DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 11. August 2010

Basic Knowledge in Islam

August 11, 2010

(August 11, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Nancy:  Ang Islam ang relihiyon ng mga Muslim at ang mga Muslim ay matatagpuan    kahit saan bahagi ng mundo. Ayon sa mga statiska,  ang  nanampalataya sa Islam ay patuloy na dumarami subalit marami pa rin ang hindi gaanong naiintindihan ang basic na kaalaman tungkol dito, na  kong minsan ay mga dahilan na hindi pagkakaunawaan ng magkakasama o magkakaibigan.    Kaya nararapat lamang na alamin   ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Islam upang mapanatili ng sangkatauhan ang pagkakaunawaan at kapayapaan dito sa ibabaw ng lupa…  samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka… dahil tatalakayin niya ang mga dapat malaman ng mga Muslim at hindi Muslim tungkol sa Islam.

 

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: “Bakit ko pa  pag-aralan  ang Islam ay hindi naman ako Muslim?” ito ang sagot kaagad ng isang Kaibigan na ayaw magpakilala sa himpapawid.

Kaibigan dahil sa sinabi mo ay lalong nararapat na pag-usapan natin ang Islam dahil sa ating lugar  halimbawa ay Upi na karamihan ay  may  kapit-bahay, kaibigan, o nakakasama sa araw-araw na Muslim. Ang ibig sabihin ng Muslim ay nanampalataya sa katuruan ng Islam. Dito sa ating bayan, halos lahat ng ating mga okasyon na pambayan ay kasama natin ang mga kapatid na  Muslim.

Alam mo ba Kaibigan na ang mga kapatid mong Muslim ay hindi kumakain ng Haram? Ang tanong ko, alam mo ba ang ibig sabihin ng Haram?

“Syempre naman Kaka Ali” ang maagap niyang sagot.

Define  Haram?  

“Ang Haram  ay karneng baboy”. Sagot kaagad ng ating best friend.

Tama ka kaibigan, ang karneng baboy ay haram, ngunit ilan lamang iyan sa Haram, na hindi dapat kainin ng iyong mga Kapatid na Muslim.  Ang anumang pagkain na nahaluan kahit konting bahagi lamang ng karneng baboy ay magiging Haram.

Ang ibig sabihin ng Haram ay marumi o “unclean” ayon sa Biblia.  Hindi pwedeng kainin o gawin ng isang Nanampataya sa Islam (Muslim), dahil pag kinain o ginawa ito ay may karampatang kaparusahan na naghihintay para sa kanya, mula sa kanyang Poong Lumikha,sa Allah.

Kahit sa pag-kain at inumin lamang Kaibigan ay marami pa tayong dapat malaman, halimbawa ang mga Halal, (yaong pinapayagan na kainin o gawin ng isang Muslim) ay magiging Haram kong ito ay nahaluan ng konting bahagi ng Haram. Ang mga Halal na hayop tulad ng kambing, baka, asno, manok, ay magiging Haram din kong ito ay hindi nakatay (nasumbali sa wikang Bangsamoro na Maguindanon, Iranun at Meranaw)  ayon sa patakaran ng Islam.

Ang tanong Kapatid, ang ating mga restaurant o karenderia, mga pagkain sa ating pamilihan (market o department store) mga Halal ba ang mga pagkin na kanilang pinagbibili?

Sabagay ang ating gobernó natin  sa ngayon, ay pinagsisikapan na sabayan ang mga kapit-bansa tulad ng Malaysia at Indonesia, na magtatag na rin ng ahensiya na siyang mangangasiwa sa halal certification

Alam mo rin ba kaibigan na ang iyong Kapatid na Muslim ay nararapat na magsagawa ng kanyang Salaah (Dasal) ng limang beses sa isang araw?  Ito ay bahagi ng limang haligi ng Islam at ang di pag-sasagawa nito ay may mabigat na kaparusahan o pagkahiwalay sa Islam.

Ang mga Muslim na babae o lalaki ay nararapat isagawa ang limang salaah (sambayang sa wikang Bangsamoro na Maguindanon, Iranun at Meranaw, o pagdarasal sa wikang Pilipino). Ang limang Salaah ay Duhor (dasal sa tanghali), Asar (dasal sa hapon), Magrib (dasal sa takipsilim), Eisha (dasal sa gabi) at Suboh o Fajar (dasal sa bukang liwayway). Ngayon Kaibigan kong isa siyang Manlalakbay na Muslim,  tiyak na aabutan siya ng mga oras ng kanyang pagdarasal, ngayon saan siya magdarasal?

Sa ating mga paliparan o airport mayroon bang nakalaan na Musalla? (kuwarto ng dasalan).   Kahit nga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay wala tayong nakita doon, sa malalaking establishment, hotel o opisina na may mga Muslim mismo na empleyado at kustomer ay wala kang makikita na Musalla o kuwarto ng dasalan.

“Ang mga palikuran o comfort room natin, ay hindi para sa Muslim?” pag-lalahad ni Ustadz.

“Bakit   naman en para sa publiko ang mga palikuran natin, kahit na nga mga gasolina station sa national highway ay pampubliko ang CR nila”. Paliwanag ni Maam, isang Maestra ko sa elementary.

Tama ang sinabi mo Maam, na pampubliko nga ang CR na iyon, Muslim at Kristiyano ay pwedeng gamitin. Ngunit Maam, alam mo ba na ang mga Muslim na babae at lalaki ay nararapat gumamit ng tubig sa palikuran kahit sa pag-ihi lamang? Ang tanong ko may tubig ba na pag-hugas sa ihian? Kong mayroon man bibihira, siguro yaong may-ari na alam na nila ang pinag-uusapan natin.

CR pa rin, alam ba ninyo na  sa pagbabawas ng isang Muslim dapat hindi nakatalikod o nakaharap sa Qibla o yaong kinalalagyan ng Kaaba, sa Mecca, Saudi Arabia. Obserbahan mo ang ating mga CR, nakadesenyo ba sa tinatalakay natin?

Kaibigan marami pang dapat malaman  ng lahat tungkol sa Islam, hindi lamang ng Muslim kundi nararapat na malaman din ng Hindi Muslim, upang mapairal natin ang pagkakaunawaan, pagrerespetuhan, pagmamahalan at pagsasama ng mapayapa.

 Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat na kilalanin at alamin ang kanyang tungkulin sa bayan at sa kapuwa.  Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM..  Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:13 am | permalink | Add comment