Prostitusyon Laganap na sa Pilipinas
September 16, 2010
(September 16, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: “Prostitusyon laganap na daw sa ating bansa o pagpapabili ng panandaliang aliw o pagpapabili ng laman iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…..”
(NAKAKA- INTRO)
Kaka Ali: “Prostitusyon o pagpapabili ng panandaliang aliw o pagpapabili ng laman . Ito ay itinuturing na isang matandang hanapbuhay, sa bansang Pilipinas at sa iba pang kanluraning bansa.
Ang orihinal na title nito ay “Prostitusyon Malala na sa Pilipinas?” ay ating tinalakay noong May 9, 2009 at naipost natin sa ating dalawang blogs (dxup.multiply.com dxupfm.i.ph) at sa isa ay nitong mga sandaling ito ay may rehistradong ng readers na umaabot na ng 7,779.
At dahil napansin natin ang kahalagaan nito sa ating mga Pilipino ay minarapat nating muling balikan ang talakayan tungkol dito, at of course edited na at isinama natin ang comments at feedback ng mga readers.
Lenyrose: “Kaka, napapanahon ang usaping iyan, dahil kaming mga babae, na ina ng mga susunod na salin lahi ang apektado, at kawawa naman ang susunod na henerasyon kong mamanahin nila ang kawalan ng dangal”.
Kaka Ali: “ Tama ka Leny, Ok Prostitusyon. Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan ng babae o lalaki sa mga hayok at gutom sa laman na mga parukyano o customers.
Maraming klase ang prostitution o kong baga sa coffe ay maraming variety.. may Robusta, Excelsa, Arabica, Liberica (LAUGHING).. May professional, may sub professional, kong sa empleyado pa may permanent, casual at contractual, (LAUGHING)..
“Sandaling bayad na ligaya para sa mga parukayano o “kostumer” na walang takot sa Poong Lumikha.” Paliwanagng isang kaibigan na pastor.
Sandaling ligaya, na kapalit ay pera o bagay ngunit nagdudulot naman ng pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta .
Ngunit ang katotonan nito kaibigan ay parehong nabulid sa kasamaan ang nagpabili at bumili ng sandaling ligaya.
Ang tanong sa atin, bakit nangyayari ito? Na masama naman pala ..?
Bakit ginagawa ng ating mga kababayan ang ganitong kaasumpa-sumpang panawid gutom na hanap-buhay?
“Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon”
“Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit” . ito ang text ng isang tagapakinig.
Ang iba naman ay upang masunod ang luho niya sa buhay.
Nabanggit natin ang kahirapan o poverty sa ating bansang Pilipinas, sa ngayon, ang pagiging mahirap ay hindi lamang ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, kundi ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang… ay milyon na ang Pilipinong nasa eskuwater, ang masakit pa nito ay eskuwater sa kanyang ng sariling bansa. Dahil sa kahirapan ng mga pamilya, maraming mga batang hindi man lamang makatungtong sa elementarya lalo na sa secondary at dahil sa kahirapan na ito ay kahit bata napipilitang magtrabaho kahit sa murang edad. At dahil walang alam na trabaho ay malapit sila sa tukso na ipagbili ang katawan para kumita ng pera, dahil konting kembot lang daw ng katawan ay pera na…
Subalit kaibigan, alam mo ba? Na ang tinatawag na kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao?
Yes, ito na ang nagdudumilat na katotohanan? Para sa mangilan-ngilan diyan ay Krisis na ang buhay nila kapag salat o hindi napagbibigyan ang kanilang mga “Bisyo”.
Mga bisyo kagaya ng drugs, communication gadgets halimbawa ay celpon, laptop, na hindi pa makontento sa ordinaryong celpon kundi yaong hi-tech na model, gimmick (pag-pasok sa mga diskohan, nightclub, o mga personal party), mga mararangyang o imported na damit at iba pang karangyaan sa buhay ng tao.
Ang pagkagahaman, o ang paghahangad na magkaroon ng kung anong bagay na mayroon ang iba.. at gagawa ng kahit anong paraan kahit na sa mabilisang paraan o pinagbabawal ng Diyos.
Noon sa mga bansa sa Asya, ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang bansang Thailand, pero ngayon ay hindi na. Alam na ninyo kung ano nang bansa ang setro ng kalakalan ng laman ng tao?
Lenyrose: “ Anong bansa Kaka?”
Kaka Ali: Tama ang hula mo kaibigan, ang Pilipinas na ngayon ang pugad ng Prostitusyon sa mundo. Napakasakit… bakit? dahil napakaraming Pilipino ang hindi naman gumagawa nito.. Hindi ba? Ngunit ang tao nga ay sadyang mapag-husga sa kanyang kapuwa.. may nagawa ka mali.. ang lahat ng nagawa mong tama ay mali na rin.
Masakit marinig na ang bansa natin ang sentro ng prostitution.. Kaya nga lamang ang higit na mas masakit nito ay parang okey lang sa atin na bansagang tayong lugar na may magagandang babae na nagpapabili ng aliw.
Ang sabi natin: . “Eh di tanggapin kung ano ang kapalaran, ang mahalaga may pantawid gutom sa kumakalama sikmura, ang mahalaga Kaka Ali ay mabuhay ang aking pamilya”.
