DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » September 2010

Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon

September 29, 2010

(September 29,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “Kalagayan ng  Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon ito ang ibabahagi  sa atin ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Kahalagahan ng Kababaihan ang isa sa mahalaangang   mga tinalakay sa meeting/orientation na gananap sa Lungsod ng Kutabato kahapon (Sept 28, 2010) na isinagawa ng Sustainable Health Through Empowerment and Local Development  o SHIELD project isa itong Non-government organization na pnondohan naman ng  United States Assistance for International Development (USAID).

Ano ang kalagayan ng mga kababaihan sa kasalukuyan sa ating bansang Pilipinas? . Alam ba naiulat na sa taong 2009, may 9,485 kaso ng karahasan sa kababaihan ang naitala ng Philippine National Police- Women and Children Protection Center (PNP-WCPC). Ito ay mataas ng 21% kumpara taong 2008.  Ayon sa Center for Womens Resources(CWR), may isang babaeng nagagahasa sa kada walong oras.  

Noong mga unang panahon panahon ng Jahiliya o  day of the  ignorance…Alam ba ninyo ang kanilang katayuan sa lipuna? Ang    turing sa kanila  ay segunda klase na nilalang ng Diyos…Patawarin sila ng Diyos.. Tinuturing nila ang babae ay   pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba hinugot  lang sa   tadyang  ni Adan ang paglalang ng babaeng si Eba…Ang iba naman ay mahina ang babae, kaya pangkama na sila.  Ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag  ng Allah ang Islam.    Nagbago ang lahat ng ihayag ng Allah na si Muhammad ay kanyang Sugo o Propeta. Nagbago ang turing ng mga tao sa Babae, pagdating ng katuruan ng Islam. Umangat ang kanilang kinalalagyan.  Nagkaroon sila ng karapatan.  Karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba  sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan.

Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?.

Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan, sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din ang mga babae ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”

Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.

Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay  ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.

Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.

Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.

Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.

Sa mga babaing Arabo naman bago dumating ang Agama o relihiyong Islam ay itinuturing na isang kamalasan ang pagkakaroon ng anak na babae, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga Arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.

Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan.  

O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Nakasaad sa Qur’an, 49:13]

Ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin  noong una pa man dito sa ating mga programa sa  DXUP FM  , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ng mga Bangsamoro ang mga karapatan ng mga Kababaihan, at pinangalalagaan ang kanilang maratabat o dangal, na kong minsan ay humantong ito sa patayan ng membro ng angkan, maibangon lamang ang dangal ng kababaihan nila.

Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura,  halimbawa ng kulturang Pilipino, na ang kulturang ito ay minana pa nila ang iba sa mga mananakop na Kastila at Amerikano.

Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito.

Ø  Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro, ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;

Ø  Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;

Ø  Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;

Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala.

Ang mga  babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayroon siya,  sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:

1.   May karapatang magmay-ari   tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.

2.   Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.

3.   May  karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali.

Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”

4.   Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.

5.   Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.

7.   Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.

Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.

8.   Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay  maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.

9.  May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.

Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan. 

Ang inyo pong Kaka Ali nagpapasalamat sa inyong pakikini at nag-anyaya muli sa susunod na kabanata ng ating nakaka.. ditto pa rin sa ating programang buhay-buhay sa DXUP FM. 

Posted by dxupfm at 4:44 pm | permalink | comments[2]

Pagpili ng Leader nating mga Pinoy

September 23, 2010
     

 

 (September 23, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: Papaano ba  pumipili ang mga Pinoy ng kanilang  pinuno o leader ? Ano ang kanilang batayan ?  Samahan si  Kaka Alih sa ating segment na Nakaka at magbibigay siya ng ilang pointers….

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  Sa ating  bansang Pilipinas, ang halalan o election- (ang barangay election  October 25, 2010-filing Oct 1-13, 2010)  ay isang paraan ng pagpili ng mga pinuno o leader, sa ganitong sistema ay   kasama ang taong bayan, at kong sino ang maraming nakuhang botante ay siyang nananalo. Ngunit dahil sa sistema na hindi gaanong naiintindihan ng mga Pinoy ay nagiging marumi o nagkakaroon ng dayaan.  Kaya naman   patuloy ang mga religious groups, tulad ng mga simbahan, at iba pang grupo, sa paghimok at pag-alalay “sa mga mamamayan sa pag-gawa ng mga pagpapasyang pulitikal na magbibigay ng katiyakan sa mga mamamayan  ng pagkakataong makapaghalal at papanagutin ang mga namumuno sa kanila kong kinakailangan, gayundin ang palitan sila, kung kinakailangan palitan ngunit sa mapayapang paraan.”

 

Isinusulong at Itinuturo ng mga grupong ito ang pagpili at gawing managot ang mga pinuno sa kanilang mga pinamumunuan at napakahalagang pagpapasya na dapat sumunod sa pamantayang moral.

 

Pinapa-alalahanan din nila ang mga mamayan na labag sa kabanalan ng halalan ang pagbili ng boto o ang pagpalit nito sa anumang pangako kapalit ay konting pabuya. Ang anumang pamimilit ay labag din dito.

 

Narito ang ilan sa mga pamantayan ng pagpili ng ihahalal o iboboto na magiging leader:   

  1. Ang   pinuno ay ang taong may pag-ibig, paniniwala, may takot  sa Diyos;  
  2. Dapat ang  pinuno ay isang tao na ginagabayan ng konsensyang nahubog na mabuti at laging nakahilig sa pagpili sa kabutihan.
  3. Ang pinaka-magaling na pinuno ay yaong  namumuhay at naglilingkod ayon sa mga panuntunan ng moralidad.
  4. Ang pinaka-magaling na pinuno ay yaong may matapat, hindi marahas at mahabagin sa kanyang nasasakupan.
  5. Isang taong gumagalang at nangangalaga sa mga nauubos na biyaya ng kalikasan at humihimok sa iba na  mahalin at pangalagaan ang ating inang kalikasan.
  6. Ang pinaka-magaling na pinuno ay isang taong handang magsakripisyo ng pansarili,
  7. Ang pinakamagaling na leader ay isinusulong ay pangsamahang interes para sa pagsulong ng pagkakaisa, kapayapaan at kabuuang pag-unlad ng kanyang barangay, bayan, bansa at ng mga mamamayan.

Samantala ang mga Bangsamoro noon pa  man ay may nakaugalian   ng pamantayan pagpili ng   kanilang mga leader.

 

Ang pinuno ng mga Bangsamoro ay maaring tinatawag na  Imaam, Sultan, Amer.  Ano mang position o ranggo ay may batayan din sila sa pagpili dito. Isinasagawa nila ang pagpili sa pamamgitan ng Sura o kunsultasyon. Pinipili nila ang kanilang leader dahil sa:

  1. Angkan- pinagmulan na angkan, halimbawa ay anak o apo ng mga taong may magandang record, anak ng Sultan, Imaam o mga taong ginagalang.
  2. Talino/ edukasyon- may pinag-aralan, makabasa o memoriado (memorized by memory ) ang kabuuan ng Qur’an at alam at kahulugan, kong di man ay may alam siya dito, may alam sa hadith, at may angking talino;
  3. Pangangatawan (Physical)- magandang lalaki, makisig, matipuno, matangkad, matapang at iba pa;
  4. Pananampalataya- may paniniwala sa Allah, Ang tanong papaano malalaman na siya ay may paniniwala sa Allah? Ang isang Muslim ay dapat maniwala sa Anim na rukun ng Islam at limang haligi ng Islam at ang lahat ng ito ay isasagawa hindi lang sinsabi.

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.


   
Posted by dxupfm at 9:41 am | permalink | Add comment

Pagsusunog ng Dayami patuloy pa rin.

September 22, 2010

Balita by Nenita Minted on Wednesday, September 22, 2010 at 7:47am

(Nuro Upi-Sept 22)  Bagamat mahigpit na ipinagbabawal sa batas, patuloy pa rin ang pagsusunog ng dayami dito sa bayan ng Upi.

Kagabi at hanggang sa mga sandaling ito ay matatanaw ang hayagang pagsusunog ng mga dayami ng palay sa may Barangay Nuro, ng magsimula ang anihan ng palay ay sunod-sunod na pagsusunog ng mga magsasaka ng kanilang mga dayami sa kanilang mga sakahan.

Nakasaad sa batas na Ordinance #3 o “A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”  kung saan, papatawan ng kaukulang multa ang sinumang magsusunog ng kanilang mga dayami, corncob at iba pang mga nabubulok na bagay.

Nakasaad din sa  batas na  kinakailangan malinis ang paligid sa lahat ng panahon.   Ang bawat tindahan ay kinakailangan na magkaroon ng dalawang lalagyan ng kanilang mga basura: nabubulok at hindi nabubulok.

Matatandaang  Ang Ecological Solid Waste Management Ordinance ESWM project ay pormal na inilunsad ng Local na Pamahalaan ng Upi noong December 20, 2007, sa pangunguna ni Upi Mayor Ramon A Piang Sr..

Naatasan naman na maging Municipal Enviroment Natural  Resources Officer ay si Gloria B. Sentillo. Ang opisinang ito ang nangaganlaga sa kalinisan ng paligid, lalo sa pamamahala sa tamang pagtatapon ng mga basura.

Ang pagpapatupad ng nasabing batas ay bilang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.  layunin ng Lokal na pamahalaan na mapabilang sa isa sa malinis na bayan sa bansang Pilipinas.

Posted by dxupfm at 1:37 pm | permalink | Add comment

Pagsusunog ng Basura Bakit Ipinagbabawal?

(September 21,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “Pagsusunog ng mga basura, bakit ipinagbabawal na sa ngayon? Samantala noon ay hindi naman ito ipinagbabawal..? Bakit nga Ba? Samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka at baka masagot ang mga napakaraming katanungan na naglalaro sa inyong mga sarili…

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Nang  mapag-usapan natin sa ating community radio na DXUP FM,  sa mga information drive ng LGU Upi,  na ang pagsusunog ng basura ay ipagbabawal na ay agad na umani ng mga reaction. “Matagal ng ginagawa ng tao ang pagsusunog o pagpapausok ngunit wala namang nangyayari, bakit ngayon lang?” Ang aking lola, lolo, si nanay araw-araw nagsusunog ng mga dahon ng mangga at punong kahoy bakit ngayon ay bawal na?:”  tanong ng isang ginang. 

Kaibigang nakikinig,  ibigay mo ang iyong konting panahon,  tayo ay  magbibigay ng  information, may kaugnayan sa mga tanong sa inyong mga sarili,  ng maintindihan natin kong bakit ipinagbabawal na ang pagsusunog ng mga basura, kasama  na diyan ang dayami ng palay, pakaw ng maiso corncob o anumang pwdeng sunugin sa ating kapaligiran.

Simple lang ang kasagutan kaibigan   dahil isa ito sa nagdudulot ng pulosyon sa ating himpapawid.

Ang tanong ano ang pulosyon? Sabagay maraming kalase ang pulosyon may sa hangin, sa tubig at kapaligiran natin. Narito ang ilan sa paliwanag para maintindihan;

·         Madalas nating naririnig ang salitang polusyon sa telebisyon o di kaya naman ay nababasa sa mga libro o kaya naman mga pahayagan. Ngunit karamihan sa atin ay hindi nalalaman kung gaano na kalala ang sitwasyon ng polusyon sa ating kalikasan.

·         Sa panahon ngayon ayon sa isang pag-aaral ang mga ilog sa Asya ay ang mga pinakamaduduming ilog sa buong mundo at kasama ang Pilipinas dito.

·         Ayon sa pag-aaral, mas madami ng tatlong beses ang mga bakterya mula sa dumi ng tao ang mga ilog sa Asya kumpara sa average ng pangkahalatang ilog sa buong daigdig. Bukod pa rito, halos kalahati ng buong populasyon sa buong mundo ang nakakaranas ng problema sa polusyon sa tubig at taon-taon halos sampung milyon ang namamatay dahil lamang sa mga maduduming tubig na iniinom.

·         Sa ngayon, talagang malala na ang problema natin sa polusyon.

Sadyang napakaraming mga tanong na dapat may kasagutan, halimbawa sa mga maraming katanungan ay:

Ø  Ngunit ano nga ba ang mga sanhi nito?

Ø  Saan ba ito nagmula?

Ø  Ano ang mga maaaring maging epekto nito sa atin?

Ø  Papaano natin ito mapupuksa o kaya naman ay mabawasan ang pulosyon?

Sinasabi na maaring nagsimula ang polusyon noong una pang sinaunang  panahon. Noong natutunan ng tao ang pagamit ng apoy, malamang  nakapagpakawala ang apoy ng Carbon dioxide  na siyang maaring naging sanhi ng unang polusyon. Maari rin naman na noong unang panahon, ang mga dumi ng tao ay basta na lamang tinatapon sa mga ilog at iba pang katawan ng tubig. Ito naman ay maaring naging simula ng polusyon sa tubig ngunit hindi naman naging masama ang epekto ng mga unang sanhi ng polusyon na ito dahil sa hindi naman ganoon kalala at kalaki ang epekto nito.

 

6.    Noong panahon ng mga dakilang sibilisasyon, mas naging madalas ang polusyon. Marahil ay mas dumami na ang mga tao noong panahong iyon at mas dumami pa ang kanilang mga kalat at duming itinatapon. Bukod pa doon, ginagamit pa ang apoy na siyang nakapagpadumi sa hangin. Ngunit talagang lumala na ang ating problema sa polusyon noong nagsimula na ang panahon ng pagiging industrialisado dahil sa dito na nagawa ang stim enjin (steam engine) makina na gumamit   ng apoy. At mula noon hanggan sa ngayon, patuloy na lumala ang ating problema sa polusyon.

Balikan natin ang mga  pangunahing uri ng polusyon.

