DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Ramadhan, ang buwan ng Pag-aayuno

Ramadhan, ang buwan ng Pag-aayuno

August 3, 2010

(August 3,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:   Ramadhan ang  buwan sa Hijri calendar..  ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim, ano ang mga dapat malaman sa buwan na ito? Samahan ninyo kami  dahil pagbibigay ng ilang impormasyon tungkol sa buwan ng Ramadan si Kaka Alih sa ating segment na nakaka:

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih: Ang Ramadhan ang ika-9 na buwan   sa Hijri calendar.

 

AngRamdhan ay banal na buwan dahilan sa ito ay  itinadhana ng Panginoon   sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:

 

“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13 ng buwan ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng Ramadan.”

 

Ngayon ay 22 ng Shaban ang ika walong buwan sa hijri calendar, ito ay may 29 na araw.

Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.

 

Ang Kalendaryong Islam katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ay binubuo ng labing-dalawang buwan.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.

 

Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang mga Muslim sa   buwan  na ito ng Ramadhan ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

 

At dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.

 

Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gustong matulog sa araw.

 

At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.

 

Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway.  

 

Dapat malaman mo rin  na may exempted o pinapayagan  na hindi mag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo  at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.

 

Maraming salamat pos a patuloyninyong pagsuportaang pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam

Posted by dxupfm at 7:09 am | permalink

Add a comment