DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » July 2011

Hindi Nasilayan ang Bagong Buwan Ramadan- Darul Ifta

July 30, 2011

Hindi Nasilayan ang Bagong Buwan Ramadan-  Darul  Ifta

Balita Alih S. Anso

Nuro, Upi (July 30, 2011)  Sa Lunes ang unang araw ng pag-aayuno dahil hindi nakita ang bagong buwan ngayong gabi sa lahat ng bahagi ng Pilipinas, ito ang pahayag ni Shiek Omar Pasigan ang Mufti ng Darul Ifta.  

Ang Ramadan ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.

Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon sa sinabi ni    propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumasakanya): “Huwag magsimulang magayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban -ang buwan na sinusundan ng Ramadan, at huwag titigil  sa pag-aayuno  hangga’t hindi ninyo nakikitang muli ang bagong buwan .”

Mag-aayuno ang mga Muslim at hindi kakain at iinum ng tubig   sa buong araw at iiwasan din nila ang mga bagay na maaaring makapaglabag sa kanilang pag-aayuno.

 Sabay-sabay  na narinig sa mga himpilan ng DXMY sa a Cotabato city, DXID FM ng Pagadian City at DXUP FM ang community radio sa Upi, Maguindanao ang official na announcement ni Shiek Pasigan.

Hiniling din niya lalong patatagin ang pananampalataya at pagkakaisa dahil ito ang utos ng Allah at ginawa ni Propeta Muhammad (SAW).

Samantala ang programang Duyog Ramadan sa DXUP FM ay muling inilunsad  nitong hapon ni   station manager Mario Debolgado. Inilunsad ang Duyog Ramadan  walong taon na ang nakakaraan,  bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim  na nag-aayuno. Maririnig ang programa mula ika-lima ng hapon  hanggang ika pito ng gabi.

Posted by dxupfm at 8:35 pm | permalink | comments[17]

Champion ang Cluster 7 , sa Upi Nutrition Month Celebration!

Champion ang Cluster 7 ,  sa Upi   Nutrition Month Celebration!

Balita –Nancy Lawan

Nuro, Upi (July 30 , 2011)  Tinanghal na Champion ang Cluster 7 Barangay Bugabungan sa Tula,Singing,Dance,at Draw and Tell sa    Culmination ng  Nutrition Month Celebration kahapon na ginanap sa San Isidro Formation Center. 

 Ngayon taon  ay ang   tema  ay:   “ Isulong ang Breastfeeding Tama, Sapat at Eksklusibo’’.

Nagkaroon ng patimpalak sa larangan ng Tula, Singing, Dance, Draw and Tell, Cooking, at Agro Fair.

Tinanghal  naman na kampeon ang cluster 7, ang barangay Bugabugan sa Tula, 2nd place ang cluster 4 ang Borongatan, 3rd place ang cluster 2 ang Nuro, Sefegefen at Mirab.

Sa singing naman 1st ang cluster 7 Barangay Bugabugan, 2nd ang cluster 3 Blensong, 3rd cluster 4 Borongotan.

Sa dance contest 1st ang cluster 7 Barangay Bugabungan, 2nd cluster 2 Nuro, 3rd cluster 4 Barangay Borongotan.

Draw ang Tell 1st ang cluster 7 Barangay Bugabungan, 2nd cluster 2 Nuro, Sefegefen at Mirab at 3rd ang cluster 7 Bugabugan.

Cooking contest 1st ang cluster 6 Barangay Rempes, 2nd cluster 6 Barangay Darugao at 3rd ang cluster 2 Mirab at Sefegefen.

Habang sa Agro fair contest naman,1st ang cluster 6 Barangay Rempes, 2nd ang cluster 4 Borongotan, 3rd ang cluster 2 Nuro,Sefegefen at Mirab, 4th ang cluster 3 Blensong at 5th ang cluster 1 Barangay Kibucay.

Naging hurado naman sina Belen Cornepillo, Selda Platon, Jacquilyn Gamit, Sali Laugan, Amelita Piang at Petro Gersalino.

Posted by dxupfm at 6:59 am | permalink | comments[27]

Search for Healthy Baby Contest - Baby Evan Napiling Pinaka-Malusog

July 29, 2011

Search for Healthy Baby Contest -  Baby Evan  Napiling Pinaka-Malusog

Balita: Lucy Duce

Nuro, Upi (July 29) Isinagawa ang programang Healthy Baby Sa Rural Health Unit Upi kanina bahagi ng Culmination Activity ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.

Nagkaroon ng Search for Healthy Baby na nilahukan ng walong malulusog na mga sanggol 0-6 months old,mula sa ibat-ibang mga  barangay ng Upi, ang Ganasi, Nuro, Tinungkaan, Blensong, Borongotan at Nangi.

Napiling first placer si baby Evan Emanuel Upo ng Barangay Nuro 5 months old, 2nd place si Erich Chain Devera ng Borongotan, 3rd si Airyle Shaine Agustin ng Tinungkaan, 4th si Johanna Zeth Acosta ng Rempes, 5th place si Mark John Geralla ng Nangi, 6th placer si Phiona Pagoto ng Blensong, 7th placer naman si Carel AudreyY Jamotillo ng Kibleg  habang 8th placer si Bai Aila Sampiano ng barangay Ganasi.

Ang mga papremyo ay mula sa lokal na pamalaan ng Upi na kaloob ni Upi Mayor Ramon A. Piang Sr.

Nagkamit ng isang libong piso ang 1st prize, eigth hundred pesos ang 2nd place,five hundred pesos naman ang 3rd price,at tig dalawang daang piso ang consolation prizes,habang nagbigay pa ng karagdagang give aways si Ginang Tessie Zubiaga sa 2 nasa huling pwesto.

Naging hurado sina Kristine Vevira RN heals Chairman sa Upi,Cathy Echano ng Deparment of Agriculture at Elsie Acopio ang Barangay Health Worker President.

Naging basehan sa pagpili ng best baby ang ekslusibong pagpapasuso ng nanay na akma sa tema sa bata,dapat kumpleto ang bakuna,at may pre-natal ang nanay sa panahon ng pagbubuntis, maganda ang paningin at balat.edit delete

Posted by dxupfm at 9:35 am | permalink | comments[15]

Tamang pag-gamit ng Computer Dapat Matutunan ayon kay Vice Mayor Platon

Tamang pag-gamit ng Computer Dapat Matutunan ayon kay Vice Mayor  Platon  

 Balita: Nancy L. Lawan

Nuro, Upi (July 29) “Tamang pagamit ng Computer dapat matutunan   ng mga  mga mag-aaral” ng “Stop Trafficking and Exploitation of People thru Unlimited Potential (step-UP)”, ito ang pinaka buod na mensahe ni Upi Vice Mayor Alexix Platon kaugnay sa ginanap na General Assembly Meeting kahapon sa Upi, Municipal Conference hall.

  Pinasalamatan din ni Platon ang Visayan Forum Foundation dahil sa malaking naitulong    sa paghubog sa mga out of school   ng Upi, para matutunan ang     tamang pagamit ng computer.

 “Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay para makamit ang mga pangarap na hinangad ng bawat isa, at kailangan lamang ang sipag at tiyaga.” Dagdag ni  Vice Mayor Platon

Nangako din na  kanilang pag-aralan at idudulog sa local chief executive ang budget para masustained ang nasabing programa.

Pinasalamatan din nito ang   Upi  Womens Federation Inc. sa pamumuno ni Upi,Womens Federation President Amelita Piang, mga GAD President ng dalawan-put tatlong barangay ng Upi, at mga mag-aaral ng STEP-UP.

Posted by dxupfm at 9:26 am | permalink | comments[39]

Bagong Buwan ng Ramadan

Bagong Buwan ng Ramadan

 (July 29, 2011 -Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:     Nalalapit na ang pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo, ang buwan ng Ramadan ang buwan ng pag—ayuno, kailan ba ang bagong buwan ng Ramadan? Iyan ang sasagutin  ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali,    

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   

 

Ang tanong ay “Kailan ang bagong buwan ng Ramadan?”

 

Ayon sa   Darul Ifta, (ito  ang  committee o grupo na naatasan para  sa pagsilay ng bagong buwan  moon sighting of the new  moon)  sa July 30,  bukas sa araw ng Sabado, pagsapit ng Magrib na salah (prayer) mga ganap na ika anim ng gabi at kung masisilayan saan mang bahagi  ng bansa  ang buwan,  ay ito na ang  hudyat na mag-uumpisa na ang   Ramadan.

Ang Ramadan  ay  ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.

Ano ang basehan ng pagsilay sa bagong buwan?

Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon na rin sa sinabi ni    Propeta Muhammad (SAW):

“Huwag magsimulang magayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban -ang buwan na sinusundan ng Ramadan, at huwag titigil  sa pag-aayuno  hangga’t hindi ninyo nakikitang muli ang bagong buwan .”

Ayon kay Ustadz Jaafar Alih ng Darul Ifta,  ang committee na naatasan para sa pagobserba sa bagong buwan,  kung sakaling hindi naman makikita ang buwan sa takip silim ng Sabado ay sa   Lunes August 1 ang mag-uumpisa ng pag-aayuno.

Pinapayunahan din ng Darul  Ifta naman ang lahat ng taga Upi  makinig sa announcement sa mga  radio  station sa mga oras na ika-pito hanggang ika-siyam ng gabi  bukas ng gabi July 30,  Sabado para sa official announcement ng Darul Ifta.

Liliwanagin natin ang   Pagtitiyak ng Pagsapit ng Ramadan.

 

Natitiyak ang pagsapit ng buwan ng Ramadan sa pamamagitan ng  

 

  1. Ang pagkakita sa bagong buwan (new moon) ng buwan ng Ramadan. Kapag nakita ang bagong buwan, kailangan nang mag-ayuno. Sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ay mag-ayuno kayo; at kapag nakita ninyo uli ito ay tapusin na ninyo ang pag-aayuno.” Sa pagtitiyak ng pagkakita ng bagong buwan (new moon) ng buwan ng Ramadan ay sapat na ang isang makatarungang tao, samantalang ang pagtitiyak ng pagkakita sa bagong buwan ng Shawwal ay hindi magiging tiyak kung hindi masasaksihan ng dalawang makatarungang tao.

 

2.      Ang pagkabuo ng tatlumpung araw ng buwan ng Sha’ban. Kapag nabuo ang tatlumpung araw, ang ikatatlumpu’t isang araw ang siyang unang araw ng buwan ng Ramadan sapagkat ang sabi ng Propeta (SAS): “…Kapag naging maulap para sa inyo [ang langit], buuhin ninyo ang bilang (ng buwan ng Sha’ban) sa tatlumpung araw.”

 

Ang lahat ng mga Muslim na nasa hustong gulang ay mag-ayuno subalit mayroon din  ang mga pinapayagang na hindi mag-aayuno

 

1.                     Ang may-karamdamang may pag-asa pang gumaling ngunit mahirap para sa kanya na mag-ayuno. Siya ay pinahihintulutan na hindi mag-ayuno ngunit pagkatapos ng karamdaman ay pag-aayunuhan niya ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno. Sa kabilang dako, ang sinumang may sakit na hindi na maalis-alis, tuloy-tuloy, at hindi na inaasahang mawawala pa, hindi na niya kailangang mag-ayuno ngunit para sa bawat araw na hindi siya nakapag-ayuno ay magpapakain siya sa isang dukha ng isang Mudd (mga 550 gramo) na pagkain o maghahanda siya ng pagkain at anyayahan dito ang mga dukha na ang dami ay katumbas sa bilang ng araw na hindi siya nakapag-ayuno.

 

2.                     Ang Musafir o manlalakbay. Ipinahihintulot sa Musafir ang paghinto sa pag-aayuno magmula sa oras ng pag-alis niya sa kanyang bayan hangga’t hindi siya nakababalik doon. At kung sakali mang titigil siya sa bayang pinuntahan niya, nananatili pa rin siyang Musafir kung mayroon siyang layuning hindi titigil doon kapag natapos na ang kanyang pakay na siyang dahilan ng kanyang paglalakbay. Ang hatol na ito ay nauukol lamang sa paglalakbay na ang layo ay umabot sa mga 80 kilometro o higit pa.

