DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Pangangalaga at Pagmamahal sa Puno at Hayop sa pananaw ng Islam

Pangangalaga at Pagmamahal sa Puno at Hayop sa pananaw ng Islam

August 16, 2010

(August 15, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na”Nakaka”. Host –Lenyrose B. Sunio)

Host:”Pangangalaga at Pagmamahal sa Puno at Hayop sa pananaw ng Islam ang ating tatalakayinngayong umaga sa ating segment na nakaka at makakasama natin si Kaka Ali”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Marahil sa mga hindi nakakaalam sa  Deen ul Islam   aymagtataka, kong ang pag-uusapan natin ay tungkol sa kapaligiran ay base sakaturuan ng relihiyong Islam, dahil ito ay religion,. Kapatid na nakikinig, dahilng ayon ay Banal na Buwan ng Ramadan, ay ating tatalakayin sa ating segment nanakaka ang tungkol sa kalikasan sa pananaw ng Islam.

Ang Islam  ay hindi lamang nagtuturo  ng religion “per see”  kundi ito ay sakop din anglahat ng aspeto ng buhay, halimbawa usapin na sya nating  tatalakayin natin ngayon,  ang  Pangangalagaat  Pagmamahal sa Puno at mga Hayop.

Sa Islam ang kaugnayan sa pagitan ngsankatauhan at ang kapaligiran ay batay sa katotohanan na ang lahat ng bagay sadaigdig na ito ay nilikha  upangmapalakas ang ating paniniwala at pagsamba  sa Allah.

Ang pagsambang ito ay hindi lamang isang rituwal na pagganap, ngunit ito’y pinapakahulugan sa pamamgitan ng mga gawa; na ang ibig sabihin ito’y bahagi ngpaniniwala ng mga Naniniwala (Muslim)  upang hindi sirain ang kapaligiran.

Ang sankatauhan ay may-pananagutan para sakabutihan at pangangailangan ng ibang nabubuhay sa paligid ng mundo, katulad ng hayop at lahat ng uri ng halaman na hindi masira o mawasak ang kapaligiran nito.

Alam mo ba Kapatid na ang Propetang si Muhammad (SAW)  ay hinimok ang pagsasakahan (agricultural sector)  na  palawakin ang mabiyayang kapaligiran dahil dito nagmumula o kinukuha ang mga ikinabubuhay ng tao at hayop?

Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): “At kung anuman ang itinanim ng isang Muslim o mag-alaga ng binhi o ng isang halaman, o ng isang tao, o ng isang hayop, o ano pa man na kaniyang inalagaan, ito ay ibibilang para sa kaniya na isang gawain ng kawanggawa.” (Mula sa Hadith na Iniulat ni Al- Bukhari)

Alam mo ba Kapatid na ang Propeta Muhammad (SAW) ay ang kaunaunahang nagtatag ng pangangalaga ng kapaligiran?

Ayonkay  Propeta Muhammad (SAW) ay ang mgapuno ay hindi maaaring putulin at ang mga hayop ay huwag papatayin.  Ang Madina ay kanyang pinangalagaan angkapaligiran,  kanyang ipinag-utos sa mgaSahaba  (Companion of the Prophets) walangpuno na dapat aalisin o puputulin   maliban lamang kong talagang kinakailangandahil   maaring   magiging sanhi  ng pag-alis ng mga kamelyo.

Sinabing Propeta: “Ito ay banal, at walang puno dito ang maaaring putulin, maliban naang isang tao ay pakakainin ang kaniyang kamelyo.”

Sinabirin niya: “Hindi ko ipinahihintulot na ang puno sa pagitan ng dalawang batongmaitim (palatandaan ng hangganan) ng Madina na putulin ito.” (iniulat ni Al-Bukhari)

Ganoon sa mga hayop itinuro atipinag-utos ng Propeta Muhammad (SAW) ang pagmamahal at pagkalinga sa mga hayop.

Ang magbigay ng kawang-gawa sa mga hayop ay kabaitan at kabanalan, at kapag angisang tao ay hindi tumulong para sa kapakanan ng hayop, ay nagtataguyod ngkasalanan at pang-aapi at sumasalangsang sa Maykapal na Makapangyarihan salahat.

Angilayo ang hayop mula sa pagkain at inumin, at pabayaan ang pagdidilig ng punongkahoy at halaman hanggan sa sila ay mamatay, ayon sa salita ng Maykapal,winawasak niya ang daigdig at at sinisira ang mga halaman at ang mga kaapu-apuhan.

Isinumpang Propeta ang sinuman na pumatay sa isang may buhay na nilikha para lamang sagawain ng paligsahan [tulad ng pangangaso]. (At-Tirmidhi)

Ipinagbawal ng Propeta na ihanda ang mga hayop upang sila ay maglaban-laban bilang pang-paligsahan.” (At-Tirmidhi)

Kaugnay pa rin ng pagmamahal sakapaligiran na ipinag-uutos sa mga tao (mga Muslim)   napanatilihin ang kalinisan ng pamayanan.

Dahil ang Propeta Muhammad ay hinihimok ang mga tao na linisin at huwag dumihan ang kanilang mga bayan.

Sinabing Propeta Muhammad (SAW): “Ipinakita ko ang mga gawa ng aking matapat natagasunod: kapwa mabuti at ang masama, Nakita ko sa aking sarili ang kanilang mga gawang mabubuti sa pamamagitan ng pag-aalis ng nakasasakit na bagay sa daanan ng mga tao. ” (Iniulat ni Muslim)

Sinabipa rin niya: “Ang Pananampalataya ay kabilang ang mahigit na pitongpung sanga,…ang pinakapayak sa mga ito ay ang pag-alis ng anomang bagay na pinagmumulan ngsakuna mula sa daanan.” (Iniulat ni Muslim)

Ilan lamang ito Kapatid sa mga katuruan ng Islam tungkol sa pangagangalaga sa ating kalikasan.

Posted by dxupfm at 8:21 am | permalink

Add a comment