Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok ang Pilipinas?
July 29, 2010 (July 27, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Host – “Bansang Pilipinas Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok? Ito ang pag-uuasapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “ Kahapon sa SONA ni Pnoy, ay kanyang sinabi ang maraming problema ng ating bansa na namana ang kanyang admistrasyon. Ganito ang mga sinabi nni Pnoy: “..damang-dama ko ang bigat ng responsibilidad. Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito. Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa. Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7
Napakalaki ang ginagastos ng goberno ng Pilipunas sa mga wala namang katuturan, o hindi priority. Itutuloy ko ang mga sinabini Pnoy kahapon:
“Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas. Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong
Lenyrose: “Kaka Ali, para ka na ring si Pnoy” (LAUGHING)
Kaka Ali: Hahahaha..magdilang anghel ka
“ Tungkol sa situwasyon sa
Alhamdullillah, (All Praised be to Allah) at last nagkaroon na rin tayo ng Leader na tutukan ang problema ng Pilipinas hinggil sa “injustice” sa mga kapatid na Bangsamoro.
Balikan natin ang topic natin na Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok ang Pilipinas?
Noong mga unang panahon, nab ago lamang tayong mga nagsasariling mga bansa, sa ekonomiya ay nangunguna tayo sa mga kalapit na bansa, tulad ng
Ang
Sa ekonomiya at pulitika, malayo ang pangunguna natin sa
Ganito ang mga sagot ko sa katanungan: “Ang bawat lipunan [society] sa lahat ng panahon ay walang hinahangad kundi papaano maging isang mabuti, sapagkat tayo ay nilalang ng Panginoong Lumikha [Allah] na mabuti at hindi masama. Nagiging masama lamang ang tao, dahil sa ating kapaligiran, kaya naman ayon sa isang sociologist 80% ng ating buhay ay naapektuhan ng ating kapaligiran [inviroment], halimbawa ang bato na puti pag inilagay mo sa lugar ng mapupulang bato hindi magtatagal ay dahan-dahan itong mahahawa o magkukulay pula na rin ang puting bato sa tagal ng panahon.
Ang isang lipunan [society] ay may tatlong laman: ang una ay may sistema,[system of government] pangalawa ay may lider at pangatlo ay may tagasunod [followers] o mamayan. Ang lahat ng ito ay kinakailangan ay magkkatugma o pare-pareho [synchronize] sa bawat isa,. Kong ang gusto natin ay mabuti o good ay dapat good system, good leader at good followers ang ating lipunan.
Parang matematika, para positive ang sagot, dapat positve lahat. I will explain para maunawaan, even if we have a Good leader at good followers kong bad system naman ang sinusunod equals ay bad pa rin ang product.
On the other hand, pwede naming iapply natin ang unang sinabi natin na environment. Halimbawa ay kong good system, good leader kahit bad followers, hindi magtatagal ay posibleng mahahawa ang followers sa kanilang sinusunod sa araw-araw, ngunit kong sinusunod mo sa araw-ARAW ay bad, kahit ikaw ay good FOLLOWER hindi magtatagal ay magiging bad ka na rin.
Sa Pilipinas ang tatlong laman ba iyan ng ating lipunan [society] ay matatawag na good?
Tingnan natin ano ang system o systema ng Pilipinas? Hindi ba Demokrasya tayo? , ano ang meaning nito?
Ang demokrasya ay, sa literal, na kahulugan ayon sa http://tl.wikipedia.org/: “… ang pamamahala ng mga tao Nasa gitna ng iba’t ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng “mga tao”, ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala” .
Sa madaling salita ay ang kagustuhan ng mga tao, ang nasusunod tama ba? Ito ba ang gusto ng mga tao, ito ba ang gusto o nais ng mga Pilipino?
Ito ba ang gusto ng mga tao natin? Hindi po, Ano ang gusto ng mga mamayan na systema, ito ba? Hindi
Pangalawa ay ang pamumuno o leadership.
May katanungan tayo, kong ano ang klase ng ating pamumuno dito sa Pilipinas:
* Papaano ang pagpili ng leader ng mga Pilipino?
* Ang pinipili bang leader yaong May pera? Talino? may Paniniwala sa Diyos? May magandang record? Hindi
* Ano ang mga nakikita ninyo sa ating mga leader? Mayayaman po! Saan galing? Di kop o alam, .. di ba dapat sila ang ehemplo ng bayan?
* Ano ang nakikita natin sa kanila, di ba blank-blank, kayo ang nakakakita?
Ang pangatlo ay mamamayan o tagasunod nito:
Tingnan natin ang mga mamayang Pilipino,
Ito ang ating makikita sa ating mga Pilipino :
1. Meron pa ring crab mentality ang mga Pinoy.
2. Napakasama ng work attitude ng Pinoy. Bakit ano? Puro na lang angal kulang naman sa productivity.
3. Magarbo at maluho ang Pinoy. Kumikita ng P10, gumagastos naman ng P15.
4. Walang respeto sa batas at walang desiplina.Sa simpleng Trapiko ano? Hindi sinusunod, ang alibi wala namang Pulis na nakabantay, bakit kailangan pa bang bantayan, para sundin sng batas?