Una na nating nabanggit ang    polusyon sa hangin.

v  Ito ay ang pagdumi o pagsira natin sa ating atmospera. Ito ay sinasabing may pinakadelikadong epekto dahil sa saklaw nito kahit ang ating pandaigdigang klima. Sinasabi rin na ito ay lumalaganap dahil sa apat na dahilan. Paglaki ng trapiko, pagunlad ng mga siyudad, mabilis na pag-usbong ng mga ekonomiya ng maraming bansa at ang industriyalisasyon.

v  Ilan sa sanhi nito ay maaring apoy, pagluluto o kaya naman ay sulpur dioxide na ating nilalabas sa hangin. Kabilang din ang mga kemikal na nagdudulot ng masasamang epekto sa atmospera sa mga sanhi ng polusyon.

v  Ayon sa mga eksperto, ang pinakamalaking sanhi nito ay ang pagsunog ng karbon at langis. Nangyayari ito dahil sa pagsunog ng langis o gasolina, ang lahat ng maruruming kemikal ay lumamalabas dito sa porma ng usok.   Ang usok ay lumalabas at umaangat patunggo sa atmospera. Isang halimbawa nito ay ang mga sasakyang nagbubuga ng usok. Ang langis na ginagamit sa mga sasakyan ay sinusunog at nilalabas sa tambutso ng mga sasakyan. At matapos ilabas ang maruming usok na ito, aangat ito patunggo sa atin atmospera na nagiging sanhi ng pagkawasak ng ating kalawakan o ozone layer.

v  Maraming nagiging bunga ang polusyon sa hangin. Isa rito ay ang ulang asido. Nangyayari ito kung may mga mapaminsalang kemikal tulad ng SO2 (Sulfur Dioxide). Na sadyang banta sa kalusugan ng tao.   Ilan sa mga sakit na maaring idulot ng smog ay asma, empaysima, bronkaytis at maari din maging sanhi ng paguubo at mga alergies.

v  Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagtaas ng pandaigdigang temperature (GLOBAL WARMING) . Ito ay sanhi ng pagkukumpol-kumpol ng CO2 at iba pang mapaminsalang kemikal sa atmospera na tinatawag na grinhaws gases.

a)      Nangyayari ang tinatawag na grinhaws efek kapag ang mga mapaminsalang kemekal o ang mga grinhaws gases ay nagkukumpol-kumpol sa ating atmospera. Dahil dito, ang init na mula sa araw ay kinukuha at iniipon ng mga grinhaws gases na ito imbes na bumalik ang init sa kalawakan.

b)      Kaya naman ang nagiging epekto nito ay mas nagiging maiinit at tumataas ang ating pandaigdigang temperatura.

c)      Kahit kaunting pagtaas lamang sa temperatura ay maarin nang magsanhi ng malaking kawalan ng balanse sa mga tao at hayop.

d)     Bukod pa rito, unti unti ring natutunaw ang mga yelo sa taas at baba ng mundo na nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa atin.

e)      Kung di natin ito mapipigilan, maaring maging mas madalas ang pagbaha. Isa pang epekto ng grinhaws ay ang pagbabago ng ating pandaigdigang klima.

f)       Kaya inaasahang mas magiging malalakas ang mga darating na bagyo at mas magiging mainit at mahirap ang mga darating ng mga tagtuyot o El nino.

g)      Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagkasira ng atmospera partikular ang startospera. Ang stratospera ang humaharang sa sinag at init ng araw upang di naman masyadong maging maiinit sa mundo. Dito natatagpuan ang ozone na isang manipis na leyer na siyang nagsisilbing harang sa mapaminsalang init ng araw. Nasisira ang stratospera kasama na rin ang ozone dahil sa mga mapaminsalang CFC of cloroflourocarbon. Dahil sa CFC, nasisira nito ang ozone at mas nakakapasok ang sinag ng araw sa ating daigdig partikular sa may bahagi ng Antartika. Kung hindi natin ito mapipigilan, maaring magsanhi pa ito ng mas mabilis na pagkatunaw ng yelo sa ating daigdig at maaring maging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Katulad ng grinhaws, maaring magsanhi ang mga CFC sa madalas na pagbaha at pagkasira sa pandaigdigang klima ng mundo.

h)      Maraming maaring maging masamang bunga ang polusyon sa hangin hindi lamang sa ating kapaligiran ngunit pati na rin sa ating kalusugan. Ilan sa mga maari mong makuha ay kanser lalo na sa baga, asma, bronkaytis, panghihina ng baga, alergy, lagnat, paguubo, pagkairita sa mata, ilong o kaya naman sa ibang parte ng iyon katawan, numonya at pagkahina ng baga.

Ang iba pang  uri ng polusyon ay tatalakayin sa susunod na talakayan natin sa buhay-buhay  sa DXUP…

Ang inyong segment producer at writer Kaka Ali ang inyong abang lingkod Wasallam…

Posted by dxupfm at 1:34 pm | permalink | Add comment

ilala mo ba si Pangulong Ferdinand E. Marcos?

(September 21,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “Kilala mo ba o maalaala mo pa ba  si Pangulong Ferdinand E. Marcos?  Iyan ang ipapakilala o sasariwain sa atin ni Kaka Ali.. ang panahon sa Marcos  na mahirap kalimutan ng mga Pilipino…

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Ang presidente ng Pilipinas na nagdekalara ng Batas Militar o martial Law 38 taon ang nakakalipas (Setyembre 21, 1972.)

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Isinilang si Marcos noong Setyembre 11, 1917 sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte at namayapa noong  Setyembre 28, 1989) ay ang ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986). Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.

Ang unang panunungkulan ni Pangulong Marcos mula 1965 hanggang  1969 ay may layuning gawing dakilang muli ang Pilipinas. Ang sabi niya: “This nation can be great again!”

Malawakang paggawa ng kalye, tulay, patubig at paaralan ang kanyang pinasimulan. Nabawasan ang krimen, lumaki ang produksyon sa agrikultura dahil sa reporma sa lupa at dumami ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa kalusugan. Nabago rin ang hukbong sandatahan at nakipag-ugnayan tayo sa iba’t ibang bansa.

Ngunit  nang muli siyang mahalal noong taong 1969, nagbago ang  sistema ng kanyang pamamalakad. Maraming Pilipino ang nagalit dahil sa pambansang kahirapang ibinunga ng labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaang Marcos sa ikalawang termino nito.

Para maintindihan kong papaano tayo umabot sa pagdekalara ng Martial Law. Iisa-isahin natin ang mga pangyayari sa bansa na nagtapos sa pagdedeklara ng Batas Marsyal.

Unahin natin ang mga Mga Suliraning Pangkabuhayan.

Sa pangalawang termino ni Pangulong Marcos, patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan. Ang mga proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa mayayamang bansa.

Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang palengke. Patuloy na umangkat ang Pamahalaang Marcos, kayat tumaas din ang halaga ng mga bilihin.

Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit nilapastanganan naman ng mga ito ang ating likas na yaman. Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at patuloy namang naghirap ang mga mahihirap.

Tungkol naman sa  mga suliraning panlipunan:

Bunga ng mga suliraning pangkabuhayan, nagsimula ang maraming suliranin sa lipunan. Ang mga mayayaman at mga puilitiko ay nagtatag ng kanikanilang private army. Madali ang pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galing sa ibang bansa. Habang nangyayari ito, tumaas ang antas ng krimen sa bansa, marahil dahil sa malayang bilihan ng armas at lumalagong mga private army.

Samantala, dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga manggagawa, nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral. Ang mga manggagawa at mag-aaral ay halos araw-araw na laman ng lansangan upang mag-rally o magdemonstrasyon laban sa pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang “parliaments of the streets.”

Nandiyan din ang mga suliraning pampulitika:

Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan, dumami ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan at sa mapayapang reporma. Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang simulain ang natatag. Ilan sa mga ito ay ang CPP (Communist Party of the Philippines), NDF (National Democratic Front), at NPA (New People’s Army).

Mga intelektuwal, mga manggagawa, at mga mag-aaral ang kasapi sa mga samahang iyon. Ang iba’y namundok at nagplano ng pag-aalsa. Sa Mindanao, lumala naman ang hidwaang Kristiyano at Muslim at naitatag ang MNLF (Moro National Liberation Front).

Ang mga rally at demonstrasyon ay naging magulo. Nagkaroon ng mga paglalaban ng militante ng demonstrador at militar. Noong Agosto 21, 1972, nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila, ang pook na madalas pagdausan ng mga demonstrasyon. Dahil sa mga kaguluhan, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus at pagkaputol ng karapatang dinggin sa hukuman ang mga kaso ng mga inaaresto ng pamahalaan.

Sinasabing noong Setyembre, 1971, si Kalihim Juan Ponce Enrile ng Tanggulang Pambansa ay tinambangan ng mga rebelde at muntik nang mapatay. Ito ay pagkaraang hulihin ang MV Karagatan sa Palanan, Isabela. Ang

barko ay naglululan ng mga di-rehistradong armas. Noon ding buwang iyon, ibinunyag ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino ang planong pagdedeklara ng Batas Marsyal ni Pangulong Marcos sa ilalim ng planong “Oplan Saguittarius.”

Si Aquino ang matinding kalaban ni Pangulong Marcos sa pulitika at may kakayahan sanang maging pangulo rin ng bansa. 

Papaano nadeklara ang   Batas Militar o Martial Law?

Dahil sa nabanggit na mga pangyayari, isang tahasang kasagutan sa nabubuong panganib ang naging aksyon ng Pangulong Marcos. Noong Setyembre 21,1972, narinig ang sirena ng pulis sa buong Pilipinas. Nawalan ng kuryente ang buong bansa. Nang magka-kuryente, nawala naman ang mga programa sa radyo at telebisyon. Nang bumalik ang kuryente, tumambad sa telebisyon ang larawan ni

Pangulong Marcos sa lahat ng istasyon. “I signed proclamation No. 1081…” Ito ang mga katagang kanyang binitiwan.

Sa pagkadekalara ng Martial Law, maraming nag-alala at natakot sa panig ng mga bumabatikos kay Pangulong Marcos. Sa isang banda, may mga natuwa rin sapagkat inaakala nilang mababawasan ang kaguluhan sa lipunan.

Ang Saligang Batas ng Pilipinas 1935 ang naging batayan ni Pangulong Marcos sa pagdedeklara ng Batas Marsyal. Sa Artikulo VII, Seksyon 10 ng Saligang-Batas, nasasaad na: “Ang Pangulo ang kumandante ng lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas; kailanman at kakailanganin, maaari niyang tawagan ang sandatahang lakas para magapi ang mga taong gumagawa ng karahasang labag sa batas gaya ng pananakop, paghihimagsik o rebelyon.  Maaari niyang suspindihin ang writ of habeas corpus o ilagay ang bansa o alinmang bahagi nito sa ilalim ng Batas-Militar!”

Kung hindi naidineklara ang batas militar noong 1972, magkakaroon sana ng eleksyong presidensyal noong 1973. Ito na ang katapusan ng dalawang terminong panunungkulan ni Presidente Marcos. Sa ilalim ng Konstitusyong 1935, hindi na siya maaaring tumakbo bilang presidente.

Noon pa man, ang inaasahan nang humalili sa kanya bilang presidente ay ang batang senador na si  Benigno Aquino Jr. ng Partido Liberal. Ngunit di  ito naganap. Sa halip na manungkulan sa Malakanyang, sa mga bilangguan ng gobyernong batas militar nakulong ang senador. Isa siya sa mga unang hinuli nang ideklara ang batas militar.

Ang Batas Militar sa Pilipinas ay bukod tangi. Sa ibang bansa, sa ilalim ng Batas Militar, ay sibilyan pa rin ang may kapangyarihan bagamat ang pamumuno ay hawak ng militar ng bansa. Sa Pilipinas, malawak ang naging kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Nagpatuloy siya bilang Pangulo at kumandante ng lahat ng militar, at nagpatupad ng maraming pagbabago. Noong Hulyo 27-28, 1973, pinagtibay ng isang referendum ang malawak na kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Sa tanong na “Nais pa ba ninyong mamuno si Marcos…?”  90% ang sumang-ayon.

Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.

Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.

Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos.

Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.

Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.

Posted by dxupfm at 6:12 am | permalink | comments[8]

Pagnanakaw

September 20, 2010

(September 20,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “ Pagnanakaw, ay pagkuha ng pag-aari ng ibang tao, na hindi niya sinasang ayunan .magnanakaw ang tawag sa nagnakawa. At may kasabihan na: Ang magnanakaw ay galit sa kapuwa magnanakaw. Iyan ang tatalakayin ni     Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Ang pagnanakaw ay pagkuha ng mga bagay na  hindi mo pag-aari ng walang pag-sang ayon  ay nagmamayari. Ang tawag na nagnakaw ay magnanakaw. Ito ay hindi tinatanggap ng sinuman na may matinong pag-iisip, dahil hindi maganda, sa paningin, pandinig ng tao, lalo sa sa Poong Maykapal. Pag ito ay ginamit mong pangtawag sa iyong kaibigan, asahan mong mag-aaway kayo (LAUGHING)  Yes kahit totoo na nagnakaw, lao na sigoro kong hindi totoo .. (LAUGHING).

Subalit ang pangnanakaw ay hindi lamang mga bagay   kundi pati ang oras ay hindi mo pinagsilbihan sa iyong trabo ay pagnanakaw rin.

Payo ng isang retiradong empleyado:  “Kung nais mong magtagumpay sa buhay, maging tapat ka sa iyong trabaho.”

Alam ba ninyo sa mga   pag-aaral (researched)  na 40% ng mga manggagawa ay nagnanakaw sa kanilang trabaho at 20% ay nangangatwirang tama lang ito?

Narito ang ilan sa   kanilang mga baluktot na katwiran:    

·        “Ginagawa rin ng iba ito, e ‘di gawin ko rin.”

