DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Ramon Piang Sr. Membro ng GRP Peace Panel na Nakikipag-usap sa MILF

Ramon Piang Sr. Membro ng GRP Peace Panel na Nakikipag-usap sa MILF

August 29, 2010
     

Balita ni Alih S. Anso

 

Nuro, Upi (August 29, 2010)..Ang dating alkalde ng Upi na si Ramon Piang Sr ang Ika-apat na membro ng peace panel ng goberno ng Pilipinas na nakikipag-usap ng kapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ito ang pahayag ng Chairman ng peace panel na si Marvic Leonin.

 

Sa ngayon ay kumpleto na ang peace panel ng goberno ng Pilipinas, matatandaan na nauna ng appointed ni Pangulong Benigno Aquino si Marivic Leonin, bilang chairman, at sumunod sina UP Professor Miriam Coronel-Ferrer at at negosyanteng si  Senen Bacani. Nitong huli ay si vice mayor Piang ng Upi ay isang Teduray at ang ikalima ay hindi pa pinangalan ng pormal ng goberno ay isang  Bangsamoro diumano,   si Dr. Hamid Barra, dating secretary of education in the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

 

Si Vice Mayor Piang ay dating guro at principal ay tumaggap na ng maraming papuri bilang mapagkakatiwalaan at magaling sa pamumuno. At nag-iisang mayor ng ARMM na tumaggap ng Galing Pook Award noong 2004 at tinanghal noong 2005 ng Eduardo Aboitiz Triennial Award for Exemplary Individual.

 

Umani kaagad ng papuri si Piang mula sa kanyang mga kababayan at samabayanan at umaasa ang lahat ng magagapanan niya ang mabigat na tungkulin na nanakaatang sa kanya.

 

Samantala sa panig naman ng MILF   Peace Panel bagamat deactivated mula noong Hulyo 1 at  magpahanggang sa ngayon, na kinabibilangan nina   Mohagher Iqbal bilang chairman; Atty. Datu Michael Mastura, Atty. Lanang Ali, Maulana Bobby Alonto, at Atty. Musib Buat. At alternatibong mga membro ay sina Abdullah Camlian, a Bangingi Sama-Tausog, at Datu Antonio Kinoc, isang  a B’laan.

 

Ayon kay Iqbal ay magmemeting pa ang central committee ng MILF at sila ang magdedesiyon kong kailan muling iactivate ang MILF peace panel.

 

Sinabi pa rin  ni Iqbal na palagi ng handa sa pakikipag-usap ang MILF para kapayaan upang makamtan ang  katarungan ng  mga Bangsamoro at ng mamamayan  ng Mindanao na matagal na nilang minimithi.

 

Sinabi pa rin ng Information Chairman ng  MILF na si Iqbal na  kahit sino ang uupong mga membro ng GRP panel ay haharapin  nila, ang mahalaga ay tutuparin ng  goberno ng Pilipinas ang mga napag-usapan.

 

 

Posted by dxupfm at 11:18 am | permalink

Add a comment