DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 08. September 2010

Mga pagkakamaling Nagagawa ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak

September 8, 2010
   

     

(September 7, 2010,  Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose:Walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak. Ito ay pawang may katotohanan subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.

 

 (PLAY NAKAKA- INTRO)

 

Kaka Ali:  Agree ako sa tinuran mo Leny, na walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak,  subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak.

 

Tanungin ko kayong mga magulang na nakikinig ngayon,  Anu-ano ba ang mga nagagawang nating mga magulang na mga pagkakamali   sa ating mga anak?

Narito ang ilan sa ating nakalap na mga pagkakamali na nararapat na ituwid:

  • Iniiwanan ang kanilang mga anak  o yaong tinatawag na abandonement.  Yes may mga magulang na  iniiwan ang mga bata o kong minsan mismo pamilya. Lalo na sa mga magulang na “single prents” (maaring hiwalay o patay na ang partner). May mga batang iniwan ng magulang sa ibang tao, kong minsan pinamimigay o pinagbibili pa, mula pasa pagkabata, dito malaking kasalanan ng magulang sa bata, at higit sa lahat kawawa ang bata. Dito na ay karamihan sa mga iniiwan ng magulang ay lumalaking walang disiplina at madalas palaboy-laboy lamang sa langsangan at ditto na   natutunan   ugaling lansangan, kaya hayun ang resulta:  batang basagulero.
  • Ang ibang magulang naman ay  nagkukulang   o hindi pinapahalagahan ang pag provide ng basic needs ng mga anak. Yes hindi pagbibigay ng priority needs  ng kanilang  mga anak. May  mga mga magulang na mas inuuna ang pangsariling pangagailangan, halimbawa, ang priority ay makabili ng sigarilyo akaysa  papel at lapis ng kanyang anak na nag-aaral. Inuuna pa ang makakataya sa last two, ngunit hindi ang baon ng anak (kong bakit kasi hanggang sa ngayon ay pa pinatitigil n gating goberno o otoridad ang illegal na sugal na ito).
  • Ang isa daw sa matinding pagkakamali na di halos napagtutunan ng pasin ay itong Emotional abuse.    Ang mga pag-aaway ng mga magulang sa harapan ng mga bata.  Pagsasalita ng kung anu-anong masasakit/bastos na salita ay ilan lamang sa emotional abuse na maaaring gawin ng mga magulang sa kanilang mga anak.  Kasama na dito ang sobrang expectation at pag push sa mga bata na gawin lahat ng makakaya upang maabot ang isang goal o dream ng magulang at ito ang   nagiging isang form ng emotional abuse… kung sobra, dapat itong ilagay sa tama, gawin gabay lamang sa inyong mga anak.
  • Heto pa ang isang matindi-Physical Abuse.   Pananakit sa pamamagitan ng pamamalo at iba pang pisikal na karahasan, na wala na sa lugar. Sa konting pagkakamali ay palo kaagad. Sa Islam ay pinapayagan ito bagamat ito ay may guideline kailan dapat gawin. Halimbawa ay kong nasa sampung taon gulang na ang bata, at inaituro at ipinaguutos mo ang pag-sambayang (pagsamba)  at hindi niya ito ginagawa, ang  last recourse kong kinakailangan ay pwedeng paluin ang bata, kong talagang ayaw sumunod. Pero may nagtanong: “Kaka, papaano kong ang magulang hindi nagsasambayang?” (LAUGHING)  Ah nananana… dapat sa kanya, sunugin sa apoy na naglalagablab… ang magulang na hindi ginagawa ang kautusan ng Allah…(LAUGHING)  Joke joke lang..
  • May mga magulang na sinisingil ang mga anak sa nagawang pagpapalaki sa kanila, ang tawag daw dito ay “Walang utang Loob”. Ang pag pressure sa mga anak na bayaran sa anumang paraan ang pagpapalaki o paghihirap na dinanas nila sa pagpapalaki at pagtaguyod sa kanila. Pressure on child to return parental obligation.

Heto mula sa isang ulirang magulang na  nakilala ko: “Magulang din ako at naging bata rin minsan kaya madali natin maiintindihan ang mga pagkakamali o minsang pagiging matigas ulo ng anak natin.  Kung itatanim natin sa isip natin na magulang tayo at tayo ang dapat masunod hindi rin naman siguro palaging ganun diba!

 

Mga magulang kailangan makinig din tayo sa mga sinasabi ng ating mga anak natin kasi may puso at utak din sila.   Kailangan na laging bukas ang tenga, mata at isip nating mg magulang  pati na rin balikat at dibdib natin kung kailangan nila ng masasandalan o maiiyakan. Di ba  masarap yatang pakiramdam na ikaw ang unang nakakaalam sa damdamin ng anak mo.

Mula naman sa isang maestro: “Para sakin ang isang pagiging magulang ay hindi gawang biro,,, mahirap na masarap.., sa lahat ng pagkakamali na nagagawa ng anak ay laging ang magulang ang siyang may pagkukulang ,.. o di kaya’y may kasalanan..kaya siguro ang mas maganda na gawin bilang magulang, ay ilagay natin sa tamang oras at tamang lugar ang pagdisiplina sa ating mga anak…,maging mapamaraan tayo bilang magulang kung paano natin magagabayan ang ating mga anak,,kasi hanggang tayoy nabubuhay obligasyon natin sila. Huwag sana mapagod ang sino mang magulang sa pag -aaruga sa mga anak, Kaya sa lahat ng mga magulang     lang tayo ,,sa pagdadala ng ating pamilya,,para na rin sa kabutihan ng ating mga anak……..at sikapin natin na tayong mga magulang ang kanilang maging huwaran sa lahat ng bagay.”

 

Heto po ang inyong kapuwa magulang na naghihikayat na mahalin at rugain natin ang mga anak.. sila ay biyaya ng diyos…Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.

Lenyrose: “Maraming salamat Kaka Ali, ako bilang magulang na rin ay nakikiisa sa iyong layunin, mga kapuwa ko magulang kong sakali mang may nagawa tayong pagkakamali sa pagpapalaki sa ating mga anka, ay hindi pa huli ang lahat upang ito ay ating ituwid…may bukas pang darating…

(PLAY EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 6:58 am | permalink | Add comment