·        “Mayaman ang kumpanya, hindi ito mapapansin.”

·         “Maliit na bagay lang ito, hindi mahahalata.”

·        “Maliit magpasuweldo ang kumpanya, may utang sila sa akin, kinukuha ko lang ang para sa akin.”

·        “Dapat lang na gawin ko ito para sa akin, nagtatrabaho ako pero hindi tinataasan ng suweldo.”

Huwag mong aksayahin ang oras mo sa trabaho sa paggawa ng ibang bagay pagkat iyan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakawan mo ang iyong kumpanya ng oras. Huwag kang maging isang masamang tao na madaya kung magtrabaho at walang kabuluhan ang kanyang mga ginagawa. Isapuso at isabuhay ang prinsipyong ito:

Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay” (Biblia sa Akalat na Kawikaan 11:18).

Sa isa pang pagnanakaw na hindi pinapansin ng ibang  tao.

Lenyrose:Ano pa Kaka Ali, ang klaseng pagnanakaw na hindi napapansin o hindi pinapansin ng mga tao?

Kaka Alih:  Paglalagay ng jumper, pag-gamit ng korente ng Maguindanao Electric Cooperative MAGELCO  na hindi dumadaan sa tamang kontador, (meter)  kong mgay kontador naman ay sira o sinira, minsan nilalagyan ng magneto, o anu mang gadget para hindi umikot ang metro at maliit ang babayaran. Ang iba naman ay kumkabit sa linya ng Magelco na hindi na idinadaan sa metro.

Para sa lahat ng mga taga Upi, na ditto sa bayan, matatagpuan ang mga mamayan na malakas ang pananampalataya sa Poong Lumikha, bakit ko nasabi ito? Dahil ditto sa Upi napakarami ang mga relihiyon. Dito sa Upi, kahit ano pam ang tribu, maaring Teduray, Maguindanaon, Iranun, Ilonggo, Meranaw,  Ilocano, Bisaya at iba pang tribu,  kundi siya Kristiyano tiyak siya ay mag-claim na Muslim.

Alam ba ninyo na ang   lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama. Pero sa Islam, higit pa dito ang ipinapayo sa sangkatauhan. Binibigyan tayo nito ng gabay sa paraang practikal kung paano maging mabuti at ang hindi gumawa ng masama  at alisin ang kasamaan mula sa ating mga sarili at sa lugar na kung saan tayo nabubuhay.

Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.

Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain. Ngunit ang Islam lamang na bagkos sa pagtuturo na ito ay kasalanan ay nagbibigay pa ng paraan upang ito ay iwasan ng tao.

Ang sinumang napatunayan na nagnakaw ay may  kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, ito ay base sa Qur’an:

“Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain.” (Qur’an 5:38)

Tinanong natin sa ating mga Aleem (maalam) ano ang “wisdom” ng ganito:

Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta Muhammad (SAW) ang tao na ito ay maaring palagpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.”

Ito ang inyong Kaka Ali, na naghihikayat sa inyong lahat na alamin at paniwalaan natin an gating relihiyong kinaaniban..na tayo ay magpakatotoo.. hanggang sa muli.. sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.

Posted by dxupfm at 1:25 pm | permalink | comments[1]

Prostitusyon Laganap na sa Pilipinas

September 16, 2010

 (September 16, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose: “Prostitusyon laganap na daw sa ating bansa o pagpapabili  ng panandaliang aliw o pagpapabili ng laman  iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…..”

(NAKAKA- INTRO)

Kaka Ali: “Prostitusyon o pagpapabili  ng panandaliang aliw o pagpapabili ng laman . Ito ay itinuturing na isang matandang hanapbuhay, sa bansang Pilipinas at sa iba pang kanluraning bansa.

Ang orihinal na title nito ay    “Prostitusyon Malala na sa Pilipinas?”  ay ating tinalakay noong May 9, 2009 at naipost natin sa ating dalawang blogs (dxup.multiply.com dxupfm.i.ph) at sa isa ay nitong mga sandaling ito ay may rehistradong ng readers na umaabot na ng 7,779.

At dahil napansin natin ang kahalagaan nito sa ating mga Pilipino ay minarapat nating muling balikan ang talakayan tungkol dito, at of course edited na  at isinama natin ang comments at feedback ng mga readers.  

Lenyrose: “Kaka, napapanahon ang usaping iyan, dahil kaming mga babae, na ina ng mga susunod na salin lahi ang apektado, at   kawawa naman ang susunod na henerasyon kong mamanahin nila ang kawalan ng dangal”.

Kaka Ali: “ Tama ka Leny, Ok  Prostitusyon. Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan ng babae  o lalaki sa mga hayok at gutom sa laman na mga parukyano o customers.

Maraming klase ang prostitution o kong baga sa coffe ay maraming variety..   may  Robusta, Excelsa, Arabica, Liberica (LAUGHING).. May professional, may sub professional, kong sa empleyado pa may permanent, casual at contractual,  (LAUGHING).. 

“Sandaling bayad na  ligaya para sa mga  parukayano o “kostumer”  na walang takot sa Poong Lumikha.” Paliwanagng isang kaibigan na pastor.

Sandaling ligaya,  na kapalit  ay pera o bagay ngunit nagdudulot naman ng  pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta .

Ngunit ang katotonan nito kaibigan ay   parehong   nabulid sa kasamaan ang nagpabili at bumili ng sandaling ligaya.

Ang tanong sa atin, bakit nangyayari ito? Na masama naman pala ..?

Bakit ginagawa ng ating mga kababayan ang ganitong kaasumpa-sumpang panawid gutom na hanap-buhay?

Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon”

“Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit” . ito ang text ng isang tagapakinig.

 Ang iba naman ay upang masunod ang luho niya sa buhay.

Nabanggit natin ang kahirapan o poverty sa ating bansang Pilipinas, sa ngayon, ang pagiging mahirap ay hindi lamang ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, kundi ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang… ay milyon na ang Pilipinong nasa eskuwater, ang masakit pa nito ay eskuwater sa  kanyang ng sariling bansa. Dahil sa kahirapan ng mga pamilya, maraming mga batang hindi man lamang makatungtong sa elementarya lalo na sa secondary at  dahil sa kahirapan na ito ay kahit bata napipilitang magtrabaho kahit sa murang edad. At dahil walang alam na trabaho ay malapit sila sa tukso na ipagbili ang katawan para kumita ng pera, dahil konting kembot lang daw ng katawan ay pera na…

Subalit kaibigan, alam mo ba? Na ang tinatawag na kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao? 

Yes, ito na ang nagdudumilat na katotohanan?   Para sa mangilan-ngilan diyan ay  Krisis na ang buhay nila kapag salat o hindi napagbibigyan ang kanilang mga   “Bisyo”.

Mga bisyo   kagaya ng drugs, communication gadgets halimbawa ay    celpon, laptop, na hindi pa makontento sa ordinaryong celpon kundi yaong hi-tech na model, gimmick (pag-pasok sa mga diskohan, nightclub, o mga personal party), mga mararangyang  o imported na damit at iba pang karangyaan sa buhay ng tao.

Ang pagkagahaman, o ang  paghahangad na magkaroon ng kung anong bagay  na mayroon ang iba.. at gagawa ng kahit anong paraan kahit na  sa mabilisang paraan o pinagbabawal ng Diyos.

Noon sa mga bansa sa Asya, ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang bansang Thailand, pero ngayon ay hindi na.  Alam na ninyo kung ano nang  bansa ang setro ng kalakalan ng laman ng tao?

Lenyrose: “ Anong bansa  Kaka?”

Kaka Ali: Tama ang hula mo kaibigan, ang Pilipinas na ngayon ang  pugad ng Prostitusyon sa mundo. Napakasakit… bakit?  dahil napakaraming Pilipino ang hindi naman gumagawa nito.. Hindi ba? Ngunit ang tao nga ay sadyang mapag-husga sa kanyang kapuwa.. may nagawa ka mali.. ang lahat ng nagawa mong tama ay mali na rin.

Masakit marinig na ang bansa natin ang sentro ng prostitution..   Kaya nga lamang   ang higit na mas masakit nito ay parang okey lang sa atin na bansagang tayong lugar na may magagandang babae na nagpapabili ng aliw.

Ang sabi natin: . “Eh di tanggapin kung ano ang kapalaran, ang mahalaga may pantawid gutom sa    kumakalama sikmura, ang mahalaga Kaka Ali ay mabuhay ang aking pamilya”.

“Napakalaking kamalian iyan mga anak, mga kapatid”. Payo ng ating kaibigan na  Pastor,   

Ngunit ang totoo nito ay  mahirap ipaunawa ang kasabihang:”Bahala ng  mamatay nang dilat basta’t may karangalan”.

“La takrabu Zina (Huwag lumapit sa adultery) mababasa sa Quran.

“Thou shall not commit adultery” nakasulat sa Biblia.

Sa Islam ang pakikiapid, ang pagniniig ng dalawa na hindi kasal ay Haram, o bawal. May karampatang mabigat na na parusa, Rajam o kahalintulad ng parusang kamatayan ang parusa.

Sa kasalukuyang panahon, ito ang lumalabas na ating obserbasyon,  na mas madali ang maisaayos ang kalam ng sikmura kaysa sa karangalan ng tao.

Ang sagot natin sa tanong bakit nagagawa natin ito?

Bagsak na Ekonomiya? O yaong kulang ang income mga mamamayan pati na ang gobernong natin. Ang tanong bakit? Ang sagot ng iba ay dahil  ..  sistema ng goberno? Kulang ang batas, o hindi naipapatupag ang batas?

Sa isang bansa tulad ng Pilipinas, malaking hamon sa mga namamahala kung paano maisasaayos ang pagpapatupad ng mga batas na kanilang nagawa. Sa bansang   Pilipinas kung saan halos lahat ng mamamayan nito ay walang tiwala sa kanilang gobyerno, nararaparat na ng magbago ang mamayan at of course ang mga nanunungkulan..

“Kaka Mayroon namang concern ang mga ahensiya ng goberno natin sa mga  prostitutes. Di ba pinakukuha pa sila ng “pinkcards” na nagpapatunay na sila ay nacheck  na wala silang nakakahawang sakit?” paliwanag ng isang concern na Kaibigan.

Kaibigan,  kahit pa sabihing mapoprotektahan sila by regular check ups at pinopromote natin ang  condom policies, di naman enough yun para sa proteksyon nila. Di naman nila macheck yung health ng customers nila.  Pag tumanggi naman siya, e di wala siyang kita, dahil maghahanap yung customer na hindi istrikto. (LAUGHING).

Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga lalaking may pera na  hayok sa laman?

“Dahil sa gusto  ko ring  maka-experience, sa kasalukuyang galaw ng lipunan” paliwanag ng isang Nene”

Ngunit alam ba ninyo ang ganito ay madalas nangyayari lamang  sa mga private room ng mga sing-along bar? Hindi po ba? Correct me if im wrong. Kong mawala ang mga ganitong mga negosyo ay mawawala din ang ganitong tanawin, hindi ba?

“Kaka Ali, gusto ding namang magkapera ang mga kabataan na iyan, gusto din nilang makabili ng makabagong gadget”. Paliwanag ng isang ina.

Hindi din ako makasang-ayon Nanay, bakit? Dahil,  may mga estudyanteng babae o lalaki na binibigyan naman   ng allowance ng kanilang mga magulang, ngunit bakit pinasok pa ang    ang pagsa-sideline sa cybersex?

Leny: “Cyber sex? Pakipaliwanag Kaka Ali………

Kaka Ali: “Ang cybersex (kompyuter seks o net sex) ay virtual na pakikipagtalik o pakikipagtagpo ng dalawa o mahigit pang tao na nay koneksyon sa computer network o sa internet. Ang pakikipagtalik, tagpo o tipan ng mga nasabing tao ay kinakikitaan ng maselang palitan ng mga mensahe na tumutukoy o humahalintulad sa karanasan sa pagtatalik. Ito ay isang uri ng pagganap na kung saan ang mga kasali ay nagpapanggap o nagiisip na sila ay nasa tunay na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay tugon sa kapareho.

Dapat ay maipaliwanag natin sa ating mga anak, pamilya, sa sambayanan na hindi sapat ang kahirapan ng buhay para ma-exploit ang ating mga kabataan babae man o malalaki at wasakin ang ating  karangalan at mabulid tayo sa prostitusyon.

“Dapat   ang ating pamahalaan o mga mambabatas ay magpasa ng batas na mapapataw ng mabigat na kaparusahan   sa mga nagsasadlak sa kababaihan na ito  sa ganitong Gawain.” Mungkahi ng isang retiradong abogado.

Tama ka Atty. Ang mga  bugaw man o may-ari ng mga prostitution den; dayuhan man o kababayan natin, dapat maparusahan… ang dapat parusahan, dapat may piring ang katarungan, hindi kayang takpan ng pera.

Sa panig ng mga kababaihan, higit na dapat na maging militante ang mga grupong nangangalaga sa kanilang karapatan. Ipaglaban nila ang karapatan ng mga Pinay kahit sa labas ng bansa.

Sa ating mga magulang maging responsible tayong mga nanay at tatay. Para sa mga Bangsamoro (Renawon at T’duray) balikan at panatilitihin natin ang ating kultura at kaugalian na pinangangaan ang (marabatabat) dangal ng ating mga kababaihan. Huwag nating hayaan na mapalitaan ang ating mga magagandang kaugalian at paniniwala sa makabagong kultura na hindi nakakabuti.

Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito po ang inyong Kaka Ali…. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 9:19 am | permalink | Add comment

Ang pagsasama ng di pa kasal, Pabor ka o Hindi?

