DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok ang Pilipinas?

Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok ang Pilipinas?

July 29, 2010

 (July 27, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host – “Bansang Pilipinas Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok? Ito ang pag-uuasapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “ Kahapon sa SONA ni Pnoy, ay kanyang sinabi ang maraming problema ng ating bansa na namana ang kanyang admistrasyon. Ganito ang mga sinabi nni Pnoy: “..damang-dama ko ang bigat ng responsibilidad. Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito. Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa. Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7

 

Napakalaki ang ginagastos ng goberno ng Pilipunas sa mga wala namang katuturan, o hindi priority. Itutuloy ko ang mga sinabini Pnoy kahapon:

 

“Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas. Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali. Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na. Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon. Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema.”

 

Lenyrose: “Kaka Ali, para ka na ring si Pnoy” (LAUGHING)

 

Kaka Ali: Hahahaha..magdilang anghel ka sana, (LAUGHING).. speaking pa rin ng SONA ng Presidente.. I like it.. lalo na yang part na tinukoy tayo dito sa Mindanao, ganito ang sinabi ni Pnoy:

 

“ Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF. Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes. Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.”

Alhamdullillah, (All Praised be to Allah) at last nagkaroon na rin tayo ng Leader na tutukan ang problema ng Pilipinas hinggil sa “injustice” sa mga kapatid na Bangsamoro.

 

Balikan natin ang topic natin na Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok ang Pilipinas?

Noong mga unang panahon, nab ago lamang tayong mga nagsasariling mga bansa, sa ekonomiya ay nangunguna tayo sa mga kalapit na bansa, tulad ng Thailand, Malaysia, Vietnam, Korea at iba pa.

Ang Thailand noon ay dito pa pinag-aral ng agriculture ang kanilang mga experto sa pagsasaka, yes diyan sila nag-aral sa UP Los Baños, Laguna, ang dito pa sila umaangkat ng bigas noon, ngunit ngayon ay baligtad na, tayo naman ang umaangkat ng bigas sa kanila.

 

Sa ekonomiya at pulitika, malayo ang pangunguna natin sa Malaysia noon, ang tanong…presently o sa ngayon, saan na tayo,.. Ting iniwanan na nila tayo, Ang tanong …Bakit? Sagutin natin ang ating mga katanungan sa pamamagita ng pag-text ninyo.

 

Ganito ang mga sagot ko sa katanungan: “Ang bawat lipunan [society] sa lahat ng panahon ay walang hinahangad kundi papaano maging isang mabuti, sapagkat tayo ay nilalang ng Panginoong Lumikha [Allah] na mabuti at hindi masama. Nagiging masama lamang ang tao, dahil sa ating kapaligiran, kaya naman ayon sa isang sociologist 80% ng ating buhay ay naapektuhan ng ating kapaligiran [inviroment], halimbawa ang bato na puti pag inilagay mo sa lugar ng mapupulang bato hindi magtatagal ay dahan-dahan itong mahahawa o magkukulay pula na rin ang puting bato sa tagal ng panahon.

 

Ang isang lipunan [society] ay may tatlong laman: ang una ay may sistema,[system of government] pangalawa ay may lider at pangatlo ay may tagasunod [followers] o mamayan. Ang lahat ng ito ay kinakailangan ay magkkatugma o pare-pareho [synchronize] sa bawat isa,. Kong ang gusto natin ay mabuti o good ay dapat good system, good leader at good followers ang ating lipunan.

Parang matematika, para positive ang sagot, dapat positve lahat. I will explain para maunawaan, even if we have a Good leader at good followers kong bad system naman ang sinusunod equals ay bad pa rin ang product.

 

On the other hand, pwede naming iapply natin ang unang sinabi natin na environment. Halimbawa ay kong good system, good leader kahit bad followers, hindi magtatagal ay posibleng mahahawa ang followers sa kanilang sinusunod sa araw-araw, ngunit kong sinusunod mo sa araw-ARAW ay bad, kahit ikaw ay good FOLLOWER hindi magtatagal ay magiging bad ka na rin.

 

Sa Pilipinas ang tatlong laman ba iyan ng ating lipunan [society] ay matatawag na good?

Tingnan natin ano ang system o systema ng Pilipinas? Hindi ba Demokrasya tayo? , ano ang meaning nito?

 

Ang demokrasya ay, sa literal, na kahulugan ayon sa http://tl.wikipedia.org/: “… ang pamamahala ng mga tao Nasa gitna ng iba’t ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng “mga tao”, ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala” .

 

Sa madaling salita ay ang kagustuhan ng mga tao, ang nasusunod tama ba? Ito ba ang gusto ng mga tao, ito ba ang gusto o nais ng mga Pilipino?

 

Ito ba ang gusto ng mga tao natin? Hindi po, Ano ang gusto ng mga mamayan na systema, ito ba? Hindi Po.