 

3.                     Pinahihintulutan din ang isang babae, kapag nagdadalang-tao o nagpapasuso, na hindi mag-ayuno kapag nangangamba siyang baka makasama ang pag-aayuno sa kanyang sarili o sa kanyang anak. Kapag nawala na ang kadahilanan, pag-aayunuhan niya ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno.

 

4.                     Ang matandang nahihirapang mag-ayuno ay pinapayagang hindi mag-ayuno at hindi na niya pag-aayunuhan ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno ngunit magpapakain siya ng isang dukha sa bawat araw na hindi nakapag-ayuno.

 

Maraming salamat pos a patuloy ninyong pagsuporta at pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:22 am | permalink | comments[5]

Huling Araw na Barangay Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s) Seminar ng DILG

Huling Araw na Barangay Orientation on Roles of Barangay  Based Institution (BBI’s) Seminar   ng DILG

Sinulat na Balita -Alih S. Anso

Nuro, Upi (July 27) Magtatapos ngayon araw ang tatlong araw na seminar sa mga Barangay officials at ibat-ibat sector  na Isinasagawa ng Department of Interior  and Local Government (DILG).     Ang layunin  ng tatlong araw na seminar na “Orientation on Roles of Barangay  Based Institution (BBI’s)”   ay upang lalong maunawaan,  magampanan at makipagtulungan ang LGU ng Barangay at ibang sector sa kaayusan ng pamayanan.

Sa opening program nitong Miyerkules  ng tatlong araw na seminar na   ay nagbigay ng kanyang inspirational message  ang bise alkalde ng Upi Alexis Platon.

Hiniling ni Platon sa mga Barangay official na gampanan ang kanilang mga tungkulin na walang pag-iibot at buong katapatan.

Sa message of support naman ni Sanggunian bayan member Myrna Lou De Vera ay pinaalaala sa official na sila ay sumumpa na magsisilbi sa mga mamamayan bilang kanilang public official ng Barangay.

Nagpadala ding ng resource person o lecturer ang  Philippine Drug Enforcement  Agency ARMM (PDEA ARMM) na nagbigay ng  mga sapat na kaalaman papaano lalabanan ang  naglilipanang  ipinagbabawal na gamut.

Matatandan na sinabi ni Agent Cieleto L. Llano ang chief ng planning section ng PDEA ARMM na kinakailangan na lalong mapalakas  sa mga Barangay ang “war against drugs”. At kinakailangan na  dapat maglaan ng  pondo ang Barangay para sa “anti drugs campaign” program. 

Hinati ng tatlong cluster ang 23 barangay ng Upi, nauna       ang  Barangay Cluster 1st sumunod ang cluster 2 at ngayong araw ang cluster 3.

Siyam na Barangay ang Cluster 1,  ang Barangay Nuro, Mirab, Borongotan,Kibucay, Kibleg, Blensong, Tinungkaan, Kinitaan at Sefegefen.

Pitong Barangay naman ang  Cluster 2,  ang Barangay Ranao Plilayan, Nangi, Ganasi, Bayabas, Rifao, Renti at Bantek.

Pitong Barangay din ang Cluster 3, ang Barangay Bugabungan, Bungcog, Rempes, Renede, Darugao, Kiga at Kaba-kaba.

Ang tatlong araw na seminar ay pinamahalaan ng DILG sa pangagnasiwa ni Cecilia T. Pelobillo-Municipal Local Government  Operation Officer V (MLGOO V) sa pakikipagtulungan sa Liga ng mga Barangay at LGU Upi Officials.

Posted by dxupfm at 6:39 am | permalink | comments[5]

Dalawang Motorsiklo Nagkabanggaan-Driver Menor de Edad

July 28, 2011

Dalawang Motorsiklo Nagkabanggaan

Balita Alih Anso

Nuro, Upi (July 28) Nagkabanggaan ang dalawang motor ngayong umaga (8:15) sa may panulukan ng Palileo   at Quirino street.

Ayon  kay Barangay  Kagawad Anwar Mamintal ng Nuro, habang sakay ng kanyang motorsiklo na may plate # MG-3939 at binabagtas  ang kahabaan ng Palielo St. patungong Upi municipal hall ng  biglang sumulpot ang motor  na nakabanggaan.

Ang   motor na XRM na blue na may plate # 9867 LC ay minamaneho ni Lidsel Dapilaga -17  ng Barangay Bugabungan, Upi.

Ayon sa record ng Upi Police station ang violation ni Dapilaga ay driving without license, minor age at second offense na ito. Ang  motor ay nakarerhistro sa pangalan na  Max Marquez ng Poblacion, Kiamba, Saranggani.

Ayon sa Deputy Chief of Police P/Insp.  Mark Ian Ramos, na-settle naman amicably ang kaso , dahil gasgas lamang sa kanang kamay ang tinamo  ni Kagawad Mamintal.

Posted by dxupfm at 1:46 pm | permalink | comments[16]

Moon sighting para sa pag-uumpisa ng Ramadan, All Set Na- Darul Ifta

Moon sighting para sa pag-uumpisa ng Ramadan, All Set Na-  Darul  Ifta

Balita Alih S. Anso

Nuro, Upi (July 28, 2011)  HANDANG-HANDA na ang Darul Ifta ang  committee para  sa  moon sighting ng bagong buwan  sa July 30,  sa araw ng Sabado at kung masisilayan saan mang bahagi  ng bansa  ang buwan,  ay ito na ang  hudyat na mag-uumpisa na ang   Ramadan.

Ang Ramdana ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.

Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon sa sinabi ni    propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumasakanya): “Huwag magsimulang magayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban -ang buwan na sinusundan ng Ramadan, at huwag titigil  sa pag-aayuno  hangga’t hindi ninyo nakikitang muli ang bagong buwan .”

Mag-aayuno ang mga Muslim sa buong buwan ng Ramadan. Hindi kakain at iinum ng tubig ang mga Muslim sa buong araw at iiwasan din nila ang mga bagay na maaaring makapaglabag sa kanilang pag-aayuno.

Sa panayam ngayong umaga ng DXUP FM kay  Ustadz Jaafar Alih ng Darul Ifta, ( ang committee na naatasan para sa pagobserba sa bagong buwan,) kong masisilayan ang buwan sa gabi ng Sabado ay mag-aayuno na sa Linggo at  kung sakaling hindi naman makikita ang buwan sa takip silim ng Sabado ay sa   Lunes August 1 ang mag-uumpisa ng pag-aayuno.

Pinapayunahan naman ang lahat ng taga Upi  makinig sa announcement sa mga  radio  station sa mga oras na ika-pito hanggang ika-siyam ng gabi  nitong Sabado para sa official announcement ng Darul Ifta.

Samantala ang programang Duyog Ramadan sa DXUP FM na maririnig mula ika-lima ng  hapon hanggang ikapito ng gabi ay  muling  ilulunsad ni station manager Mario Debolgado. Inilunsad ang Duyog Ramadan  walong taon na ang nakakaraan,  bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim  na nag-aayuno.  

Posted by dxupfm at 8:03 am | permalink | comments[6]

Sakit na Dengue Mula sa Sakit na Kagat ng Lamok

Sakit na Dengue   Mula sa  Sakit na Kagat ng Lamok

(July 28,  2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Dahil sa tag-ulan na naman, asahan na dumarami ang breeding ng mga lamok, of course kasama ang lamok na nagdadala ng sakit na Dengue.  “Sakit na dengue” ang tatalakayin ni Kaka ali sa ating  segment na nakaka.

(PLAY-INTRO NAKAKA)

Host/Nancy: Magandang umaga Kaka Alih.

Kaka Alih: Magandang umaga din Nancy (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,. 

Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay.   Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue.

Ngayon ay panahon ng tag-ulan kaya naman  pinayuhan ni Dr. Vito Roque Jr., medical specialist IV ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang publiko na mag-ingat upang hindi maging biktima ng naturang nakamamatay na sakit.

Ayon kay Roque, inaasahan na nila ang pagdami ng mga kaso ng dengue lalo na’t umuulan paminsan-minsan at may nangyaya­ring biglaang pagbaha.”

Ang sakit na dengue ay unang natuklasan noong dekada 50 nang magkaroon ng outbreak nito sa Pilipinas at Thailand. Noong una ay sa mga bansa sa Asya lamang ito endemic o laganap subalit makalipas ang ilang taon ay umabot na sa 100 bansa ang nahaharap sa problema sa paglaganap ng sakit na dengue.

Sa Pilipinas sa kasalukuyan ay naka-alerto sa patuloy na pagkalat ng nakamamatay na sakit na dengue

Ang mga sintomas   na posibleng mayroon ka ng sakit na   dengue:

1. May lagnat hindi lovenat;

2. Nangangaligkig at giniginaw hindi dahil sa naunalanan;

3. Masakit   ang mata pag gumagalaw;

4. Masakit ang ibabang bahagi ng likod;  hindi sa harap dahil ibang sakit na iyon (LAUGHING)

5. Masakit ang mga hita at mga kasukasuan hindi dahil galing ng Bantek na lumakad n gals dos ng hapon hanggang alas siyete ng gabi na naulanan pa, tulad ng nangyari sa amin nina Kagawad Kalima Gunsi. (LAUGHING)

6. Mataas ang lagnat na umaabot sa 40 degrees tapos mabagal ang pagtibok ng puso;

7. Mapula ang mata, hindi dahil may sore eyes;

8. May rashes sa mukha tapos nawawala;

9. Ngayon pag paggrabe na   ang dengue dumadami na   ang rashes sa katawan.

Pag mayroon ka nitong mga sintomas kumunsulta na kaagad sa Doctor o pumunta sa health center sa inyong Barangay o dito sa Nuro, dito sa ating Health Center o sa Hospital.

Ang kagat ng lamok na Aedes aegypti ang pangunahing sanhi ng Dengue. Ito’y nangangagat lamang tuwing umaga. Sigoro walang ilaw o falashlight  kaya araw siya nangangagat. (LAUGHING).   Nangingitlog ang lamok na ito sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera, lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa

Mga iba pang lugar na pwedeng pamahayan at pangitlogan ng lamok na aedes aegypti ay ang mga halamang pamilya ng bromeliads, mula sa angkan ng pinya, kung saan galing ang pinya ay may natural na water trap kung saan naiipon ang tubig ng ilang araw kahit ibilad ay dapat itinataob pagkatapos ng ulan.

Ang mga ponds o kahit kanal na stagnant matapos ang ilang araw na walang ulan ay pamumugaran din ng lamok. Mabuting lagyan ito ng mga isdang kumakain ng kiti-kiti gaya ng gourami o guppies. Wala pang involved na harmful chemicals.

Minsan may nakakausap ako kong papaano siya nakikipaglaban sa pesteng lamok na ito. “Ako Kaka ang simple strategy ko sa peste na ito, halimbawa,  ang enclosed sewers, dahil isa ito paboritong pamahayan ng lamok,  paminsan-minan ay pinapuputukan ko ng malakas na firecrackers upang mamatay kahit yung mga bagong sibol na lamok (pati ipis) gawa ng kulob ang sound waves. (LAUGHING)  Iba yata ito a, iyan ang sinasabi nila na  Sa paputok, lamok ay tepok! (LAUGHING). 

Sa kasulukuyan, sinasaliksik pa lamang ang bakuna laban sa Dengue. Kaya naman kaibigan ang pagkontrol sa lamok na sanhi ng Dengue ang pangunahing paraan upang maiwasan ang sakit na ito.

Ang DOH ay naglabas ng mga alituntunin upang maiwasan ang Dengue. Gawin lamang natin ang mga sumusunod:

1) Takpan ang tubig sa drum at sa mga timba upang hindi ito pangitlugan;

2) Palitan ang tubig sa mga flower vases araw-araw, iwasang magtanim ng ;

3) Linisin ang mga pinaglalagyan ng tubig minsan sa isang linggo;

4) Linisin ang mga alulod upang masigurong walang lugar na puwedeng pagmulan ng lamok;

5) Sirain o butasan ang mga gulong na ginagamit sa bubong upang hindi pag-imbakan ng tubig;

6) Ipunin at itapon ang mga hindi na ginagamit na mga lata, garapon, bote at iba pang mga bagay na kung saan puwedeng maipon ang tubig, ito  ang mga tinatawag na recycled materials.

Ito  po ang kalaban ni Mrs Denggue, si Kaka Alih…

Nancy: Bakit Mrs.. Babae ba ang lamok na may dalang sakit na dengue?