September 15, 2010

(September 15, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Ang tanong at tatalakayin ni Kaka Ali ngayong umaga sa ating segment ay: Ang   pagsasama ng di pa kasal,  Pabor ka o Hindi? Ikaw mahal naming tagapakinig, anong sagot mo? Join na sa amin sa ating segment na ….

 (NAKAKA- INTRO)

Kaka Alih: Ano ang ibig sabihin ng kasal? Ayon sa encyclopedia: Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib  ng dalawang tao, karaniwan na ng isang lalaki at babaeng nag-iibigan. Magkakaiba ang anyo ng selebrasyon sa bawat lugar sa mundo, at kadalasang ayon sa pananampalataya, paniniwala, lahi at kultura ng mga ikinakasal.

Article 1of the family states:. “Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life.”

 Ikaw pipirma ka na ng kontrata? O kasal muna,  O magsasama kayo na walang contract o hindi kasal?

“Ako Kaka hindi ako pabor na magsama kami ng aking sinisinta na hindi pa kami kasal sa simbahan”. Sagot ni John, isang makisig at batang-batang PNPA graduate.

Ang  pagsasama ng di kasal ay hindi karaniwan sa mata ng Diyos at ng tao.  Ayon sa mga eksperto ang mga naidudulot nito ay  ang madalas na pagaaway ng makalive in partner at    kung ayaw na nilang magsama madali silang maghiwalay.

May problema pa daw ditto, pag nagkaroon sila ng anak sa apelyido ng ina ang masusunod na apelyido ng bata, hindi pwede sa ama dahil hindi sila kasal.

“Ako Kaka ang akin ay depende po sa tao kung ano ang agenda nya, bakit kailangan niya ang partner.  Kung hindi sya seryoso at magloloko din sya wag na magpakasal tikim na lang. At kung ikaw babae gusto mo na maging legal kayo at makuha mo ang iyong rights ay magpakasal ka sa kanya at kung ayaw nya maghanap ka na ng iba (yan naman ay kung gusto mong magpakasal na sa kanya). Maraming advantage pag kasal ka sa taong mahal mo dahil sa mata ng diyos at ng gobyerno legal kayong kasal. Yun nga lang mahal ang mag annullment ngayon. Kaya mahirap bawiin yan. Doon naman sa di pa kasal ay kung nagloko yun partner mo masmadali mo iwan kasi di naman kayo kasal at naagapan mo ang dapat matuklasan.” Ito ang paliwanag ng matured honor na estudyante.

Who are authorized to solemnize marriages? According to our family code:

(1) Any incumbent member of the judiciary within the court’s jurisdiction;

(2) Any priest, rabbi, imam, or minister of any church or religious sect duly authorized by his church or religious sect and registered with the civil registrar general, acting within the limits of the written authority granted by his church or religious sect and provided that at least one of the contracting parties belongs to the solemnizing officer’s church or religious sect;

(3) Any ship captain or airplane chief only in the case mentioned in Article 31 of the Family Code; Art. (31. A marriage in articulo mortis between passengers or crew members may also be solemnized by a ship captain or by an airplane pilot not only while the ship is at sea or the plane is in flight, but also during stopovers at ports of call.)

(4) Any military commander of a unit to which a chaplain is assigned, in the absence of the latter, during a military operation, likewise only in the cases mentioned in Article 32 of the Family Code; (Art. 32. A military commander of a unit, who is a commissioned officer, shall likewise have authority to solemnize marriages in articulo mortis between persons within the zone of military operation, whether members of the armed forces or civilians.)

(5) Any consul-general, consul or vice-consul in the case provided in Article 10 of the Family Code.

Sino ba ang mga otorisadong magkasal?

Sa Teduray ay ang Kefeduwan, ngunit kong membro na ng ATBCI ay ang kanilang “Reverend”.

Sa ibang relihiyong Kristiyanismo ay kanilang Pari o Pastor ang nagkakasal.

Sa ating bansa ang Mayor Kapitan ng barko, eroplano at Judge ay authorized to solemnized marriage

Sa kultura ng mga Teduray ay mahigpit na piinababawal ang pagsasama ng di kasal, ong sakali mang madisgrasya, dahil nabuntis ang babae, ditto ay iaaplay nila  “Sefeduros”.. emergency o panandaliang kasal, translated ni Nancy at Noralyn.

Ang ikinasal ng mga Bangsamorouslim o Indegenous people (IP’s) ay kinikilala ba ng goberno ng Pilipinas?  Yes valid ayun sa family code of the Philippines:

Art. 33. Marriages among Muslims or among members of the ethnic cultural communities may be performed validly without the necessity of marriage license, provided they are solemnized in accordance with their customs, rites or practices.”  

Sa Bangsamoro ang pagsasama ng Babae at lalaki na hindi kasal na may mabigat na kaparusahan, 40 palo ng nagbabagang bakal sa bawat isa sa babae at lalaki.

Madali lang ba ang pagpapakasal sa Bangamoro? Ang sagot ay yes dahil ang sinusunod naaman nila ay ang Sharia o batas ng Islam.

Sa Islam ang pag-aasawa o pagpapakasal, ng babae at lalaki, ang dalawa, ay kinakailangan na makamit ang mga kondisyon ng kasal.

   1. Ang pagsang-ayon ng lalake at babae.  Hindi matatanggap na pilitin ang lalaki na mag-aasawa sa hindi niya gusto at hindi rin matatanggap na pilitin ang isang babae na mag-asawa sa hindi niya gusto. Ipinagbawal ng Islam na ipaasawa ang isang babae kung walang pagsang-ayon niya.

   2. Kinakailangan ang wali. (Ang Wali ay kumakatawan sa babae na maaring kanyang ama o malapit na kamag-anak o tumatayong magulang).  Hindi matatanggap ang kasal kapag wala ang wali ng babae, may hadith dito,  ayon sa sinabi ng Propeta Muhammad (SAS) :

“Hindi matatanggap ang kasal kapag walang wali.”

Kaya kung sakaling kusang nag-asawa ang babae , ang kasal niya ay walang saysay , daluhan man niya ang kasal o magtalaga man siya ng isang taong dadalo para sa kanya. Ang wali ay kailangang nasa wastong gulang (15 taong gulang o higit pa), may wasto at sapat na pag-iisip , at isang lalaki kabilang sa mga lalaking kamag-anakan ng babae ay ang mga sumusunod alinsunod sa pagkakasunod kung sino ang lalong karapat-dapat sa kanila: ang ama , ang taong pinagbilinan ng ama namaging wali ng kanyang anak na babae , ang lolo sa ama , ang lolo sa tuhod saka ang ama ng lolo sa tuhod pataas , ang kanyang anak na lalaki , ang mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki at saka ang mga lalaking kaapu-apuhan ng mga ito , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na kapatid na lalaki sa ama’t ina , ang kanyang kapatid na lalaki sa ama’t ina , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na lalaki sa ama , ang tiyuhing kapatid sa ama’t ina ng ama, ang tiyuhing kapatid sa ama ng ama, at ang kanilang mga anak na lalaki.  Ang pipiliin sa mga ito ay ang lalong malapit niyang mga kamag-anak.

Kailangang humingi muna ng kapahintulutan ang wali sa babae bago niya ito ipaasawa. Ang dahilan kung bakit kailangang may wali ang isang babae ay upang hadlangan gawing dahilan ang kasal para gumawa ng pangangalunya , sapagkat ang magagawa ng isang lalaking may balak mangalunya na sabihin sa babae na : “ipakasal mo ang iyong sarili sa akin .” at mapasang-ayon ang babae na magpakasal sa kanya nang walang wali. At ang kasal na ilegal na ito ay maaari pang saksihan ng dalawa sa kanyang kaibigan o ng ibang tao para magmukhang legal.

Hindi maaring maging wali ng isang babaeng Muslim kahit ama pa niya ito o isang malapit na kamag-anak kong hindi pa  Muslim o hindi pa tinanggap ang Islam. Hangga’t maaari , ang wali ng babaeng Muslim o naging Muslim ay ang lalaki niyang kamag-anak na nabanggit sa itaas. Kung wala ni isa mang Muslim sa mga ito , ang isang hukom na Muslim sa hukuman ng pamahalaan o ng Sharee`ah o ang isang institusyong pang-Islam ang siyang tatayong wali ng babaeng ito.

   3. Kailangan ang dalawang lalaking saksi.. Kailangang saksihan ng mga lalaking Muslim na makatarungan, dalawa o higit pa, ang pagdaraos ng kasal. Kailangan ang mga saksing ito ay mga taong mapagkakatiwalaan at umiiwas sa mga kasalanang mortal gaya ng pangangalunya , pag-inom ng alak , at iba pang mga kasalanang mortal.

(Ang pangangalunya sa Islam ay ang pagtatalik ng lalaki at babaeng hindi kasal sa isat isa. Ang kasal na wala ang wali ng babae ay huwad at hindi tunay na kasal  kaya ang kanilang  pagtatalik ay itinuturing na pangangalunya.)

   4. Ang obligasyong magbigay ng mahr. (Ang Mahr ay ang tinatawag sa Tagalog na dote o bigay-kaya. Ito ay binibigay ng lalaki sa babaeng kanyang mapangasawa at hindi para sa magulang o kamag-anak ng babae)

Ang mainam sa mahr ay ang maliit na halaga at ang lalong maliit ay mas lalong mainam. Ang mahr ay tinatawag ding sadaq. Itinagubiling banggitin ang halaga o uri ng mahr sa pagdaraos ng kasal at ibigay kaagad sa sandaling iyon. Maaari ring ibigay ang mahr o ang nalalabing bahagi nito sa napagkasunduang panahon matapos na mairaos ang kasal. Kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , kukunin ng babae ang kalahati ng mahr. At kung sakali namang nama-tay ang lalaki bago may namagitang pagtatalik sa kanya at sa babae matapos mairaos ang kasal , may karapa-tan ang babae na magmana sa lalaking ito at ang buong mahr ay mapupunta sa kanya.

Ito ang kapatid  Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by dxupfm at 9:16 am | permalink | Add comment

Halalan na Naman, Ano ang inyong Inaasahan sa mga Kakandidato?

September 14, 2010

(September 14,2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Ano ang inaasahan mo sa mga kandidato sa darating nitongBarangay election October 25, 2010? Alam namin na iba-iba ang inaasahan ninyo, Ano man ang sagot mo Kaibigan?, What so ever ang sagot mo, samahan ninyo kami sa ating programang Buhay-buhay sa DXUP , dahil iyan ang tatalakayin natin sa ating  segment na nakaka ?

 (NAKAKA- INTRO)

Kaka Alih:  Ang tanong ko kay Maam:  “Ano ang inaasahan mo darating na halalan sa October 25, 2010?”  Bago natin sagutin iyan pakinggan mo muna ang mga nasasaad sa batas tungkol sa darating na election:

Ayon sa nakasaad  sa  COMELEC RESOLUTION No. 9019-CALENDAR OF ACTIVITIES AND PERIODS OF CERTAIN PROHIBITED ACTS   IN CONNECTION WITH THE OCTOBER 25, 2010 SYNCHRONIZED SANGGUNIANG KABATAAN AND BARANGAY ELECTIONS.  

Ø  Eection perion mula sa September 25, 2010 (SAT) - November 10, 2010 (WED) (30 DAYS BEFORE THE DATE OF THE ELECTION AND 15 DAYS THEREAFTER)

Ø  Filing of Certificates of Candidacy (Sec. 39, OEC).  October 1, 2010 (FRI) - October 13, 2010 for notary pubic ng inyong COC doon lang kayo kay Atty Chew only P100 lamang (PLAY ATTY CHEW INTERVIEW-I minute)

Ø  CAMPAIGNING…campaign period..Holding of barangay assemblies and candidates fora (Sec. 47, OEC). October 14, 2010 (THU) - October 23, 2010 (SAT)..

Balikan natin ang tanong :  “Ano ang inaasahan mo darating na halalan sa October 25, 2010?”  

Alam  mo Leny ang sagot ni Maam?…. Si Maam pala ay isang retiradong guro, na ngayon ay tagapag-alaga na lamang ng kanyang mga apo:

“Simple lang ang sa akin Kaka, tiyak may mananalo at matatalo, kaya dapat tanggapin ng mga kandidato  na may matatalo at mananalo sa kanila”.  (LAUGHING) 

Tama ka Maam, talagang may matatalo at mananalo, Wala pa man yata na tabla..?

“Anong wala Kaka Ali, marami na akong narinig, sa una proclaim na ang isa,  pero   bago matapos ang termino ng una ay ang kalaban naman ang naproclaim, o di ba tabla”. (LAUGHING) Sagot ng estudyante ng Upi na matalino daw.. (LAUGHING). 

Tama no? correct ka dyan bata…Ang standard, este ang regular isa lang ang mananalo, halimbawa sa  ating barangay Nuro  , isa lang ang mahahalal na Barangay Chairman at sa pagka-konsehal naman ay anim lang.

Ano pa ang inaasahan mo, ngayong election kaibigan, tanong ko sa isang kaibigan.. na may plano yatang kakandidato.

“Sa Akin Kaka idinadalangin ko na sana matalo na siya… (deleted ang name bawal na kasi) ” Bakit naman, tanong ko kaagad?  “Ah Kaka wala namang naitulong yan sa aming pamilya, nang magsolicit ang ing bunso naku   maliit lang ang ibinigay”..(LAUGHING)..

Heto naman ang   isang botante: “Ako Kaka, inaasahan ko na dadagdagan nila ang laman ng sobre na ipamimigay nila sa araw ng halalan”. (LAUGHING) 

Hoy ting wala na daw sobre ngayon dahil dahil Barangay election lang ito …(LAUGHING) 

Iyan ang sakit ng ating  lipunan  sa ngayon,…. suhulan sa panahon ng halalan, ito ang sakit  na dapat   nating gamutin, dapat nating idelete.. kailangang mawala..  kinakailangan mawala ang suhulan.   Dahil ang epekto ng suhulan ay pagkalugmok ng bansa, na siyang dahilan ng  pagka corrupt ng ating mga oficial na nahalal. Syempre babawiin nila ang kanilang mga malalaking salapi na ginastos sa halalan, para lamang sila mailuklok sa puwesto.

