DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Ramadhan, ang buwan ng Pag-aayuno-2

Ramadhan, ang buwan ng Pag-aayuno-2

August 9, 2010
(August 9, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

Host: Ramadhan .. ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim, Samahan ninyo kami dahil magbibigay ng ilang impormasyon tungkol sa buwan ng Ramadan si Kaka Alih sa ating segment na nakaka:

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Ang Ramadhan ang ika-9 na buwan sa Hijri calendar.

Ang Ramadhan ay banal na buwan dahilan sa ito ay itinadhana ng Panginoon sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:

“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13 ng buwan ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng Ramadan.”

Ngayon ay 28 ng Shaban ang ika walong buwan sa hijri calendar, at bukas August 10 ang 29 ng buwan ng
Shaban, at bukas din ang pag-niyyat o sighting of the new moon, at ito rin ang ipinahayag ng Darul Ifta of the Philipines, na pinaabot ditto sa DXUP sa pamamagitan nina Ustaz Ahmada Mamalangkas at Ustadz Muhammad Taha Yusof.

Ang buwan ng Shaban ay may 29 na araw o 30 araw.

Ang Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: “Huwag (magsimulang) mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Bukhari at Muslim)

Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.

Ang Kalendaryong Islam, ang Hijri calendar, katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ito ay binubuo ng labing-dalawang buwan.

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.

Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , anim na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa kapatid na Muslim ay isinsahimpapawid ang programang Duyog Ramadan, na magsisimula bukas August 10, mula 5:00 hanggang 6:00 ng Hapon Lunes ang Linggo. Ang radio program na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.

Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb.

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

Ang mga Muslim sa buwan na ito ng Ramadhan ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

Ang mga Muslim sa buong mundo ay nararapat lamang na mag-ayuno ang pinapayuhan na dapat:
Magbigay ng kawanggawa sa mga mahirap at maralita.
Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.
Maging mabuti sa mga musmos at nakakabata.
Kumandili sa mga kamag-anak.
Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat kahit na ibulong man lamang.
Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.
Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.
Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na pakikitungo ng iba.

Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling gising sa karamihang oras sa pagdarasal at paggawang mga bagay na kalugod-lugod sa Allah.

Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at pagpapalitan ng mga hadiya o regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).

At dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam sa buwan ng Ramdan, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.

Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gustong matulog sa araw.

At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.

Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway.

Dapat malaman mo rin na may exempted o pinapayagan na hindi mag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.

Maraming salamat pos a patuloyninyong pagsuportaang pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 9:37 am | permalink

Add a comment