Kaka Alih: Yes babaeng lamok    ang nangangagat   na may dalang sakit na dengue.

Buweno mag-paalam muna ang lalaking Denggue.. (LAUGHING).  este ang inyong segment writers na si Kaka Ali. Sukran, Wassallam.

(PLAY-EXTRO)

Nancy: Mga giliw na nakikinig, sundi lamang Ang payo n gating Department of Health dahil mahirap magkasakit sa panahon ngayon.

Posted by dxupfm at 7:20 am | permalink | comments[3]

Barangay Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s) Seminar isinasagawa ng DILG

July 27, 2011

Barangay Orientation on Roles of Barangay  Based Institution (BBI’s) Seminar isinasagawa ng DILG

Balita Alih S. Anso

Nuro, Upi (July 27) Isinasagawa ng Department of Interior  and Local Government (DILG) ang isang seminar sa Barangay officials, Non-government Ogranizations (NGO) at Academe sector.   Ang layunin ng seminar ay upang lalong maunawaan,  magampanan at makipagtulungan ang LGU ng Barangay at ibang sector para sa kaayusan ng pamayanan.

Sa opening program ng tatlong araw na seminar na “Orientation on Roles of Barangay  Based Institution (BBI’s)” ay nagbigay ng kanyang inspirational message  ang bise alkalde ng Upi Alexis Platon.

Hiniling ni Platon sa mga Barangay official na gampanan ang kanilang mga tungkulin na walang pag-iibot at buong katapatan.

Sa message of support naman ni Sanggunian bayan member Myrna Lou De Vera ay pinaalaala sa official na sila ay sumumpa na magsisilbi sa mga mamamayan bilang kanilang public official ng Barangay.

Isa  sa mga resource person ay ang Philippine Drug Enforcement  Agency ARMM (PDEA ARMM) na ibabahagi ang sapat na kaalaman papaano lalabanan ang  naglilipanang  ipinagbabawal na gamut.

Ayon kay Agent Cieleto L. Llano ang chief ng planning section ng PDEA ARMM ay kinakailangan ang seminar para lalong mapalakas  ang  mga Barangay sa “war against drugs”. Hinihiling din ahensiya na dapat maglaan ng  pondo ang Barangay para sa “anti drugs campaign”. 

“Ano mang oras ay nasa panganib ang inyong mga anak.” Pahayag   ni Agent Llano.

Hinati ng tatlong cluster ang 23 barangay ng Upi, mauuna  ngayon araw   ang  Barangay Cluster 1:  Nuro, Mirab, Borongotan,Kibucay, Kibleg, Blensong, Tinungkaan, Kinitaan at Sefegefen. Bukas naman ay ang cluster 2 at susunod na araw ang pangatlo.

Ang tatlong araw na seminar ay pinamahalaan ng DILG sa pangagnasiwa ni Cecilia T. Pelobillo-Municipal Local Government  Operation Officer V (MLGOO V) sa pakikipagtulungan sa Liga ng mga Barangay at LGU Upi Officials.

Posted by dxupfm at 2:32 pm | permalink | comments[18]

Maibabalik Pa Ba ang Sex Life?

Maibabalik Pa Ba ang Sex Life?

 (July 27,  2011 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:, Nawalan na ba ng sigla ang inyong sex life? but don’t worry pwede pa daw ibalik ang sex life o sigla ng pagkalalaki, tiyak ko maraming naghinintay ng ganitong balita, samahan ninyo kami ni Kaka Alih, para malaman ninyo..

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali.   

Kaka Ali:   Maraming salamat Nancy at Magandang umaga . Assallamu alaikum WW.    

 

Alam mo Nancy, ayon kay Dr. Willie T. Ong isang manggaamot at manunulat sa isang kilalang diyaryo. Maraming nagtatanong daw kay Doc.   kung paano maibabalik ang sigla ng kanilang sex life. Alam mo Simple lang ang sagot ni Doc:

“ ….dapat mag­karoon ng maayos na pamumuhay. Iwas sigarilyo at alak. Huwag masyadong magpataba. At kung may alta­presyon, diabetes o high cholesterol, kailangan itong ma-kontrol ng diyeta at gamot para hindi masira ang inyong sex life.”

May hirit pang tanong kay Doc:

“..Dok, may nabalitaan akong pampalakas daw sa sex. Mareresetahan mo ba ako?”

Alam mo Nancy natawa ako sa sagot ni Doc Willie.

“Eh kanino mo ba balak makipagtalik?”

Tama ka Doc, eh matanda na si Mrs, bakit kailangan pa niya ang malakas na sandata  (LAUGHING)  dapat talagang masigoro kong saan niya gagamitin ang magandang sandata, baka makasuhan siya ng “illegal possession” (LAUGHING)  Mukhang yatang hindi alam ni misis ang masamang balak ni Mister.

Pero ayon kay Doc Willie,   totoong may mga gamot na pampalakas at pampatigas kay “manoy”  na hindi na kayang tumayo. (LAUGHING)  Alam ba ninyo na  kadalasan daw ay mga dia­betiko o diabetes o ’yung mga may edad na ang nangangailangan nito.

Heto ang mga gamot na sinabi ni Doc.  Halimbawa ay  ang Andros, Viagra, Levitra at Cialis. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, halos pare-pareho ang bisa ng mga gamot na ito,  ang pinakamura sa apat na ito ay ang Andros, na gawa ng Unilab. Ang generic name nito ay Sildenafil. Marami na ang napaligaya dahil sa gamot na ito.

Iniinom ang Andros isang oras bago makipagtalik at tatagal and epekto nito ng apat na oras. Ang Andros 50 mg ay nagkakahalaga ng P220, kumpara sa ibang mga gamot na umaabot sa P550.

May tanong ba kay Doc:

“Puwede bang uminom kahit walang impotence?”

Ang sagot ni Doc ay:  

“Ang masaklap na sagot ay “Oo.” Kahit normal ka ay puwedeng mapatagal ang pagiging matigas ng ari. Mapapaikli rin ang tinatawag na refractory period. Ang ibig sabihin nito ay pagkatapos mag-orgasm ang lalaki, mas maikli ang hihintayin na panahon para manumbalik ang lakas mag-sex.”

May tanong pa:

“May tulong ba ang Andros sa kababaihan?”   

Ayon kay Dr. Gatchalian, “Baka mayroon kaunti.” Ito’y dahil mapapadami nito ang agos ng dugo sa bahay-bata ng kababaihan. Ngunit hindi pa rin namin ito pinapayo. Huli sa lahat, kung ikaw ay may matinding sakit sa puso, bawal gumamit nito. Kumunsulta muna sa isang espesyalista sa puso.

Sabi ng misisni Doc Willie    na si Dra. Liza, “…dapat ay payu­han ko rin ang mambabasa na maging tapat sa asawa. Dahil kapag mahuli ka ni misis, eh patay kang bata ka. Marami ang puwedeng maputol sa inyong pagsa­sa­mahan. Ingat!”

Dagdag kaalaman pa rin mula kay Doc Willie Ong:

“Kung sakali lang na may na­putulan ng ari, kunin agad ito at ilagay sa plastic na may yelo. Dalhin agad sa Emergency Room at maaari pa itong maidug­tong ng mga siruhano. Bili­san lang ang pagdadala sa ER! Emergency room…(LAUGHING) 

Ulitin ko ang payo ni Doc willie Ong:

“ ….dapat mag­karoon ng maayos na pamumuhay. Iwas sigarilyo at alak. Huwag masyadong magpataba. At kung may alta­presyon, diabetes o high cholesterol, kailangan itong ma-kontrol ng diyeta at gamot para hindi masira ang inyong sex life.”

Ito  ang  inyong Kaka Alih, sukran  Wassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.

Nancy/Host: Mga giliw naming  nakikinig,  sa isa namang Nakaka mula kay Kaka Alih, bukas  muling , abangan  ang  mga Nakaka mula sa ating segment writer na si  Kaka Alih.

(PLAY-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:19 am | permalink | Add comment

94.86 Per Cent Civil Service Rating ang Tinanggap ng LGU Upi

July 26, 2011

 

94.86 Per Cent  Civil Service Rating ang Tinanggap ng LGU Upi

Balita -Alih S. Anso

Nuro, Upi (July 25)…PINAHAYAG ni Upi  Mayor Ramon Piang Sr, kahapon ng umaga sa meeting ng mga empleyado at official na nakakuha ng 94.84 % na rating ang Local Government Unit (LGU) Upi mula sa isinagawang evaluation ng civil service. 

Dahil sa magandang performance  na ito ng mga empleyado at official ng LGU Upi ay nagpapasalamat ang alkalde sa lahat dahil natamo ang rating na ito dahil pagtupad ng bawat sa kanilang tungkulin.

Hiniling naman ni mayor Piang sa mga empleyado  na hindi lamang  panahon ng may bisita   kundi ipagpatuloy ang magandang pagtupad sa tungkulin sa lahat ng panahon, dahil tungkulin ng bawat isa ang pagsilbihan ang taong bayan.

Ang  isinagawang  evaluation ay kaugnay ng pagpasok sa Semi-Finalist ni Upi Mayor Ramon Piang Sr sa  Kategoryang  Award for Exemplary Conduct and Ethical Behavior  o Outstanding Public Officials And Employees  na tinaguriang din “Dangal ng bayan Award.” ng  Civil Service Commission (CSC).

Ilan pa sa mga Finalist  ang mga sumusunod :

1 Lucille Abad (Philippine Nuclear Research Institute, Quezon City);

2. David Adongay Jr. (Department of Public Works and Highways, Northern Samar); 

3. Josefina Bajade (Provincial Gov. of Agusan del Sur);

4. Helen Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);

5.Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);

6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);

7.Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);

8.Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);

9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);

10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);

11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);

12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);

13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);

14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro); 15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);

16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);

17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);

18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);

19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);

20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).

Ang Honor and Awards  program ng CSC ay isang taunang aktibidad  na kumikilala sa mga Government Officials and Employees  na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na  paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo publiko.

len Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);

5.Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);

6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);

7.Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);

8.Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);

9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);

10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);

11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);

12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);

13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);

14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro); 15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);

16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);

17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);

18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);

19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);

20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).

Ang Honor and Awards  program ng CSC ay isang taunang aktibidad  na kumikilala sa mga Government Officials and Employees  na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na  paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo publiko.

Posted by dxupfm at 3:52 pm | permalink | comments[3]

Tamang Pag-gamit ng Celpon

Tamang Pag-gamit ng Celpon

 (July 26, 2011,  Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

Host/Nancy: “ Ang mobile phone o  celpon ay bagong imbensyon na gadget na halos na  yata ng mga mamamayang Pilipino ay mayroon nito, of course sa bayan ng Upi ay hindi tayo pahuhuli, kahit second hand celpon ay bumibili ang, alam ba ninyo na na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone?   Tamang paggamit ng cell phone ang  ibabahagi ngayon umaga ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka..

 (PLAY NAKAKA- INTRO)

Host/Nancy:  Good morning Kaka.  Ilan ba ang mobile phone o celpon mo?

Kaka Ali:  Good morning Nancy.  I am Fine.  Ilan ba ang mobile phone o celpon ko? Tatlo lang kasi kulang tayo ng budget. (LAUGHING)

Host/Nancy:  Ano tatlo? Bakit namn tatlo-tatlo ang celpon  mo pa Kaka?

Kaka Ali:  Hindi naman sa pagmamalaki Nancy,  kong bakit tatlo ang aking gamit na mobile phone, ang isa ay regular phone na kong saan ang number nito ay binigay natin  sa publiko o mga  kaibigan  at kakilala, ang isa naman  ay camera, recorder at ang number ay ibang network dahil kong minsan ay mahihirapan ang  pagtawag ng mga contact dahil ibang network provider sila at naka-avail sila ng mga promo, at ang pangatlo naman na mbile phone  ay sa mga coverage natin sa DXUP FM at back-up na rin  kapag naglobat bigla ang isa pang celpon.  

Host/Nancy:  Sana ganyan ako  Kaka,  kasi kailangan talaga ng media ang bagong gamit na  ito, pero Kaka papaano ang tamang pag-gamit nitong celpon na hiondi mamimiligro  an gating  kalusugan?