“Marahil dahil sa sistema ng pagpili ng pinuno ng bansa natin kaya nangyayari ang ganitong mga suhulan, o sadyang kapit sa patalim ang mga Pinoy, dahil sa hirap ng buhay ngayon,  kaya nangyayari ang mga ganito.” Paliwanag ng isang Ginang.

May point ka dyan Madam, sa ating bansang Pilipinas ganito kasi ang pagpili ng pinuno ng bansa, lalawigan, hanggang sa Barangay ay idinadaan sa botohan at kong sino ang may pinakamaraming natanggap na boto siya ang idedeklarang nanalo.

“Marami ng pagbabago Kaka, kaya  dapat ng linisin ang    klase ng ating halalan sa Pilipinas”   himutok ni Maam.

Tama ka maam, marami na akong napapansin na dapat ng itama , halimbawa:  Sa ngayon, sa registration pa lamang ay di na maiwasan ang “lagayan” sa pagitan ng mga kakandidato at sa mga botante.

“Papaano kasi Kaka sinanay nila ang mga botante, na binibigyan ng kakandidato para lamang magregister, hayun nasanay na”. sabi naman ng Kumpare.

Sa araw naman ng halalan, may mga botante   na hindi bomoboto hanggat hindi nakakatanggap ng “sobre” o “regalo” mula sa isang kandidato.

Sabi ni Pare: “Kaka, sinisugoro ko lang  na mapapakinabangan ko ang taong aking iboboto dahil alam ko pag nahalal na ay wala namang improvement sa aming lugar, kaya cash advance na ako”

(LAUGHING)

O hayun kaya naman pala, pero pare ko, ayaw mo ng corruption, dib a? pero ikaw mismo ang nagpasimula, dapat ikaw ang magpasimuno o mangunguna na mawala ang corruption, huwag nating turuan ang magiging mga   official natin na maging kurakot.

Kong inaasahan mong maging mabuting serbisyo sa bayan ang ibibigay ng iyong official na inihalal mo, huwag mo siyang itulak na maging kurakot, tulungan mo ang iyong official   na huwag makapagnakaw sa kaban ng barangay, kahit na siya pa ang iyong binoto kapag nagnakaw siya ng pera ng barangay, “walang personalan, trabaho lang” ireport sa kinauukulan.

Tandaan Kapatid, ang botanteng tumatanggap ng suhol mula sa kandidato, tiyak magsisi balang araw, dahil anak o apo ang daranas ng hirap, dahil tiyak babawiin ng iyong official na nahalal ang mga perang nagastos na ipinamudmud sa mamamayan para manalo.

Tandaan mo    kapatid ang kandidatong namumudmod ng pera sa halalan, tiyak babawiin sa mamamayan  ang perang ginastos sa halalan.

Ito ang inyong kandidato.. (LAUGHING)..  este hindi pala.. ito ang inyong segment writer at producer, ng Nakaka…. si Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by dxupfm at 8:24 am | permalink | Add comment

Tribu at Relihiyon

September 13, 2010

Blog Entry    

(September 13,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose: “ Ano ang pagkakaiba ng Tribu sa Relihiyon? Iyan ang ipapaliwanag sa ating ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Kapatid na nakikinig at nanonood sa ating programang Buhay-buhay sa DXUP at of course ditto tayo ngayon sa segment nito na Nakaka (PLAY LAUGHING), at dahil Lunes, may pasok ang mga bata,   balik eskuwela tayo, (PLAY LAUGHING) Hindi what I mean is Word meaning… ok lang ba sa inyo?

 

Ok class … Ang tanong anong pagkakaiba ng kahulugan ng Tribu at Relihiyon?

 

Yes Miss Lenyrose Bajar, define tribu or tribe…

 

Lenyrose: Sir, Ayon sa dictionary ang kahulugan ng Tribu ay “A family, race, or series of generations, descending from the same progenitor, and kept distinct, as in the case of the twelve tribes of Israel, descended from the twelve sons of Jacob”.

 

Kaka Ali: Correct,.. ok may 95 kang grado dito…(PLAY LAUGHING) Ang ibig sabihin ni Leny ay ito isang pamilya, angkan na nagmumula pa sa kanunuan at pinapanatili ang kanilang mga kultura at kaugalian.. halimbawa nito ang labingdalawang tribu ngIsrael na nagmula pa sa angkan ng labingdalawang anak ni Jacob.

 

Ngayon ano naman ang kahulugan ng religión? …ayon ditto sa aklat na tinatawag na dictionary……“a specific fundamental set of beliefs and practices generally agreed upon by a number of persons or sects”. Na ang kahulugan ay tahasang tinutukoy ang paniniwala at ito ay isinasagawa ng mga nanampalataya dito.

 

Ang nasabing diksyunaryo ay nagbibigay din  ng mga sumusunod na kahulugan ng “relihiyon”- ayon ditto ay …“paniniwala sa Diyos o mga diyus-diyosan upang sambahin, kadalasang ipinapakita sa asal at ritwal; anumang sistematikong paniniwala, pagsamba, at iba pa”.

 

Ang paniniwala sa relihiyon ng isang tao ay  hindi panghabang-buhay, o ay maaaring pansamantala.. o sa ibang katawagan ay pwedeng palitan kong hindi ka kontento ditto.. o hindi ka na naniniwala sa mga doctrina nito..Samantala ang tribu ay likas.. o permamente o panghabangbuhay na ito..

 

Ang halimbawa ng mga tribu dito sa bayan ng Upi: T’duray, Lambangian, Manubo-Dulangan, Maguindanaon, Iranun, Meranaw, Ilocano, Ilonggo, Tagalog, Tau Sug, Pampangueno, at marami pang iba.

 

Ang halimbawa naman ng mga relihiyon naman ay: Islam, at Kristiyanismo, ngunit ang Kristiyanismo ay   nahahati ng mga ibat-ibang denomination tulad ng Romano Katoliko, Episcopal, Evangelical church, ATBCI, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist, Jehovah Witnesses, at marami pang ibang Christian  na pananampalataya.

 

Pag sinasabi natin na Christian at Muslim ang tinutukoy natin dito ay ang mga relihiyon. Samantala pag Teduray, Maguindanao, Iranun, Ilonggo, Ilocano at iba pa ay tribu naman ang tinutukoy dito.

 

Anumang  tribu ka nabibilang ay hindi ka automatikong magiging   Muslim o Kristiyano. Ito ay nakadepende sa paniniwalaan  mong relihiyon, Kong maniniwala ka sa Islam ikaw ay magiging Muslim, kong Kristiyanismo naman ay magiging Kristiyano ka..

 

Kaka Alih, ang Moro o Bangsamoro ba ay matatawag na tribu?

 

Hindi dahil ito ay grupo o kalipunan ng mga tribu… ang Moro   ang naging tawag ng mga mananakop na Espaniol sa kanilang mga naging kalaban dito sa Pilipinas, na sa ngayon ay dinugtungan ng Bangsa, na ang ibig sabihin ay angkan. Kaya ang buong kahulugan ng Bangsa+Moro ay angkan ng mga Moro.

 

“Papaano Kaka Alih kong ang isang Teduray ay tinanggap ang relihiyong Islam siya naging Muslim, saan natin siya ibibilang sa ating Tri-people concept sa Upi?” tanong kay Kaka Alih.

 

Ang tanong mo kaibigan ay tanong ko rin, o magtatanong din ako: “.. kong isang Ilocano, tinanggap naman ang relihiyong Islam, saan siya mabibilang? Sa Muslim dahil Muslim naa siya, sa Christian dahil ang “Christian” natin ay tinutukoy ay yaong mga mula sa Luzon at Visayas.

 

Sadyang nakakalito ang ating terms na ginagamit kaya panahon na upang ituwid ang dapat itama. Kong relihiyon ang tinutukoy ay Muslim o Christian. Kong tribu ang tinutukoy natin ay  gamitin natin ang Teduray,  Iranun, Maguindanaon, Ilocano, Ilonggo o anuman ang kanyang tribu.

 

Ang sulatsa atin ay ganito:

          “Muslim- ay yaong nanamplataya sa Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon, Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang agama o religion ay Islam.

 

          Christian- ay yaong nanampalataya sa agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw, Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa kanyang tribong kinabibilangan.

 

Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang tribung Teduray, katulad sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo, Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.

 

May isa pang comments sa atin: “Ang Teduray na tinanggap ang Christianity, di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang Christiano?”

 

Agree ako  Kapatid. Ang Katotohanan ay kong Agama (religion/relihiyon) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christiano. Nandiyan din ang religión na  Islam at sila naman iyong tinatawag natin na Muslim.

 

Kong tribu naman ang basehan, hindi na maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon, Ilonggo, Ilocano, Iranun, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Upi na dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.

 

Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat na kilalanin at alamin natin ang pananampalataya ng bawat kapatid o kaibigan.  Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM..  Sukran and Wassallam.

 

 

edit delete

0 comments share

Blog Entry Peace Panel ng MILF at Goberno: Buo na Sep 13, ‘10 8:56 AM
for everyone

Balita: Alih Anso

Nuro, Upi (Sept 13).Ipinahayag na ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ngayong umaga sa kanilang official website na www.luwaran.con  sa goberno ng Pilipinas. na kanilang muling binuo ang kanilang peace panel na makikipagusap

Ang   (MILF) panel  ay sina Mohagher  bilang chairman, Atty Michael Mastura, Maulana Bobby Alonto, Ang mga bagong membro ay Prof. Sayyed Lingga na chairman of the Institute of Bangsamoro Studies at Abdullah Kamlian na nagmumula sa Zamboanga City- Basilan, at  isang Sama-Bangingi-Tausog.  

At ang dalawang mga dating panel na sina  Atty. Lanang Ali and Atty. Musib Buat ay  parehong mahina ang kalusugan dahil sa naistroke, ay ginawang consultant  sanggunian ng panel.

Ang isa pang alternatibong membro ng MILF peace panel ay si Antonio Kinoc, isang Blaan mula sa Columbio, Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay kumpleto na rin  ang peace panel ng goberno ng Pilipinas, matatandaan na nauna ng appointed ni Pangulong Benigno Aquino si Marivic Leonin, bilang chairman, at sumunod sina UP Professor Miriam Coronel-Ferrer at at negosyanteng si  Senen Bacani. Ang pang-apat ay  si vice mayor Ramon  Piang ng Upi na isang Teduray at ang ikalima ay   ay isang  Bangsamoro    na si Dr. Hamid Barra, dating secretary of education in the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at nagtapos sa isang  pamantasan ng Malaysia .

Si Vice Mayor Piang ay dating guro at principal, bilang mayor  ay tumaggap na ng maraming papuri bilang mapagkakatiwalaan at magaling sa pamumuno. At nag-iisang mayor ng ARMM na tumaggap ng Galing Pook Award noong 2004 at tinanghal noong 2005 ng Eduardo Aboitiz Triennial Award for Exemplary Individual.

Inaasahan na muling maghaharap ang magkabilang panel upang muling talakayin ang kalutasan ng matagal ng problema ng mga Bangsamoro.

Ang bansang Malaysia pa rin ang mananatiling tagapamagitan sa pag-uusap ng MILF at GRP, ito ang kinumpirma ng magkabilang panel.

Posted by dxupfm at 12:54 pm | permalink | Add comment

Peace Panel ng MILF at Goberno: Buo na

   

Balita: Alih Anso

Nuro, Upi (Sept 13)….Ipinahayag na ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ngayong umaga sa kanilang official website na www.luwaran.con na kanilang muling binuo ang kanilang peace panel na makikipagusap  sa goberno ng Pilipinas.

Ang   (MILF) panel  ay sina Mohagher  bilang chairman, Atty Michael Mastura, Maulana Bobby Alonto, Ang mga bagong membro ay Prof. Sayyed Lingga na chairman of the Institute of Bangsamoro Studies at Abdullah Kamlian na nagmumula sa Zamboanga City- Basilan, at  isang Sama-Bangingi-Tausog.  

At ang dalawang mga dating panel na sina  Atty. Lanang Ali and Atty. Musib Buat ay  parehong mahina ang kalusugan dahil sa naistroke, ay ginawang consultant  sanggunian ng panel.

Ang isa pang alternatibong membro ng MILF peace panel ay si Antonio Kinoc, isang Blaan mula sa Columbio, Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay kumpleto na rin  ang peace panel ng goberno ng Pilipinas, matatandaan na nauna ng appointed ni Pangulong Benigno Aquino si Marivic Leonin, bilang chairman, at sumunod sina UP Professor Miriam Coronel-Ferrer at at negosyanteng si  Senen Bacani. Ang pang-apat ay  si vice mayor Ramon  Piang ng Upi na isang Teduray at ang ikalima ay   ay isang  Bangsamoro    na si Dr. Hamid Barra, dating secretary of education in the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at nagtapos sa isang  pamantasan ng Malaysia .

Si Vice Mayor Piang ay dating guro at principal, bilang mayor  ay tumaggap na ng maraming papuri bilang mapagkakatiwalaan at magaling sa pamumuno. At nag-iisang mayor ng ARMM na tumaggap ng Galing Pook Award noong 2004 at tinanghal noong 2005 ng Eduardo Aboitiz Triennial Award for Exemplary Individual.

Inaasahan na muling maghaharap ang magkabilang panel upang muling talakayin ang kalutasan ng matagal ng problema ng mga Bangsamoro.

Ang bansang Malaysia pa rin ang mananatiling tagapamagitan sa pag-uusap ng MILF at GRP, ito ang kinumpirma ng magkabilang panel.

