Hotel check-in
August 26, 2010
(August 26, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose B. Sunio)
Host: “ Kapag pumunta ka sa ibang lugar tulad ng Davao City, Metro Cebu, Metro Manila o saan man sa bansa o saan man bansa sa mundo ay wala kayong matutuluyan kong hindi hotel, kuwarto na magbabayad ka. Naka-experience ka ba? Yes or no, samahan ninyo kami nina Kaka Ali, dahil iyan ang ibabahagi sa ating segment na nakaka.. Alamin kong papaano mag-check-in sa hotel.
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Alam mo ba Leny kapag narinig ng mga matatanda na sa hotel ka natulog ay magtataasan ang kanialng kilay?
Leny: Bakit naman Kaka?
Kaka Alih: Kasi ang nakaugalian o mga kuwento ditto ginaganap ang mga panandaliang aliw, ng mga magsing-irog at mga lalaking nangangailangan ng sandaling ligaya…(PLAY-LAUGHING)..
Leny: Ha? Ganoon, hindi ko iyon alam, ang alam kong tulugan ang hotel ng mga traveler.”
Kaka Alih: “Kaibigan huwag mong sabihin na dahil taga Upi ka, na nadiyan sa mga kabundukan ay wala ka ng pangarap na matulog o makapag-check-in man lang sa magara at magarbong mga kuwarto ng mga hotel, na naglilipana ngayon sa ating mga lungsod sa Pilipinas, alam mo ba \ marami na rin sa ating mga kababayan na hindi nila pinangarap na makapasok o makatulog dito ngunit nangyari na. (Hindi katulad ng iniisip mo na iniisip ni lola..) (PLAY-LAUGHING)..
Papaano? They were invited as participants ng isang seminar/workshop ng mga funding agency, tulad ng USAID, UNFA, DOH at maraming pang iba, at ang mga star hotel pa ang kinukuha nilang venue para sa mga nagse-seminar., kong bakit hindi ko alam, sigoro at least makatikim man lang tayo ng malambot na…..(PLAY-LAUGHING)….. higaan.
Ang tanong, handa ka ba, (sa alin Kaka?) Bakit? (PLAY-LAUGHING).. alam mo ba ang gagawin mo para hindi ka katawa-tawa o kahiya-hiya, iyon bang tawagin nila ay “nagkakalat” (PLAY-LAUGHING)..
Halimbawa Kong sa mga star hotel, yaong bang katulad sa mga tahanan ng mga milyonario na hotel, narito ang mga dapat tandaan:
1. Mga una mong dapat alamin o tandaan ay ang pangalan at address ng hotel kong saan ka mag-check in, dahil malaki ang babayaran mo sa metro ng taxi;
2. Pagdating doon… ay sigorado kong mga check-up sa mga gamit, kaya dapat handa kang magpa-check-up sa security guard for “security reason” daw;
Pagkatapos dumiretso sa counter o front desk na nasa lobby, (at madalas magaganda ng mga dilag ang nakabantay doon, at napaka…nevermind) (PLAY-LAUGHING).. at itanong ang inyong reservation at ibigay ang inyong kumpletong pangalan, lalong mainam kong ipakita ang inyong valid ID. Kong sakaling wala kayong reservation, itanong anong bakanteng kuwarto at magkano, ngunit siguraduhing may sapat kayong pera, siguradong hindi baba sa dalawang libo at baka abutin pa sa mahigit dalawampung libo, depende sa kuwartong kukunin ninyo.
3. Karamihan sa mga star hotel ay pinadedeposit kayo ng cash, o credit card, tulad ko sa Bangkok, hinihingaan ako ng isang daang dolyar, kulang-kulang limang libo din iyon, ngunit huwag mag-alaala ibabalik din iyon pag-check-out o pag-labas muna.. ngunit kong mga nabawas ka sa mga paninda nila, dahil may mini-grocery store sa loob ng kuwarto, ibabawas nila sa deposit ninyo.
4. Karamihan sa ngayon sa mga star hotel hindi susi na nakaugalian ninyo, ang pangbukas ng pinto, ito ay Electronic o E-card na, huwag na ninyong gayahin si Kaka Ali na tinawagan pa ang front desk upang itanong ang susi, dahil hindi makapasok.. (PLAY-LAUGHING)..
5. Karamihan o halos lahat ay gumagamit ng elevator o yaong papasok ka lang at aaakyat o baba na na kuwarto, pare koy huwag ding mag-magaling dahil sinasabi mo sa sarili mo na may karanasan ka diyan,, may mga hotel na hindi gumagana ang push button kapag wala kayong e-card yaong bang e-card mo sa inyong kuwarto, katulad namin nina Donald, Leny at Nancy.. experience yata ito.. (PLAY-LAUGHING).. magpatulong sa taong hotel..
6. Pag kayo ay maliligo, may hot at cold o mainit at malamig na tubig, mag-ingat baka kayo masunog.. kong wala kayong kaalaman.. huwag mag-magaling, lalong mainam kong magpapaturo sa bell boy o yaong mga tao ng hotel, alalahanin ang kasabihan na: ang pagsasabi ng totoo ay pagsasama ng maluwag.. (PLAY-LAUGHING)..
7. Pag-lumabas ng kayo ng hotel iwanan ang susi o ang e-card, pag nawala ninyo.. iyon may bayad…
8. Kadalasan, sa mga hotel, free ang pagkain, kundi kasama reminders!!!! Ang mga pagkain sa star hotel asahan mong star din ang halaga.. pwede namang magbring o magdala ng pagkain sa loob ng kuwarto.. gayahin si Kaka Ali bumibili o nagbabaon ako ng mineral, pagkain at kong ano-ano pang makutkut sa loob ng kuwarto.
Kaibigan pansamantala check-out muna ako.. (PLAY-LAUGHING).. este.. (PLAY-LAUGHING).. tapos na ang topic natin… bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