5. Walang pagkakaisa at puro bangayan sa pulitika. Ano ang nakikita mo kaibigan? Hindi ba kahit sa kaliit-liitang barangay pinag-aagawan ? lalo na sa mataas na posisyon dahil malaki daw ang IRA, di ba gumagastos ang mga Kandidato ng milyon-milyon? di baleng mangutang total mababawi naman pag upo sa puwesto, batobato sa langit ang tamaan tiyak may bukol (LAUGHING)
6. Ang mga Pilipino Hindi nagbabayad ng tamang buwis. Papaano sila nagbabayad ng buwis? Ang Alibi? “Sayang lang ang bayad ko, kinukurakot lang ng mga official”.. (LAUGHING)
7. Ang mga Pilipino laging umaasa sa iba? Laging naghahanap ng mauutangan, na wala namang pambayad.
Ang sabi nga ng naka chat natin: “….Kung tutuusin, hindi makararating sa ganitong kalagayan ang Pilipinas kung ang mamamayan ay hindi nagpabaya. Kinunsinti ang kawalanghiyaan ng kanilang mga opisyal. Mayroon tayong kapangyarihan at karapatan para sawatain at parusahan ang mga kurakot. Pero ang nangyari, kampante lang sa pagkakaupo ang lahat at nagsasawalang-kibo tayong mamayan, ang sabi sa sarili ay: ang iportante nakuha ko ang aking share”.
Sabi pa nong isa ay: “…..Mahusay lang ang iba sa pagsama sa mga rally at demonstrations. Ngunit wala namang din siyang nagagawa para sa bayan kundi nagpapasikip lang ng trapiko. Ang iba naman ay kasama rin sa mga lagayan at nakikinabang sa mga corruptions. Ang mamamayan ang may kasalanan kung bakit ang Pilipinas ay nakasadlak sa putikan.”
Ang tugon naman isa pang chatters: “Kakulangan ng DISIPLINA. Kabilang na dyan ng pagnanakaw, tamad, bisyo, sugal, at di pagsunod sa batas ng tao at Diyos!
Ayon sa Friend ko: “…Nauso na ang pag-angkin natin ng mga bagay na di atin. Mula ordinaryong mamayan hanggang sa mga pulitiko ay gumagawa nyan (KAIBIGAN HINDI NAMAN LAHAT, DI BA?). Di tayo marunong sumunod sa batas! Tignan nyo ha? sangkatutak na ang sekyu! kahit may karatula na bawal ay di pa rin sinusunod! kailangang pa ng back-up na sekyu o pulis!
Mas gusto pa natin ang magtong-its o dili kaya ay magpawakan [fight ng tandang na walang tare, uso sa Mindanao, aywan diyan sa Luzon at Visayas kong uso din?] kaysa magtanim, katwiran ay pag nanalo naman ay bibili na lang ng talbos sa palengke o kayay manghingi na lang sa kapitbahay.!
Sabi ni Maam: “Mayabang pa tayo! Wala tayong pera o bahay pero angat ang modelo ng mobile phone natin! (LAUGHING) di bale ng galing sa 5/6 ang pinambili at pinang-load!
Tama ka Kaibigan, Isa ka pa . Bakit karamihan sa mga pinoy sa ibang bansa ay sumusunod sa batas ng host country? Ang sagot ng kaibigan ko?
“Kasi may ngipin ang kanilang goberno, di tulad sa Pinas, bungal daw?. (LAUGHING) “Doon Kaka, Pag sinabing bitay, BITAY! Di tulad ng bansa natin bungal na bad, breath pa. (LAUGHING)]
Dapat sundin natin ang nakasaad sa Banal na Aklat [Biblia]:”..”…Ama naming nasa langit, si-nasamba po namin ang Inyong pa-ngalan. Nawa’y dumating na ang Inyong kaharian. Nawa’y ang In-yong kalooban na ang masunod sa lupa, tulad ng sa langit. “.[Ebanghelyo ayon kay Mateo 6:9]
At sa Quran naman: “Kayo ang pinakamahusay na pamayanang itinatag sa sangkatauhan, sapagka’t inyong ipinag-uutos ang Ma’aruf (mabuti) at ipinagbabawal ang Munkar (masama,) at kayo ay naniniwala sa Allâh.” (Al Imran-3:110).
Ang tanong natin sa ating mga sarili, para sa kapatid na nanampalataya sa Kristiyanismo: “….ako ba ay sumusunod sa itinuturo ng aking Biblia na pinaniwalaan?” Para sa kapatid na nanampalataya sa Islam ang mga kapatid na Muslim: “……..Ako ba ay sumusunod sa ipinag-uutos ng Allah na nakasaad sa Qur’an?”