Posted by dxupfm at 8:01 am | permalink | Add comment

Upi Muslims mark Eid’l Fitr Prayer at Open Ground

September 10, 2010
   

  Alih S. Anso-

Nuro, Upi (Sept 10)….Almost thousand Muslims (Believers in Islam)  flocked in Masjid Shariffudin ground, along national highway, Nuro, Upi to marked the Eid’l Fit’r prayer, after  the   one month observation of fasting for the month of Ramadan.

Ramadan is the ninth month of the Islamic calendar. It is the Islamic month of fasting, in which participating Muslims refrain from eating, drinking and sexual relations from dawn until sunset.

Fasting, one of the five pillars of Islam, is intended to teach Muslims about patience, humility, and spirituality. It is a time for Muslims to fast for the sake of Allah and to offer more prayer than usual. During Ramadan, Muslims ask forgiveness for past sins, pray for guidance and help in refraining from everyday evils, and try to purify themselves through self-restraint and good deeds.

As compared to the solar calendar, the dates of Ramadan vary, moving backwards about eleven days each year depending on the moon. Muslims believe Ramadan to be an auspicious month for the revelations of God to humankind, being the month in which the first verses of the Qur’an were revealed to Prophet Muhammad (peace be upon him)

Ustadz Muhammad Taha Yusuf-chairman of Da’awah for  Upi delivered the Kutbah (sermon) to a Jamaah (congregation ).  His subject concentrated in Aqida Islamiyah, (strengthening of Faith). Ramadan begins with the moon sighting on the ninth lunar month of the Arabic Hijra Calendar and ends when the crescent moon of the 10th month appears.

Sermons in congregational prayers have two most basic tenets; that is, to testify that Allah is God and Muhammad is prophet: In the Name of Allah, Most Gracious, Most Merciful. All praise and thanks are due to Allah, and peace and blessings be upon His Messenger. This will be followed by citing a verse or verses in the Holy Qur’an and traditions of the Holy Prophet pertinent to the subject of the sermon; and after this, the sermon can delve with any subject relevant to the Muslims and mankind.

Last night after the official pronouncement of the Darul Ifta of the Philippines  headed by Sheikh Omar Pasigan that the  new moon for the month of Shawwal was sighted by a pious Muslims, a Takbeer Mursal was aired simultaneously in different Masjid and radio stations.

Upi population composed of 60 % T’duray tribe, in which about 10-15 % embraces Islam, 20 % Maguindanaon, Iranon & Meranaw  and 100 % Islam by religion and 20 % New Settlers from Luzon and Visayas  in which majority Christianity by faith.

The congragation in masjid Shariffuddin  were from the five  masjid in Barangay    Nuro: Masjid Noor, Ar Rahmani, Falahie, Sahriffuddin and Darul Sallam, other barangay formed other congragation in the open area.

The Philippine National Police (PNP) and Armed Forces of the Philippines (AFP) secured the area for the security of the congregation.

Posted by dxupfm at 9:06 pm | permalink | comments[7]

Ramadhan, Ika 9 na Buwan ng Hijri Calendar

September 9, 2010

(Sept 9,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar-Sunio)

 

Host:   Ramadhan  ..  ang ika 9 na buwan ng Hijri calendar,   Samahan ninyo kami  dahil magbibigay ng ilang impormasyon tungkol sa buwan ng Ramadan si Kaka Alih sa ating segment na nakaka:

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih: Ang Ramadhan ang ika-9 na buwan   sa Hijri calendar.

 

Ang Ramadhan ay banal na buwan dahilan sa ito ay  itinadhana ng Panginoon   sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:

 

“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi   ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6  ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13   ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng Ramadan.”

 

Ang buwan ng Shaban-buwan na sinusundan ng Ramadan  ay may 29 na araw o 30 araw, ganoon din ang Ramadan na either 29 o 30 araw at ang susunod na buwan ang ikasampu ay ang Shawwal.

 

Ang mga buwan ng Hijri calendar ay: 1) Muharram, 2) Safar, 3) Rabiul Awal, 4) Rabiul Thaani, 5) Jumadil Awal, 6) Jumadil Thaani, 7) Rajab, 8) Shaban, 9) Ramadan, 10) Shawwal, 11) ZulAl Qaida at 12) Zul al hijja.

 

Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon sa sinabi ni Ang    Muhammad (saws): “Huwag (magsimulang) magayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Bukhari at Muslim)

 

Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.

 

Ang Kalendaryong Islam, ang Hijri calendar,  katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ito ay binubuo ng labing-dalawang buwan.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay binase ang bilang  sa araw.

 

Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.

 

Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , anim na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo  ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa kapatid na Muslim ay  isinsahimpapawid ang programang Duyog Ramadan, na magsisimula bukas August 10, mula 5:00 hanggang 6:00 ng Hapon Lunes ang Linggo. Ang radio program  na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.

 

Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang mga Muslim sa   buwan  na ito ng Ramadhan ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

 

Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling gising sa karamihang oras sa pagdarasal at paggawang mga bagay na kalugod-lugod sa Allah.

 

Ang mga huling sampung  araw ng buwan ng Ramadan ay panahon ng katatagang espiritwal ng mga Muslim dahil bawa’t isa ay nagsusumikap maging malapit sa Allah sa pamamagitan ng pagsamba at gawaing mabuti. Ang gabing ipinahayag kay Propeta Muhammad ang unang mga talata sa Qur’an, na tinatawag na Lailat ul-Qadr ay sa buwan ng Ramadan.   Ang Qur’an ay inilarawan ang gabing ito na “nakakahigit sa sampung buwan ng Ramadan” [Qur’an, 97:3].  

 

Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman  ng mga Muslim ang ‘Eidil-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at   pagpapalitan ng mga hadiya o  regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).

 

Ngayong araw ika 29 ng Ramadan, at mamayang gabi malalaman kong tapos na ang Ramadan sa pamamagitan ng pagsilay ng bagong buwan (new moon) at ang naatasan na mamahala sa sighting of the moon ditto sa Pilipinas ay ang Darul Ifta of the Philipines, kaya mamayang gabi mga 8:00 – 9:00 ay ipapahayag ng Darul Ifta ang resulta, at sa ating community radio DXUP FM ay asahan ng ating mga tagapakinig na simultaneously nilang maririnig ang pahayag o announcement.

 

Kong masisilayan ang bagong buwan  ditto sa Pilipinas mamayang  gabi, bukas ay magsambayang ang mga Muslim ng Eidul fit’r, atkong hindi masilayan ang bagong buwan ay sa araw ng Sabado ang sambayang ng Eidil Fitr.  Ang patakaran ng pagsambayang  ay sa open ground isinasagawa at mag-ipon-ipon ang mga magkakalapit na Masjid, at dito sa Barangay Nuro ay sa Masjid Sarifuddin (masjid sa compound na ni Hadji Saripada)  gaganapin ang sambayang na Eidil Fitr na kinabibilangan ng Masjid Nor, Masjid Rahmani, Masjid Fallahi, Masjid Darusallam at Masjid Sarifudin, samantala sa ibang barangay ay ganoon din ang kanilang gagawin, sa Mirab ay sa compound ng Mahad o Islamic Center. Sisimulan ang Sambayang ganap na ikapito ng umaga.

 

Ngayong araw ay deklarado ng ARMM government na holiday sa sakop ng ARMM, kaugnag ng Eidil Fitr, at bukas ng Biyernes naman ay deklarado ng President ng Pilipinas na holiday sa bansa, kaugnay din sa pagtatapos ng Ramadan.

 

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta at pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:07 am | permalink | Add comment

Mga pagkakamaling Nagagawa ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak

September 8, 2010
   

     

(September 7, 2010,  Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose:Walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak. Ito ay pawang may katotohanan subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.

 

 (PLAY NAKAKA- INTRO)

 

Kaka Ali:  Agree ako sa tinuran mo Leny, na walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak,  subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak.

 

Tanungin ko kayong mga magulang na nakikinig ngayon,  Anu-ano ba ang mga nagagawang nating mga magulang na mga pagkakamali   sa ating mga anak?

Narito ang ilan sa ating nakalap na mga pagkakamali na nararapat na ituwid:

  • Iniiwanan ang kanilang mga anak  o yaong tinatawag na abandonement.  Yes may mga magulang na  iniiwan ang mga bata o kong minsan mismo pamilya. Lalo na sa mga magulang na “single prents” (maaring hiwalay o patay na ang partner). May mga batang iniwan ng magulang sa ibang tao, kong minsan pinamimigay o pinagbibili pa, mula pasa pagkabata, dito malaking kasalanan ng magulang sa bata, at higit sa lahat kawawa ang bata. Dito na ay karamihan sa mga iniiwan ng magulang ay lumalaking walang disiplina at madalas palaboy-laboy lamang sa langsangan at ditto na   natutunan   ugaling lansangan, kaya hayun ang resulta:  batang basagulero.
  • Ang ibang magulang naman ay  nagkukulang   o hindi pinapahalagahan ang pag provide ng basic needs ng mga anak. Yes hindi pagbibigay ng priority needs  ng kanilang  mga anak. May  mga mga magulang na mas inuuna ang pangsariling pangagailangan, halimbawa, ang priority ay makabili ng sigarilyo akaysa  papel at lapis ng kanyang anak na nag-aaral. Inuuna pa ang makakataya sa last two, ngunit hindi ang baon ng anak (kong bakit kasi hanggang sa ngayon ay pa pinatitigil n gating goberno o otoridad ang illegal na sugal na ito).
  • Ang isa daw sa matinding pagkakamali na di halos napagtutunan ng pasin ay itong Emotional abuse.    Ang mga pag-aaway ng mga magulang sa harapan ng mga bata.  Pagsasalita ng kung anu-anong masasakit/bastos na salita ay ilan lamang sa emotional abuse na maaaring gawin ng mga magulang sa kanilang mga anak.  Kasama na dito ang sobrang expectation at pag push sa mga bata na gawin lahat ng makakaya upang maabot ang isang goal o dream ng magulang at ito ang   nagiging isang form ng emotional abuse… kung sobra, dapat itong ilagay sa tama, gawin gabay lamang sa inyong mga anak.
  • Heto pa ang isang matindi-Physical Abuse.   Pananakit sa pamamagitan ng pamamalo at iba pang pisikal na karahasan, na wala na sa lugar. Sa konting pagkakamali ay palo kaagad. Sa Islam ay pinapayagan ito bagamat ito ay may guideline kailan dapat gawin. Halimbawa ay kong nasa sampung taon gulang na ang bata, at inaituro at ipinaguutos mo ang pag-sambayang (pagsamba)  at hindi niya ito ginagawa, ang  last recourse kong kinakailangan ay pwedeng paluin ang bata, kong talagang ayaw sumunod. Pero may nagtanong: “Kaka, papaano kong ang magulang hindi nagsasambayang?” (LAUGHING)  Ah nananana… dapat sa kanya, sunugin sa apoy na naglalagablab… ang magulang na hindi ginagawa ang kautusan ng Allah…(LAUGHING)  Joke joke lang..
  • May mga magulang na sinisingil ang mga anak sa nagawang pagpapalaki sa kanila, ang tawag daw dito ay “Walang utang Loob”. Ang pag pressure sa mga anak na bayaran sa anumang paraan ang pagpapalaki o paghihirap na dinanas nila sa pagpapalaki at pagtaguyod sa kanila. Pressure on child to return parental obligation.

Heto mula sa isang ulirang magulang na  nakilala ko: “Magulang din ako at naging bata rin minsan kaya madali natin maiintindihan ang mga pagkakamali o minsang pagiging matigas ulo ng anak natin.  Kung itatanim natin sa isip natin na magulang tayo at tayo ang dapat masunod hindi rin naman siguro palaging ganun diba!

 

Mga magulang kailangan makinig din tayo sa mga sinasabi ng ating mga anak natin kasi may puso at utak din sila.   Kailangan na laging bukas ang tenga, mata at isip nating mg magulang  pati na rin balikat at dibdib natin kung kailangan nila ng masasandalan o maiiyakan. Di ba  masarap yatang pakiramdam na ikaw ang unang nakakaalam sa damdamin ng anak mo.

Mula naman sa isang maestro: “Para sakin ang isang pagiging magulang ay hindi gawang biro,,, mahirap na masarap.., sa lahat ng pagkakamali na nagagawa ng anak ay laging ang magulang ang siyang may pagkukulang ,.. o di kaya’y may kasalanan..kaya siguro ang mas maganda na gawin bilang magulang, ay ilagay natin sa tamang oras at tamang lugar ang pagdisiplina sa ating mga anak…,maging mapamaraan tayo bilang magulang kung paano natin magagabayan ang ating mga anak,,kasi hanggang tayoy nabubuhay obligasyon natin sila. Huwag sana mapagod ang sino mang magulang sa pag -aaruga sa mga anak, Kaya sa lahat ng mga magulang     lang tayo ,,sa pagdadala ng ating pamilya,,para na rin sa kabutihan ng ating mga anak……..at sikapin natin na tayong mga magulang ang kanilang maging huwaran sa lahat ng bagay.”

 

Heto po ang inyong kapuwa magulang na naghihikayat na mahalin at rugain natin ang mga anak.. sila ay biyaya ng diyos…Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.

