat malaman ng mga kaingeros na ito na magkakaroon ng pagka-agnas (errosion) ang lupa.
  • Dapat  maipaintindi sa kanila na mawawalang ng mga tahanan ang mga hayop, ibon at iba pang may buhay na nainirahan dito,
  • Dapat maipaunawa sa Pagwala na ang puno, mawawala din ang tubig dahil ang puno ang siyang pansamantalang humahawak sa tubig, at dahan dahan itong ilalabas sa panahon ng tag-init.

Ayon sa Texter natin: “Dapat makipagtulungan ang mga paaralan, bago mag-graduate ang kabataan makapagtanim muna ng mga punong kahoy”. Ayon sa sa Texter  dapat na magsagawa ang   goberno ng mga livelihood project, upang doon mapunta ang atensyon ng mga tao.

At ang sa parte ng ito ng ating sinulat ay may nagcomment ayon sa kanya:

“..alam po nating maraming nagpuputol ng mga puno.. sang-ayon po ako sa pahayag na dapat ang mga bata sa bawat paaralan ay dapat magtanim ng mga puno bago cla maka-graduate.. dapat po sanang gawin ang gawain at proyektong iyon para sa ikabubuti ng lahat din po iyon…….. by janika cuenca

(Comments Posted by janika at July 18, 2009, 7:34 pm)

 

Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.

Ayon kay  Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan  subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.

Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng ating  “Inang Kalikasan”.

Likas na Kalikasan, na minahal at inaruga ng ating mga ninuno. Kalikasan na siyang bumuhay sa kanil sa mahabang panahon.

Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang dating kagandahang taglay ng ating kalikasan sa Upi para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!

Bago ko ito tapusin ay babasahin natin ang ilang sa mga naipost na comments:

“..sana malaman ng maraming tao na ang kalikasan ay siyang pinag kukunan ng ating pang araw-araw na pangangailangan .”

(Posted by jhong at June 28, 2009, 9:17 pm)

dapat prin nyng pangalagaan ang mgaito upang maipagmalaki natin ang kagandahang tinataglay nito”

Posted by miriam at July 5, 2009, 2:11 pm

kung mauubos na ang ating mga likas na yaman paano na ang mga susunod na mga henerasyon?”

Posted by kenneth at July 12, 2009, 10:04 am

“alam po nating maraming nagpuputol ng mga puno.. sang-ayon po ako sa pahayag na dapat ang mga bata sa bawat paaralan ay dapat magtanim ng mga puno bago cla maka-graduate.. dapat po sanang gawin ang gawain at proyektong iyon para sa ikabubuti ng lahat din po iyon…….. by janika Cuenca”

Posted by janika at July 18, 2009, 7:34 pm

“ang ganda po nito napaka inspirational sana maraming mag aaral ang magbasa nito para matutunan nila na masamang epekto na ginagawa ng tao sa kalikasan…”

Posted by gRaCe at September 2, 2009, 5:24 pm

“…dapat natin isa alang alang ang magiging epekto ng patuloy na pagkasira ng ating kalikasan, na kung saan gawa ng tao ang pagkasira nito.

dapat nating isipin kung wala na ang ating likas na yaman san pa tayo kukuha ng ating pang araw araw na pangangailangan, kaya dapat pag ingatn natin ito at pahalagahan ang bigay ng ating mahal na diyos.”

Posted by carmel benito at October 6, 2009, 10:22 pm

“anu ba 2.. d mgnda WALANG KWENTA.. kaylangan ko kasi kwento ng kalikasan ehh..”

Posted by supladangcripzngbangkal at October 8, 2009, 6:41 pm

Good forgive, Mans sometimes forgive, But natures never forgive”

Posted by james at October 17, 2009, 4:56 pm

“dapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran para umunlad tayo”

Posted by andrea liz j. mendoza at October 22, 2009, 11:49 am

“tayo ay magtulong-tulong upang hindi tayo masawi sa anumang piligro sa ating buhay”

Posted by andrea liz j. mendoza at October 22, 2009, 11:50 am

tayo ay magkaisa sa paligid upang luminis ito”

Posted by alyssa joyce j. mendoza at October 22, 2009, 11:52 am

“pagkakaisa po dapat ang ating gawin..pra nman po hindi masira ang ating kalikasan..dahil dito po tayo nkuha nang ating pangkabuhayan at iba pa..”

Posted by angelica may dumaraos at June 28, 2010, 5:13 pm

“dapat lng dahil gaganda ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at iba pang mga gawain na nakakatulong upang gumanda ang kalikasan”

Posted by annalie abenoja at July 6, 2010, 7:50 pm

“ang pagkasira ng ating likas na yaman ay isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa kasi related ito sa ating ekonomiya … tama?!”

Posted by yumiel_o07 at July 12, 2010, 10:58 pm

Ang iba ay hindi na natin isinali dahil irrelevant.

Ito po ang inyong nakaka na segment writer na si Kaka Ali, sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 6:46 am | permalink

Previous Comments

…….wag natin abusohin ang kalikasan dahil grabe ito kapag gumanti……..

Posted by Andrew V. Relato at August 8, 2010, 3:19 pm

Share what you learn with everyone, and make it our new standard.

Posted by juicy couture outlet at December 30, 2010, 2:33 pm

Add a comment