DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Magsing-irog: Panatilihing Maligaya ang Pagsasama

Magsing-irog: Panatilihing Maligaya ang Pagsasama

August 31, 2010

(Agosto 31, 2010-Martes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Para sa magsing-irog, samahan po kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka   dahil muli kayong kikiligin sa aming ibabahagi ngayong umaga: Magsing-irog: Panatilihing Maligaya ang Pagsasama

 

(NAKAKA- INTRO)

 

Kaka Ali:  “Kaka Ali, papaano ba mapapanatili ang aming matamis na pagsasama ng aking pinakamamahal na asawa?” Tanong ng isang kaibigan.

 

Sayang kaibigan  hindi pa maka-program si Ate Bai Zuhiera, dahil bagong silang ng baby, but don’t worry andiyan na pansamatalang humahalili sina Lucy at Ate Dhing, abangan sa katapusan ng Ramadan, sa Lunes, September 13, muling magsasahimpapawid ang inyong programang pananaw at panggabay.. at doon natin ito, isa-isahin ng husto at pwede pa kayong makisali sa programa.. kaya abangan!!

 

Balikan natin ang topic: papaano mapapanatili ang ligaya at tamis ng pagsasama ng mag-asawa…(LAUGHING)  naku kaibigan maraming style diyan..Di ba Kokoy? (LAUGHING)..  

 

Ano ba yan! Tila iba ang pagka-intindi ninyo.. what I means is..  Maraming paraan ang magagawa ng mag-sing-irog o mag-asawa upang lalo pa nilang pagtibayin at patamisin ang kanilang pag-iibigan at pagmamahalan.

 

Ang pinaka mahalaga ay “personal will’  (ano yan   para baga yaong sinasabi nila kay Gloria na kailangan ang political will para maibangon ang bansang ito…) what I mean is… ang mahalaga kaya mong gawin ang dapat mong gagawin… buweno kapatid itutuloy natin yaong kahapon na pagbibigay  ng ilang pointers…

 

Heto ang una na pointers: Iwasang mapaghinalaan ng inyong asawa.

Explanation nito Kapatid, para hindi ka mapaghinalaan o mapagbintangan na may ginagawang masama, iwasan ang mga sitwasyong kanina-hinala. Huwag kang magasasama o sasama sa hindi mo asawa sa isang lugar na makukwestiyon ang iyong pagsasama.  Halimbawa: Sa loob ng pribadong sasakyan iwasang umangkas sa motor ng may motor na dalawa lamang kayo, kong di maiiwasan na dalawa lamang kayo, gayahin ang style ni Mare, naglalagay ng bag sa aming pagitan kong kami lang dalawa.. (PLAY LAUGHING). Another sample ay: Iwasan ang makipagtextmate, kahit na kapareho kayo ng kasarian, kahit pareho kayong babae o lalaki, maliban pa  sa mapaghinalaan ka ng iyong darling ay, magastos din iyan., mabuti pa Kapatid ay  ialkansiya muna lang  iyang ilolod mo at may magagasotos ka  sa   anibersaryo ng inyong  kasal.. (PLAY LAUGHING).

 

Next pointers natin ay:  Laging maging maunawain sa inyong asawa.    

Kung gusto mo na lalo kang mamahalin ng iyong asawa.. heto makinig… ipakita mong inuunawa mo siya. Ganoon lang?  YES.. bakit what do you expect? (PLAY LAUGHING).  Laging maging maunawain sa inyong asawa.    Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli ang hinahanap mong pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din niya. Ang pagpapakita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensya ng pagmamahal sa ating mga asawa.

 

Third pointers ay: Laging bukas ang communication  sa inyong asawa.

 

Dapat lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa’t-isa. Makinig at hindi lang ikaw ang palaging nagsasalita.. two way traffic ika nga.. Maniwala ka kapatid…Maraming problema ang maiiwasan ng mag-asawa kung laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.

 

Pang-apat na pointers ay: Laging maging mahinahon sa pag-uusap pag may problemang nilulutas..

 

Sa totoo lang, maraming problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon ang mag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang mag-asawa. Magpokus sa solusyon…. huwag sa pagkakamali o sa problema ng isa’t-isa.   Iwasan din ang pangungutya at magtaas na tono pag nagsasalita. Bantayan ang mga salitang ginagamit may mga terminong salita na lalo lamang nakakapagdagdag sa problema, tulad halimbawa ng mga salitang may himig na pangungutya.

 

Panglima kaibigan ay: Sabihin sa iyong asawa ang iyong nararamdaman.. hindi lang pinaparamdam..

 

Ewan ko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, hindi naman manghuhula ang asawa mo para malaman niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa panahong nanghihina o nagdaramdam ka, magandang sabihin ito sa asawa. Huwag sarilinin ang pagdurusa. Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa. Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo ito sasabihin sa kanya. Huwag mahiya. Huwag mag-alala.  Magsabi ka sa asawa.

 

Number six na pointers: Iwasang isumbat sa iyong asawa ang nakalipas na pagkakamali niya…

 

 May mga taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng pagkakamaling nagawa ng asawa.  At pauli-ulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka niya. Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi na dapat isumbat pa. pag may bagong nagawang pagkakamali ang iyong asawa, huwag mong isama iyong mga luma na. walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling lipas na.

 

Pangpito na tayo kaibigan at ito na ang panghuli sa umagang ito: Iwasang gawin ang mga bagay na alam mong ikagagalit niya….

 

Alam mo Kapatid,  may mga asawa na talagang nanandya…intentional ika nga…ang alibi ng iba, para pagselosin si asawa.. .Talagang  tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalit ng kanyang asawa. Ang payo ng mga expert: HUWAG GUMAYA SA KANILA. Baka kasi hindi kumagat sa “psywar” mo.. patay kang  bata ka!!!  (LAUGHING)   Yon naman eh… kung ayaw mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang may masamang epekto pagtahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka.

 

May kasabihan gna tayo na: “Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong   gawin niya sa iyo, .ay indi pala… huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.. ganoon… (LAUGHING)  

 

Tama na muna ang kilitian sa umagang ito,, bukas tuloy natin ang tawanan este programa…Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by dxupfm at 8:09 am | permalink

Add a comment