Dapat Gawin Para Magkasundo ang Mag-asawa?
August 5, 2010
(August 5, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose – “Papaano Ba ang Dapat Gawin Para Laging Magkasundo ang Mag-asawa? Iyan ang tanong na sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Assallamu Alaikum (ang kapayapaan at pagpapala ng Poong Maykapal ay sasaatin Nawa), ito na naman ang inyong nakaka na si Kaka Ali, at sa araw na ito ang ating kakausapin ang mga may asawa na, at of course sa mga may plano na mag-aasawa pa rin kahit medyo may edad na..(LAUGHING).. sa wala ng plano na mag-asawa, makinig din baka magamit mo, ang mga tips natin, anong malay mo.. (LAUGHING)..
“Kaka Ali, alam mo ba maraming paraaan para magkasundo ang mag-asawa.” Ito ang tugon ng sang may karanasan na dahil may apo na sa tuhod.
Nariot ang ilan na nai-take note natin, Kaibigan ilista mo at baka pakinanabangan mo .
Kaibigan, laging tandaan na ang iyong asawa ay bigay sa iyo ng Diyos.
Yes, totoo naman talaga na ang asawa ay regalo ng Diyos. Ang asawa mo (kahit hindi guwapo) ay hindi lang napulot kung saan. Ang iyong asawa ay hindi galing sa impakto, kahit na ganyan ka na palagi mong sinasabi na “Saytan ka” (LAUGHING)..ang ibig sabihin ng Shaitan ay Satanas ka.. (LAUGHING).. Pero in fairness my explanation si Mrs..
“Kaka, kaya ko lang .nasasabi ang ganoon na bad words kasi galit ako sa aking asawa, pero pag hindi na.. siya ang Anghel ng buhay ko” paliwanag ni Mare. (LAUGHING)..
Mads, laging tandaan na ang mga regalo ng Diyos ay mabuti. Ang asawa mo ay isa sa mga mabubuting regalo ng Diyos sa iyo. Kahit ganyan ang hitsura siya nilalang pa rin ng Diyos.
May alam pa ako na proven na teknik, ipakita at ipadama mo ang tunay at wagas na pag-ibig sa paraan na gusto niya, hindi ng gusto mo, halimbawa nito ay katulad sa telenobela na Endless Love sa GMA si Andrew (Dennis Trillo) umiibig sa babae kay Jenny (Marian Rivera) ayon sa gusto niya kaya hayun mahirap makuha ang loob niya.. pero nagbago siya ginaya niya ang style ni Johnny (Dingdong Dantes) hayun dahan-dahan ng nahuhulog ang loob ni Jenny sa milyonaryong playboy. Si Shirley (Nadine Samonte) na ginagampanan naman papel na tunay na kapatid ni Johnny ngunit makasarili kong magmahal.
(LAUGHING)
Malaking tulong kung tatanungin mo ang iyong asawa kong papaano mo siya mamahalin, mag-usap kayo ng heart to heart, believe me my friend, lalo kang mamahalin ng asawa mo kong mamahalin mo siya sa paraan na gusto niya.
Diligin ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa, para sumagana ang inyong pagsasama. Huwag mong lang ibuhos ng todo, baka lalong malanta. (LAUGHING)
Ang maayos at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganap nang basta basta,… ito ay parang halaman na dahan-dahan ang pag-usbong at dapat na inaalagaan at dindiligan para yumabong. Ngunit sa mag-asawa Pag-ibig ang ipandilig ,hindi tubig (LAUGHING).. yes ang ipandilig ay hindi masamang hinala, paninira, o pangungutya.
Heto ang pinaka hihintay ni Cocoy, na advise para manitili ang matamis ninyong pagsasama…satisfy the sexual needs of your partner. (LAUGHING).. hey please don’t laugh with my advise.. proven ito..English ko lang Leny, dahil pag Tinagalog ko ito, may kabastusan ang dating, but in English safe tayo.. (LAUGHING)..
Attend not only to your personal sexual satisfaction but also to the satisfaction of your spouse. Pag hindi mo sinikap na i-satisfy ang iyong asawa baka humanap siya ng ibang mag-sasatisfy sa kanya.
Misis: · ihanda ang sarili para sa asawa. · Maligo! Magpaganda! Magpabango! · Be an active partner: ·
Huwag tratuhing sex object ang asawa mo. ·
Be gentle at huwag gawing pang-akrobatik ang misis mo. ·
Magtootbrush ka! Maligo! Magpabango · Paano gaganahan ang misis mo kung mabaho ang hininga mo, amoy lansangan ang ulo mo; amoy grasa ang katawan mo. Mahiya ka naman sa misis mo, no! · (PLAY LAUGHING)
Ok mga kaibigan na di marunong maligo, (PLAY LAUGHING) para sa suki na nakikinig palagi…. hanggang dito na lang muna ang ang paliligo natin este payo natin (LAUGHING).. pansamantala muna natin isasara ang pintuan este ang segment na nakaka.. Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas, lalo pa natin paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.


