Ibong Kalaw
September 2, 2010(September 2, 2010-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose: “ Kapatid na nakikinig …may naririnig pa ba kayong humuhuning Ibong Kalaw o hornbill sa ating mga kagubatan? Marahil ay wala na.. Bakit?..
(NAKAKA- INTRO)
Kaka Ali: Marahil ang mga kabataan sa ngayon ay bibihira ang nakakita ng ibong kalaw (rufuos hornbill) at bibihira din ang nakarinig ng makapangyahrihang huni nito, na siyang nagsisilbing orasan ng mga mangbubukid noon. Yes my friend, datirati ang huni ng kalaw ang nagsisilbi nilang orasan dahil maiingay ang mga ito sa pagitan ng ika-10 ng umaga hanggang tanghali at ika-3 hanggang ika-5 ng hapon.
Ang kalaw ang isa sa mga natatanging ibon na may kakaibang pag-uugali. Ang babaeng kalaw ay kailangang pumili ng mahusay na katipan dahil dito nakasalalay ang kanyang buhay at ng kanyang anak.
Bago mangitlog, ang mag-asawang kalaw ay mamimili ng isang mataas na puno na mayroong natural na uwang (butas). Pagkaitlog, ang babaeng kalaw at ang kanyang itlog ay magpapakulong sa loob ng butas. Ito ay isesemento ng lalaki gamit ang pinaghalong-putik at kung ano-ano pa at tanging maliit na butas lamang ang ititira para maiabot ng lalaki sa babaeng kalaw ang kanyang pagkain.
Ang babaeng kalaw at ang kanyang mga itlog ay makukulong nang halos tatlo hanggang apat na buwan habang ang lalaking kalaw naman ay walang tigil na maghahanap ng pagkain para sa kanya at sa kanyang katipan. Kapag napisa na ang mga itlog, ang babaeng kalaw ay lalabas na sa lungga at ikukulong ang mga inakay. Ang mag-asawang kalaw naman ay patuloy na maghahanap ng pagkain at papakainin ang mga nakakulong na inakay sa loob pa ng tatlong buwan.
Dahil sa ganitong kakaibang pag-uugali, napakaliit ng tsansa ng mga kalaw na mabuhay at dumami. Ang pagkaubos ng kagubatan lalo na ng mga malalaking puno ay isa malaking panganib na kinakaharap ng mga ibon na ito. Kapag ang lalaking kalaw at nahuli, nabaril o namatay sa pagkakataong ang kanyang katipan ay nasa loob ng uwang, ang kanyang mag-iina ay tuluyan ring mamamatay.
Ang mga ibong kalaw ay bahagi na ng buhay ng mga katutubo, at ito na rin ang maaring gamiting likas na batayan na dahan-dahan ng nawawala ang ating kagubatan.
Marahil ang ilan sa inyo ay nagtatanong kung bakit mahalaga ang kagubatan sa tao at kung bakit natin ito kailangang pangalagaan.
Ang kagubatan lang naman ang tumutulong sa atin upang tayo ay mabuhay, dito nanggagalaing ang oxygen na kailangan ng tao. Kung wala ang mga kagubatan, wala tayong masasarap na pagkain, sariwang hangin na malalanghap, at magagandang tanawin na matatanaw.
Ang Kagubatan din ang itinuturing na banga ng mundo, ito’y dahil sa kakayanan niyang mag-imbak ng tubig mula sa mga puno. Siyempre kung ang isang kagubatan ay malago at luntian, senyales ito na mayroon siyang kakayahang mag-ipon ng tubig gamit ang kaniyang mga ugat na siyang sumisipsip ng tubig mula sa ulan. Dito’y nakakalikom siya at pagdating ng tag-araw ibinababa niya ito patungo sa paa ng kagubatan na kung saan dumadaloy sa mga ilog. Sa kalunsuran, halimbawa ang Nuro, ang mga ilog o bukal tulad ng Romagonrong fall, na pinagkukunan natin ng tubig ay dumadaan sa mahabang proseso bago ito tuluyang dumating sa ating mga gripo upang maging ganap na pamatid uhaw, pang-ligo, panlaba, pandilig at marami pang iba.
Subalit ang tanong paano kung ang banga ng mundo ay mawalan ng mga puno, ano ang mangyayari? Ano ang mga epektong kahahantungan nito?
Ayon sa aking mga nabasa at sa personal na karanasan, narito ang ilang senyales, kapag nawala ang mga puno.
Una, maaaring lumikha ito ng pagguho ng lupa o erosyon mula sa kagubatan lalo na’t kapag dumarating ang walang humpay na ulan. Maaari rin itong makasira sa balanse ng isang ekosistema na nagpapagalaw sa bawat may buhay na doon ay nagkakanlong. At sa pagsulong ng ganitong sistema sa kalaunan ang mga ilog na nagdadala ng tubig sa atin ay tuluyan na ring matutuyot at ang erosyon ay nagiging dahilan din ng paglabo at pagdumi ng tubig dahil sa paghalo ng mga lupa at putik mula sa nakalbong kagubatan.
Ngunit ako’y nalulungkot, dahil tayo, na dapat ay nakamulat ang ating mga mata, ngunit kong minsan nang nagbulag-bulagan tayo sa malubhang sitwasyon ng ating mga nawawalang kagubatan.
Tayo, na puwede tumulong sa pagtatanim ng puno, na siayng bumubuo ng mga kagubatan, ay inuubos ang oras sa mga bla- bla o kaya ay inuubuos natin ang ating oras sa pamamalengke. Na puwede namang maglinis o kaya ay magtanim ng gulay o punong kahoy sa ating bakuran, kaya lang nakaklungkot kong minsan, papaano kasi ang iba nakatutuk sa pagkukumpute ng numero (LAUGHING) para sa Last two??? HINDI sa computer, sa internet, nagfarmville (LAUGHING) sa buong magdamag hanggang sa lumabo na halos ang kanilang mga panngin. Oo, inaamin ko, na ako rin mismo ay minsan nang nabulag dahil sa kaaliwan ko sa makabagong teknolohiya (LAUGHING)….hindi po sa last two, Haraam po iyan sa Islam, sa internet, sa facebook at pagsusulat ng script natin sa nakaka. (LAUGHING) ..
Seriously speaking tayon, sana tandaan natin ang kaunaunahang tungkulin na ibinigay sa atin ng Diyos ang pangalagaan ang Kanyang mga nilikha, kasama na diyan ang kagubatan, punong kahoy, mga ibon at of course ang asawa mo. (LAUGHING) ..
Simulan natin ang pag-gawa, hildi lamang sa salita, magsimula tayo sa sarili nating kabahayan, tayo’y maglinis, magsegregate ng basura, at magtanim ng mga puno, kahit isa bawat linggo, eh di may 72 kang puno sa isang taon.
Kaibigian bakit ayaw mong maniwala? Hihirit ka pa? heto ..Napapansin n’yo ba ang patuloy na pagbaha sa ating lugar? Ilang beses ng binaha ang Nuro, di basta baha, flashflood pa, iyon ay dahil sa unti-unting pagkaubos ng ating punong kahoy, na pinuputol ng mga illegal loggers. Hay!…. SALAMAT SA DIYOS, SA ATING BAYAN NG UPI NAPATIGIL NA ANG LOGGING, O PAGTROSO…TOTOO BA? WALANG NG LOGGING SA UPI?
(LAUGHING)
May pag-asa pa Kapatid May bukas pa ba? Idalangin at gawin natin na makamtan ang ating minimithing bukas, para sa ating susunod na henerasyon.
Sukran.
(PLAY –EXTRO-NAKAKA)




