Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino na Nararapat na Baguhin
July 23, 2010(July 23, 2010-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: “Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino ay samut sari, ngunit may mga kaugalian tayo na dapat baguhin o linangin, at ilan dito ay siyang tatalakayin ng ating segment writer na si Kaka Alih.. Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak.
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan multi cultural diversity. Bagamat iisang bansa ngunit magkakahiwalay ang mga lugar, dahil sa nahahati sa mahigit sa pitong -libong pulo. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat ng paniniwala; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap, may mga Pilipino na makakanan (rightist) at makakaliwa (Leftist).
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. At of course hindi din pahuhuli ang Kano (US), ang mga Sakang (Japanese) bagamat ang Intsik ay hindi tayo sinakop ay malaki naman ang ipinama na mga kaugalian, tulad ng mga paputok, na isa mga malaking negosyo kong mga mga kasayahan ng mga fiesta at bagong taon.
Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya, ngunit hindi natin alam kong saan ito nagmula, kong ito ay sadyang umusbong o nabuo na ng mga Pilipino dahil sa mga pagkakataon? O dahil kinakailangan. Bakit Kinakailangan? Dahil noong unang mga panahon o magpahamggang ngayon ay kailangan ang pagbuklod bukolod o pagbubuo ng isang pamayanan bilang paghahanda o pagtatanggol sa kanilang angkan sa mga mananakop.
Ang mag-anak o pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang tao. Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng pamilya ang isang anak, pilit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang tahanan, gaano man kaliit ang bahay nila. Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa kanilang piling.
Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya. Bakit ekonomiya? Ang ibang magulang ay sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Kong bagong kasal pa ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, na kadalasan ay hanggang katapusan ay hindi na bumubuklod…(LAUGHING) at kong sakali man na magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit lang sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong. Yaong iba ay sa extension lamang gumagawa ng kanilang tirahan.
Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa.
Ang iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at nasanay na nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya naman kahit halos pagluluto ay di natutunan.
At nitong kasalukuyang panahon na may honorarium ang mga Barangay Official (perang matatanggap) ay marami ang nagkainteres na maging leader, dahil sa may hanapbuhay, Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad. Kong di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalaban-laban sa isang position sa Barangay.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


