Nasa Kamay ng Mamamayan ang Ekonomiya ng Bansa
January 31, 2011(January 31, 2011-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Nancy: Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang ekonomiya, kong mahina daw ang kanyang economiya , mahina rin pag-unlad nng bansang ito.
(PLAY-INTRO NAKAKA)
Nancy: Magandang umaga Kaka.?
Kaka Alih: Maganda ka pa sa Umaga Nancy, (LAUGHING). este magandang umaga din Nancy (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam o yaong mga kapatid na Muslim.
Ang kahulugan ng pagbati na Assallamu alaikum warahmatulahi wabaakatuh ay: Kapayapaan at pagpapala ng Poong Maykapal ay sasaatin nawa.
Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang ekonomiya, kong mahina ang kanyang economy, mahina rin pag-unlad nito.
Ano ang ibig sabihin ng ekonomiya?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: “Ang ekonomiya ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglilikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo”.
Sa ekonomiya ng ating bansang Pilipinas ay nakaugnay sa buwis o taxes ng mga mamayan, sapagkat ang tax na ito ang nagpapagalaw sa lahat ng project ng bansa.
Nancy: Bakit taxes lang ba ang source of income ng isang bansa?
Kaka Alih: Hindi naman, kaya lanang ang bansa natin, ang Pilipinas nating mahal, ay di katulad ng ibang bansa na may sariling negosyo, oo, noon mayron tayong sariling mga corporation ngunit dahil ito ay nalulugi, dahil sa hindi maganda pamamalakad o management ay minarapat ng goberno natin na ipagbili sa mga pribadong sector, kaya sa ngayon ay umaasa ang Pilipinas sa buwis na ibinabayad ng mga mamayang Pilipino at mga banyaga na may negosyo sa atng bansa.
Ano ang implikasyon nito sa ating ekonomiya, kong walang buwis na ibinayad ang mga mamayan, kong walang Pilipino o banyaga na ngbayad ng kanilang mga taxes o buwis, anong mangyayari sa ting bansa, babagsak. Kaya dapat bayaran ang buwis na dapat niyang bayaran, dahil kong hindi tayo, sila, ako magbabayad ng buwis ay malulugmok, o magiging lumpo ang Pilipinas.
Sa ngayon ba ay nagbabayad ang mga Pilipino ng kani-kanilang mga buwis sa goberno?
Ang sagot ay: Opo, yes. Ngunit ang sabi ng iba mali ka Kaka Alih, dahil ang akin ay NO, hindi.
Nancy: Bakit naman yes or no Kaka?
Kaka Alih: Bakit yes or no Nancy? Ganito yun, I will try to explain, please pay attention. Ang mga mamayan ay nagbabayad ng kanilang mga dapat bayarin lalo na yoang mga ordinaryong mamayan, ngunit kadalasan ay nanasa malalaking negosyante o may mamalalaking babayaran na buwis ang may problema, bakit? Dahil dito madalas nagsisimula ang “corruption”. Dito madalas may lagayan o yaong under the table na transaction.
Halimbawa, sa isang mamayan na milyonaryo, syempre kong milyonaryo di man milyon ang babayaran na buwis sa kanyang negosyo o ari-arian ay daang libo naman. Dito na magagamit yaong sinasabi natin na corruption.
Ano ba ang ibig sabihin ng corruption?
Ayon sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya:
“Corruption is a general concept describing any organized, interdependent system in which part of the system is either not performing duties it was originally intended to, or performing them in an improper way, to the detriment of the system’s original purpose”.
Ano mang pagnanakaw ay mabibilang sa kurapsyon.