Lenyrose: “Maraming salamat Kaka Ali, ako bilang magulang na rin ay nakikiisa sa iyong layunin, mga kapuwa ko magulang kong sakali mang may nagawa tayong pagkakamali sa pagpapalaki sa ating mga anka, ay hindi pa huli ang lahat upang ito ay ating ituwid…may bukas pang darating…

(PLAY EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 6:58 am | permalink | Add comment

Kapayapaan itinuturo ng Islam - Ang Relihiyon ng Mga Nanampalataya

September 7, 2010

Blog Entry

(September 7, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose B. Sunio)

Lenyrose:  Kapayapaan ang itinuturo ng Islam, ang relihiyon ng mga Muslim sa buong mundo, ngunit sa mga hindi nanampalataya at di nakakaalam, kanilang sinasabi na pasimuno ng terrorismo,  dahil dito ay kaya nararapat lamang na alamin ng sinuman ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Islam upang mapanatili ng sangkatauhan ang pagkakaunawaan at kapayapaan dito sa ibabaw ng lupa…  samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka… dahil tatalakayin niya ang mga dapat malaman ng hindi Muslim tungkol sa Islam.

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: : Pagkatapos ng terrorismo ay umuusbong na naman ang isyu na “islamophobia” o pagkatakot sa relihiyong Islam. Ito ang pilit na ikinakabit o  ikinukulapol ng mga taong walang paniniwala at kaalaman sa Islam. Samantalang nagdudumilat ang katotohanan na  Kapayapaan ang itinuturo ng Islam. Ito ang relihiyon ng mga Muslim sa buong mundo.,  at ang mga Muslim ay matatagpuan na halos kahit saan bahagi ng mundo sa ngayon  at   ay patuloy na dumarami ang nanamapalataya  sa Islam, kahit na patuloy ang paninira at pagtuligsa dito, kaya nararapat lamang na alamin natin  ang mahahalagang kaalaman tungkol sa Islam upang mapanatili ng sangkatauhan ang pagkakaunawaan at kapayapaan dito sa ibabaw ng lupa… 

 

Ang katanungan natin ay ano  ang mga dapat malaman ng hindi Muslim tungkol sa Islam?

 “Bakit ko pa aalamin kong ano  ang Islam ay hindi naman ako Muslim?” ito ang sagot kaagad ng isang Kaibigan na ayaw magpakilala sa himpapawid.

Kaibigan dahil sa sinabi mo ay lalong nararapat na pag-usapan natin ang Islam dahil sa ating lugar ay madalas kasama, kapitbahay natin silang mga  Muslim..

Kapag binaggit natin ang Muslim, Ang ibig sabihin ng Muslim ay nanampalataya sa katuruan ng Islam. Dito sa ating bayan, halos lahat ng ating mga okasyon na pambayan ay may  kasama tayong Muslim.

Ayon sa pilit na pinalalabas ng mga Kanluranin kasama na ang mga Pilipino na ayaw alamin ang katotohanan ay Islam di umano ay nagtuturo ng “terrorismo” o pang-gugulo sa sangkatauhan. Ngunit kong pag-aaralan mo ang itinuturo ng  Islam, mag-iiba ang inyong pananaw at paniniwala dito, dahil ang ibig sabihin ng Islam ay Peace o kapayapaan. Kong sakali mang may Muslim nang-gugulo ay indi ibig sabihin ay ang Islam ang nang-gugulo.

Heto pa ang dapat mong malaman, Alam mo ba  Kaibigan na ang mga kapatid mong Muslim ay hindi kumakain ng Haram? Alam mo ba ang ibig sabihin ng Haram?

“Alam ko Kaka Ali, ang Haram na pagkain, ay ang  karneng baboy”. Sagot kaagad ng ating best friend.

Tama ka kaibigan, ang karneng baboy ay haram, ngunit ilan lamang iyan sa Haram, na hindi dapat kainin ng iyong mga Kapatid na Muslim. Ang anumang pagkain na nahaluan kahit konting bahagi lamang ng karneng baboy ay magiging Haram. Ang ibig sabihin ng Haram ay marumi o “unclean” ayon sa Biblia.  Hindi pwedeng kainin o gawin ng isang Nanampataya sa Islam (Muslim), dahil pag kinain o ginawa ito ay may karampatang kaparusahan na naghihintay para sa kanya, mula sa kanyang Poong Lumikha.

Kahit sa pag-kain at inumin lamang Kaibigan ay marami pa tayong dapat malaman, halimbawa ang mga Halal, (yaong pinapayagan na kainin o gawin ng isang Muslim) ay magiging Haram kong ito ay nahaluan ng konting bahagi ng Haram. Ang mga Halal na hayop tulad ng kambing, baka, asno, manok, ay magiging Haram din kong ito ay hindi nakatay (nasumbali sa wikang Bangsamoro na Maguindanon, Iranun at Meranaw)  ayon sa patakaran ng Islam.

Ang tanong Kapatid, ang ating mga restaurant o karenderia, mga pagkain sa ating pamilihan (market o department store) mga Halal ba?

Alam mo rin ba kaibigan na ang iyong Kapatid na Muslim ay nararapat na magsagawa ng kanyang Salaah (Dasal) ng limang beses sa isang araw?  Ito ay bahagi ng limang haligi ng Islam at ang di pag-sasagawa nito ay may mabigat na kaparusahan o pagkahiwalay sa Islam.

Ang mga Muslim na babae o lalaki ay nararapat isagawa ang limang salaah (sambayang sa wikang Bangsamoro na Maguindanon, Iranun at Meranaw, o pagdarasal sa wikang Pilipino). Ang limang Salaah ay Duhor (dasal sa tanghali), Asar (dasal sa hapon), Magrib (dasal sa takipsilim), Eisha (dasal sa gabi) at Suboh o Fajar (dasal sa bukang liwayway). Ngayon Kaibigan kong isa siyang Manlalakbay na Muslim,  tiyak na aabutan siya ng mga oras ng kanyang pagdarasal, ngayon saan siya magdarasal?

Sa ating mga paliparan o airport mayroon bang nakalaan na Musalla? (kuwarto ng dasalan).   Kahit nga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay wala tayong nakita doon, sa malalaking establishment, hotel o opisina na may mga Muslim mismo na empleyado at kustomer ay wala kang makikita na Musalla o kuwarto ng dasalan.

“Ang mga palikuran o comfort room natin, ay hindi para sa Muslim?” pag-lalahad ni Ustadz.

“Bakit   naman en para sa publiko ang mga palikuran natin, kahit na nga mga gasolina station sa national highway ay pampubliko ang CR nila”. Paliwanag ni Maam, isang Maestra ko sa elementary.

Tama ang sinabi mo Maam, na pampubliko nga ang CR na iyon, Muslim at Kristiyano ay pwedeng gamitin. Ngunit Maam, alam mo ba na ang mga Muslim na babae at lalaki ay nararapat gumamit ng tubig sa palikuran kahit sa pag-ihi lamang? Ang tanong ko may tubig ba na pag-hugas sa ihian? Kong mayroon man bibihira, siguro yaong may-ari na alam na nila ang pinag-uusapan natin.

CR pa rin, alam ba ninyo na  sa pagbabawas ng isang Muslim dapat hindi nakatalikod o nakaharap sa Qibla o yaong kinalalagyan ng Kaaba, sa Mecca, Saudi Arabia. Obserbahan mo ang ating mga CR, nakadesenyo ba sa tinatalakay natin?

Kaibigan marami pang dapat malaman  ng lahat tungkol sa Islam, hindi lamang ng Muslim kundi nararapat na malaman din ng Hindi Muslim, upang mapairal natin ang pagkakaunawaan, pagrerespetuhan, pagmamahalan at pagsasama ng mapayapa.

 Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat na kilalanin at alamin ang kanyang tungkulin sa bayan at sa kapuwa.  Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM..  Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:53 am | permalink | Add comment

Mga vendors sa Pamilihang Bayan ng Upi, may mga Reklamo

September 6, 2010

Balita ni Lenyrose B. Sunio

Nuro, Upi (Sept 5)..Nagpaabot ng hinaing o reklamo  ang mga vendors sa pamilihang bayan sa Lokal na pamahalaan ng Upi . Sa panayam ng DXUP FM ngayong umaga , kay  Sadat Dagadas   Fish Vendor Section President– problema umano nila ang mga nagtitinda ng mga isda na mula pa sa Lebak, Sultan Kudarat,  sa labas ng pamilihang bayan.

“Sana, ditto na sila mag-display ng kanilang mga isda sa loob ng palengke para naman patas ang pagtitinda”. Hinaing ni Dagadas

Ayon naman kay Inday Faldas Sioson hinaing  naman nila mula sa vegetable section ay ang di agad na nahahakot na basura.

“Nangangamoy kasi itong mga basura  kapag hindi agad nahakot,” pahayag ni Inday.

Ayon naman  kay Lot Bandara, isa namang ng dried fish vendor:  “… tumutulo ang tubig kapag uumulan at ditto naiipon sa gitna ng flooring, kaya parang basakan o fishpond na ang aming mga puwesto.”  

Inireklamo din ni Bandara na sa tuwing Sabado ay maymga nagtitinda ng bulad sa may kalsada ng Edwards Street, na dahilan na hindi pumasok ang mga namimili sa loob ng pamilihang bayan.

Inaasahan naman ng mga vendors na maakasiyunan ng Lokal na pamahalaan ang kanilang hinaing sa pamilihang bayan.

Samantala  sa garbage updates naman, ni Patrol 1 (Alih Anso), ay naiulat ang mga tambak –tambak na basurang nangangamoy na hindi  nahahakot mula noong araw ng Sabado.

Posted by dxupfm at 9:44 am | permalink | Add comment

Alamin: Kultura, Kaugalian at Paniniwala

September 3, 2010

(September 3, 2010-Biyernes-script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Bawat tribu natin ay halos magkakaiba ng  Kultura, Kaugalian at Paniniwala.   Ang pagrespeto sa kultura ng ating  kapuwa  ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman dito,  samahan ninyo kami para sa karagdagang kaalaman ng ating kultura, kaugalian at paniniwala  dahil  iyan ang tatalakayin ni    Kaka Ali     sa ating segment na nakaka…”

 (PLAY INTRO)

Kaka Alih: “Tama ka Leny, ditto sa ating bansang Pilipinas, napakaraming tribu, at bawat tribu   ay halos magkakaiba ng  Kultura, Kaugalian at Paniniwala.  At  ang pagkilala at pagrespeto sa kultura, kaugalian at paniniwala  ng ating  kapuwa  ay isang magandang kaugalian natin na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa, bakit? … dahil sa kawalan ng kaalaman dito, kaya dapat nating alamin.

 

 Lenyrose: “ Tama ka diyan Kaka, para sa akin masakit sa akin na may malabag akong kultura, kaugalian at paniniwala  ng aking mga kapuwa Pilipino. O kahit man taga ibang bansa.”

 

Kaka Alih: Agree talaga ako diyan Leny, alam mo dito sa   bansang Pilipinas,  ay sadyang napakarami ang tribu, at bawat isa rito ay iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwala.

 

Halimbawa lamang ay ditto sa   ating bayan ng Upi, dito mo makikita ang multi-diversity na kultura. Sa mga native inhabitants tulad ng T’duray, Lambangian, Maguindanaon, Iranun, Meranaw isang pulo lang sila, ngunit magkakaiba sila kultura, kaugalian at paniniwala.   

 

Ganoon din ang mga mula sa isla ng Luzon at Visayas, kahit na sila ay matatawag na Kristiyano ay iba-iba din ang kanilang paniniwala, iba iba din ang “denomination” may Romano katoliko, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist at iba pa.  Of course pati na rin ang kanilang kultura at kaugalian.   At tandaan:  Ang bawat tribu ay may  pamantayan sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.  

 

Kaya may mga kilos at gawi tayo na maaaring tama sa isa iba  ngunit mali o nakaiinsulto sa iba.  Dahil ito ay labag sa kultura, kaugalian at paniniwala  o  di etikal na matatawag sa kanilang tribu. o    ang tingin ng sa ibang tribu ay nakakabastos o nakakainsulto sa kanilang angkan. Halimbawa, ang pag-gamit ng sapatos, sa loob ng sambahan (house of worship), sa mga Muslim kailangan mag-alis ng sapatos kong nasa loob kan g masjed samanatala sa simbahan ay sadyang ipinapasok.

 

May mga tribu na sa kanilang kultura ay  minamasama ang sobrang paglapit ng tao sa kinakausap o mkinakalabit ang kausap..

 

Sa ibang bansa Halimbawa sa bansang Korea,  Malaysia   Qatar at Saudi Arabia, at sa   mga bansang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang  pakikisalamuha ng lalaki at babae.

 

At ganitong paniniwala   magkapareho  ang mga Bangsamoro, labag sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala ang paghahalubilo ng babae at lalaki, dahil ipinagbabawal ng Islam,  kaya naman huwag kang magtaka sa darating na Meguyaya festival halimbawa  sa  Moro Nights   ay tiyak muli mong mararanasan   na ang lugar ng kababaihan at kalalakihan sa gymnasium ay magkahiwalay, pati ang pasukan at labasan ng tao ay magkaiba.

 

Ang tanong mo kaibigan ay Bakit  ? Dahil sa mga Bangsamoro na Muslim ay labag sa kanilang kaugalian at paniniwala. Bawal din na   hawakan ang babae ng lalaki sa pagbati, na siya namang kabaliktaran  ito sa ibang kultura tulad sa Mediterranean, na pilit na ginagaya ng mga Pinoy. O di ba? Magtatampo pa nga ang mga kababaihan kapag nakaligtaan mong bumati sa pamamagitan ng halik o yakap. Iyan ang tinatawag nilang “beso-beso”.  ( LAUGHING) Ang beso pala sa R’nawon ang kahulugan ay bingi.. ( LAUGHING)

 

Samantala iba naman sa bansang  Thailand kung saan ang ulo ng tao ay sagrado.

