Kaugalian ng Pinoy na Nararapat Baguhin
August 13, 2010(August 13-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nenita Minted )
Host: “Kaugalian ng mga Pilipino na nararapat baguhin ang siyang tatalakayin ng ating segment writer na si Kaka Alih.. sa ating segment na ….
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Ang sambayanang Pilipino ay may magkahalong lipunan o multi cultural diversity, ang bawat tribu dito sa Pilipinas ay may mga kanya-kanyang kultura at kaugalian May mga kaugalian tayo na nabuo na hindi na maganda, dahil ito ay salungat na kagandahang asal at kultura’t kaugalian ng mga katutubong Pinoy.
Ang ilan sa mga maling kaugalian ng mga Pinoy na dapat ng baguhin ay ibabahagi natin at inyong husgahan kong dapat bang baguhin o panatilihin pa.
“Para sa akin Kaka, kong may kaugaliang Pinoy na nais kong baguhin ay ang pagiging mapanuro natin sa iba. Yung bang tipong pag may nangyaring problema, ang unang hinahanap ay kong sinong taong sisisihin.” Sagot kaagad ng isang kaibigan.
Tama ka my friend, add ko pa sa sinabi mo, ang Pinoy pag naghihirap at nagugutom, gobyerno ang sinisisi., nakakalimutan niya ang kanyang sarili, na isa sa dapat sisihin dahil wala nmang ginagawa para tayo maging maunlad.
Ang iba pa diyan bumagsak sa mga subject, o falling grade, naku ang kanyang teacher ang sisinisi, kesyo napakastrikto na teacher, walang consideration, (PLAY LAUGHING). Bakit kasalanan ko bang mag-absent sa klase para tulungan si tatay sa bukid? Nagbuhay-buhay lang naman ako para may baon din.. depensa ng isang estudyante. A na. na. kong ganito ang tatay mo ang masisi natin…(PLAY LAUGHING). Tay magsikap ka.. huwag masyadong … never mind.. (PLAY LAUGHING).
Kong minsan naman talo sa election, speaking of election, tila tuloy-tuloy na ang halalan sa barangay sa darating ng Oktubre, ok balik sa topic, kong talo sa election, sasabihin: “kasi dinaya ako” (ang totoo hindi lang nakalusot ang kanyang pandaraya) (PLAY LAUGHING). Yes please don’t laugh , ‘wag kayong tumawa, totoo iyan, ang Pinoy, laging sinisisi ang kapuwa, pag may kapalpakan na nagawa. At kaibigan di b a ito ang dapat baguhin natin na ugali..naghahanap tayo ng masisi, sisihin natin ang ating sarili kasi hidi tayo nagsikap.
“Para sa akin Kaka Alih, ang dapat pang baguhin na ugali ng Pinoy ay yung pagka-inggitero ng o yaong tinatawag na crab mentality”. Pagpapaliwang ni Maam, isang guro.
Oo nga no? Tama ka maam, napansin ko rin yan, Bakit ganun? kung kailan umaasenso o nagiging sikat ang isang tao ay saka naman ito hahatakin pababa ng iba. Ewan ko ba bakit kasi nagiging inggitero ang mga Pinoy….may mga taong ayaw nilang malagpasan ng kanilang kapuwa, gusto nila sila lang palagi ang number one. Halimbawa Kkong may nagiging leader sa kanilang angkan o pamilya, kaagad nagplano na rin na maging leader, at di baling makagawa ng mali, basta malagpasan o matapatan man lamang ang kanyang hinihinalang karibal sa kanilang angkan..
“Para sa akin Kaka Ali, dapat din baguhin ang ugaling “Ningas Kugon” ng mga Pinoy,” share naman ni Babo Kadigia
Ang ningas kugon, ay maapoy sa una, ngunit maya-maya na lamang ay walang ng apoy. (PLAY LAUGHING). Pag-sa simula ng trabaho, ang sipag-sipag, yun pala pakitang tao lamang, pag wala ng nakakakita, (PLAY LAUGHING). Wala na , off na, pahinga na.” (PLAY LAUGHING). A na ito talaga ang dapat baguhin, dapat parang makina, habang umiinit lalong bumilis.. “Kaka, hindi kami makina, tao kami.. joke joke, talo ang pikon…..” (PLAY LAUGHING).
