DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Halalan na Naman, Ano ang inyong Inaasahan sa mga Kakandidato?

Halalan na Naman, Ano ang inyong Inaasahan sa mga Kakandidato?

September 14, 2010

(September 14,2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Ano ang inaasahan mo sa mga kandidato sa darating nitongBarangay election October 25, 2010? Alam namin na iba-iba ang inaasahan ninyo, Ano man ang sagot mo Kaibigan?, What so ever ang sagot mo, samahan ninyo kami sa ating programang Buhay-buhay sa DXUP , dahil iyan ang tatalakayin natin sa ating  segment na nakaka ?

 (NAKAKA- INTRO)

Kaka Alih:  Ang tanong ko kay Maam:  “Ano ang inaasahan mo darating na halalan sa October 25, 2010?”  Bago natin sagutin iyan pakinggan mo muna ang mga nasasaad sa batas tungkol sa darating na election:

Ayon sa nakasaad  sa  COMELEC RESOLUTION No. 9019-CALENDAR OF ACTIVITIES AND PERIODS OF CERTAIN PROHIBITED ACTS   IN CONNECTION WITH THE OCTOBER 25, 2010 SYNCHRONIZED SANGGUNIANG KABATAAN AND BARANGAY ELECTIONS.  

Ø  Eection perion mula sa September 25, 2010 (SAT) - November 10, 2010 (WED) (30 DAYS BEFORE THE DATE OF THE ELECTION AND 15 DAYS THEREAFTER)

Ø  Filing of Certificates of Candidacy (Sec. 39, OEC).  October 1, 2010 (FRI) - October 13, 2010 for notary pubic ng inyong COC doon lang kayo kay Atty Chew only P100 lamang (PLAY ATTY CHEW INTERVIEW-I minute)

Ø  CAMPAIGNING…campaign period..Holding of barangay assemblies and candidates fora (Sec. 47, OEC). October 14, 2010 (THU) - October 23, 2010 (SAT)..

Balikan natin ang tanong :  “Ano ang inaasahan mo darating na halalan sa October 25, 2010?”  

Alam  mo Leny ang sagot ni Maam?…. Si Maam pala ay isang retiradong guro, na ngayon ay tagapag-alaga na lamang ng kanyang mga apo:

“Simple lang ang sa akin Kaka, tiyak may mananalo at matatalo, kaya dapat tanggapin ng mga kandidato  na may matatalo at mananalo sa kanila”.  (LAUGHING) 

Tama ka Maam, talagang may matatalo at mananalo, Wala pa man yata na tabla..?

“Anong wala Kaka Ali, marami na akong narinig, sa una proclaim na ang isa,  pero   bago matapos ang termino ng una ay ang kalaban naman ang naproclaim, o di ba tabla”. (LAUGHING) Sagot ng estudyante ng Upi na matalino daw.. (LAUGHING). 

Tama no? correct ka dyan bata…Ang standard, este ang regular isa lang ang mananalo, halimbawa sa  ating barangay Nuro  , isa lang ang mahahalal na Barangay Chairman at sa pagka-konsehal naman ay anim lang.

Ano pa ang inaasahan mo, ngayong election kaibigan, tanong ko sa isang kaibigan.. na may plano yatang kakandidato.

“Sa Akin Kaka idinadalangin ko na sana matalo na siya… (deleted ang name bawal na kasi) ” Bakit naman, tanong ko kaagad?  “Ah Kaka wala namang naitulong yan sa aming pamilya, nang magsolicit ang ing bunso naku   maliit lang ang ibinigay”..(LAUGHING)..

Heto naman ang   isang botante: “Ako Kaka, inaasahan ko na dadagdagan nila ang laman ng sobre na ipamimigay nila sa araw ng halalan”. (LAUGHING) 

Hoy ting wala na daw sobre ngayon dahil dahil Barangay election lang ito …(LAUGHING) 

Iyan ang sakit ng ating  lipunan  sa ngayon,…. suhulan sa panahon ng halalan, ito ang sakit  na dapat   nating gamutin, dapat nating idelete.. kailangang mawala..  kinakailangan mawala ang suhulan.   Dahil ang epekto ng suhulan ay pagkalugmok ng bansa, na siyang dahilan ng  pagka corrupt ng ating mga oficial na nahalal. Syempre babawiin nila ang kanilang mga malalaking salapi na ginastos sa halalan, para lamang sila mailuklok sa puwesto.

“Marahil dahil sa sistema ng pagpili ng pinuno ng bansa natin kaya nangyayari ang ganitong mga suhulan, o sadyang kapit sa patalim ang mga Pinoy, dahil sa hirap ng buhay ngayon,  kaya nangyayari ang mga ganito.” Paliwanag ng isang Ginang.

May point ka dyan Madam, sa ating bansang Pilipinas ganito kasi ang pagpili ng pinuno ng bansa, lalawigan, hanggang sa Barangay ay idinadaan sa botohan at kong sino ang may pinakamaraming natanggap na boto siya ang idedeklarang nanalo.

“Marami ng pagbabago Kaka, kaya  dapat ng linisin ang    klase ng ating halalan sa Pilipinas”   himutok ni Maam.

Tama ka maam, marami na akong napapansin na dapat ng itama , halimbawa:  Sa ngayon, sa registration pa lamang ay di na maiwasan ang “lagayan” sa pagitan ng mga kakandidato at sa mga botante.

“Papaano kasi Kaka sinanay nila ang mga botante, na binibigyan ng kakandidato para lamang magregister, hayun nasanay na”. sabi naman ng Kumpare.

Sa araw naman ng halalan, may mga botante   na hindi bomoboto hanggat hindi nakakatanggap ng “sobre” o “regalo” mula sa isang kandidato.

Sabi ni Pare: “Kaka, sinisugoro ko lang  na mapapakinabangan ko ang taong aking iboboto dahil alam ko pag nahalal na ay wala namang improvement sa aming lugar, kaya cash advance na ako”

(LAUGHING)

O hayun kaya naman pala, pero pare ko, ayaw mo ng corruption, dib a? pero ikaw mismo ang nagpasimula, dapat ikaw ang magpasimuno o mangunguna na mawala ang corruption, huwag nating turuan ang magiging mga   official natin na maging kurakot.

Kong inaasahan mong maging mabuting serbisyo sa bayan ang ibibigay ng iyong official na inihalal mo, huwag mo siyang itulak na maging kurakot, tulungan mo ang iyong official   na huwag makapagnakaw sa kaban ng barangay, kahit na siya pa ang iyong binoto kapag nagnakaw siya ng pera ng barangay, “walang personalan, trabaho lang” ireport sa kinauukulan.

Tandaan Kapatid, ang botanteng tumatanggap ng suhol mula sa kandidato, tiyak magsisi balang araw, dahil anak o apo ang daranas ng hirap, dahil tiyak babawiin ng iyong official na nahalal ang mga perang nagastos na ipinamudmud sa mamamayan para manalo.

Tandaan mo    kapatid ang kandidatong namumudmod ng pera sa halalan, tiyak babawiin sa mamamayan  ang perang ginastos sa halalan.

Ito ang inyong kandidato.. (LAUGHING)..  este hindi pala.. ito ang inyong segment writer at producer, ng Nakaka…. si Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by dxupfm at 8:24 am | permalink

Add a comment