Pagnanakaw
September 20, 2010(September 20, 2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: “ Pagnanakaw, ay pagkuha ng pag-aari ng ibang tao, na hindi niya sinasang ayunan .magnanakaw ang tawag sa nagnakawa. At may kasabihan na: Ang magnanakaw ay galit sa kapuwa magnanakaw. Iyan ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Ang pagnanakaw ay pagkuha ng mga bagay na hindi mo pag-aari ng walang pag-sang ayon ay nagmamayari. Ang tawag na nagnakaw ay magnanakaw. Ito ay hindi tinatanggap ng sinuman na may matinong pag-iisip, dahil hindi maganda, sa paningin, pandinig ng tao, lalo sa sa Poong Maykapal. Pag ito ay ginamit mong pangtawag sa iyong kaibigan, asahan mong mag-aaway kayo (LAUGHING) Yes kahit totoo na nagnakaw, lao na sigoro kong hindi totoo .. (LAUGHING).
Subalit ang pangnanakaw ay hindi lamang mga bagay kundi pati ang oras ay hindi mo pinagsilbihan sa iyong trabo ay pagnanakaw rin.
Payo ng isang retiradong empleyado: “Kung nais mong magtagumpay sa buhay, maging tapat ka sa iyong trabaho.”
Alam ba ninyo sa mga pag-aaral (researched) na 40% ng mga manggagawa ay nagnanakaw sa kanilang trabaho at 20% ay nangangatwirang tama lang ito?
Narito ang ilan sa kanilang mga baluktot na katwiran:
· “Ginagawa rin ng iba ito, e ‘di gawin ko rin.”
· “Mayaman ang kumpanya, hindi ito mapapansin.”
· “Maliit na bagay lang ito, hindi mahahalata.”
· “Maliit magpasuweldo ang kumpanya, may utang sila sa akin, kinukuha ko lang ang para sa akin.”
· “Dapat lang na gawin ko ito para sa akin, nagtatrabaho ako pero hindi tinataasan ng suweldo.”
Huwag mong aksayahin ang oras mo sa trabaho sa paggawa ng ibang bagay pagkat iyan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakawan mo ang iyong kumpanya ng oras. Huwag kang maging isang masamang tao na madaya kung magtrabaho at walang kabuluhan ang kanyang mga ginagawa. Isapuso at isabuhay ang prinsipyong ito:
“Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay” (Biblia sa Akalat na Kawikaan 11:18).
Sa isa pang pagnanakaw na hindi pinapansin ng ibang tao.
Lenyrose: “Ano pa Kaka Ali, ang klaseng pagnanakaw na hindi napapansin o hindi pinapansin ng mga tao?
Kaka Alih: Paglalagay ng jumper, pag-gamit ng korente ng Maguindanao Electric Cooperative MAGELCO na hindi dumadaan sa tamang kontador, (meter) kong mgay kontador naman ay sira o sinira, minsan nilalagyan ng magneto, o anu mang gadget para hindi umikot ang metro at maliit ang babayaran. Ang iba naman ay kumkabit sa linya ng Magelco na hindi na idinadaan sa metro.
Para sa lahat ng mga taga Upi, na ditto sa bayan, matatagpuan ang mga mamayan na malakas ang pananampalataya sa Poong Lumikha, bakit ko nasabi ito? Dahil ditto sa Upi napakarami ang mga relihiyon. Dito sa Upi, kahit ano pam ang tribu, maaring Teduray, Maguindanaon, Iranun, Ilonggo, Meranaw, Ilocano, Bisaya at iba pang tribu, kundi siya Kristiyano tiyak siya ay mag-claim na Muslim.
Alam ba ninyo na ang lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama. Pero sa Islam, higit pa dito ang ipinapayo sa sangkatauhan. Binibigyan tayo nito ng gabay sa paraang practikal kung paano maging mabuti at ang hindi gumawa ng masama at alisin ang kasamaan mula sa ating mga sarili at sa lugar na kung saan tayo nabubuhay.
Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.
Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain. Ngunit ang Islam lamang na bagkos sa pagtuturo na ito ay kasalanan ay nagbibigay pa ng paraan upang ito ay iwasan ng tao.
Ang sinumang napatunayan na nagnakaw ay may kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, ito ay base sa Qur’an:
“Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain.” (Qur’an 5:38)
Tinanong natin sa ating mga Aleem (maalam) ano ang “wisdom” ng ganito:
“Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta Muhammad (SAW) ang tao na ito ay maaring palagpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.”
Ito ang inyong Kaka Ali, na naghihikayat sa inyong lahat na alamin at paniwalaan natin an gating relihiyong kinaaniban..na tayo ay magpakatotoo.. hanggang sa muli.. sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.



bakit ginagawa ng mga magnanakaw ang ganitong bagay?
Posted by jherwin hiteroza at March 17, 2011, 5:11 pm