DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Pagsusunog ng Basura Bakit Ipinagbabawal?

Pagsusunog ng Basura Bakit Ipinagbabawal?

September 22, 2010

(September 21,  2010- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “Pagsusunog ng mga basura, bakit ipinagbabawal na sa ngayon? Samantala noon ay hindi naman ito ipinagbabawal..? Bakit nga Ba? Samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka at baka masagot ang mga napakaraming katanungan na naglalaro sa inyong mga sarili…

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Nang  mapag-usapan natin sa ating community radio na DXUP FM,  sa mga information drive ng LGU Upi,  na ang pagsusunog ng basura ay ipagbabawal na ay agad na umani ng mga reaction. “Matagal ng ginagawa ng tao ang pagsusunog o pagpapausok ngunit wala namang nangyayari, bakit ngayon lang?” Ang aking lola, lolo, si nanay araw-araw nagsusunog ng mga dahon ng mangga at punong kahoy bakit ngayon ay bawal na?:”  tanong ng isang ginang. 

Kaibigang nakikinig,  ibigay mo ang iyong konting panahon,  tayo ay  magbibigay ng  information, may kaugnayan sa mga tanong sa inyong mga sarili,  ng maintindihan natin kong bakit ipinagbabawal na ang pagsusunog ng mga basura, kasama  na diyan ang dayami ng palay, pakaw ng maiso corncob o anumang pwdeng sunugin sa ating kapaligiran.

Simple lang ang kasagutan kaibigan   dahil isa ito sa nagdudulot ng pulosyon sa ating himpapawid.

Ang tanong ano ang pulosyon? Sabagay maraming kalase ang pulosyon may sa hangin, sa tubig at kapaligiran natin. Narito ang ilan sa paliwanag para maintindihan;

·         Madalas nating naririnig ang salitang polusyon sa telebisyon o di kaya naman ay nababasa sa mga libro o kaya naman mga pahayagan. Ngunit karamihan sa atin ay hindi nalalaman kung gaano na kalala ang sitwasyon ng polusyon sa ating kalikasan.

·         Sa panahon ngayon ayon sa isang pag-aaral ang mga ilog sa Asya ay ang mga pinakamaduduming ilog sa buong mundo at kasama ang Pilipinas dito.

·         Ayon sa pag-aaral, mas madami ng tatlong beses ang mga bakterya mula sa dumi ng tao ang mga ilog sa Asya kumpara sa average ng pangkahalatang ilog sa buong daigdig. Bukod pa rito, halos kalahati ng buong populasyon sa buong mundo ang nakakaranas ng problema sa polusyon sa tubig at taon-taon halos sampung milyon ang namamatay dahil lamang sa mga maduduming tubig na iniinom.

·         Sa ngayon, talagang malala na ang problema natin sa polusyon.

Sadyang napakaraming mga tanong na dapat may kasagutan, halimbawa sa mga maraming katanungan ay:

Ø  Ngunit ano nga ba ang mga sanhi nito?

Ø  Saan ba ito nagmula?

Ø  Ano ang mga maaaring maging epekto nito sa atin?

Ø  Papaano natin ito mapupuksa o kaya naman ay mabawasan ang pulosyon?

Sinasabi na maaring nagsimula ang polusyon noong una pang sinaunang  panahon. Noong natutunan ng tao ang pagamit ng apoy, malamang  nakapagpakawala ang apoy ng Carbon dioxide  na siyang maaring naging sanhi ng unang polusyon. Maari rin naman na noong unang panahon, ang mga dumi ng tao ay basta na lamang tinatapon sa mga ilog at iba pang katawan ng tubig. Ito naman ay maaring naging simula ng polusyon sa tubig ngunit hindi naman naging masama ang epekto ng mga unang sanhi ng polusyon na ito dahil sa hindi naman ganoon kalala at kalaki ang epekto nito.

 

6.    Noong panahon ng mga dakilang sibilisasyon, mas naging madalas ang polusyon. Marahil ay mas dumami na ang mga tao noong panahong iyon at mas dumami pa ang kanilang mga kalat at duming itinatapon. Bukod pa doon, ginagamit pa ang apoy na siyang nakapagpadumi sa hangin. Ngunit talagang lumala na ang ating problema sa polusyon noong nagsimula na ang panahon ng pagiging industrialisado dahil sa dito na nagawa ang stim enjin (steam engine) makina na gumamit   ng apoy. At mula noon hanggan sa ngayon, patuloy na lumala ang ating problema sa polusyon.

Balikan natin ang mga  pangunahing uri ng polusyon.

