DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Karapatan ng Kapitbahay

Karapatan ng Kapitbahay

August 18, 2010

(August 18,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose B.Sunio)

Host: “Ang ating mga kapitbahay ay  may karapatan, maging ito man ay magkaiba kayo ng pananampalataya, ito ang itinuturo ng ating mga relihiyon, maging Kristiyanismo o Islam.”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  Isa sa mga hadith na ating nakalap na ganito ang nakasaad ayon sa pagakakasalin sa Pilipino:  Sinabi ng Propeta Muhammad (SAW):

 Alam ba ninyo ang mga karapatan ng inyong kapitbahay? Kung siya ay humingi ng tulong, kailangang tulungan siya, kung siya ay nakaratay sa karamdaman, dalawin siya, kung may nangyaring maganda sa kanya, batiin siya, kung may masamang nangyari sa kanya, kalamayin ang kanyang kalooban; at kung siya ay namatay, makipaglibing. Huwag taasan ang iyong bakuran na halos ay harangan ang dadaanan ng hangin patungo sa kanila maliban na lamang kung siya ay may pahintulot. Hindi siya dapat inggitin sa amoy ng iyong pagkaing niluluto maliban na lamang kung siya ay bibigyan nito. At kung bumili ng mga pagkain, bigyan siya bilang regalo, nguni’t kung hindi ito magawa, dalhin ang pagkain sa iyong tahanan ng hindi nila nakikita at huwag payagan ang mga anak na kumain nito sa labas upang hindi mainggit ang iba pang mga bata na anak din ng iyong kapitbahay.” (Abu Bakr Muhammad ibn Ja’far ibn Muhammad Ibn Sahl al Khara’iti.)

Sa Biblia ng mga kapatid na Kristiyano nakasaad doon:   Mahalin mo ang iyong kapwa, ng higit pa sa akin.” Ito ang ikalawang utos ng Diyos.

Ayon sa magandang kaugalian ng isang Muslim, dapat na pagtiisan ng isang Muslim ang mga suliranin na idinudulot ng kanyang kapitbahay at lalong maging mabuti dito. Ang isang nainiwalang Muslim hindi niya dapat  bigyan ng problema ang kanyang kapitbahay.

Narito ang isang Hadith na sumuporta sa ating tinutukoy. Isang tao ang lumapit kay Abdullah Ibn Abbas (ra) at nagsabi:

Isang kapitbahay ko ang nagdudulot ng malaking problema sa akin. Ako ay kanyang iniinsulto at inilalagay ako sa isang kahihiyan.’ At si Ibn Abbas ay sumagot: ‘Kung sumuway siya sa Allah (sa pamamagitan ng pag-alipusta sa iyo), Sumunod ka sa Allah (sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan sa kanya).”

(Imam Ghazali, Ihyaa Ulum-ud-Din, Vol. 2, p.212)

Sa inyong  arian-arian ay may karapatan din ang inyong kapitbahay. Halimbawa ay hindi niya dapat ipagbili o ipaupa man lamang ang isang ari-arian na katabi ng kanyang kapitbahay hangga’t hindi niya ito inalok sa kanya o di kaya ay alamin ang kanyang opinyon sa ganitong pagkakataon. Ito ay naaayon sa sinabi ng Propeta (sas) na ang kahulugan ay nagsasaad ng ganito:

“Kung ang isa sa inyo ay may kapitbahay o katuwang sa isang sakahan o lupain, huwag itong ipagbili sa iba hangga’t hindi ito iniaalok dito (sa katuwang) na siya na ang bumili.” (Hakeem)

Mayroon Tatlong Uri ng Kapitbahay:

- Ang kapitbahay na iyong kamag-anak. Siya ay may tatlong karapatan; Bilang kamag-anak, kapitbahay at bilang isang Muslim.

- Ang kapitbahay na isang Muslim: Siya ay may dalawang karapatan; Bilang kapitbahay at bilang isang Muslim.

- Ang isang kapitbahay na hindi Muslim: Siya ay may isang karapatan; Bilang isang kapitbahay.

“Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa Kanya. Maging magalang kayo sa iyong mga magulang, kamag-anak, at mga ulila, mga nangangailangan, at maging sa iyong mga kapitbahay na iyong kaanak at mga hindi kaano-ano, at ganoon din sa mga naglalakbay at napadpad sa iyong lugar, at maging sa mga alipin na iyong pinamamahalaan. Katotohanan! Hindi mahal ng Allah ang mga mapagmataas at mayabang.” (Qur’an Surah Al-Nisa:36)

Sa mga nabanggit natin ay maliwanag na ang atin mga kapitbahay ay may karapatan sa atin, kaya nararapat na mahalin, damayan, at tulungan kong kailangan niya ang inyong tulong.

Posted by dxupfm at 8:01 am | permalink

Add a comment