“Napakalaking kamalian iyan mga anak, mga kapatid”. Payo ng ating kaibigan na Pastor,
Ngunit ang totoo nito ay mahirap ipaunawa ang kasabihang:”Bahala ng mamatay nang dilat basta’t may karangalan”.
“La takrabu Zina (Huwag lumapit sa adultery) mababasa sa Quran.
“Thou shall not commit adultery” nakasulat sa Biblia.
Sa Islam ang pakikiapid, ang pagniniig ng dalawa na hindi kasal ay Haram, o bawal. May karampatang mabigat na na parusa, Rajam o kahalintulad ng parusang kamatayan ang parusa.
Sa kasalukuyang panahon, ito ang lumalabas na ating obserbasyon, na mas madali ang maisaayos ang kalam ng sikmura kaysa sa karangalan ng tao.
Ang sagot natin sa tanong bakit nagagawa natin ito?
Bagsak na Ekonomiya? O yaong kulang ang income mga mamamayan pati na ang gobernong natin. Ang tanong bakit? Ang sagot ng iba ay dahil .. sistema ng goberno? Kulang ang batas, o hindi naipapatupag ang batas?
Sa isang bansa tulad ng Pilipinas, malaking hamon sa mga namamahala kung paano maisasaayos ang pagpapatupad ng mga batas na kanilang nagawa. Sa bansang Pilipinas kung saan halos lahat ng mamamayan nito ay walang tiwala sa kanilang gobyerno, nararaparat na ng magbago ang mamayan at of course ang mga nanunungkulan..
“Kaka Mayroon namang concern ang mga ahensiya ng goberno natin sa mga prostitutes. Di ba pinakukuha pa sila ng “pinkcards” na nagpapatunay na sila ay nacheck na wala silang nakakahawang sakit?” paliwanag ng isang concern na Kaibigan.
Kaibigan, kahit pa sabihing mapoprotektahan sila by regular check ups at pinopromote natin ang condom policies, di naman enough yun para sa proteksyon nila. Di naman nila macheck yung health ng customers nila. Pag tumanggi naman siya, e di wala siyang kita, dahil maghahanap yung customer na hindi istrikto. (LAUGHING).
Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga lalaking may pera na hayok sa laman?
“Dahil sa gusto ko ring maka-experience, sa kasalukuyang galaw ng lipunan” paliwanag ng isang Nene”
Ngunit alam ba ninyo ang ganito ay madalas nangyayari lamang sa mga private room ng mga sing-along bar? Hindi po ba? Correct me if im wrong. Kong mawala ang mga ganitong mga negosyo ay mawawala din ang ganitong tanawin, hindi ba?
“Kaka Ali, gusto ding namang magkapera ang mga kabataan na iyan, gusto din nilang makabili ng makabagong gadget”. Paliwanag ng isang ina.
Hindi din ako makasang-ayon Nanay, bakit? Dahil, may mga estudyanteng babae o lalaki na binibigyan naman ng allowance ng kanilang mga magulang, ngunit bakit pinasok pa ang ang pagsa-sideline sa cybersex?
Leny: “Cyber sex? Pakipaliwanag Kaka Ali………
Kaka Ali: “Ang cybersex (kompyuter seks o net sex) ay virtual na pakikipagtalik o pakikipagtagpo ng dalawa o mahigit pang tao na nay koneksyon sa computer network o sa internet. Ang pakikipagtalik, tagpo o tipan ng mga nasabing tao ay kinakikitaan ng maselang palitan ng mga mensahe na tumutukoy o humahalintulad sa karanasan sa pagtatalik. Ito ay isang uri ng pagganap na kung saan ang mga kasali ay nagpapanggap o nagiisip na sila ay nasa tunay na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay tugon sa kapareho.
Dapat ay maipaliwanag natin sa ating mga anak, pamilya, sa sambayanan na hindi sapat ang kahirapan ng buhay para ma-exploit ang ating mga kabataan babae man o malalaki at wasakin ang ating karangalan at mabulid tayo sa prostitusyon.
“Dapat ang ating pamahalaan o mga mambabatas ay magpasa ng batas na mapapataw ng mabigat na kaparusahan sa mga nagsasadlak sa kababaihan na ito sa ganitong Gawain.” Mungkahi ng isang retiradong abogado.
Tama ka Atty. Ang mga bugaw man o may-ari ng mga prostitution den; dayuhan man o kababayan natin, dapat maparusahan… ang dapat parusahan, dapat may piring ang katarungan, hindi kayang takpan ng pera.
Sa panig ng mga kababaihan, higit na dapat na maging militante ang mga grupong nangangalaga sa kanilang karapatan. Ipaglaban nila ang karapatan ng mga Pinay kahit sa labas ng bansa.
Sa ating mga magulang maging responsible tayong mga nanay at tatay. Para sa mga Bangsamoro (Renawon at T’duray) balikan at panatilitihin natin ang ating kultura at kaugalian na pinangangaan ang (marabatabat) dangal ng ating mga kababaihan. Huwag nating hayaan na mapalitaan ang ating mga magagandang kaugalian at paniniwala sa makabagong kultura na hindi nakakabuti.
Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito po ang inyong Kaka Ali…. Sukran and Wassallam.


