DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 19. July 2010

Paghahanda ng Isang Salo-salo sa mga Bisitang Iba-ibang Relihiyon

July 19, 2010
   

(July 19, 2010-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose: Papaano mo iipunin sa isang salo-salo (Party)  ang mga kaibigan na  iba-iba ang relihiyon  at ang kulturang nakagisnan? Samahan po ninyo kami sa ating segment na nakaka dahil iyang sasagutin ni Kaka Ali….

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih:Sa iyong ihahandang kainan o  salo-salo   para sa mga  kaibigan o kapatid  mong Settlers na Christian, na may Romano Katoliko, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist at iba pang Christian denomination? Imbitado mo rin ang mga kapatid na  Bangsamoro na Muslim? Ang mga kaibigan na Talaing’d o T’duray? Ano ang dapat mong gawin? Papaano ka maghahanda, ano ang mga pagkain na ihahanda mo?

 

Lenyrose: “Ako Kaka Ali maghahanda ako ng mga masasarap na pagkain, para sa mga bisitang kaibigan”

 

Kaka Alih: Agree Leny tulad ka rin ng kapatid nating Teduray, heto ang sagot niya sa tanong natin: “Maghahanda ako Kaka, ng ibat-ibat putahe na gusto nila, at paghihiwalay ko sila ng mesa, kasi ang iba hindi magkain ng baboy”.

 

Teka muna, ang maganda sigoro, itanong muna natin, bakit ka naghahanda ng salo-salo?

 

“Naghahanda ako para lalo kaming magkalapit-lapit ang aming mga damdamin, iyon bang tinatawag nilang “bonding” o close family ties.” Sagot niyang muli.

 

Tama ka kaibigan, kahit ako ganyan  din ang aking layunin sa isang salo-salo, upang magkaisa at magkaintindihan at may ibat-ibang paniniwala at kultura, ang term nila ditto ay “get-together party”.

 

Alam ko marami kayong strategy sa mga ganitong pagkakataon ngunit may nainterview tayong  isang experto sa ganitong mga pagkakataon at nagbigay ng mga pointers sa atin. Ayon sa kanya:

 

  1. Una mong dapat   alamin ang paniniwala at kultura ng bawat isa sa mga kaibigan mo at of course ang sa iyo rin paniniwala at kultura at kaugalian, dahil may mga taong mahalaga sa kanila ang kultura at kaugalian na nakagisnan.
  2. Pangalawa, may konting sakripisyo o pang-unawa.   Halimbawa sa pagkain, ang paboritong mong karne hindi mo muna makakain dahil ang mga kaibigan mong Muslim hindi kumakain ng Haram na mga pagkain, tulad ng baboy at ano mang nahaluan ng laman at hindi rin uminiinom ng alak na makalasing. Sa mga T’duray hindi kumakain ng manok na hinaluan ng kalabasa o itlog at kalabasa na pinaghalo-halo .

Ayon sa listeners natin ng pag-usapan ang ganitong topic: “Papaano Kaka Ali kong isang Bangsamoro na Muslim ang may handaan at nag-imbita ang mga  kapatid o kaibigan na Settlers na Kristiyano, at alam nating lahat na ang kanilang handaan ay di nawawala ang litson at alak, ang tanong ko ay maghahain ba ako ng ganoon pagkain?

 

Ang kasagutan ko kaibigan sa tanong ay hindi at No. (LAUGHING)

 

Please don’t laugh, ganito kasi iyon Kaibigan, dahil sa relihiyong Islam ay haram ang baboy at Khamer o alak na makalasing, dahil parehong   kasalanan ang uminom ng alak na makalasing, at hindi lamang ang uminon ang magkakasala sa Allah, pati na  ang nagpabili, ang nagbili at ang gumawa ng alak, ang ibig sabihin nito ay  lahat ng may kaugnayan kong bakit nainom ang alak.  Ang  gumawa alak na makalasing ay may malaking  kasalanan din.   

 

“Kong ganyan pala Kaka Ali, ang batas ng Islam  ay maghahanda na lamang ako ng inumin na pwedeng inumin ng lahat, halimbawa, native na coffee, o dili kaya ay tea, dahil ito naman ay common na inumin ng mga kababayan natin.” Malumanay na sagot ng aking best friend.

 

  1. Kong isa kang  Settler na Kristiyano, dapat maintindihan ang kapatid na Bangsamoro o T’duray, lalo na sa pagkain-sagutin mo ang katanungan na: “magluluto ba ako ng karne na di nila kakainin o papalitan kong karne na pwede nilang kainin?” o “magluluto ako at lulutuan kona lang sila ng ibang potahe at ihihiwalay ko na lang sila ng sa isang lugar?”  alalahanin: (Remember) Ang pag-imbita mo sa kanila ay  upang mag-salo-salo o magkaisa at magkakalapit ang inyong damdamin.
  2. Dapat mo rin malaman na ang mga Muslim, (Believer in Islam)  ano man ang kanyang tribu, Ilocano, Ilonggo, T’duray, Maguindanaon, Iranun, M’ranaw o iba pang tribu, ang Salah o sambayang o  pagsamba ay limang beses sa isang araw (praying five times,) at gumagamit ng tubig kong pumupunta sa palikuran,  kahit sa pag-ihi, lalaki man o babae, ay kailangan nila ang tubig.
  3. Ang mga kapatid na M’ranaw, mahilig ng maanghang na pagkain, halos lahat ng niluluto nilalagyan ng sili.  Papaano iyan kong M’ranaw ang may okasyon?  Ang gagawin mo konting adjustment,  konting sakripisyo,  huwag mo ng  pisain ang sili, maglagay lang sa may hapag kainan,  hayaan mong sila ng mag-lagay ng gusto nila.
  4. Dapat malaman at maunawaan na ang mga Talainged o native inhabitants, (T’duray at R’nawon) ay  hindi nakaugalian na gumagamit ng kutsara at tinidor kapag kumakain, kaya asahan mo hindi bihasa kong gumamit man siya ng kutsara at tinidor sa hapag kainan.
  5. Sa araw naman ng Biyernes (Friday) ng tanghali ay nag-sambayang (Jumaah Salat) ng mga kapatid na Muslim, kahit ano  ang kanyang tribu  na kinaaniban.
  6. Sa buwan ng Ramadan (hindi fix, ang katapat na araw sa Gregorian calendar, kaya dapat mo ring malaman o dapat mayroon kang calendaryo ng hijri) na ang mga Muslim ay nagpupuwasa (fasting) o nag-aayuno at sa panahon na ito hindi sila kumakain, mula bago magbukang liwayway  hanggang  takipsilim.
  7. Sa araw naman ng Linggo o Sabado ang mga kapatid na Kristiyano ay nagsisimba. Ang mga Katoliko at ibang denomination ay Linggo samantala tuwing Sabado naman ang samba ng Sabadista o Seventh Day Adventist.

Pansamantala   hanggang dito na lang muna ang ibabahagi ko ngayong araw , Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi  ni Kaka Alih..   sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 10:12 am | permalink | comments[1]