DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Usaping +K12

Usaping +K12

October 8, 2010
Usaping K+12 Oct 8, ‘10 7:15 AM
for everyone

(October 7, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: – “Usaping sa K plus 12 alam mo ba  ito? Samahan kami sa inyong programang buhay buhay sa DXUP dahil ito ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka ngayong umaga, kaya samahan kami….”

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: Nitong mga nakaraan mga araw ay naging malaking usapin ang pag-aaral ng mga anak natin.. kong papaano lalo pang uunlad o magging quality ang edukasyon natin sa ating bansa..

Narito ang ilang balita tungkol sa K+12 ng DepEd:

“muling itinulak ng Kalihim ng Edukasyon (DepEd)  na si  Armin Luistro ang usapin sa pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education.

Inilabas ng DepEd ang resulta ng inisyal nilang pag-aaral para sa “K+12 Program” kung saan lumilitaw na may pangangailangan talaga para sa dagdag na taon ng pag-aaral.

Nakapaloob sa proposal na “K-6-4-2 Model” na ang isang mag-aaral ay dadaan sa isang taon sa kinder, anim na taon sa elementary, apat na taon sa “junior high school” at dalawang taon sa “senior high school”.

Ang huling dalawang taon ay gugulin sa pagma-master o espesyalisasyon ng estudyante sa mapipiling aralin.

Ayon kay Luistro, ang mga benepisyo sa dagdag na 12 taon ay mapapaluwag ang workload sa mga aralin, magkakaroon ng sapat na kakayahan ang mga graduates para makapagtrabaho, mas magiging handa sa kolehiyo, makahanap ng trabahong may mataas na sahod, magiging handa sa trabaho sa ibang bansa at makakasabay ang Pilipinas sa international standards sa edukasyon.

Ang reaction na nakalap natin sa mga forum at iba pang website:

“Hindi rin nito maitataas ang kalidad ng edukasyon sa pampublikong mga paaralan, sapagkat hindi pagdaragdag ng taon  ang sagot sa mababang kalidad, kundi ang buong-buong pagpopondo ng gobyerno sa pampublikong edukasyon. Hanggang walang sapat na gusali, upuan at libro, sira-sira ang mga pasilidad at hindi  sapat ang pagsasanay at pagsasahod ng mga guro, walang  pag-unlad ng kalidad ng edukasyon na maaasahan.”

“Dapat  subject ang idadgdag na  may kaugnayan sa Agriculture, science and technology at vocational trade na kahit na di mag college ang bata ay matatanggap sa trabaho.”

“Dapat bawasan yung mga subject na di kailanggan…”     

“Itaas ang antas ng kalidad…. ibig sabihin dapat malaki ang matutunan ng bata at ito ay sulit sa performance ng teacher.”

“Naku ginawang rason pa nila na,  tayo na lamang daw na bansa ang hindi nagpapatupad ng 12 years cycle sa education.. eh kung manggagaya na lang man tayo e di gagayahin na lang din sana ang pag tutupad ng EQUAL EMPLOYMENT OPPORTUNITY ACT regardless of AGE, sex at iba pa. dahil tayo na lang po na bansa ang di nag papatupad nito… mas malaking katugunan ito sa paghaon ng kahirapan  ng mga mahihirap kesa sa dagdag na taon sa edukasyon.”

“……napakalungkot po na di nga matutugunan ang kakulangan ng mga silid aralan at kakulangan ng mga guro… ito pa ang kinakasa ng DepED. mas mabuti siguro ipakita muna nila ang kanilang kakayahan na tugunan ang mga kakulangan na ito bago sila mag ambisyon na dagdagan ng 2 taon.

“….ang mga guro po niyo mahal na DepED Secretary ay di lang KULANG sa dami pero kulang din sa pag UPGRADE ng tamang kaalaman sa pagtuturo. Dapat po na uunahin niyo na tugunan ang mga ito…”

Sabi naman ng isang nanay na taga Upi: “ ….ibig sabihin niyan Kaka dadag budget sa baon ng aking anak, biruin mo 2 taon, baka hindi na makapagtapos anak ko”.

“Tama lang iyan, Quality an gang kailangan hindi quantity”.  Pagtatanggol naman ng isang retiradong guro.

Para sa akin ang sigorado dito na sasangayon ka kaibigan, dagdag na budget para sa silid aralan, na dati ng kinukulang, dagdag na budget sa suweldo para sa mga guro, na mayroon pa rin hanggang ngyon hindi nakukuha ang suweldo, lalo yaong mga  contractual na guro sa Maguindanao.

Kayo na mga magulang pabor kayo o hindi?

Ito ang inyong kapatid na si Kaka Ali, sukran Wasallam…

Posted by dxupfm at 6:22 am | permalink

Previous Comments

dagddag gastos lang yan s hlip ay makatulong s pamilya
dapat spat n kaalaman ng mga guro n d dagdag gastos

Posted by leonard at March 21, 2011, 4:20 pm

masyadong magastos ang pagdagdag na ilang taon sa elementarya at segundarya… ano na lamang ang ituturo kung, elem. at h.s. lamang ?? mas lalong, hindi lalaki ang kaalaman naming studyante, kung walang kolehiyo ..

Posted by cathy ordanza at September 23, 2011, 10:31 am

tulungan nyo ako sa thesis ko .. hehehe .. ito pa kasi topic namin .. grRrrr

Posted by jay at January 11, 2012, 3:06 pm

…this is it.magdedebate na talaga kme..sa tuesday….buot k+ 12.

Posted by marissa at January 11, 2012, 4:28 pm

Ano ba ang nangyayri sa pilipinas! ..hindi ako pabor sa K12 nayan kawawa nman yong mga mahihirap kong ipapatupad niyo ang k+12 na yan ..hindi nman tayo mag.hihirap kong walang korapsiyon sa ating bansa ..!!!!! ..kong babaguhin natin lalo nsa educasyon mas mag,kakaproblema na nman tayong mga pilipino ..

Posted by abdul nasser at February 1, 2012, 6:29 pm

maawa nman kayo sa mga mahihirap ..sasabihin niyo ok ang k12 na ito?nag.kaka problema nangatayo sa 4 years course lang tpos babaguhin ang sistema ng educasyon?para sa akin mas mahalaga kong don tayo mag.paplano kong paano natin maisasalba ang KAHIRAPAN dito sa ating BANSA ..!!___ __ ..Mag.isip2x nman kayo ..Hehehehe ..

Posted by abdul nasser at February 1, 2012, 6:38 pm

bakit pa ba tayo gagawa ng banibagong problema? hndi pa nga tapos gawan ng paraan ang kakulangan sa mga teachers at sa mga schools tapos gusto pang dagdagan!!
kung ang mga magulang na hihirapan,nahihirapan din ang mga estudyanting tulad ko.On another hand maganda nmn ang nais nyo ngunit hndi pa sapat ang pera ng bansa para jan.unahin na ang mga mas mhalga.kung pwde lang po !??

Posted by jed at March 7, 2012, 10:35 pm

tama lng ang pagpapatupadng k12 para lalong lumawak ang kaalaman ng mga estudyante para hindi lng sila magtatapos na hindi na-charge an kanilang ‘’BRAIN!!!!

Posted by bernz at March 8, 2012, 5:45 pm

Add a comment