 

Pangalawa ay ang pamumuno o leadership.

 

May katanungan tayo, kong ano ang klase ng ating pamumuno dito sa Pilipinas:

* Papaano ang pagpili ng leader ng mga Pilipino?

* Ang pinipili bang leader yaong May pera? Talino? may Paniniwala sa Diyos? May magandang record? Hindi Po!!! Ano ang nakikita ninyo?

* Ano ang mga nakikita ninyo sa ating mga leader? Mayayaman po! Saan galing? Di kop o alam, .. di ba dapat sila ang ehemplo ng bayan?

* Ano ang nakikita natin sa kanila, di ba blank-blank, kayo ang nakakakita?

Ang pangatlo ay mamamayan o tagasunod nito:

Tingnan natin ang mga mamayang Pilipino,

Ito ang ating makikita sa ating mga Pilipino :

1. Meron pa ring crab mentality ang mga Pinoy.

2. Napakasama ng work attitude ng Pinoy. Bakit ano? Puro na lang angal kulang naman sa productivity.

3. Magarbo at maluho ang Pinoy. Kumikita ng P10, gumagastos naman ng P15.

4. Walang respeto sa batas at walang desiplina.Sa simpleng Trapiko ano? Hindi sinusunod, ang alibi wala namang Pulis na nakabantay, bakit kailangan pa bang bantayan, para sundin sng batas?

5. Walang pagkakaisa at puro bangayan sa pulitika. Ano ang nakikita mo kaibigan? Hindi ba kahit sa kaliit-liitang barangay pinag-aagawan ? lalo na sa mataas na posisyon dahil malaki daw ang IRA, di ba gumagastos ang mga Kandidato ng milyon-milyon? di baleng mangutang total mababawi naman pag upo sa puwesto, batobato sa langit ang tamaan tiyak may bukol (LAUGHING)

6. Ang mga Pilipino Hindi nagbabayad ng tamang buwis. Papaano sila nagbabayad ng buwis? Ang Alibi? “Sayang lang ang bayad ko, kinukurakot lang ng mga official”.. (LAUGHING)

7. Ang mga Pilipino laging umaasa sa iba? Laging naghahanap ng mauutangan, na wala namang pambayad.

 

Ang sabi nga ng naka chat natin: “….Kung tutuusin, hindi makararating sa ganitong kalagayan ang Pilipinas kung ang mamamayan ay hindi nagpabaya. Kinunsinti ang kawalanghiyaan ng kanilang mga opisyal. Mayroon tayong kapangyarihan at karapatan para sawatain at parusahan ang mga kurakot. Pero ang nangyari, kampante lang sa pagkakaupo ang lahat at nagsasawalang-kibo tayong mamayan, ang sabi sa sarili ay: ang iportante nakuha ko ang aking share”.

 

Sabi pa nong isa ay: “…..Mahusay lang ang iba sa pagsama sa mga rally at demonstrations. Ngunit wala namang din siyang nagagawa para sa bayan kundi nagpapasikip lang ng trapiko. Ang iba naman ay kasama rin sa mga lagayan at nakikinabang sa mga corruptions. Ang mamamayan ang may kasalanan kung bakit ang Pilipinas ay nakasadlak sa putikan.”

 

Ang tugon naman isa pang chatters: “Kakulangan ng DISIPLINA. Kabilang na dyan ng pagnanakaw, tamad, bisyo, sugal, at di pagsunod sa batas ng tao at Diyos!

 

Ayon sa Friend ko: “…Nauso na ang pag-angkin natin ng mga bagay na di atin. Mula ordinaryong mamayan hanggang sa mga pulitiko ay gumagawa nyan (KAIBIGAN HINDI NAMAN LAHAT, DI BA?). Di tayo marunong sumunod sa batas! Tignan nyo ha? sangkatutak na ang sekyu! kahit may karatula na bawal ay di pa rin sinusunod! kailangang pa ng back-up na sekyu o pulis!

 

Mas gusto pa natin ang magtong-its o dili kaya ay magpawakan [fight ng tandang na walang tare, uso sa Mindanao, aywan diyan sa Luzon at Visayas kong uso din?] kaysa magtanim, katwiran ay pag nanalo naman ay bibili na lang ng talbos sa palengke o kayay manghingi na lang sa kapitbahay.!

Sabi ni Maam: “Mayabang pa tayo! Wala tayong pera o bahay pero angat ang modelo ng mobile phone natin! (LAUGHING) di bale ng galing sa 5/6 ang pinambili at pinang-load!

 

Tama ka Kaibigan, Isa ka pa . Bakit karamihan sa mga pinoy sa ibang bansa ay sumusunod sa batas ng host country? Ang sagot ng kaibigan ko?