Itanong mo na rin sa sarili mo? Umiiral na ba sa Pilipinas ang Batas ng Panginoon?
Ang Batas na nasa Qur’an, Iyan na ba ang ginagamit ng mga Muslim na nasasakop ng Pilipinas?
Ang kasagutan ay mula po sa inyo.
Maraming salamat and Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.
Away Mag-asawa
(July 26, 2010-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose: “Ang pag-aaway ng mag-asawa ay isang pangkaraniwang nagaganap sa ating lipunan na ginagalawan, ngunit bagamat pangkaraniwan ito ay malaking suliranin kong hindi maaagapan, magiging malala kong hindi mabigyan ng tamang sulosyon ang away mag-asawa naito, dahil maaring hahantong sa tinatawag na broken marriage o pag-hihiwalay, iyan ang ating tatalakayin sa ating segment na nakaka….Away mag-asawa.
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Tama ka Leny, Ang pag-aaway ng mag-asawa ay isang pangkaraniwang nagaganap sa ating lipunan na ginagalawan noon magpasa hanggang ngayon, ngunit bagamat pangkaraniwan ito ay malaking suliranin kong hindi maaagapan, magiging malala kong hindi mabigyan ng tamang sulosyon ang away mag-asawa naito, dahil maaring hahantong sa tinatawag na broken marriage o pag-hihiwalayan ng mag-asawa.sa katatapos na dalawang InterPeace dialogue Seminar na isingawa ng MIND Center, sa Cotabato City ay aming pinag-aralan ang pag-facilitate o pag-aayos sa conflict o away ng magkabilang panig. Of course kasama na ang mag-asawa.
Sa grupo natin mula sa Upi at South Upi, ang ibinigay na halimbawa sa aming palabas o dula-dulaan ay ito ngang away mag-asawa. Ang facilitator o Peace maker ay walang ib kundi ang former Mayor ng South Upi si Timuay Jovito Martin at sa papel na mag-asawa ay ginampanan nina Dheng Dapilaga at Alih Anso.
Ganito ang scenario: Si Mrs (Dheng) ay may pagkaselosa (dala marahil ng pagmamahal sa asawa) isang araw ay may nabasang sms o text sa mobile ng asawa, at nagkataon na natanaw din ang asawa na kasabay sa may balon ang babaeng pinagseselosan, dahil sa mga pangyayaring ito ay kumukulo na sa galit si Mrs, galit na galit kay Mr. At inaway na ni Mrs si Mr at niyayang pumunta sila kay Timuay, dahil ang gusto ni Mrs maghiwalay na, nawala na ang tiwala sa asawa. Umabot na sa tahanan ni Timuay ang mag-asawa na nagmumura at demand ni Mrs hiwalayan na kaagad, pirmahan na.
Ang ginawa ni Timuay ay pinayapa muna si Mrs at Mr, tinanong sila kong kasal ba sila, ng ikasal kayo ay sinag-ayunan ng kanilang mga magulang?
“Kong ganoon na present ang mga parents ninyo ng ikasal kayo, ayon sa tradition natin hindi kayo pwedeng maghihiwalay na hindi nasang-ayunan o witness ang magkabilang panig na magulang, kaya ang payo ko sa inyo ngayon, “ceasefire” muna, umuwi muna kayo at huwag ipakita sa mga anak ninyo na kayo ay nag-aaway dahil hindi maganda. Mrs hanggat hindi ito naayos magpanggap muna kayo sa mata ng mga anak ninyo na Ok pa rin kayong mag-asawa.” Ito ang ilan sa payo ni Timuay sa mag-asawa.
Nagsalita na ang narrator: “…doon po nagtatapos ang aming palabas, dahil ang sumunod na eksena ay hindi na nakabalik ang mag-asawa kay Timuay kinabukasan dahil ng gabing iyon naayos ng mag-asawa ang kanilang gusot po hindi pagkakaunawaan, dahil ang gumamit pala ng celpon niMr ay ang Kumpare at hindi nadelate na nagkataon naman nabasa ni Mrs at nagkataon din na nakita sila sa lugar na tinutukoy sa text..(LAUGHING.. LAUGHING..)…
Ang isa sa mga feedback o reaction ng participants ay:
- “…kong may galit (lalo na kong asawa natin) ay huwag salubungin ng kapuwa galit, kalma ka lamang, tulad ng ginawani Mr.
- Ang pagbibigay ng payo kong ikaw ang “peacemaker” (facilitator/middleman/mediator) ay ibase sa kultura, paniniwala at higit sa lahat ay matalinong pamamaraan.
- Dapat wala kang papanigan, timbang-timbangin ang mga pangyayari at alamin ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari.
Marami pang mga palabas na sa maaarin sa susunod na segment presentasyon natin ipaparinig.
Ito po si Mr…ehe si Kaka Ali (LAUGHING..) naghihikayat na huwag tayo kaagad humusga sa ating nakikita kundi alamin mo muna ang katotohanan.