Balikan natin kong nagkakaroon ng kurapsyon sa pagbabayad ng buwis o taxes, una ipa-assess muna ang kanyang ari-arian, bilang batayan sa kanyang babayaran na buwis, dito ay hindi na niya ihahayag ang tama o totoo na halaga o assess value. Ang idedeklara ay mababang halaga ang ng kanyang ari-arian o income sa negosyo, para maliit rin ang mababayaran na buwis. Syempre bilang ehemplong kawani ng goberno hindi papayag ang empleyado, at dahil ditto maaring aalukin ng mamayan na ito ang empleyado ng halaga, sasabihin na “bibigyan kita ng ganito (syempre libo, paliitin mo lang ang halaga ng assessment ng ari-arian ko” at dahil maliit din ang suweldo ng emplyedo, at kumpare o kumare pa, kong minsan best friend pa, maibubulong sa sarili na: “pera na maging bato pa, at pangalawa kokorakutin din ito ng nasa taas at sasama pa ang loob ni Pare sa akin”.
Ano ang resulta? Kaya ang resulta imbes na isang milyon ang babayaran, naging sampung libo na lang ang mababayaran. Ganoon kadali ang corruption sa ating bansa.
Papaano na ang bayan natin? Papaano ito maiiwasan o magagamot?
Sabi noong isang bisitang banyaga, foreigner: “….bawasan ninyo ang corruption sa inyong bansa.”
Sa sinulat ni Ma. Shiela H. Garcia na may pamagat na “Kurapsyon sa Pilipinas” na mababasa sa kanyang blog na http://bpspolitics.wordpress.com
Ayon kay Garcia:
“Noong unang panahon pa lang ay may kurapsyon nang lumalaganap saan mang bahagi ng mundo. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang rin ang bansang Pilipinas.”
Tama ka Maam, ngunit hindi ganito kalala ang kurapsyon sa ating bansa, sabi ng isang Pastor sa isang pag-uusap naming sa isang sasakyan.
Maaari nating maitanong sa ating sarili? “bakit nga ba may kurapsyon sa Pilipinas?”
Sa nasabing blog ni Garcia ay kanyang sinagot ganyang katanungan:
“Ang estado ng Pilipinas ay nananatiling mahina at ang patuloy na paggamit ng mga elitista ng kanilang kapangyarihan ang nagpapahirap sa pamahalaan sa magkaroon ng magandang pamumuno sa ating bansa. Ang mga nasa matataas na katungkulan sa pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga stratehiya upang makapagnakaw sa “Kaban ng Bayan”.
Ngunit may commentaryo tayo diyan. In fairness sa mga mabubuting empleyado, na marami rin sa kanila ang naghahanapa ng stratehiya na papaano maparami ang collection sa buwis ng ating bansa, dahil tayong mga Pilipino ay likas na rin atin ang may takot sa Diyos, ako ay hindi naniniwala na likas sa Pilipino na corruptor o magnanakaw.
Sundan pa natin ang paliwanag ni Ms Garcia tungkol sa corruption:
“Ito ang dahilan kung ba’t di-mawala wala ang kurapsyon sa Pilipinas. Paano nga ba mawawala kung ang mismong mga namummuno sa bansa at ang siyang may mga matataas na katungkulan ang siyang nangunguna sa paggawa ng hindi maganda. Kadalasan pa nga ay nakikita lamang natin sila pag malapit na ang eleksyon at humihingi pa ng suporta sa mga taumbayan. Pero hindi ba’t ang karamihan sa kanila ay pera ng pamahalaan ang ginagamit para sa pangangampanya?”
For benefit din ng iba na malinis ang konsensiya: Mayroon din naman na nangangampanya na ang gamit sa pangangampanya ay mula sa kanyang pinaghirapan, mula sa kanyang naipon sa negosyo, mula sa pamana ng kanyang mga magulang, kong magnakaw man ng kaban ng bayan, sa may bandang huli na. (LAUGHING) kong mataba na ang dapat gatasan? (LAUGHING)
Tuloy natin ang sinulat ni Ms. Garcia:
“Sa makatuwid ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga namumuno at sa mga taong may mga kapangyarihan. Ang isa pa sa mga sinasabing dahilan ng lumalalang kurapsyon sa ating bansa ay ang di- pagkakapantay ng mga mayayaman at mga mahihirap. Ito ay tumutukoy sa mga kapitalista na patuloy na ibinababa ang sweldo ng mga manggawang Pilipino na lalung nagpapatindi sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Kung magbibigay lamang ng daan ang mga kapitalista tungo sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa, mababawasan rin kahit paano ang kurapsyon sa ating bansa.”
Ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang nagsisikap na mawala ang corruption at makabangon tayo mula sa pagkalugmok ng ating ekonomiya, halimbawa nandiyan ang NAMFREL (National Citizens Movement for Free Elections), binuo upang maging bantay ng bayan sa election, at dito sa atin may mga organization taga-bantay din ng bayan. Marami na ang mga samahang may layunin na magkaroon ng reporma sa bansa at masolusyonan ang kurapsyon sa bansa. Maliwanag lamang na ang mga Pilipino ay may adhikain o sabi pa ni Ms Garcia “mulat” na sa lumalalang problema ng bansa at naghahanap ng solusyon para dito.
Ako ay umaasa na malalagpasan natin ang ganitong problema sa bansa, kailangan lamang ang paniniwala na kaya natin ito.
Sabi pa rin ni Ms. Garcia:
“Kahit sino naman sa atin ay maaaring umasa na matapos na ang problemang ito sa ating bansa ngunit dapat talagang magsimula ang mga pagbabago sa mga namumuno sa bansa. Ang dapat gawin ng mga namumunong ito ay alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga umunlad ang ating bansa.”
Tama kayo Maam, dapat simulan ng mga pinuno ng bansa dapat alamin ang pinag- ugatan ng tradisyon ng kurapsyon sa bansa at makaisip ng paraan para mapigilan ito dahil kung hindi, malamang ay hindi na nga uunlad ang ating bansa, kayong mga leader ang maging ehemplo “sana” ng mga mamamayang Pilipino .
Ngayon Ppagkatapos na nasimulan na ng mga leader natin, ang maging huwaran o modelo, tayong namang mga mamayan ay dapat matuto na ring sumunod sa batas, sa mga tungkulin, at kong sakaling man mali ang tinatahak na landas ng mga pinunoo leader natin ay ating ituro sa kanila ang tamang landas, huwag nating silang pabayaang mahulog sa bangin, dapat sama –sama tayo, na hindi mahulog sa kumunoy ng kumukulong apoy sa impiyerno.
Para sa mga magulang, ang ating kabataan ay ating hubugin o imulat sa kanilang isipan at itanim sa kanilang mga puso ang isang makabayan, pagmamahal sa ating bansa at higit sa lahat paniniwala sa Poong Lumikha.
Ito ang inyong Kapatid na si Kaka Ali, na tinatawag nilang Bangsamoro, subalit ang nakasulat sa kanyang passport ay Pilipino pa rin (LAUGHING) joke joke…(LAUGHING).
Hanggang sa muli, bukas muli naming kayong inaayayahan na makinig at manood sa ating segment na nakaka sa programang buhay-buahy sa DXUP.
Sukran.. Wassallam.
(PLAY EXTRO-NAKAKA)
Previous Comments
This method allows you to use the Microsoft Office Trial Activation Wizard dialog box for converting to the Office 2007 full retail perpetual version of Microsoft Office 2007 Microsoft Office 2010. At the start, you must activate the Office 2010 professional trial version. You will be prompted to Microsoft office 2010 home and business activate the trial version, but you must Outlook 2010 instead select ‘I do not want to activate my Office 2010 copy’ and then click ‘I want to convert to the full version now’. With the Microsoft Office 2007 professional Activation Wizard Microsoft Office 2007 download expiration reminders, you can convert to the Microsoft Office 2010 full retail perpetual license version. To Microsoft office 2010 home and student use this method, first activate the Microsoft Office 2010 Professional trial version of Microsoft Office 2010. You can use this Microsoft Outlook 2010 method only if you have the Microsoft outlook trial CD of Microsoft Office 2010.
Posted by Microsoft Office 2007 at December 9, 2011, 2:37 pmI received 1 st home loans when I was 25 and that supported me very much. However, I need the consolidation loans again.
Posted by ZimmermanJOY35 at February 3, 2012, 11:55 am


oo dahil dito gaganda ang buhay nating lahat.
Posted by roseann at August 2, 2011, 2:57 pm