Kaka Ali:   Ok Nancy muli tayong sasangguni kay Dr Willie Ong , may isinulat si Doc na  may pamagat na Tamang paggamit ng cell phone, ganito ang nakalahad:

“Kamakailan, nagsabi ang World Health Organization (WHO) na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone. Ngunit hindi pa ito 100% kumpirmado. Ganunpaman, walang masama kung tayo ay mag-iingat sa paggamit ng cell phone.

Ayon sa isang pagsusuri (Interphone Study), ang matagalang paggamit ng cell phone ay posibleng makapagdulot ng brain tumor (bukol sa utak). Sa mga taong gumamit ng cell phone ng lampas 10 taon, mas marami ang nagkakaroon ng brain tumor (kanser sa utak) sa lugar na madalas pinaggagamitan ng cell phone. Mayroong kasing signal o radiofrequency radiation ang mga cell phones.

Katulad ng mga medical test na MRI o CT Scan, ma­taas ito sa radiation at puwedeng makapagdulot ng kanser. Mas mababa naman ang radiation ng cell phone. Kaya lang, madalas natin itong ginagamit at malapit pa masyado sa ating utak.

 

Para makapag-ingat tayo, heto ang mga payo ni Dr. David Servan-Schreiber, isang dating director ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh:

1) Huwag pagamitin ng cell phone ang mga batang 12 edad pababa. Mas sensitibo ang utak ng mga bata kaysa matanda. (Kaya ang batang nasa elementarya ay di dapat pagamitn ng celpon)

2) Ilagay sa speaker-phone mode ang iyong cell phone o gumamit na lang ng ear phone. Ito’y para mailayo sa katawan natin ang cell phone. ,(Tama ka Dok, kong hindi  maiiwasan ang pagtawag maaring i-loud speaker ang celpon para mapalayo sa inyong  ulo ang unit, ang problema lang daw dito maririnig ni Mrs ang kausap ni Pare-LAUGHING)

3) Huwag lumapit sa isang taong gumagamit ng cell phone. (hindi Radiation kong bakit hindi  ka dapat lumapit “unethical” hindi  magandang kaugalian ang nakikinig sa  usapan ng may usapan lalo na sa celpon  o selepono)

4) Huwag matulog na kasama ang cell phone. (Ang dapat kasama MO KASI EH, sa  pagtulog ay ang Mrs mo  Pare hindi ang celpon-LAUGHING)  Huwag ila­gay sa ilalim ng unan. Huwag din itong palaging dalhin sa bulsa. Kahit naka-standby mode, may radiation pa rin iyan.

5) Kung kailangan mong dalhin ang cell phone, iharap ang keypad sa iyong katawan. Mas mataas kasi ang radiation sa likod ng phone dahil sa antenna device.

6) Limitahan sa 3-5 mi­nuto lang ang pag-uusap sa cell phone. (Nakupo, papaano na ang mga naka-unlimited call..LAUGHING)  Gumamit na lang ng landline. Ang cordless o wireless phone ay may radiation din.

7) Mag-text na lang para mas malayo ang cell phone sa utak natin.

8) Ilipat-lipat ang pagga­mit sa cell phone. Minsan sa ka­nang tainga,  minsan sa kaliwa.

9) Huwag mag-cell phone kung mahina ang signal, tulad ng kung kayo ay nasa sasakyan. Ito’y dahil kusang pinapa-lakas ng cell phone ang radiation niya para hindi mawala ang signal.

10) Pumili ng cell phone model na mababa ang SAR (specific absorption rate). I-check ito sa internet. Ito ang sukat ng magnetic field ng cell phone na ma-a-absorb ng ating katawan.  (ayon sa source natin 2 w/kg maximum, halimbawa na SAR ng celpon ang Nokia 6303 mo Nancy aymay SAR na: .82, ang N1100 ay .61)

Sana may napulot kayong karunugngan sa ating ibinahagi, dahil ang malusog na  mamamayan ay  katambal ng maunlad na sambayanan.

Sukran, Wassallam.

(PLAY-EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:24 am | permalink | comments[4]

Basura Mo Basura Ko!

July 25, 2011

Basura Mo Basura Ko!

(July 25, 2011,  Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

Host/Nancy: “Kumusta na ang pangangalaga ng basura sa ating bayan?   Tanong ng isang texter.  Muling nating gigisingin ang natutulog ninyong katawang lupa, sabi pa ni Ai Ai Delas Alas, (LAUGHING) Basura mo ay basura ko na rin ang ibabahagi ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka..

 (PLAY NAKAKA- INTRO)

Host/Nancy:  Good morning Kaka. Kinukumusta nila,  ang pangangalaga ng basura sa ting bayan, may update ba kayon diyan Kaka?

Kaka Ali:  Good morning Nancy.  I am Fine.  (LAUGHING). No problem because the problem is the problem. (LAUGHING).  Ganito ko sasagutin ang mga tanong nila, paalaala ang sa atin. Kong tulog ang isang tao, dapat gisingin, kong inaantok dapat painumin mo ng kapeng barako. (LAUGHING).

Matatandaan na dalawang taon ang lumipas   mula ng ilunsad ng LGU   Upi ang batas tungkol sa pangangalaga ng basura o yaong tinatawag na Upi Municipal ordinance # 3  o “A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”, nitong  mga panahon ay tila di na gaanong napag-uusapan ang tungkol sa basura, kaya tama ang texter natin? Dagdag pa ng texter pati na rin ang pagpapatupad ay tila lumalamig na rin.

Kaibigan sang-ayon ako sa sinabi mo, tulad din daw yan sa mag-asawa pag mataghal na ang pagsasama medyo lumalamig ang kanilang mainit na pagmamahalan. (LAUGHING). Natural lang naman dawn a lahat ng  mainit lalamig din pag matagal na.. (LAUGHING).

OK Nancy,  medyo pormalan natin ng sagot, heto narin ang rerply sa text mo kaibigan, sa mga panahon na ito ay may mga gawain tayong  di maiwasan o talaga bang di maiwasan? O ayaw lang talaga natin?   Tulad  ng pagkain sa mga fastfood.

Ang fastfood  ang mga kainan o restaurant  na pwede kang omorder ng madalian. Ang mga kainan na ito ay   gumagamit ng styro, at ang material na ito ay yari  material na hindi basta-basta nabubulok, daan o libong  taon bago ito mabulok, dahil gawa ito sa material na   plastic.

 Alam mo Nancy, kapag ako ay nakasakay sa isang sasakyan   at may batang biglang nagtatapon sa bintana ng balat ng kendi, hindi ako nagtataka, subalit kapag matanda ang nagtapon ng basura, halimbawa ay opos ng sigarilyo tumataas ang kilay ko, na ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin at  naibubulong ko sa sarili na: “Walang Disiplina” (LAUGHING)

“Aywan ko ba kong bakit ang  mga Pinoy?”

Ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ng basura. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, eh kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di basta-basta nabubulok.

“Papaano kasi Kaka walang basurahan na mapagtapunan ng basura” sagot ng isang pilosopong kaibigan.

Sabagay kahit ako napapansin ko na halos wala  na ring mga basurahan na nakadisplay sa mga tindahan. Kong mayron  man ay naghahalo na ang nabubulok at di nabubulok.

Heto pa Nancy, tila lalong  malupit ang pagtrato natin sa likas na yamang-tubig.  (LAUGHING). Hindi ako nagbibiro, my friend, just look and listen. (LAUGHING).

 Tumingin ka ating mga ilog kong may ilog pa (LAUGHING)  lalo na sa alinmang ilog–sa   mga Siyudad o city ng ating bansa, pati na rin  sa mga probinsya–at ang  makikita mo ay  nagtabakan na mga basura mula sa mga tao, pati na rin sa hayop, nagtambakan sa   sa pampang ng mga ilog. Halimbawa ng tinutukoy natin ay sa Maynila, talagang   malala ang basura sa ilog.  Ang Ilog Pasig na dati rati ay napakalinaw at malalim na ilog ngayon ay tila … never mind, alam na ninyo..

(LAUGHING).

Subalit Kapatid na nanakikinig, hindi lamang ang banta ng basura o polusyon ang panganib na kinakaharap ng ating bansa o ng buong planeta natin. Mayroon pang mas malalaking suliranin na napipintong kaharapin natin kapag hindi tayo nagbago ng kaugalian. Halimbawa, gaya ng pagkakalbo ng mga kagubatan at pagbabago ng klima  o yaong tinatawag nilang mga siyentipiko na climate change.

Ngunit para sa ating mga nakatira sa maliit at papaunlad na bansa, tulad ng Pilipinas, mahalaga ang ambag o tulong  ng bawat mamamayan, ng bawat Pilipino at Bangsamoro. Kinakailangan ang sama-samang  sa pagharap kahit sa simpleng problema, tulad ng   basura.

At alam ba ninyo na ang malaking bahagi ng ambag o magagawa   ay manggagaling sa ating mga kabataan? Bakit?

Ang mga kabataan kasi ang higit na nakakarami, ang kabataan ang madaling turuan, di tulad ng matanda na makunat turuan.. (LAUGHING) 

Sa ngayon ay kasalukuyang hinuhubog o tinuturuan ang mga kabataan sa ating mga paaralan ng mga magagandang manners and etiquettes or what we call good manners and right conduct.

Maam, Sir, bakit hindi natin isama sa ating mga pagbibigay ng mga moral values sa mga kabataan, o sa mga pupil ng mga paaralan ang tamang pangangalaga sa basura.  Pwede nating gamitin ang ating batas sa basura, ang Upi Municipal ordinance # 3  o “A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”. O dili naman kaya ay makipag-ugnayan tayo sa MENRO na si Glory Sentillo.

Ako ay Naniniwala  Kaibigan na  ang   napakasimple ngunit mahalagang magagawa nating lahatg ay ang tamang pagtatapon ng basura, at    dapat maitanim sa isipan ng bawat kabataan natin. Kinakailangang gawin itong bahagi ng kanyang araw-araw na buhay–ng kanyang sistema–gaya ng paghinga at pagkain o paglalaro at pagdarasal.

“Kaka Ali, tila malabo nang maturuan ang maraming mga nakatatanda.” Text sa ating  programa. (LAUGHING). Ito rin ang pangungutyang sabi ng isang kabataan sa akin, minsan pag-usapan ko ito sa isang umpukan ng mga tinedyer.

Tama ka Ting malabo nang maturuan ang  mga nakatatanda, papaano kasi  para sa kanila,   ang buong paligid ay isang malaking basurahan.

Pero Ting may pag-asa pa, lalo na sa inyo na mga kabataan. Noong maliit pa ako, paulit-ulit na ipinaalaala ng aking mga guro at pamilya ang tamang pagtatapon ng basura.  Bakit di pa pwedeng i-replay ?

Kung ituturo natin sa ating mga nakababatang kapatid, pinsan, kalaro, estudyante, at iba pang mga bata ang ganitong pananaw, malaki ang tsansang ito’y seryosong sundin ng mga kabataan.   

Sa huli ay gusto kong ipaalaala sa mga Kapatid na nanampalataya sa Islam na sinabi ni Propeta Muhammad (SAW) na ang kalinisan ay bahagi ng pananampaltaya.

Sukran, Wassallam.

(PLAY-EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:54 am | permalink | comments[3]

Nutrition Culmination Activity ng Nuro Central Elementary School, tinalakay sa pagpupulong ng mga magulang at guro ng Pre-school kahapon!

July 23, 2011

Nutrition Culmination Activity ng Nuro Central Elementary School, tinalakay sa pagpupulong ng mga magulang at guro ng Pre-school kahapon!

(DXUP BALITA -Noralyn Laguey Bilual  )

 Nuro, upi (July 23)….Tinalakay nitong Biyernes 22 ng  Hulyo  ang Nutrition Culmination Activity ng Nuro Central Elementary School  (NCES) sa ginanap na pagpupulong ng mga magulang at guro ng mga  Pre-schooler sa NCES.

Isasagawa ng programa sa  ika-26 ng Hulyo taong kasalukuyan kung saan magkakaroon ng Food Exhibit, gagawa din ng booth bawat grade level at ala una ng hapon ang Coronation ng A1 Child.

Ipinagbigay alam din ng mga Pre-School Teachers na sa September 3 ang   Foundation Day ng Pre-Schoolers , , kayat pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan ng pagpapraktis ng sayaw.

Short maong sexy short,puting medyas at puting rubber shoes ang susuotin ng babae habang short with t-shirt naman ang sa mga lalaki.Kulay apple green naman ang t-shirt na susuotin ng mga magulang.