 

LENYROSE: “Kaka di ba minsan ka ng napunta ng Bangkok, Thailand?  may nahawakan ka bang ulo doon?  (PLAY LAUGHING)

 

Kaka Alih: Sa awa ng Diyos, Wala pa naman, pasalamat nga ako at di ko nagawa, sigoro baka ibang ulo ang nahawakan ko…(PLAY LAUGHING)

 

Maniniwala ba kayo na ang maling paggamit ng kaliwa at kanang kamay ay maaaring isyung malaki sa ibang  kultura? Maoobserbahan ito sa bansang India, Morroco, Middle East at Africa  na  tradisyonal pa rin ang  paggamit ng kamay kong kumakain. Malimit pa rin na nagsasalo sa iisang pinggan o bowl sa hapag-kainan ang isang pamilya kong kumakain.

 

At dito sa homeland, ang mga kapatid na Bangsamoro ay  patuloy pa rin ang pag-gamit ng kamay pag kumakain, taliwas sa mga Pilipino na gumagamit na rin ng kutsara at tinidor tulad sa kanluranin. Kaya asahan mo kapag pinagamit mo ng kutsara medyo kimi, o hindi masyado na  gamay ang pag-gamit ng kutsara at tinidor. 

 

At pinag-uusapin din ang pagkain , tanging kanang kamay lamang  ang para sa pagkuha at pag-subo  ng pagkain.

 

Kanang kamay   din ang ginagamit pag hinawakan ang Quran.  At ang kaliwang kamay  ay para sa ibang bagay, tulad ng marurumi. Sa sandaling magkamali tayong halinhinang gamitin ang kanan at kaliwang kamay sa pagkain, tiyak na madidismaya ang mga kapatid na R’nawon at T’duray. Naku kaibigan, lalo pa raw  sa India, halimbawa, ang kaliwang kamay ay gamit sa pagpunas at paglinis matapos magritwal sa kubeta.  

 

Anu-ano ang pwede nating gawin upang di mapahiya at di makalabag sa kultura, kaugalian at paniniwala ng iba, sa mga ganitong sitwasyon?

 

Alamin at pag-aralan,   manaliksik ukol sa kultura ng iyong kapatid,lalot palagi mo siyang nakakasama, at kong balak mo pa lang puntahan   maging handa, mag-research. Sakali namang nasabak na agad tayo, ito ang payo natin, masusing obserbahan ang mga gawi ng tagaroon o kaya’y huwag mag-atubiling magtanong nang maiwasan ang kahihiyan at makalabag sa Kultura, Kaugalian at Paniniwala  . Ikatutuwa pa nila ito dahil hudyat ng ating pagiging sensitibo sa kanilang kultura at paggalang sa kanilang mga tradisyon,   kaugalian at paniniwala.

 

Kapatid, pansamantala muna natin isasara ang tabing ng ating  segment na nakaka..   Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas,  lalo pa natin paiigtingin ang mga ibabahagi  ni Kaka Alih.. . Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 6:53 am | permalink | comments[1]

Ibong Kalaw

September 2, 2010

(September 2, 2010-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “ Kapatid na nakikinig …may naririnig pa ba kayong humuhuning Ibong Kalaw o hornbill sa ating mga kagubatan? Marahil ay wala na.. Bakit?..

(NAKAKA- INTRO)

Kaka Ali: Marahil ang mga kabataan sa ngayon ay bibihira ang nakakita ng ibong  kalaw (rufuos hornbill) at bibihira din ang nakarinig ng makapangyahrihang huni nito, na siyang nagsisilbing orasan ng mga mangbubukid noon. Yes my friend, datirati ang huni ng kalaw  ang nagsisilbi nilang orasan dahil maiingay ang mga ito sa pagitan ng ika-10 ng umaga hanggang tanghali at ika-3 hanggang ika-5 ng hapon.

Ang kalaw ang isa sa mga natatanging ibon na may kakaibang pag-uugali. Ang babaeng kalaw ay kailangang pumili ng mahusay na katipan dahil dito nakasalalay ang kanyang buhay at ng kanyang anak.

Bago mangitlog, ang mag-asawang kalaw ay mamimili ng isang mataas na puno na mayroong natural na uwang (butas). Pagkaitlog, ang babaeng kalaw at ang kanyang itlog ay magpapakulong sa loob ng butas. Ito ay isesemento ng lalaki gamit ang pinaghalong-putik at kung ano-ano pa at tanging maliit na butas lamang ang ititira para maiabot ng lalaki sa babaeng kalaw ang kanyang pagkain.

Ang babaeng kalaw at ang kanyang mga itlog ay makukulong nang halos tatlo hanggang apat na buwan habang ang lalaking kalaw naman ay walang tigil na maghahanap ng pagkain para sa kanya at sa kanyang katipan. Kapag napisa na ang mga itlog, ang babaeng kalaw ay lalabas na sa lungga at ikukulong ang mga inakay. Ang mag-asawang kalaw naman ay patuloy na maghahanap ng pagkain at papakainin ang mga nakakulong na inakay sa loob pa ng tatlong buwan.

Dahil sa ganitong kakaibang pag-uugali, napakaliit ng tsansa ng mga kalaw na mabuhay at dumami. Ang pagkaubos ng kagubatan lalo na ng mga malalaking puno   ay isa malaking panganib na kinakaharap ng mga ibon na ito. Kapag ang lalaking kalaw at nahuli, nabaril o namatay sa pagkakataong ang kanyang katipan ay nasa loob ng uwang, ang kanyang mag-iina ay tuluyan ring mamamatay.

Ang mga ibong kalaw ay bahagi na ng buhay  ng mga katutubo, at ito na rin ang maaring gamiting likas na batayan na dahan-dahan ng nawawala ang ating kagubatan.

Marahil ang ilan sa inyo ay nagtatanong kung bakit mahalaga ang kagubatan sa tao at kung bakit natin ito kailangang pangalagaan.

Ang kagubatan lang naman ang tumutulong sa atin upang tayo ay mabuhay, dito nanggagalaing ang oxygen na kailangan ng tao. Kung wala ang mga kagubatan, wala tayong masasarap na pagkain, sariwang hangin na malalanghap, at magagandang tanawin na matatanaw.

Ang Kagubatan din ang itinuturing na banga ng mundo, ito’y dahil sa kakayanan niyang mag-imbak ng tubig mula sa mga puno. Siyempre kung ang isang kagubatan ay malago at luntian, senyales ito na mayroon siyang kakayahang mag-ipon ng tubig gamit ang kaniyang mga ugat na siyang sumisipsip ng tubig mula sa ulan. Dito’y nakakalikom siya at pagdating ng tag-araw ibinababa niya ito patungo sa paa ng kagubatan na kung saan dumadaloy sa mga ilog. Sa kalunsuran, halimbawa ang Nuro,  ang mga ilog o bukal tulad ng Romagonrong fall,  na pinagkukunan natin ng tubig ay dumadaan sa mahabang proseso bago ito tuluyang dumating sa ating mga gripo upang maging ganap na pamatid uhaw, pang-ligo, panlaba, pandilig at marami pang iba.

Subalit ang tanong paano kung ang banga ng mundo ay mawalan ng mga puno, ano ang mangyayari? Ano ang mga epektong kahahantungan nito?

Ayon sa  aking mga nabasa at sa personal na  karanasan, narito ang ilang senyales, kapag nawala ang mga puno.

Una, maaaring lumikha ito ng pagguho ng lupa o erosyon mula sa kagubatan lalo na’t kapag dumarating ang walang humpay na ulan. Maaari rin itong makasira sa balanse ng isang ekosistema na nagpapagalaw sa bawat may buhay na doon ay nagkakanlong. At sa pagsulong ng ganitong sistema sa kalaunan ang mga ilog na nagdadala ng tubig sa atin ay tuluyan na ring matutuyot at ang erosyon ay nagiging dahilan din ng paglabo at pagdumi ng tubig dahil sa paghalo ng mga lupa at putik mula sa nakalbong kagubatan.

 Ngunit ako’y nalulungkot, dahil tayo, na dapat ay nakamulat ang ating  mga mata, ngunit kong  minsan nang nagbulag-bulagan tayo sa malubhang sitwasyon ng ating  mga nawawalang kagubatan.   

Tayo, na puwede tumulong sa pagtatanim ng puno, na siayng bumubuo ng mga kagubatan,  ay inuubos ang oras sa mga bla- bla   o kaya ay inuubuos natin ang ating oras sa pamamalengke. Na puwede namang maglinis o kaya ay magtanim ng gulay o punong kahoy sa ating bakuran, kaya lang nakaklungkot kong minsan, papaano kasi  ang iba nakatutuk sa pagkukumpute ng numero (LAUGHING)  para sa Last two???   HINDI sa computer, sa   internet, nagfarmville  (LAUGHING)  sa buong magdamag hanggang sa lumabo na halos ang kanilang  mga panngin.  Oo, inaamin ko, na ako rin mismo ay minsan nang nabulag dahil sa kaaliwan ko sa makabagong teknolohiya (LAUGHING)….hindi po sa last two, Haraam po iyan sa Islam, sa internet, sa facebook at pagsusulat ng script natin sa nakaka. (LAUGHING)  ..

Seriously speaking tayon,  sana tandaan natin ang kaunaunahang tungkulin na ibinigay sa atin ng Diyos   ang pangalagaan ang Kanyang mga nilikha, kasama na diyan ang kagubatan, punong kahoy, mga ibon at of course ang asawa mo. (LAUGHING)  ..

 Simulan natin ang pag-gawa, hildi lamang sa salita, magsimula tayo sa sarili nating kabahayan, tayo’y maglinis, magsegregate ng basura, at magtanim ng mga puno, kahit isa bawat linggo, eh di may 72 kang puno sa isang taon.

Kaibigian bakit ayaw mong maniwala? Hihirit ka pa? heto ..Napapansin n’yo ba ang patuloy na pagbaha sa ating  lugar? Ilang beses ng binaha ang Nuro, di basta baha, flashflood pa,  iyon ay dahil sa unti-unting pagkaubos ng ating punong kahoy, na pinuputol ng mga illegal loggers. Hay!…. SALAMAT SA DIYOS, SA ATING BAYAN NG UPI NAPATIGIL NA ANG LOGGING, O PAGTROSO…TOTOO BA? WALANG NG LOGGING SA UPI?

(LAUGHING)  

May pag-asa pa Kapatid May bukas pa ba?   Idalangin at gawin natin na  makamtan   ang ating minimithing bukas, para sa ating susunod na henerasyon.

Sukran.

(PLAY –EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:45 am | permalink | Add comment

Pinoy Mahilig Manghiram ng Salita?

September 1, 2010

 (September 1, 2010-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Pinoy mahilig manghiram ng salita? Totoo ba ito? Pakinggan si Kaka Ali sa ating segment na Nakaka..

(NAKAKA- INTRO)

Kaka Ali: 

Hanggang sa mga panahon na ito ay   hindi pa natin masasabing “puro” (pure) na wika o salitang  Filipino ang ating ginagamit,  dahil na rin sa  pagkakaiba-iba sa kultura ng ating  bansa. Kong minsan naman ay may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan o hindi na alam ng isang henyong Pinoy  sa salitang Filipino kapag isinasalin.  At dahil sa  pangyayaring ito, ang tanging magagawa ni Juan ay manghiram ng salita,  kong nahihiya ka ay di   lumikha ng bagong salita. Ang tanong…. kaya ba niya? Yes of course malikhain ang Pilipino.

“Kaka Ali, walang masama sa panghihiram ng salita”. Ito ang pagpapaliwanag ng isang dating guro.

Tama ka sir, madali ang manghiram ng salita, dahil hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa bansang hihiraman mo ng mga  salita (LAUGHING) .. No joke, hindi tayo nagbibiro… hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagkatapos na hiramin, at hindi rin ito nakakahiya dahil kahit ang ibang bansa nanghihiram din ng salita.

Alam ba ninyo kong minsan kahit sa hayop, kulisap at bagay ay nanghihirap tayo ng salita?

Ang mga Filipino ay sadyang malikhain naman, halimbawa na nalikha na salita nating Pinoy, para sa mosquito coil repellent: Katol (LAUGHING) ..ang totoo namn ito ay brand name ng product ng Azumi Co. Ltd., another ay sa motor, Honda, kaya Honda na Kawasaki, Honda na Yamaha.. (LAUGHING) Mayroon pa sa toothpaste naman ay colgate, kaya pag bumibili ka sasabihin mo na “pagbilhan nga ng colgate na maxam” (LAUGHING) ..

Ayon sa ating pananaliksik  ay umaabot na sa limang libong salitang Kastila na hiniram ng Filipino. Tatlong libong salitang Malay.  Isang libo ang Ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe,  at iba pa, kasama na dito ang mga unggoy?. (LAUGHING)

Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram. Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito.

 May mga pagtatangka na gumawa o umimbento ng salita ngunit hindi naman   itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi palasak na ginagamit sa mga paaralan  hindi naman itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa ay: Daktinig (mikropono), Agsikap (inhinyero), Miksipat (mikroskopyo), Batidwad (telegrama), Sipnayan (matematika), Liknayan (pisika).. (LAUGHING)

Para mabigyan ng lunas ang suliranin sa mga hiniram na salita kinakailangan magdadag daw tayo ng mga letra ng ating abakada o alpabeto (alphabet).  Mula sa lumang alpabetong Pilipino, walong titik ang idinagdag. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ, Q, V, W, X, Y, Z.

Ayon sa ating pagtatanong ang   mga titik na ito ay ginagamit para sa mga sumusunod:

·         Pangngalang pantangi ng tao, hayop, bagay o pook. Halimbawa: Carlos, Vicente, Santo Niño, Lungsod ng Quezon

·         Mga katutubong salita mula sa dialekto ng bansa. Halimbawa: hacienda, villa, hadji (lalaking Muslim na nakarating sa Mecca), cañao (sayaw ng mga Igorot)

·         Mga salitang banyaga/hiram na walang katumbas sa Filipino. Halimbawa, calcium, software, xerox, jazz

Posted by dxupfm at 7:51 am | permalink | Add comment