Another na mhindi ko gustong ugali nating mga Pinoy ay yong bang, ang bilis nating manghusga ng tao…sabi nga ng bestfriend ko, “don’t judge the book by its cover because you’re not a judge.” (PLAY LAUGHING). Hindi pala, don’t judge the book thru cover but thru the content.
Heto ang naman ang kay Maestro: “Kaka para sa akin, ang lahat ng ito walang dapat sisihin kung hindi mga mananakop nating mga Kastila kaya tayo naging ganito.”
Maestro Ipaliwanag mo papaano natin masisi ang mga Kastila.
“Ganito yun Kaka, dahil sa kanilang pang aapi noon sa mga Pinoy, nabuo sa utak nating Pilipino ang mga ugaling ito. Try to read our history book, malalaman mo na peaceful ang Pilipinas noong panahon bago pa tayo sakupin ng Kastila, diba walang krimen at lahat ng tao ay nagkakasundo?”
Comment Maestro, history din man lang ang binanggit ninyo, dagdagan ko ang sinabi mo. Hindi lang naman ang mga Kastila ang sumakop sa atin, pati na rin ang mga Amerikano ay sinakop din tayo, at ayon sa political officer ng MILF, ang pinakaugat na problema ng mga kapatid na Bangsamoro ay ang pagsakop sa kanila ng Amerika, ng mabili o masakop ang mga Pilipino, kasama ang mga Bangsamoro, ngunit ng binigyan ng kalayaan ang Pilipino ay hindi naman binigyan ng kalayaan ang Bangsamoro, dahil ippinasakop sila sa kapatid na Pilipino.
Heto pa ang alam ko na dapat baguhin, “pangungutang para may maihanda sa fiesta.”
Fiesta? Tama ka kaibigan, biruin mo kahit pa isanla natin ang bahay natin makapaghanda lang sa ang Pilipino sa mga fiesta. At hindi basta paghahanda, magarbo pa. Di ba parang mali naman ata yon? papano na ang pamilya natin pagkatapos ng fiesta?
“..gutom!, gutom Kaka Alih .. O ano Kaibigan payag ba kayong ganon ang mangyari? Gutom. Gutom. Wala kayong makain, dahil ubos na ang budget at may utang pa kayo na 5/6 ang tubo. (PLAY LAUGHING).
“Kaka Alih, para sa akin, maituturing ko itong isang napakalaking kalokohan.” Ano iyon mads,
Ang labis na pag-gasta saisang handaan o fiesta na wala ka naming budget dito, kay utang lang mula sa 5/6.
Actually hindi yung pangungutang ang dapat puntuhin dyan sa pangungutang sa gastusin sa fiesta. Ang dapat baguhin ng mga Pinoy ay yung kayabangan. (Yes mayabang tayong mga Filipino, tabi-tabi lang ang hindi mayabang.. bato-bato sa langit ang tamaan ay may bukol)
(PLAY LAUGHING).
Yes huwag pagtawanan ang sinabi ko, tayong mga Pilipino, kahit pa anong okasyon nangungutang makapaghanda lamang. Bakit kung wala kang pera, bakit ka naman maghahanda para lang hindi masabi ng kapitbahay mo na wala kang pera? Yun siguro ang dapat baguhin kayabangan, pag nawala na yung yabang, hindi na problema ang pangungutang.
“Heto pa Kaka, isa pang ugali ng Pinoy na dapat baguhin, pag sinabi mo sa kanya ang totoo, galit sa iyo, ikaw pa ang mali”. Mula kay unanimous.
Madali lang ya, my friend, kong ayaw niya ng totoo I di.. never mind…kalimutan mo na ..
(PLAY LAUGHING).
“Isang ugaling dapat mawala sa atin ay yung pagiging mapagsamantala.. yung pakakainin mo na sa palad pero pati siko ay gusto pang sunggaban…” (PLAY LAUGHING).
Hay naku di ito matatapos kong ang pag-uusapan ang dapat baguhin sa ating mga Pinoy, ang dapat yata ay complete overhaul..
Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare ang magbigay lamang kayo ng feed back kay Kaka Ali, sa Lunes..
(PLAY LAUGHING).
Pansamantala hanggang dito na lang muna kami, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes…itutuloy natin ito at lalo natin paiigtingingin ang talakayan.. This your segment writer and producer.. at your service …. Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