Napagkayarian din na P80.00 ang kabuuang halaga ng kanilang costume kasama na ang trainors fee.

Posted by dxupfm at 6:55 am | permalink | comments[11]

First PTA Board Meeting ng Nuro Central Elementary School, isinagawa kahapon!

First PTA Board Meeting ng Nuro Central Elementary School, isinagawa kahapon!

(DXUP BALITA -Noralyn Laguey Bilual  )

 Nuro, upi (July 23)….Nagsagawa ng first General Parents Teachers Association (PTA)  Board Meeting kahapon (July 22, 2011)  at mga Grade Chairman ng  Nuro Central Elementary School (NCES). 

Ilan sa mga tinalakay dito ang update ng Home Room Parents Teachers Association (HRPTA) Project ng taong 2010-2011, HRPTA 2011-2012, ongoing na  proyekto ng General PTA na concrete fencing sa palibot ng paaralan na nilagyan ng round bar ang butas ng mga bakod para hindi dadaan ang mga bata dito.

Napag usapan din ang proyektong playground apparatus, kung saan dapat umano itong bakuran ng cyclone wire palibot para hindi pasukan nang kung sino-sino, maliban sa mga batang mag aaral ng NCES.

Ipinagbigay alam din ang pagkakaroon ng General Assembly Meeting ngayong araw ng linggo,July 24,2011 ala una ng hapon sa Municipal Grandstand,at inaasahang dadalo lahat ang mga magulang ng mga mag- aaral mula Pre-school hanggang grade six dahil mahahalagang bagay ang tatalakayin dito.

Posted by dxupfm at 6:51 am | permalink | comments[6]

Inis at Lungkot, Pwede mo ng Labanan, Ayon kay Doc Willie Ong

July 22, 2011

Inis at Lungkot, Pwede mo ng Labanan, Ayon kay Doc Willie Ong

 (July 22,  2011 -Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy: Bibihira sa  ating mga tao ang hindi nakaramdam ng   inis o  lungkot, at itong inis at lungkot ay nakakabawas  ng buhay ng tao, at of course nakakastress, but don’t worry pwede mo ng labanan ang inis at lungkot na ito, samahan ninyo kami ni Kaka Alih, para malaman ninyo..

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali.   

Kaka Ali:   Maraming salamat Nancy at Magandang umaga . Assallamu alaikum WW.    

 

Tama ka Nancy, pwede na natin labanan ang inis at lungkot. Alam ko ang tanong nila ay Papaanio Kaka Alih?  Paano lalabanan ang inis at lungkot?  Eh  di itanong sa expert…sumangguni tayo kay Dr. Willie T. Ong  sa pamamagitan ng kanyang aklat at sa kanyang ring  mga sinusulat sa  Pilipino Star Ngayon.

Ayon kay Doctor Ong:

“LAHAT ng tao ay may pagkakataong naiinis o nalulungkot sa buhay. Ganyan ang buhay. Minsan ika’y nasa itaas, minsan nasa ibaba.

Agree ako  kay Doctor Willie Ong Nancy, based on  my true experience. Kayo Nancy, anuy comment bagotayo magpatuloy sa mga payo niDoc.

Nancy: of course naman si lang inis at lungkot kong minsan nauuwi pa ito sa  galit (LAUGHING).

Kaka Alih: AKALA KO Nancy ako lang angmarunong mainis at malungkot.. anyway tuloy natin ang mga payo ni Doc Ong at ang comments pala ni Doc, sana daw yaong padalang aklat ay makatulong sa ating mga radio program.

“Bilang doktor, alam ko na kapag may kaaway, mara-ming galit, inis at hindi pagkakaintindihan ang nangyayari.

Heto ang payo ni Dr. Norman Vincent Peale, ang sumulat ng maraming libro ukol sa positive thinking.

1.      Pag-aralan mo ang sitwasyon maigi. May nagawa ka bang pagkakamali? Kung mayroon ay magpakumbaba ka at aminin ang iyong kasalanan. Sabihin ang totoo para mawala ang bigat sa iyong dibdib.

Humingi ng tawad sa taong pinag-salahan at humingi  rin ng tawad sa Poong Lumikha (Allah).

2.      Pag-isipan ng mahinahon at walang halong galit ang mga paratang na binabato sa iyo. Tunay ba ito o hindi? Kung hindi naman tunay ay kalimutan mo na iyan. Huwag mo nang pansinin.

Dapat din daw ay kilalanin mo muna ang mga  nagpaparatang sa inyo.

3. Sino ang nagsasalita laban sa iyo? Importante ba ang opinyon nitong tao? May galit ba siya sa iyo o gusto lang niya (talagang) makatulong? Pakinggan mo lang ang mga payo ng mga nagmamalasakit sa iyo.

4. Irespeto ang mga taong nakasakit sa iyo. Patawarin mo sila at maging mabait ka pa rin. Sa ganitong paraan, hindi na lalaki ang away.

5. Humingi ng payo sa pamilya at mga matalik mong kaibigan. Pagkatapos ay timbangin mo kung tama ang kanilang payo sa iyo.

6. Huwag na huwag daanin sa init ng ulo. Pilitin gamitin ang tamang pag-iisip para maabot ang tamang desisyon. Kung galit ka pa, maghintay muna ng isang araw bago isipin muli ang isyu.

7. Tanungin ang sarili, “Masaya ba ako sa aking pagkalungkot o pagkainis?” May taong mahilig mag-self pity, kung saan kinaaawaan nila ang sarili. Hindi ito maganda. Iwaksi ito sa isipan.

8. Magpatawad at magpatawad. Kung may taong nakasakit sa iyo, ipasa-Diyos mo na lang. Hayaan mo na lang na iba ang makaaway niya. Huwag mo na lang pansinin.

9. Ipagdasal ang mga nakasakit sa iyo. Hindi na­ngangahulugang kailangan mo silang mahalin. Irespe­to mo lang. Gawin mo pa rin ang proyekto mo, at hayaan mong gawin niya ang trabaho niya.

10. Ipasa mo ang iyong problema sa Diyos. Tutu­lungan ka ng Diyos na pa­ sanin ang mga dina-damdam mo. Maya-maya, hindi mo namalayan ay gu­magaan na ang iyong pakiramdam. Magiging masa­ya at matagumpay ka na muli! Good luck po.

Iyan ang mga payo ni Dr. Willie T.  Ong sa araw na itong Biyernes, ang payo nnaman mula  sa ting mga relihiyoso, ayon  kay Ustadz, kapag nagagalit ang inyong damdamin, naiiinis ka o nalulungkot  mag-ablution o mag-abdas, pagkatapos ay magsalah  omagsambayang ng sunnah  na dalawang  rakaah, pagkatapos ay humingi ng kapatawaran at guidance sa Allah. Ang payona ito ni Ustadz ay base sa Hadith ni  Propeta Muhammad (SAW)>

Ito  ang  inyong Kaka Alih, sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.

Nancy/Host: Mga giliw naming  nakikinig,  sa isa namang Nakaka mula kay Kaka Alih, sa Lunes muling , abangan  ang  mga Nakaka mula sa ating segment writer na si  Kaka Alih.

(PLAY-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:15 am | permalink | comments[11]

Mga Payo ni Doc Willie Para Humaba ang Buhay

July 20, 2011

Mga Payo ni Doc Willie Para Humaba ang Buhay

 (July 20,  2011 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:      Gusto ba ninyong humaba ang inyong buhay? (BRIDGE MUSIC)  Kong ganoon, samahan kami ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka, dahil magbibigay siya ng tips para humaba ang inyong buhay, na hinango  sa aklat na pinadala nina Dr Willie Ong at Dra Anna Liza Ong…..

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali.  Ang inyong mga tips, para humaba ang  buhay ng tao..

Kaka Ali:   Maraming salamat Nancy at Magandang umaga . Assallamu alaikum WW.    

 

Ang tanong mo kanina Nancy sa ating mga tagapakinig ay  Gusto ba ninyong humaba ang inyong buhay? Hindi ba obvious ang  tanong na  iyon? (LAUGHING) sino ba naman ang taong ayaw humaba ang buhay, lalo yaong mga kumpare natin na bata pa  at seksi pa ang asawa.. (LAUGHING).

Nancy bago ko ibigay ang mga tip para humaba ang buhay ng tao, magpasalamat tayo sa mag-asawang Dr Willie at Dra Anna Liza Ong sa pinadala kahapon na package na  may laman na 3 set ng aklat.   Happy  ako kahapon nancy ng matanggap  ko ang gift from our  “new’ friend na  sina Dr Willie Ong and his wife Lisa.  Na  deliver  ng  agent of the LBC Cotabato City  kahapon  July 19, 2011-1030 H ang  packaged and I open it immediately with Rex Pablo our newly appointed Admin officer of DXUP FM.  The content were three sets of books: “How to Live Longer” second edition; “Altapresyon at Tamang Pangangalaga sa Inyong Puso” and “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain” all authored by Dr. Willie T. Ong.

Baka maitanong ninyo, papaano kami nagkakilala nina Dr Ong?

Matandaan ninyo?  Last Friday, July 14, 2011 naipost  ko  ang sinulat na script/article na “Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo?” sa ting blog na http://dxup.multiply.com/    which I quoted the article of Dr Willie T. Ong in Pilipino Star Ngayon,   at kinagabihan ay tumawag si  Dr Liza  sa station, asking our address, but I am not around, kaya noong umaga ng Lunes July 18, ay tinawagan ko si Dr at ang sumagot sa celpon ay si Dr. Liza   at kaya tumawag noong Sabado ay dahil gustong kunin ang complete address natin dahil may ipapadalang package.  

Para kina Dr. Lisa and Willie in behalf ng aking mga kasama sa DXUP FM at programa na si Nancy Lawan anchor  natin sa  “Buhay-buhay sa DXUP” maraming salamat po, talagang itong aklat ninyo ay pakikinabangan natin sa mga radio programs ng DXUP at araw-araw na pamumuhay, dahil talagang aklat pangkalusugan (health books) talaga itong pinadala ninyo.

Ipinapanalangin naming na sana ay lumago pa ang inyong buhay at hanapbuhay para marami pa kayong matulungan.

Heto  na ang mga tips ni Dr Willie Ong para humaba ang  buhay  Ninyo.

1)      Kumain ng almusal araw-araw.  At  of  course ang dapat ninyong lutuin ay   gulay,  kong may pera bumili ng sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.

2)      Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.

3)      Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.

4)      Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

5)      Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

6)      Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.

7)      Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.

8)      Makipag-sex  (sa iyong asawa o permanenteng partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan.  Ang pa­­kikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at naka­ba­bawas din sa stress.

9)      Umiwas sa bisyo at peligro.

10)  Matulog ng 7-8 oras bawat araw.

11)  Mag-ehersisyo.

12)  Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago umi­nom ng kahit anong gamot o supplement. Mas ma­inam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.

13)  Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.

14)  Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.

15)  Huwag mag-retiro. Laging ituloy lang ang iyong trabaho.

Ano mga giliw naming tagapakinig, marahil ay  naman ay solb na  kayo sa mga payo ni Dr Ong, abangan ang iba  pang tip  ni Doc sa lets Doh  it na  ibabahagi namanni  Lucy, sa susunod na  linggo.

 

Ito  ang  inyong Kaka Alih, sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.

Nancy/Host: Mga giliw naming  nakikinig,  sa isa namangNakaka mula kay Kaka Alih, bukas muling , abangan  ang  mga Nakaka mula sa ating segment writer na si  Kaka Alih.

(PLAY-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:03 am | permalink | comments[1]

Pagnanakaw

July 19, 2011

Pagnanakaw

 (July 19,  2011 -Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:     Kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang pumapasok sa isip natin —  ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam. Alam ba ninyo na sa batas, may dalawang klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na  robbery at theft. Para lalo pa ninyong maintintihan makinig kay Kaka Ali, dahil usaping pagnanakaw ang tatalakayin sa ating segment na Nakaka.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali. Ano ang pagkakaiba ng robbery at theft? Hindi ba pawang pagnanakaw din yan?

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   Alam mo Nancy tama ka sa sinabi mo kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang pumapasok sa isip natin ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam o kaya ay puwershang pagkuha ng ibang gamit . Tulad ng sinabi mo na  may dalawang klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na  robbery at theft.

