DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Pagpili ng Leader nating mga Pinoy

Pagpili ng Leader nating mga Pinoy

September 23, 2010
     

 

 (September 23, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: Papaano ba  pumipili ang mga Pinoy ng kanilang  pinuno o leader ? Ano ang kanilang batayan ?  Samahan si  Kaka Alih sa ating segment na Nakaka at magbibigay siya ng ilang pointers….

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  Sa ating  bansang Pilipinas, ang halalan o election- (ang barangay election  October 25, 2010-filing Oct 1-13, 2010)  ay isang paraan ng pagpili ng mga pinuno o leader, sa ganitong sistema ay   kasama ang taong bayan, at kong sino ang maraming nakuhang botante ay siyang nananalo. Ngunit dahil sa sistema na hindi gaanong naiintindihan ng mga Pinoy ay nagiging marumi o nagkakaroon ng dayaan.  Kaya naman   patuloy ang mga religious groups, tulad ng mga simbahan, at iba pang grupo, sa paghimok at pag-alalay “sa mga mamamayan sa pag-gawa ng mga pagpapasyang pulitikal na magbibigay ng katiyakan sa mga mamamayan  ng pagkakataong makapaghalal at papanagutin ang mga namumuno sa kanila kong kinakailangan, gayundin ang palitan sila, kung kinakailangan palitan ngunit sa mapayapang paraan.”

 

Isinusulong at Itinuturo ng mga grupong ito ang pagpili at gawing managot ang mga pinuno sa kanilang mga pinamumunuan at napakahalagang pagpapasya na dapat sumunod sa pamantayang moral.

 

Pinapa-alalahanan din nila ang mga mamayan na labag sa kabanalan ng halalan ang pagbili ng boto o ang pagpalit nito sa anumang pangako kapalit ay konting pabuya. Ang anumang pamimilit ay labag din dito.

 

Narito ang ilan sa mga pamantayan ng pagpili ng ihahalal o iboboto na magiging leader:   

  1. Ang   pinuno ay ang taong may pag-ibig, paniniwala, may takot  sa Diyos;  
  2. Dapat ang  pinuno ay isang tao na ginagabayan ng konsensyang nahubog na mabuti at laging nakahilig sa pagpili sa kabutihan.
  3. Ang pinaka-magaling na pinuno ay yaong  namumuhay at naglilingkod ayon sa mga panuntunan ng moralidad.
  4. Ang pinaka-magaling na pinuno ay yaong may matapat, hindi marahas at mahabagin sa kanyang nasasakupan.
  5. Isang taong gumagalang at nangangalaga sa mga nauubos na biyaya ng kalikasan at humihimok sa iba na  mahalin at pangalagaan ang ating inang kalikasan.
  6. Ang pinaka-magaling na pinuno ay isang taong handang magsakripisyo ng pansarili,
  7. Ang pinakamagaling na leader ay isinusulong ay pangsamahang interes para sa pagsulong ng pagkakaisa, kapayapaan at kabuuang pag-unlad ng kanyang barangay, bayan, bansa at ng mga mamamayan.

Samantala ang mga Bangsamoro noon pa  man ay may nakaugalian   ng pamantayan pagpili ng   kanilang mga leader.

 

Ang pinuno ng mga Bangsamoro ay maaring tinatawag na  Imaam, Sultan, Amer.  Ano mang position o ranggo ay may batayan din sila sa pagpili dito. Isinasagawa nila ang pagpili sa pamamgitan ng Sura o kunsultasyon. Pinipili nila ang kanilang leader dahil sa:

  1. Angkan- pinagmulan na angkan, halimbawa ay anak o apo ng mga taong may magandang record, anak ng Sultan, Imaam o mga taong ginagalang.
  2. Talino/ edukasyon- may pinag-aralan, makabasa o memoriado (memorized by memory ) ang kabuuan ng Qur’an at alam at kahulugan, kong di man ay may alam siya dito, may alam sa hadith, at may angking talino;
  3. Pangangatawan (Physical)- magandang lalaki, makisig, matipuno, matangkad, matapang at iba pa;
  4. Pananampalataya- may paniniwala sa Allah, Ang tanong papaano malalaman na siya ay may paniniwala sa Allah? Ang isang Muslim ay dapat maniwala sa Anim na rukun ng Islam at limang haligi ng Islam at ang lahat ng ito ay isasagawa hindi lang sinsabi.

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.


   
Posted by dxupfm at 9:41 am | permalink

Add a comment