Ang Pamilyang Salo-salo sa Hapag Kainan: Maligaya
August 6, 2010
(August 6, 2010-Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: “Nagsalo-salo ba ang inyong pamilya sa oras ng kainan? O bawat gustong kumain ay naghahain ng kanyang makakain?” Ano man ang inyong kasagutan samahan ninyo kami sa ating segment na nakaka.. dahil tatalakayin ni Kaka Ali ang usaping ang pamilyang salo-salo sa hapag kainan ay pamilyang maligaya..
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Ang pamilyang salo-salo kong kumain ay asahan mong masaya, maligaya, Ganado kang kumain, naranasan mo nab a kasamang Leny?
Lenyrose: “…of course Kaka, lalo noong kami ay maliliit pa, kahit hindi masarap ang pagkain, ganado ka paring kumain, kahit kulang ang ulam.
Kaka Ali: “Agree ako sa iyo Leny, ang problema sabi ni maam, hindi naming nagagawa, kasi ang iba ay may ginagawa pa, ang iba naman ay gutom na”. tugon ng isang Ginang na may pitong anak, na ang bunso ay sumususo pa.
Tanong: Papaano nga ba ang gagawin para mabuo pamilya sa hapag kainan?
Sagot: Simple lang Kaka, first of all, ay pag-usapan ninyo ng buong pamilya, what I mean is, mag meeting kayo, at of course si Tatay ang inyong presiding officer, ang problema naman niyan Kaka, marunong ba si Pare, na magpreside ng meeting? (LAUGHING)
A na .na. na iyan ang problema… Ah basta mag-usap-usap na lang kayo.. meeting na rin yan..
Ganito na lang tatay.. total ikaw ang tatay, isa-isa mong itanong sa membro ng pamilya anong oras ang kainan na gusto nila, then, maari ka mag-suggest ng time base din sa mga sinabi nila, kahit minsan lang sa isang linggo, kong di pa kaya sa araw-araw, sa hapunan posibleng pwede. Let us presume alas ng siyete ng gabi. Ok Agree na sila.. gawin kasunduan.. at ang di makatupad magkakaroon ng penalty.. (magaan lang.. maghugas ng mga pinggan, mag-igib ng tubig).
Pagkatapos ng ilang bese ninyong nagawa, sa susunod ninyong meeting, magsagawa ng evaluation, kong may mga naging problema, kong may positive bang effect ang ginawa ninyo.
Ang ibang pamilya na nakausap, minsan sa isang lingo ay lumalabas ang buong pamilya, minsan sa beach at doon sabay-sabay na kumakain.
During the meeting pag-usapan ang mga assignment ng bawat membro ng pamilya. Usually si nanay ang nagluluto, dahil maliliit pa ang mga anak, di pa marunong magluto. Syempre si nanay rin ang namamalengke, Reminders Nanay, bago ka mamalengke itanong sa pamilya ang gusto nilang ulam (idaan din ito sa pulong o meeting o caucus). Posibleng may order ang membro na hindi kayang bilhin o lutuin, gumawa ng stratehiya, humingi ng paumanhin kong bakit di mabibili at make a good suggestion bilang kapalit, total bilang nanay alam mo ang mga gusto ng mga anak mo.
Siguraduhing nasa takdang oras ang pagluluto, kaya ang tatay dapat ihanda ang mga gagamitin ni Nanay. Ihanda ang panggatong, tubig, ang mga gagamitin sa kusina.
Bago maghain pwedeng itanong kong maghahain na, or make a warning na within kalahating oras of fiteen minutes maghahain na si Nanay at prepare na ang lahat, maligo ang dapat maligo at magbihis na ng mga damit, kinakailangan malinis ang mga damit, para ganahan ang kasama.
Kainan na, (dahil everybody is present) huwag kalimutan na manalangin, bago kumain, sa mga Kristiyano may maglead sa panalangin, para sa Muslim naman ang panalangin ay Bismillah (Sa ngalan ng Allah). Siguraduhing bawat isa ay nakapaghugas ng kamay, lalo na kong nagkakamay.
Habang kumakain Respetuhin ang hapag kainan. Iwasan na punlaan o sabihin na hindi masarap ang pagkain, kulang sa asin, matabang, at iba.. tumahimik na lamang at dapat gawin ay huwag ng kainin ang ayaw mo. Pagkatapos ng kainan, ang maganda, magkaroon ka nanay ng evaluation, sa niluto mo kong nagustuhan ba ng pamilya.
Ikaw naman tatay, be constructive kong magbibigay ng comments: “masarap ang niluto mo Darling, pero may suggestion ako, sa susunod medyo dagdagan mo ang asin, medyo matabang ang paglasa ko kanina.” “Ako nanay ang gusto ko, huwag masyado maanghang.”
Sagot ka Nanay ng maganda: “Salamat, tinuruan ninyo ako, sa susunod lalong masarap ang lulutuin ko”.
Habang kumakain, iwasan ang kuwentuhan, kong may sasabihin siguradong pampagana ang terms na ginagamit, huwag iyong makawlang gana.
Kong tapos na ang kainan, lalong mainam kong sabay-sabay ang paghinto, ibig sabihin nito ay maghintayan.
Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas… sama-sama tayo sa segment na nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


