DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Away Mag-asawa

Away Mag-asawa

July 29, 2010

(July 26, 2010-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose:      “Ang pag-aaway ng mag-asawa ay isang pangkaraniwang nagaganap sa ating lipunan na ginagalawan, ngunit bagamat pangkaraniwan ito ay malaking suliranin kong hindi maaagapan, magiging malala kong hindi mabigyan ng tamang sulosyon ang away mag-asawa naito, dahil maaring hahantong sa tinatawag na broken marriage o pag-hihiwalay, iyan ang  ating tatalakayin sa ating segment na nakaka….Away mag-asawa.

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Tama ka Leny,  Ang pag-aaway ng mag-asawa ay isang pangkaraniwang nagaganap sa ating lipunan na ginagalawan noon magpasa hanggang ngayon, ngunit bagamat pangkaraniwan ito ay malaking suliranin kong hindi maaagapan, magiging malala kong hindi mabigyan ng tamang sulosyon ang away mag-asawa naito, dahil maaring hahantong sa tinatawag na broken marriage o pag-hihiwalayan ng mag-asawa.sa katatapos na dalawang InterPeace dialogue Seminar  na isingawa ng  MIND Center, sa Cotabato City ay aming pinag-aralan ang pag-facilitate o pag-aayos sa conflict o away ng magkabilang panig. Of course kasama na ang mag-asawa.

 

Sa grupo natin mula sa Upi at South Upi, ang ibinigay na halimbawa sa aming palabas o dula-dulaan ay ito ngang away mag-asawa. Ang facilitator o Peace maker ay walang ib kundi ang former Mayor ng South Upi si Timuay Jovito Martin at sa papel na mag-asawa ay ginampanan nina Dheng Dapilaga at Alih Anso.

 

Ganito ang scenario: Si Mrs (Dheng) ay may pagkaselosa (dala marahil ng pagmamahal sa asawa) isang araw ay may nabasang sms o text sa mobile ng asawa, at  nagkataon na  natanaw din ang asawa na kasabay sa may balon ang babaeng pinagseselosan,   dahil sa mga pangyayaring ito ay kumukulo na sa galit si Mrs, galit na galit kay Mr.  At inaway na ni Mrs si Mr at niyayang pumunta sila kay Timuay, dahil ang gusto ni Mrs maghiwalay na, nawala na ang tiwala sa asawa. Umabot na sa tahanan ni Timuay ang mag-asawa na nagmumura at demand ni Mrs hiwalayan na kaagad, pirmahan na.

 

Ang ginawa ni Timuay ay pinayapa muna si Mrs at Mr, tinanong sila kong kasal ba sila, ng ikasal  kayo ay sinag-ayunan   ng kanilang  mga magulang?

 

“Kong ganoon na present ang mga parents ninyo ng ikasal kayo, ayon sa tradition natin hindi kayo pwedeng maghihiwalay na hindi nasang-ayunan o witness ang magkabilang panig na magulang, kaya ang payo ko sa inyo ngayon, “ceasefire” muna, umuwi muna kayo at huwag ipakita sa mga anak ninyo na kayo ay nag-aaway dahil hindi maganda.  Mrs  hanggat hindi ito naayos magpanggap muna kayo sa mata ng mga anak ninyo na Ok pa rin kayong mag-asawa.” Ito ang ilan sa payo ni Timuay sa mag-asawa.

 

Nagsalita na ang narrator: “…doon po nagtatapos ang aming palabas, dahil ang sumunod na eksena ay   hindi na nakabalik ang mag-asawa kay Timuay kinabukasan dahil ng gabing iyon  naayos ng mag-asawa ang  kanilang gusot po hindi pagkakaunawaan, dahil ang gumamit pala ng celpon niMr ay ang Kumpare at hindi nadelate na nagkataon naman nabasa ni Mrs at nagkataon din na nakita sila sa lugar na tinutukoy sa text..(LAUGHING.. LAUGHING..)…

 

Ang isa sa mga feedback o reaction ng participants ay:

  • “…kong may galit (lalo na kong asawa natin) ay huwag salubungin ng kapuwa galit, kalma ka lamang, tulad ng ginawani Mr.
  • Ang pagbibigay ng payo kong ikaw ang “peacemaker” (facilitator/middleman/mediator)  ay ibase sa kultura, paniniwala at higit sa lahat ay matalinong pamamaraan.
  • Dapat wala kang papanigan, timbang-timbangin ang mga pangyayari at alamin ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari.

Marami pang mga palabas na sa maaarin sa susunod na segment presentasyon natin ipaparinig.

 

Ito po si Mr…ehe si Kaka Ali  (LAUGHING..) naghihikayat na huwag tayo kaagad humusga sa ating nakikita kundi alamin mo muna ang katotohanan.

Posted by dxupfm at 6:59 am | permalink

Add a comment