 

Tanong: Kailan mo masasabi na  robbery ang kaso?

Sagot: Matatawag na robbery ang kaso kapag ang taong gusto mapasa-kanya (intent to gain) ang bagay na pagmamay-ari ng iba ay kinuha ito (taking of personal property) sa pamamagitan dahas (violence) o pananakot (intimidation) o pwersa sa isang bagay (force upon things).

At ito  angpakatandaan Kaibigan, na  mataas ang parusa ng kasong robbery kung ito ay may kasamang pagpatay (homicide), pananakit (physical injuries), at panggagahasa (rape).

Tinatawag na robbery   ang pagpasok sa isang bahay o establisimento sa   pagdaan sa butas o bintana, bukod sa pintuan (through an opening not intended for entrance or egress);   pagsira ng dingding, bubong, sahig o pintuan; paggamit ng false key, picklocks o kahalintulad na gamit  at paggamit ng gawa-gawang pangalan o pagkukunwaring otoridad.

Pagnanakaw o robbery ring maituturing ang pagnanakaw sa pamamagitan ng pagsira ng nakakandadong aparador   o baul  o ano mang lalagyan na nanakasara o nakakandado.  

Nancy: Kaka Alih, ang poagkuha ng Mrs sa bulsa o pitaka ng Mr na hindi pinapaalam, anong tawag doon? (LAUGHING) 

Kaka Alih: Ang tawag doon ay “dala adat nin” (LAUGHING)  walang respeto.. sa kanya naman yun bakit kailangan pang kunin na di nagpapaalam sa Mr… Sabagay may mga Mister na talagang makunat.. o talangang itinatago  yun dahil pinaglalaanan.. (LAUGHING) 

Ano naman ang tinatawag na   kasong theft ?

Ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba o “taking of personal property” Pagkuha ng gamit  na may “intent to gain”.  Pagkuha ng   walang paalam sa may-ari o without the owner’s consent; ano mang pagkuha ng gamit ng iba na  hindi gumagamit ng dahas o pananakot ay tinatawag na theft. .

Sa madaling paliwanag pare ko, sa robbery,  ang magnanakaw ay gumamit ng dahas, pananakot o pwersa sa isang bagay, samantalang ang kasong theft ay simpleng pagkuha ng bagay na walang paalam sa may-ari na may “intent to gain” o pagnanais na mapasakanya katulad ng pagkuha mo sa pera sa bulsa ng mister mo, o pagsungkit ng butong ng kapit-bahay habang wala sila.. (LAUGHING) 

Alam mo ba Nancy na ayon sa pagtatanong ko sa mga estudyante o law student ayon daw sa libro,  na theft din maituturing ang hindi pagsauli ng mga bagay na napulot sa tunay nitong may-ari nito?

Ayon sa ating batas, sa article 719 ng ating Civil Code, nakasaad doon na   sinuman na makapulot ng isang bagay maliban sa hidden  hidden treasure  ay inaatasang isuko ito sa kinuukulan, but siguraduhin lang ang taong bibigyan mo ay hindi niya aariin. Ang tamang proseso dito ay   ipalalathala  sa publiko sa pamamagitan ng media o paglagay ng patalastas sa mga mataong lugar.

Sa mga Masjid at simbahan usually may mga lost & found  na lalagyan. Sa DXUP FM bagsakan ito ng lost & found item..

Kung wala pa ring umangkin   6 na buwan ang standard o  sinasabi  ng batas ang paghihintay, at kong wala ng kumuha may karapatan na ang nakakita o  ibibigay na ito sa nakakita.

Ngayon hindi mo  ito sinunod at nakita ng may-ari sa kustodiya mo ang bagay na nawala, maari kang kasuhan ng theft.

Alam mo ba Nancy na pagnanakaw na Theft din na maituturing ang pagpasok sa bakuran ng ibang tao para kumuha ng prutas o kahit pagkuha ng siling labuyo? . Kapag nahuli ka ng may-ari at hindi ka patatawarin tiyak may kaso ka, at kapag nalaman ni Lucy an g ating police reporter patay kang bata, headline ka sa police updates. (LAUGHING) 

Review sa mga tinuran natin, especially na late tuners (LAUGHING).   Ang pagnanakaw ay pagkuha ng mga bagay na  hindi mo pag-aari ng walang pag-sang ayon  ay nagmamayari. Ang tawag na nagnakaw ay magnanakaw. Kuha mo? (LAUGHING) 

Kapag tinatwag tayong “Magnanakaw Ka!” Ito ay hindi tinatanggap ng sinuman na may matinong pag-iisip, dahil hindi maganda, sa paningin, pandinig ng tao, lalo sa sa Poong Maykapal. Pag ito ay ginamit mong pangtawag sa iyong kaibigan, asahan mong mag-aaway kayo (LAUGHING)  Yes kahit totoo na nagnakaw, lalo na sigoro kong hindi totoo.  (LAUGHING).

Subalit ang pangnanakaw ay hindi lamang mga bagay   kundi pati ang oras ay hindi mo pinagsilbihan sa iyong trabo ay pagnanakaw rin.

Payo ng isang retiradong empleyado:  “Kung nais mong magtagumpay sa buhay, maging tapat ka sa iyong trabaho.”

Alam ba ninyo sa mga   pag-aaral (researched)  na 40% ng mga manggagawa ay nagnanakaw sa kanilang trabaho at 20% ay nangangatwirang tama lang ito?

Narito ang ilan sa   kanilang mga baluktot na katwiran:    

·         “Ginagawa rin ng iba ito, e ‘di gawin ko rin.”

·         “Mayaman ang kumpanya, hindi ito mapapansin.”

·          “Maliit na bagay lang ito, hindi mahahalata.”

·         “Maliit magpasuweldo ang kumpanya, may utang sila sa akin, kinukuha ko lang ang para sa akin.”

·         “Dapat lang na gawin ko ito para sa akin, nagtatrabaho ako pero hindi tinataasan ng suweldo.”

Huwag mong aksayahin ang oras mo sa trabaho sa paggawa ng ibang bagay pagkat iyan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakawan mo ang iyong kumpanya ng oras. Huwag kang maging isang masamang tao na madaya kung magtrabaho at walang kabuluhan ang kanyang mga ginagawa. Isapuso at isabuhay ang prinsipyong ito:

Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay” (Biblia sa Akalat na Kawikaan 11:18).

Alam ba ninyo na ang   lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama.  .

Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.

Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain.

Ang sinumang napatunayan na nagnakaw ay may  kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, ito ay base sa Qur’an:

“Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain.” (Qur’an 5:38)

Tinanong natin sa ating mga Aleem (maalam) ano ang “wisdom” ng ganito:

Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta Muhammad (SAW) ang tao na ito ay maaring palagpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.”

Ito ang inyong Kaka Ali, na naghihikayat sa inyong lahat na alamin at paniwalaan natin an gating relihiyong kinaaniban..na tayo ay magpakatotoo.. hanggang sa muli.. sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 7:01 am | permalink | comments[16]

Celpon (Mobile Phone)

July 18, 2011

Celpon (Mobile Phone)

 (July 18,  2011 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:   Kaibigan Mayroon ka bang celpon? Nakatanggap ka na ba ng text na nagsasabi na ikaw ay nanalo ng milyones?  Ano ang ginawa mo? Sa mga nakatanggap at wala pa ng ganitong text makinig kay Kaka Ali, sa ating segment na Nakaka.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali,  May nagtext ba ! ??

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   Yes Nancy may nagtext sa akin, pero mamaya na natin babasahin. (LAUHING)

 

Ang Mobile phone o Celpon o selepono ay isang instrumento na ginagamit para makapagtext at makatawag. Depende sa unit, may iba iba pang features ang cellphone gaya nga mp3 player, camera, recorder  at marami pang ibang gamit, tulad ng pag-internet.

 

Ang isang mobile phone, cell phone o kamay telepono ay isang elektronikong aparato na ginagamit upang gumawa ng mga   tawag mula sa telepono o mobile phone din sa isang malawak na geographic na lugar,bastat may cell site signal ang mga service providers. Dito sa ating bayan ng Upi,  dalawa lamang ang service providers ng celpon,  ang SMART at GLOBE, hindi  katulad  sa ibang bayan na maraming kumpanya ang  nagbibigay ng serbisyo.

 

Ang isang mobile phone ay maaaring gumawa at makatanggap ng mga tawag sa telepono at mula sa pampublikong telepono ng network kung saan kasama ang iba pang mga mobiles at fixed-line na phone sa buong mundo. Ito sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang cellular network na ibinigay sa pamamagitan ng isang mobile network operator.

 

Ang mga modernong mobile phone ay nagbibigay din   ng  iba’t-ibang   mga serbisyo tulad ng text messaging, Multimedia Messaging Service (MMS), email,  Internet access, maikling-range wireless na komunikasyon tulad sa   Bluetooth , mga aplikasyon ng negosyo, paglalaro (games)  at photography (pangkodak-LAUGHING).

 

Ang mga mobile phone na nag-aalok ng mga mas pangkalahatang kakayahan computing ay tinukoy bilang smartphone.

 

Alam ba ninyo? Na ang   unang komersyal automated na cellular network (1G) ay inilunsad sa Japan sa pamamagitan ng Nippon Telegraph and Telephone Corporation (NTT) nooong  1979, na sinimulan sa   Tokyo.

 

Noong 2001 inilunsad din sa Japan ang  3G (Third Generation) paggamit ng celpon ng kumpanyang Nippon Telegraph and Telephone Corporation (NTT)

 

Ang karaniwang mga sangkap na natagpuan sa lahat ng mga celpon o selepono ay:

  • Baterya  , karaniwang ay rechargeable, ito ang nagbibigay ng power sa baterya, kaya kinakailangan  ang electrisidad.
  •  Ang pinaka-karaniwang mekanismo ng selpon  ay isang keypad o  pindutan, ngunit nitong huli ay  touch screen na,   matatagpuan ito sa sa latest model na celpon.

Lahat ng mga GSM (Global System for Mobile Communications, originally Groupe Spécial Mobile),    phones ay gumamit ng isang SIM card na binigyan ng contact numbering isang service provider.

 

Sa Pilipinas ay magagamit ang simcard na hindi na nakarehistro ang may-ari nito, samantala sa ibang bansa ay hindi pwedeng magamit ang  simcard na hindi  nakaregister ang  gagamit nito. Sa experience ko sa Malaysia ay isang araw bago mo pwedeng gamitin ang simcard.

 

Ano ang SIM card?  

 

Ang Subscriber Identity Module o SIM Card,   ay humigit-kumulang ang laki ng isang maliit na selyo   at ay karaniwang ilagay sa ilalim ng baterya sa hulihan ng ang yunit.

 

Ang SIM card ay naglalaman ng   natatanging serial number  at ang dalawang mga password (PIN para sa karaniwang gamitin at PUK unlocking).

 

Para magamit ang SIM card number,  na nagsisilbing account number, kinakailangan din ng SIM card number ang load o cash  deposit, pwede itong bayaran sa pamamagitan  ng plan o prepaid card o electronic loading. Hindi  ka makakatawag o  makapagtext kapag walang balance ang account number ninyo.

 

Sa ngayon ang Pilipinas ang isa  sa contestant   na “texting capital” sa mundo (LAUGHING)

 

Nakatanggap ka na ba ng text na nagsasabi na ikaw ay nanalo ng miliyones?  Isa daw itong itong scam o panloloko.  Nang makatanggap ka ng text na nagsasabi  na ikaw ay nanalo ng malaking  pera,  Ano ang ginawa mo?

 

Sinasabi doon na tawagin mo si Atty, so and so, para  ma-claim ninyo ang inyong panalo.

 

Pag natawagan  mo na ay bibigyan ka ng instruction, na  lodan mo ang kanyang number para siya ang  makatawag  sa inyo. Pag ginawa mo ito ay nakapasok ka na lamabat ng panlilinglang ng grupong  ito.

 

Ano gusto ninyo ng sample? Experience ko mismo ang ibibigay ko na sample.  About 9:52 in evening of July 16, 2011, my mobile phone ring and I received a sms from # +639095665023 when I read the message: (I copy as it is written)

 

Congrats! The AUDITORS  of (PCSO) Inform You that your MOBILE SIM# Should one of  3subs. Lucky WINNERS WORTH  of (P850,000.00) DURING  23RD  ANNIVERSARY CELEBRATION Handog ng P.c.s.o. Pre-draw via electronic On the spot raffle/Dti-permit#5646s2011/for more details I’m P.c.s.o Services information Incharged  Atty. Renato T. Gonzales Pls call to claim!!