 

“Kasi may ngipin ang kanilang goberno, di tulad sa Pinas, bungal daw?. (LAUGHING) “Doon Kaka, Pag sinabing bitay, BITAY! Di tulad ng bansa natin bungal na bad, breath pa. (LAUGHING)]

Dapat sundin natin ang nakasaad sa Banal na Aklat [Biblia]:”..”…Ama naming nasa langit, si-nasamba po namin ang Inyong pa-ngalan. Nawa’y dumating na ang Inyong kaharian. Nawa’y ang In-yong kalooban na ang masunod sa lupa, tulad ng sa langit. “.[Ebanghelyo ayon kay Mateo 6:9]

At sa Quran naman: “Kayo ang pinakamahusay na pamayanang itinatag sa sangkatauhan, sapagka’t inyong ipinag-uutos ang Ma’aruf (mabuti) at ipinagbabawal ang Munkar (masama,) at kayo ay naniniwala sa Allâh.” (Al Imran-3:110).

 

Ang tanong natin sa ating mga sarili, para sa kapatid na nanampalataya sa Kristiyanismo: “….ako ba ay sumusunod sa itinuturo ng aking Biblia na pinaniwalaan?” Para sa kapatid na nanampalataya sa Islam ang mga kapatid na Muslim: “……..Ako ba ay sumusunod sa ipinag-uutos ng Allah na nakasaad sa Qur’an?”

 

Itanong mo na rin sa sarili mo? Umiiral na ba sa Pilipinas ang Batas ng Panginoon?

 

Ang Batas na nasa Qur’an, Iyan na ba ang ginagamit ng mga Muslim na nasasakop ng Pilipinas?

Ang kasagutan ay mula po sa inyo.

 

Maraming salamat and Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 7:01 am | permalink

Previous Comments

This section, I still look with amazement. She again hear Buddha said, this child was meant for you, you have to take him home brought up. That night, the night after night she hurried to the slice of corn, found the moonlight, I was still in his two eyes, and the illustrious unripe brightness. One of the great fear of my heart rise from her, but she’s more afraid of Buddha, so hold me back to the house. She said, that night, she gave me the bath, I found that I was a long very nice baby, she decided to take me. She picked me to the bed, and the ant kept from my ear ran out.

Posted by cheap jerseys free shipping at April 27, 2012, 5:42 pm

This section, I still look with amazement. She again hear Buddha said, this child was meant for you, you have to take him home brought up. That night, the night after night she hurried to the slice of corn, found the moonlight, I was still in his two eyes, and the illustrious unripe brightness. One of the great fear of my heart rise from her, but she’s more afraid of Buddha, so hold me back to the house. She said, that night, she gave me the bath, I found that I was a long very nice baby, she decided to take me. She picked me to the bed, and the ant kept from my ear ran out.

Posted by nba jerseys free shipping at April 27, 2012, 5:44 pm

This section, I still look with amazement. She again hear Buddha said, this child was meant for you, you have to take him home brought up. That night, the night after night she hurried to the slice of corn, found the moonlight, I was still in his two eyes, and the illustrious unripe brightness. One of the great fear of my heart rise from her, but she’s more afraid of Buddha, so hold me back to the house. She said, that night, she gave me the bath, I found that I was a long very nice baby, she decided to take me. She picked me to the bed, and the ant kept from my ear ran out.

Posted by authentic nhl jerseys wholesale at April 27, 2012, 5:45 pm

This section, I still look with amazement. She again hear Buddha said, this child was meant for you, you have to take him home brought up. That night, the night after night she hurried to the slice of corn, found the moonlight, I was still in his two eyes, and the illustrious unripe brightness. One of the great fear of my heart rise from her, but she’s more afraid of Buddha, so hold me back to the house. She said, that night, she gave me the bath, I found that I was a long very nice baby, she decided to take me. She picked me to the bed, and the ant kept from my ear ran out.

Posted by best jerseys mine at April 27, 2012, 5:46 pm

A few days later I to my life more and more worried, in my hands money, buy a pants are considered luxury. Uncle aunt for the death of my cousin guts, thought that my cousin’s death is a murderer. Since his mother died, I and uncle’s relationship has lost the link, both sides like lost people, can’t find each other. So, my life can only rely on me.

Posted by china jerseys at April 27, 2012, 5:51 pm

A few days later I to my life more and more worried, in my hands money, buy a pants are considered luxury. Uncle aunt for the death of my cousin guts, thought that my cousin’s death is a murderer. Since his mother died, I and uncle’s relationship has lost the link, both sides like lost people, can’t find each other. So, my life can only rely on me.

Posted by nhl jerseys from china at April 27, 2012, 5:57 pm

A few days later I to my life more and more worried, in my hands money, buy a pants are considered luxury. Uncle aunt for the death of my cousin guts, thought that my cousin’s death is a murderer. Since his mother died, I and uncle’s relationship has lost the link, both sides like lost people, can’t find each other. So, my life can only rely on me.

Posted by louboutin sale at April 27, 2012, 5:58 pm

Add a comment