Una na nating nabanggit ang    polusyon sa hangin.

v  Ito ay ang pagdumi o pagsira natin sa ating atmospera. Ito ay sinasabing may pinakadelikadong epekto dahil sa saklaw nito kahit ang ating pandaigdigang klima. Sinasabi rin na ito ay lumalaganap dahil sa apat na dahilan. Paglaki ng trapiko, pagunlad ng mga siyudad, mabilis na pag-usbong ng mga ekonomiya ng maraming bansa at ang industriyalisasyon.

v  Ilan sa sanhi nito ay maaring apoy, pagluluto o kaya naman ay sulpur dioxide na ating nilalabas sa hangin. Kabilang din ang mga kemikal na nagdudulot ng masasamang epekto sa atmospera sa mga sanhi ng polusyon.

v  Ayon sa mga eksperto, ang pinakamalaking sanhi nito ay ang pagsunog ng karbon at langis. Nangyayari ito dahil sa pagsunog ng langis o gasolina, ang lahat ng maruruming kemikal ay lumamalabas dito sa porma ng usok.   Ang usok ay lumalabas at umaangat patunggo sa atmospera. Isang halimbawa nito ay ang mga sasakyang nagbubuga ng usok. Ang langis na ginagamit sa mga sasakyan ay sinusunog at nilalabas sa tambutso ng mga sasakyan. At matapos ilabas ang maruming usok na ito, aangat ito patunggo sa atin atmospera na nagiging sanhi ng pagkawasak ng ating kalawakan o ozone layer.

v  Maraming nagiging bunga ang polusyon sa hangin. Isa rito ay ang ulang asido. Nangyayari ito kung may mga mapaminsalang kemikal tulad ng SO2 (Sulfur Dioxide). Na sadyang banta sa kalusugan ng tao.   Ilan sa mga sakit na maaring idulot ng smog ay asma, empaysima, bronkaytis at maari din maging sanhi ng paguubo at mga alergies.

v  Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagtaas ng pandaigdigang temperature (GLOBAL WARMING) . Ito ay sanhi ng pagkukumpol-kumpol ng CO2 at iba pang mapaminsalang kemikal sa atmospera na tinatawag na grinhaws gases.

a)      Nangyayari ang tinatawag na grinhaws efek kapag ang mga mapaminsalang kemekal o ang mga grinhaws gases ay nagkukumpol-kumpol sa ating atmospera. Dahil dito, ang init na mula sa araw ay kinukuha at iniipon ng mga grinhaws gases na ito imbes na bumalik ang init sa kalawakan.

b)      Kaya naman ang nagiging epekto nito ay mas nagiging maiinit at tumataas ang ating pandaigdigang temperatura.

c)      Kahit kaunting pagtaas lamang sa temperatura ay maarin nang magsanhi ng malaking kawalan ng balanse sa mga tao at hayop.

d)     Bukod pa rito, unti unti ring natutunaw ang mga yelo sa taas at baba ng mundo na nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa atin.

e)      Kung di natin ito mapipigilan, maaring maging mas madalas ang pagbaha. Isa pang epekto ng grinhaws ay ang pagbabago ng ating pandaigdigang klima.

f)       Kaya inaasahang mas magiging malalakas ang mga darating na bagyo at mas magiging mainit at mahirap ang mga darating ng mga tagtuyot o El nino.

g)      Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagkasira ng atmospera partikular ang startospera. Ang stratospera ang humaharang sa sinag at init ng araw upang di naman masyadong maging maiinit sa mundo. Dito natatagpuan ang ozone na isang manipis na leyer na siyang nagsisilbing harang sa mapaminsalang init ng araw. Nasisira ang stratospera kasama na rin ang ozone dahil sa mga mapaminsalang CFC of cloroflourocarbon. Dahil sa CFC, nasisira nito ang ozone at mas nakakapasok ang sinag ng araw sa ating daigdig partikular sa may bahagi ng Antartika. Kung hindi natin ito mapipigilan, maaring magsanhi pa ito ng mas mabilis na pagkatunaw ng yelo sa ating daigdig at maaring maging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Katulad ng grinhaws, maaring magsanhi ang mga CFC sa madalas na pagbaha at pagkasira sa pandaigdigang klima ng mundo.

h)      Maraming maaring maging masamang bunga ang polusyon sa hangin hindi lamang sa ating kapaligiran ngunit pati na rin sa ating kalusugan. Ilan sa mga maari mong makuha ay kanser lalo na sa baga, asma, bronkaytis, panghihina ng baga, alergy, lagnat, paguubo, pagkairita sa mata, ilong o kaya naman sa ibang parte ng iyon katawan, numonya at pagkahina ng baga.

Ang iba pang  uri ng polusyon ay tatalakayin sa susunod na talakayan natin sa buhay-buhay  sa DXUP…

Ang inyong segment producer at writer Kaka Ali ang inyong abang lingkod Wasallam…

Posted by dxupfm at 1:34 pm | permalink

Add a comment