Ramadhan, Ika 9 na Buwan ng Hijri Calendar
September 9, 2010
(Sept 9, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar-Sunio)
Host: Ramadhan .. ang ika 9 na buwan ng Hijri calendar, Samahan ninyo kami dahil magbibigay ng ilang impormasyon tungkol sa buwan ng Ramadan si Kaka Alih sa ating segment na nakaka:
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Ang Ramadhan ang ika-9 na buwan sa Hijri calendar.
Ang Ramadhan ay banal na buwan dahilan sa ito ay itinadhana ng Panginoon sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:
“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13 ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng Ramadan.”
Ang buwan ng Shaban-buwan na sinusundan ng Ramadan ay may 29 na araw o 30 araw, ganoon din ang Ramadan na either 29 o 30 araw at ang susunod na buwan ang ikasampu ay ang Shawwal.
Ang mga buwan ng Hijri calendar ay: 1) Muharram, 2) Safar, 3) Rabiul Awal, 4) Rabiul Thaani, 5) Jumadil Awal, 6) Jumadil Thaani, 7) Rajab,
Shaban, 9) Ramadan, 10) Shawwal, 11) ZulAl Qaida at 12) Zul al hijja.
Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon sa sinabi ni Ang Muhammad (saws): “Huwag (magsimulang) mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Bukhari at Muslim)
Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.
Ang Kalendaryong Islam, ang Hijri calendar, katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ito ay binubuo ng labing-dalawang buwan.
Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay binase ang bilang sa araw.
Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.
Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , anim na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa kapatid na Muslim ay isinsahimpapawid ang programang Duyog Ramadan, na magsisimula bukas August 10, mula 5:00 hanggang 6:00 ng Hapon Lunes ang Linggo. Ang radio program na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb.
Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang mga Muslim sa buwan na ito ng Ramadhan ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.
Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling gising sa karamihang oras sa pagdarasal at paggawang mga bagay na kalugod-lugod sa Allah.
Ang mga huling sampung araw ng buwan ng Ramadan ay panahon ng katatagang espiritwal ng mga Muslim dahil bawa’t isa ay nagsusumikap maging malapit sa Allah sa pamamagitan ng pagsamba at gawaing mabuti. Ang gabing ipinahayag kay Propeta Muhammad ang unang mga talata sa Qur’an, na tinatawag na Lailat ul-Qadr ay sa buwan ng Ramadan. Ang Qur’an ay inilarawan ang gabing ito na “nakakahigit sa sampung buwan ng Ramadan” [Qur’an, 97:3].
Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman ng mga Muslim ang ‘Eidil-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at pagpapalitan ng mga hadiya o regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).
Ngayong araw ika 29 ng Ramadan, at mamayang gabi malalaman kong tapos na ang Ramadan sa pamamagitan ng pagsilay ng bagong buwan (new moon) at ang naatasan na mamahala sa sighting of the moon ditto sa Pilipinas ay ang Darul Ifta of the Philipines, kaya mamayang gabi mga 8:00 – 9:00 ay ipapahayag ng Darul Ifta ang resulta, at sa ating community radio DXUP FM ay asahan ng ating mga tagapakinig na simultaneously nilang maririnig ang pahayag o announcement.
Kong masisilayan ang bagong buwan ditto sa Pilipinas mamayang gabi, bukas ay magsambayang ang mga Muslim ng Eidul fit’r, atkong hindi masilayan ang bagong buwan ay sa araw ng Sabado ang sambayang ng Eidil Fitr. Ang patakaran ng pagsambayang ay sa open ground isinasagawa at mag-ipon-ipon ang mga magkakalapit na Masjid, at dito sa Barangay Nuro ay sa Masjid Sarifuddin (masjid sa compound na ni Hadji Saripada) gaganapin ang sambayang na Eidil Fitr na kinabibilangan ng Masjid Nor, Masjid Rahmani, Masjid Fallahi, Masjid Darusallam at Masjid Sarifudin, samantala sa ibang barangay ay ganoon din ang kanilang gagawin, sa Mirab ay sa compound ng Mahad o Islamic Center. Sisimulan ang Sambayang ganap na ikapito ng umaga.
Ngayong araw ay deklarado ng ARMM government na holiday sa sakop ng ARMM, kaugnag ng Eidil Fitr, at bukas ng Biyernes naman ay deklarado ng President ng Pilipinas na holiday sa bansa, kaugnay din sa pagtatapos ng Ramadan.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta at pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.


