Alamin: Kultura, Kaugalian at Paniniwala
September 3, 2010
Host/Lenyrose: “Bawat tribu natin ay halos magkakaiba ng Kultura, Kaugalian at Paniniwala. Ang pagrespeto sa kultura ng ating kapuwa ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman dito, samahan ninyo kami para sa karagdagang kaalaman ng ating kultura, kaugalian at paniniwala dahil iyan ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka…”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: “Tama ka Leny, ditto sa ating bansang Pilipinas, napakaraming tribu, at bawat tribu ay halos magkakaiba ng Kultura, Kaugalian at Paniniwala. At ang pagkilala at pagrespeto sa kultura, kaugalian at paniniwala ng ating kapuwa ay isang magandang kaugalian natin na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa, bakit? … dahil sa kawalan ng kaalaman dito, kaya dapat nating alamin.
Lenyrose: “ Tama ka diyan Kaka, para sa akin masakit sa akin na may malabag akong kultura, kaugalian at paniniwala ng aking mga kapuwa Pilipino. O kahit man taga ibang bansa.”
Kaka Alih: Agree talaga ako diyan Leny, alam mo dito sa bansang Pilipinas, ay sadyang napakarami ang tribu, at bawat isa rito ay iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwala.
Halimbawa lamang ay ditto sa ating bayan ng Upi, dito mo makikita ang multi-diversity na kultura. Sa mga native inhabitants tulad ng T’duray, Lambangian, Maguindanaon, Iranun, Meranaw isang pulo lang sila, ngunit magkakaiba sila kultura, kaugalian at paniniwala.
Ganoon din ang mga mula sa isla ng Luzon at Visayas, kahit na sila ay matatawag na Kristiyano ay iba-iba din ang kanilang paniniwala, iba iba din ang “denomination” may Romano katoliko, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist at iba pa. Of course pati na rin ang kanilang kultura at kaugalian. At tandaan: Ang bawat tribu ay may pamantayan sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Kaya may mga kilos at gawi tayo na maaaring tama sa isa iba ngunit mali o nakaiinsulto sa iba. Dahil ito ay labag sa kultura, kaugalian at paniniwala o di etikal na matatawag sa kanilang tribu. o ang tingin ng sa ibang tribu ay nakakabastos o nakakainsulto sa kanilang angkan. Halimbawa, ang pag-gamit ng sapatos, sa loob ng sambahan (house of worship), sa mga Muslim kailangan mag-alis ng sapatos kong nasa loob kan g masjed samanatala sa simbahan ay sadyang ipinapasok.
May mga tribu na sa kanilang kultura ay minamasama ang sobrang paglapit ng tao sa kinakausap o mkinakalabit ang kausap..
Sa ibang bansa Halimbawa sa bansang Korea, Malaysia Qatar at Saudi Arabia, at sa mga bansang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pakikisalamuha ng lalaki at babae.
At ganitong paniniwala magkapareho ang mga Bangsamoro, labag sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala ang paghahalubilo ng babae at lalaki, dahil ipinagbabawal ng Islam, kaya naman huwag kang magtaka sa darating na Meguyaya festival halimbawa sa Moro Nights ay tiyak muli mong mararanasan na ang lugar ng kababaihan at kalalakihan sa gymnasium ay magkahiwalay, pati ang pasukan at labasan ng tao ay magkaiba.
Ang tanong mo kaibigan ay Bakit ? Dahil sa mga Bangsamoro na Muslim ay labag sa kanilang kaugalian at paniniwala. Bawal din na hawakan ang babae ng lalaki sa pagbati, na siya namang kabaliktaran ito sa ibang kultura tulad sa Mediterranean, na pilit na ginagaya ng mga Pinoy. O di ba? Magtatampo pa nga ang mga kababaihan kapag nakaligtaan mong bumati sa pamamagitan ng halik o yakap. Iyan ang tinatawag nilang “beso-beso”. ( LAUGHING) Ang beso pala sa R’nawon ang kahulugan ay bingi.. ( LAUGHING)
Samantala iba naman sa bansang Thailand kung saan ang ulo ng tao ay sagrado.
LENYROSE: “Kaka di ba minsan ka ng napunta ng Bangkok, Thailand? may nahawakan ka bang ulo doon? (PLAY LAUGHING)
Kaka Alih: Sa awa ng Diyos, Wala pa naman, pasalamat nga ako at di ko nagawa, sigoro baka ibang ulo ang nahawakan ko…(PLAY LAUGHING)
Maniniwala ba kayo na ang maling paggamit ng kaliwa at kanang kamay ay maaaring isyung malaki sa ibang kultura? Maoobserbahan ito sa bansang India, Morroco, Middle East at Africa na tradisyonal pa rin ang paggamit ng kamay kong kumakain. Malimit pa rin na nagsasalo sa iisang pinggan o bowl sa hapag-kainan ang isang pamilya kong kumakain.
At dito sa homeland, ang mga kapatid na Bangsamoro ay patuloy pa rin ang pag-gamit ng kamay pag kumakain, taliwas sa mga Pilipino na gumagamit na rin ng kutsara at tinidor tulad sa kanluranin. Kaya asahan mo kapag pinagamit mo ng kutsara medyo kimi, o hindi masyado na gamay ang pag-gamit ng kutsara at tinidor.
At pinag-uusapin din ang pagkain , tanging kanang kamay lamang ang para sa pagkuha at pag-subo ng pagkain.
Kanang kamay din ang ginagamit pag hinawakan ang Quran. At ang kaliwang kamay ay para sa ibang bagay, tulad ng marurumi. Sa sandaling magkamali tayong halinhinang gamitin ang kanan at kaliwang kamay sa pagkain, tiyak na madidismaya ang mga kapatid na R’nawon at T’duray. Naku kaibigan, lalo pa raw sa India, halimbawa, ang kaliwang kamay ay gamit sa pagpunas at paglinis matapos magritwal sa kubeta.
Anu-ano ang pwede nating gawin upang di mapahiya at di makalabag sa kultura, kaugalian at paniniwala ng iba, sa mga ganitong sitwasyon?
Alamin at pag-aralan, manaliksik ukol sa kultura ng iyong kapatid,lalot palagi mo siyang nakakasama, at kong balak mo pa lang puntahan maging handa, mag-research. Sakali namang nasabak na agad tayo, ito ang payo natin, masusing obserbahan ang mga gawi ng tagaroon o kaya’y huwag mag-atubiling magtanong nang maiwasan ang kahihiyan at makalabag sa Kultura, Kaugalian at Paniniwala . Ikatutuwa pa nila ito dahil hudyat ng ating pagiging sensitibo sa kanilang kultura at paggalang sa kanilang mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Kapatid, pansamantala muna natin isasara ang tabing ng ating segment na nakaka.. Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas, lalo pa natin paiigtingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. . Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.


