Mahalaga ang Pagpapatawad?
August 10, 2010(August 10, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host: May nakagalit o nakaaway ka na ba kaibigan? ………..Pinatawad mo ba siya? Pinatawad ka ba? ….. ano man ang updates ng inyong di pagkakaunawaan makinig na lamang sa ating segment na nakaka baka may mapulot kang mga aral na pwedeng mong iaplay baling araw…
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Pare, Mare gusto mo ng peace of mind? Simple lang ang payo ng mga expert … magpatawad. Yes, ayon sa mga relihiyoso, na may kaalaman o karanasan, ang pagpapatawad ay isang napakahalagang proseso sa pagkakaroon ng peace o kapayapaan sa ating kaluluwa at magbibigay ng kapayapaan sa ating buhay.
Marahil naman ay lahat tayo ay nakaranas ng sakit sa mga nagawa ng ibang tao. Di ba kong minsan naisip din natin na hindi tayo makakapgpatawad dahil sa sakit na ating naranasan?
Ang sama ng loob resentment (resentment) at poot (hostility) ay nagiging malalim ang ugat sa ating mga puso at magiging mahirap ang kapatawaran.
Ang pagkakaroon ng kapaitan sa dibdib ay mahirap magkaroon ng tinatawag ng puwang ng kapatawaran.
Ang mga sugat ng emosyon ay naiiwan sa loob at ito ay magreresulta ng pagiging hindi masaya. Hindi po ba?
Ayon kay Pastor: “Ang kapatawaran ay hindi isang aksiyon na dapat nating gawin lamang, ito ay dapat hayaan natin na dumaloy sa ating puso’t kalamnan ng kusang loob. Kung tayo ay lalayo sa ating pagiging tao at hahayaan natin ang grasya ng Diyos na dumaloy sa ating katauhan at makakapagpatawad sa pamamagitan natin ay mararamdaman natin ang tunay na pagmamahal ng Maykapal.’”
Yes agree ako kay Pastor dapat, tapat o iklas ang ating pagpapatawad, at ito ay matkakatunaw sa lahat ng pait, sakit at lahat ng sense of injustice na ating nararamdaman. In short, kailangan sincere o Ikhlas ang paghingi ng tawad upang tunay na maging malaya ang ating kaluluwa.
May kasabihan nga na: “Forgiveness and truth will set us free”.
May katanungan ako, ang magulang ba’y nararapat na humingi ng kapatawaran sa kanyang anak?
Nancy: “Nararapat lamang Kaka na humingi ng forgiveness kong nagkamali sa kanyang anak, ang isang magulang sa anak para maging isang tunay na ehemplo o magandang halimbawa sa mga anak natin..”
Kaka Ali: Tama ka Nancy, hindi naman kabawasan sa ating buhay kung maipapakita natin ang ating humility sa ating mga anak.
Anong pagkakaiba nila sa ibang tao. Sila ay tao din na nalalabag ang mga damdamin. Tao din sila na bagama’t ating mga anak ay nasasaktan din. Tao din sila na may karapatang lumigaya.
Alalahanin, always remember my friend, hindi tayo laging tama na mga magulang. Tayo ay tao lamang, ang Diyos lamang ang walang pagkakamali.
Alam ba ninyo na may pagbabago ang panahon, maaaring sa panahon natin noon ay maia-apply natin ang ating mga experiences subali’t sa pagbago ng pamumuhay at paglipas ng taon, ang maaaring applicable noon ay hindi na applicable sa ngayon.
Ang isang pag-sorry o paghingi ng despensa ay magkakaroon ng malaking impact sa isang anak. Ito ay maaaring makapag hilom ng inyong bad relationship o makabawas ng trauma na naidulot ng nagawa na ninyo sa kanila sa nakaraan.
Ang pagsasabi ng sorry ay isang ehemplo ng kabutihang loob. Pag nakita ng bata ang ginagawa ng matanda, tutularan niya ito. Magiging makatao at humble ang inyong mga anak sa future. Matututo din siya na humingi ng tawad sa iba. Katunayan, kapag maganda ang inasal ng inyong anak, ang unang tanong ay ganito… sino ba ang magulang nito?
Higit sa lahat ang paghingi ng tawad sa anak ay makakapag paganda ng inyong samahan. Ito ay makaka paghilom ng isang relasyon na nagkalamat at magiging umpisa ng pagbago din sa anak kapag ang buhay ay naging hindi maganda.
Ulitin ko lang may friend, hindi mababawasan ang inyong pagkatao at pagiging magulang sa paghingi ng sorry sa inyong mga anak. Katunayan ito ay nakakadagdag pa sa inyong pagiging makatao. Higit sa lahat, sa mata ng ating Panginoon, ay lumalagay tayo sa nararapat at ito ay Kaniyang ikinatutuwa…
Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.
(play stinger-Nakaka)
Previous Comments
I very much agree with your thoughts and insights. Hope that more could d word!
Posted by ugg boots outlets at November 10, 2011, 2:15 pm


^_^
Posted by romuald at October 11, 2010, 11:16 pm