 

Kaibigan protektahan ang iyong sarili mula sa hindi inaasahang mga scam ng premyo

 

  • Gamitin ang iyong commonsense-(LAUGHING)
  • Huwag magpadala ng anumang pera o magbayad ng anumang bayad sa paghahabol ng isang premyo o mga panalo sa lottery.
  • Upang hindi kayo mabiktima ng ganitong text scam, huwag maniwala agad sa mga text messages nagsasabi na kayo ay nanalo ng kahit ano, lalo na kung hindi naman kayo sumali sa contest nila. The rule on sales promos is that winners should be notified by registered mail.
  • Kung ikaw ay hinihingan ng kahit anong bayad na “processing fee”, chances are, peke ang contest na ‘yon. Walang legal na contest ang nanghihingi ng bayad o call card upang makuha mo ang premyo.

Nang ipost ko sa aking face book account ang text na  ito, napakarami ang nagbigay ng comment, tulad halimbawa ni:

  1. Mona Muctar:nakupo..kakah alih, baka mayari kyo! mga walang magawa sa buhay yan..ilang beses na rin ako nakatanggap ng message na ganyan..MGA TAONG MAY SAYAD SA UTAK YAN..”
  2. Joan Agustin Quilop: “Ganyn dn po aqu dati 1million dw tpos tnawagan aqu f panu dw ma claim ang prize..sbi ng nagpakilala n atty.bli dw aqu ng smartcard n 3..WORTH 1000,500,300.para dw sa cntrol # gnawa qu ung mga use n cardz ang bngay qu.e ala ng lod.ayun twag xa nagalt e minura qu. Dn..nw my bgo naman clang raket ingat mga ofw my magtxt hnge ng 2long 4 busnez or pakage..dw..dpt kilalanin ntn ung number ng pmlya ntn kc dmi n naloko yng mga tao n yn.”
  3. Aveen Acuna-Gulo:marami yan ka’. kwidaw lang :-)
  4. Roni Dusaban:  “ingat lang sa mga kagaya ni atty.renato t. gonzales..mga manloloko yan..”
  5. Mona Muctar:  “may bago din raket ang mga WALANG HIYANG YAN..may nagtx: “Ito ang bago kong roaming nr..isave mo ito..magpapadala ako ng pakage at pera. ikumusta mo ako kay nanay at tatay..miss ko na kayo” WAAAAH, demonyo talaga..eh, wala na nga akong tatay, nangumusta pa… nireply ko sya..sige, pagdating mo dito, tuloy ka sa libingan ng tatay ko…at isunod na rin kita,…grrr!”  (LAUGHING)
  6. Kiernel Ebrahim: “ wla yan magawa bpa naluko dn c anao kapatid ni misis ganyan dn nanalo dw cla pinabili cla ng tatlong smart card na tag 1,000 ag halaga tapos tnxt nla ung namber sa manloloko ayon awa ng diyos kahit piso wla cla nakuha….d kc nla snabi sa akn sna nabigyan ko cla ng babala….”
  7. Kiernel Ebrahim: “ yan kc hirap sa ibang tao d nla pinagsasabi para masulo nla ayon 2loy nasulo dn nla ung panloloko sa kanila….buti nalng that time close na LBC kundi magpadala pa sana cla ng cash na 6,000 un kc sabi ng manloloko…..”
  8. Noraida S. Chio:  “ kaka ali daming panloloko na ginagawa ngayon via modern technology. just like kahapon, i received an email from a close friend of mine na head din ng NGO dito sa cotabato, saying na he is in madrid, spain now at nawala ang wallet niya. Lumapit na daw sa embassy dun but wala daw tulong kaya he needs urgent help, pautangin ko daw ng $1,000. ipadala ko daw via western union dun sa friend niya kc nasama daw nawala mga IDs niya. i immediately advised my friend bout it and to safeguard his email address”

Ang sagot ko dito kay maam Noda, ay   D2 sa Upi may naloko din nakapaglod na sila ng 6 thousand pesos, nakapadala pa ng 25, 000 pesos, di nila sinabi kasi sikreto daw. Kaya bukas ito ang topic ko sa early morning, please to all FB friends please share your kuwento.

 

Maraming salamat po s a patuloy ninyong pagsuporta at pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo muli sa ating segment na nakaka   ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:21 am | permalink | comments[3]

Tatlo Sugatan sa Motorcycle Accident sa Brgy. Kibleg, Upi

July 15, 2011

DXUP FM Balita

Nuro, Upi (July 15) ..Sugatan ang tatlo katao matapos maaksidente sa national highway  sa may bandang Kibleg, Upi,  ngayong 3:15 ng  hapon.

Sa impormasyong nakalap ng DXUP FM, sakay ng motorsiklong may plate number 9267-LE si Edgar Gunsi pauwi ng cotabato city habang pauwi naman mula sa cotabato city sina Al Platon at asawang si Bernadeth, guro ng Darugao Elementary School, sakay ng motorsiklong may plakang 3550MP.

Mabilis umano ang takbo ni Gunsi sa bahagi ng kurbada sa may Barangay Kibleg at makasalubong ang isang motor na minamaneho  ni Platon, sa hindi pa napag-alaman na dahilan ay nagsalpukan ang dalawang motor.   

Kapwa isinugod ang tatlo  sa pinakamalapit na pagamutan ang   Datu Blah Sinsuat District Hospital at dahil medyo malubha ang mga pasyente kaya itinuloy na rin sa Cotabato Regional and Medical Center.    

Nitong uang buwan ng taon ay may nagkabanggan din na dalawang motorsiklo sa may national highway  KM 20  Barangay Labungan, DOS,    at sakay ay ang  mag-inang si Noralyn Bilual at kanyang anak nasi Jablyn Hurt na kapuwa din nadala sa  hospital.

Samantala sa  Barangay Nuro ay mahigpit na pinapatupad ng Upi PNP ang 20 KM speed limit.

Posted by dxupfm at 5:26 pm | permalink | comments[12]

Hulyo 15 Special Non-working holiday sa ARMM

Hulyo 15 Special Non-working holiday sa ARMM

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi (July 15)….Idineklara ni Acting Regional Governor Ansaruddin Adiong of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang Hulyo 15 bilang special Muslim non-working holiday sa buong rehiyon.

Sa paliwanag ni Atty. Naguib Sinarimbo, ARMM executive secretary, ito bilang pagdiriwang ng “Nisfu Sha’ban” o kalagitnaan ng Shaban, ang ikawalo ng buwan ng Hijri.

Ang ARMM ay nasasakupan ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Isabela at Marawi.

Posted by dxupfm at 10:23 am | permalink | comments[12]

Training sa pagtatanim ng rubber sa Barangay Kibucay Sinimulan

Training sa pagtatanim ng rubber sa Barangay Kibucay Sinimulan

DXUP FM Balita

Nuro, Upi (July 15)… SINIMULAN nitong Huwebes ang training sa pagtatanim ng punong rubber sa Barangay Kibucay, Upi, Maguindanao. Participants sa nasabing training ang 300 beneficiaries ng 300 ektaryang lupa na pagtataniman ng rubber.

Hinati sa tatlong batch ang nasabing training na may tig iisang daang katao bawat araw, July 14, 15 at 16.

Ang training ay tinawag na “A training on rubber establishment and management in support to agro-forestry development project “

“Piso-piso” ito ang binubulong ng rubber”. Ayon kay PAO Maguindanao Daud Alagasi Al haj.

Matatandaang sinabi naman ni Wilfredo Batchang Chew na ang rubber ang tanim na walang atabrin.

Sinabi naman ni Atty. Naguib Sinarimbo executive Sec. ng ARMM hindi lamang 300 hectare kundi may 400 hectare pang target para sa mga beneficiaries.

Noong buwan ng Abril ay pinahayag na ni Sinarimbo na sinusulong ng ARMM ang agro-forestry, particular ang pagtatanim ng rubber, ang isa sa pinakamainam na opsyon ng pamahalaan para maisalba ang kagubatan sa ARMM.

Sinabi pa ni Sinarimbo, na maliban sa malaking demand ng rubber sa pandaigdigang pamilihan, mainam din itong gamiting pananim sa nakatiwangwang na malawak na lupain sa rehiyon at pang-iwas sa tuluyang pagkakalbo ng ating kabundukan . (Alih  Anso-DXUP FM)

Posted by dxupfm at 10:17 am | permalink | comments[31]

Ramadhan

Ramadhan

 (July 15 2011 -Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:     

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali,    

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   

 

Ngayong araw  ay ika-labin-apat ng Shaban sa Hijri calendar, mamaya pa pagsapit ng Magrib (sunset prayer) sasapit ang ikalabinlima ng Sahaban. Ang oras ng Magrib ngayon araw ay 6:09.  Kaugnay pa rin ng Shaban, ngayon  araw July 15, ay deklarado ni Acting Regional Governor Ansaruddin Adiong of the Autonomous  Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang special  non-working holiday sa buong rehiyon.

Sa paliwanag ni Atty. Naguib Sinarimbo, ARMM executive secretary, ito ay bilang pagdiriwang ng  “Nisfu Sha’ban” o kalagitnaan ng   Shaban, ang ikawalo ng buwan ng Hijri. 

Nasasakupan ng ARMM ang mga  lalawigan ng  Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Isabela at Marawi.

Back to our topic,  ang buwan ng Ramadhan ay ang ika-9 na buwan   sa Hijri calendar.

 

Isa pa sa mahalagang pangyayari sa buwan na ito ay ang mga banal na aklat na ipinahayag ng Allah sa nasabi ring buwan kasabay ng Ramadan. Ang Aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi   ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag kay Moses sa ika-6  ng Ramadhan; ang Ebanghelyo (magandang balita) Kay Iesa Ibnu Maryam (Jesus, the son of Mary)  ay ipinahayag sa ika-13   ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng Ramadan.”

 

Ang buwan ng Shaban-buwan na sinusundan ng Ramadan  ay may 29 na araw o 30 araw, ganoon din ang Ramadan na either 29 o 30 araw at ang susunod na buwan at ang ikasampu ay ang buwan ng Shawwal.

 

Ang mga buwan ng Hijri calendar ay ang mga sumusunod: 1) Muharram, 2) Safar, 3) Rabiul Awal, 4) Rabiul Thaani, 5) Jumadil Awal, 6) Jumadil Thaani, 7) Rajab,  8) Shaban, 9) Ramadan, 10) Shawwal, 11) ZulAl Qaida at 12) Zul al hijja.

   

Ulitin ko ngayon ay ika 14   ng Shaban ang ika walong buwan sa hijri calendar, at July 15, mamamaya at about 6:09 ay 15 ng Shaban at ito  ang  tinatawag nila na “Nisfu Shaban” o kalahati ng Shaban.

 

Pagsapit ng  ika-29 ng buwan ng Shaban,   ang pag-niyyat o sighting of the new moon, at ito  ay tatapat sa July 30, 2011   at ang Darul Ifta of the Philipines ang naatasan na mamahala at magsasabi kung nasilayan ba ang  buwan sa Pilipinas.

   

Ang  Propeta Muhammad (SAW) ay nagsabi: “Huwag (magsimulang) magayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Bukhari at Muslim)

 

Ang Ramadan ang ika-9 naman na buwan sa Hijri calendar

 

Ang kalendaryong Islam, ang Hijri calendar,  katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo at  ito   ay binubuo rin ng labing-dalawang buwan.

 

Ang   Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang  Gregorian calendar  ay hinnago sa  solar o hango sa araw.

 

Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.

 

Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , walong na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo  ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa mga kapatid na Muslim ay  isinasahimpapawid ang programang Duyog Ramadan.   Ang radio program  na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.

 

Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan samantala ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang mga Muslim sa   buwan  na ito ng Ramadhan ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

 

Ang mga Muslim sa buong mundo ay nararapat lamang na mag-ayuno ang pinapayuhan na :

  • Magbigay ng kawanggawa sa mga mahirap at maralita.
  • Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.
  • Maging mabuti sa mga musmos at nakakabata.
  • Kumandili sa mga kamag-anak.
  • Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat kahit na ibulong man lamang.
  • Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.
  • Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.
  • Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na pakikitungo ng iba.
 

Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon.  

 

Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman  ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at   pagpapalitan ng mga hadiya o  regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).

 

At dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam sa buwan ng Ramadhan, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.

 

Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gustong matulog sa araw.

 

At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.

 

Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway. 

 

Dapat malaman mo rin  na may exempted o pinapayagan  na hindi mag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo  at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.

 

Kaugnay pa rin ng Ramadhan, tulad ng mga nakaraang mga taon, muling iluulunsad na muli  ng ating himpilan ang programang “Duyog Ramadhan” nitong darating na July 30 at magtatapos sa Agosto 30, maririnig mula ika-lima ng hapon hanggang ika pito ng gabi, sa buong buwan ng Ramadhan. Kaya abangan ninyo dahil atin ito, inyo pong programa, “pagari ko, duyog kami” (Kapatid samahan ninyo  kami,) .

 

Maraming salamat pos a patuloy ninyong pagsuporta ang pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:08 am | permalink | comments[4]

Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo?

July 14, 2011

Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo?

Bakit ko  Ititigil ang Paninigarilyo?

 (July 14, 2011 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:    Bakit ko ititigil ang paninigrilyo? Eh isa din itong batayan na tunay na lalaki. Oo nga no bakit dapat mong itigil ang paninigarilyo? Pakinggan  ninyo ang ating segment writer na si Kaka Alih, baka masagot ang tanong mo.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali,    

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.  Yes,    

Noong una ay di masyado  pinapansin ang masamang epekto  ng sigarilyo o cigarette (alam na ninyo ang sigarilyo dahil tinalakay na natin ito  last week, na ang sigarilyo ay gawa mula sa tabako) subalit nitong mga nakaraang taoon ay may babala na an gating  goberno, sadyang nakaka dahil doon  mismo pinasulat  sa pakete ng sigarilyo ang: “CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH” na ang ibig sabihin ay, ang paghitit ng sigarilyo ay banta sa inyong kalusugan. (LAUGHING) but nitong huli ay lalo pang pinatindi dahil  ang nakasulat na sa pakete ng sigarilyoay cigarette smoking KILLS! Nakakamatay na! (LAUGHING).

Second the motion ako sa idea nay un ng ating kagawaran ng kalusugan (Department of Health)  , dahil  ang paninigarilyo ay nakakasama sa ating  kalusugan sa maraming paraan.   

Papaano? Dahil na rin sa iba’t ibang lason na taglay ng  sigarilyong ito, tulad  ng nicotine,  (isang nakaka-addict na kemikal), carbon monoxide (na sya ring kemikal na nasa tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide (kemikal na nasa mga bomba) at marami  pang iba ng kemikal na saydayng mapanganib sa  kalusuganng  tao.

Alam ba ninyo na ayon sa pananaliksik ng mga dalubhasa ay  may 400 na iba’t ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo?

At heto  pa ang sadyang nakaka-bahala , ang di ko lang alam  kong mababahala kayo  nito.

Nancy: Kaka ano ang balita na nakaka….bahala?

Kaka Alih: heto mula sa datos ng kalusugan: “Bawat oras, sampung Pinoy ang pinapatay ng paninigarilyo.”

Nancy: Diyos ko po.! Sumalangit nawa ang  kanilang  mga kaluluwa.  

Kaka Alih: O,o, kaibigan tila yata ayaw mong maniwala sa bilang na namamatay dahil sa paninigarilyo, you want a proof?  Narito ang ilang pruweba.

Isa sa pinakasikat o starring na   masamang epekto ng paninigarilyo  ay ang lung cancer o kanser sa baga.Sabagay di paman nag 100%, dahil   80% porsyento lang naman ng  lung cancer ay maiuugnay sa paninigarilyo.

Nancy: May iba pa bang kanser na makukuha sa paninigarilyo?

Kaka Alih: Mayroon pa Nancy, ayon sa pag-aaral,    hindi lamang kanser sa baga ang hatid ng sigarilyo, dahil  marami pang ibang kanser ang maaaring maidulot ng paninigarilyo, tulad  ng kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris, at mayroon pang di ko na papangalanan, dahil baka maubos ang time  ko sa Buhay-buhay sa DXUP. (LAUGHING).

Pero Nancy, listen… akala  mo kanser lang ang pwedeng idonate ng sigarilyo?  Wrong ! Mali ka! Dahil hindi lamang kanser ang dulot ng paninigarilyo, ito’y nagpapapataas ng probabilidad na magkaroon ng atake sa puso (heart attack) at iba pang uri ng sakit sa puso at mga ugat ng dugo (vascular diseases).

Ang paninigarilyo ay sanhi ring ng COPD, isang malubhang sakit sa baga na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina. Pinapalala rin ng sigarilyo ang iba pang mga sakit sa baga gaya ng hika (asthma).

Sa mga babae, ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang pangangak ng sanggol at magdulot sa kanyang kamatayan.  Sa mga lalaki naman, ang pagyoyosi ay maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng abilidad na patigasin ang ari (impotence), at kanser ng ari ng lalaki (penile cancer).

Bukod rito, marami pang sakit ang naiuugnay sa paninigarilyo. Ang yosi ay nakakapagsanhi rin ng bad breath o mabahong hininga at madilaw ng ngipin.

“Eh  anong paki  nila buhay ko ito, kong mamamatay ako ay hindi naman  kayo” sabi ng pilosopong adik na sa paninigarilyo. (LAUGHING).

Kaibigan iyan ang akala mo, bakit wala ka na bang natitirang pagmamahal sa Mrs mo, na kauganay  ng buhay mo? (LAUGHING). Wala ka bang natitirang pagmamahal sa mga anak  mo? Hindi mo kasi alam na, pag ika’y naninigarilyo, damay pati pamilya mo!

“O..papano mo naman iyan ipapaliwang kaka?” sabad pa rin  niyang muli. (LAUGHING).

Nakaka ka rin kaibigan, Pilisopo ka talaga, makinig dahil ipapaliwanag ko. Pag ika’y naninigarilyo, damay pati pamilya mo!  Kahit hindi sila naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok sa paninigarilyo mo ay dinadamay mo ang iyong pamilya sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo. Ito ang tinatawag na second-hand smoke, yaong nakakalahng hap ng usok ng sigarilyo mo . Hindi mo ba alam na, napag-alamang lalong  ubuhin at hikain ang mga anak ng taong naninigarilyo?   Dahil doble na ang nakukuha sakit ang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo  mo. Masama na ang usok ng sigarilyo, plus pa yaong galing sa katawan  mo dahil ang usok ay mula sa inyo. Iyan ang tinatawag na “one plus on” kaya equals two, o di ba doble?  simple arithmetic di mo  pa makuha,…. kuha mo? (LAUGHING).Heto pa kapatid,  ang “second-hand smoke”   ay nagiging  sanhi din ng kanser, pulmonya, impeksyon sa tainga, mga problema sa paghinga, at marami pa Kapatid.

Ano kaibigan… kuha mo na kong bakit dapat itigil ang paninigarilyo?

“Kaka  kumbisido na ako sa paliwanag mo, ang tanong naman ay papaano ko ititigil ang sigarilyo?”

Sandali lang Kaibigan, kukunsulta tayo  sa doctor. Heto na ang payo ng Doktor. Ayon sa article  ni Dr. Willie T. Ong na nasa Pilipino Star Ngayon, sinagot niya ang tanong mo kaibigan. 

Narito ang mga hakbang  para  matigil ka sa paninigarilyo, Kaibigan.

  1. Ihanda ang sarili. Alamin ang mga dahilan kung bakit nais tumigil.
  2. Pagpasyahan at planuhin nang mabuti.
  3. Magtakda ng petsa kung kailan talaga titigil.
  4. Umiwas sa tukso. Kaya prepare your CD na tukso layuan mo ako! (LAUGHING) Pansamantalang lumayo muna sa mga kaibigang naninigarilyo rin o kaya ay ipaalam sa kanila ang plano mong huminto na. Itabi ang lahat ng sigarilyo at ashtray sa bahay at opisina. Huwag mag­lalagay ng sigarilyo sa bulsa.
  5. Asahan ang pagdating ng tinatawag na withdrawal symptoms. Ano ito? Ito ay isang kondisyon kung saan ang buong katawan ay nakararanas ng masamang pakiramdam at pagkabalisa dala ng biglang pagtigil sa bisyong nakasanayan na. Ang withdrawal symptoms ay mararanasan sa umpisa ngunit ito ay isang senyales na ang katawan ay nag-uumpisa nang humilom.
  6. Humingi ng suporta mula sa mga kamag-anak, kabiyak at kaibigan.
  7. Maging abala sa mga iba-ibang gawain. Magkaroon ng mga dagdag na libangan tulad ng sports at pagsasa­yaw.
  8. Kunin nang paisa-isang araw ang pagtigil sa pani­nigarilyo hanggang sa unti-unting makasanayan na hindi ka na gumagamit nito.
  9. Huwag agad masiraan ng loob kung sa simula ay hindi magtagumpay. Kaila­ngan ang matinding determi­nasyon para subukan muling huminto. Mag-pursige.
  10. Imbis na sigarilyo ang ilagay sa bibig, mag nicotine gum ka na lang. Magtanong sa doktor o sa botika tungkol sa tamang paggamit ng Nicotine gum.

Kapatid na gustong  itigil ang paninigarilyo pakatandaan itong advise ni Doc Willie:  “Ang paghinto sa paninigarilyo ay hindi   biro. Kailangan ng tiyaga at determinasyon upang mapa­naig ang kagustuhang ma­itigil ang paninigarilyo, at ma­panumbalik ang kalusugan ng katawan.”

Ok pasalamat tayo  kay Doc sa magandang advise, maraming salamat Doc, pasalamat din tayo sa Poong Lumikha (Allah) dahil binigyan tayo ng magandang kaisipan, na  baguhin ang ating buhay. Alhamdullillah (All Praised be to  Allah).

Posted by dxupfm at 7:17 am | permalink | Add comment

Teamwork

July 12, 2011

 (July 12, 2011 -Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Gusto mo ba ng tagumpay ng inyong team o grupo? Ang kailangan ninyo ay  pagtutulungan na magkakasama o teamwork, samahan ninyo kami ni Kaka Ali ang ating segment writer sa Nakaka, dahil teamwork ang kanyang tatalakayin.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali, anong nakaka ang ibabahagi mo ngayon?    

Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh. Ang payo ng mga expert: “Para makamtan ng team  ang tagumpay sa anumang larangan ay kailangan mamayani ang tinatawag na pagtutulungan ng magkakasama o sa wikang banyaga ay teamwork.

 

Sabi ng mga eksperto, kinakailangan natin ang pakikipag-ugnayan sa iba, sa ating mga kasama lalo na kung tayo ay nasa trabaho.  Pagtutulungan ng magkakasama, kailangan para sa tagumpay.

 

Teamwork o pagtutulungan ng magkakasama ay isang pinagsamang aksyon ng dalawang tao  o higit pa, na kung saan ang bawat tao ay tumutulong sa iba’t ibang mga kasanayan at ipinapahayag ang kanyang indibidwal na mga interes at opinyon sa pagkakaisa ng grupo upang makamit ang karaniwang mga layunin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga indibidwal o isahan  ay hindi na mahalaga.   

Ang pagkakamit ng tagumpay  ng grupo ay mabisa at mahusay na pagtutulungan ng magkakasama.    

Ang pinaka-epektibong pagtutulungan ng magkakasama ay nagagawa kapag ang lahat ng mga indibidwal na kasangkot ay magkakatugma ang kanilang mga kontribusyon at nagtatrabaho sa isang pare-parehong layunin o objective. 

Siguro naman bawat isa sa atin ay may experience na  kung paano makisalamuha o makisama sa iba. Subalit aminin natin na  hindi lahat ay nakakalam kung paano ang tamang pakikisama para maisagawa ang isang adhikain o layunin.

Alam ba ninyo na ayon sa payo ng mga bihasa: “Saan mang aspeto ng buhay kailangan nating isakatuparan  ang kahalagahan ng pagtutulungan ng magkakasama.”

Papaano nga ba tayo gagalaw para masabing may teamwork ang grupo?

Narito ang ilang mahahalagang bagay na kinakailangan ng team ninyo para magtagumpay o magwagi:

Dapat bawat isa ay mayroong kaalaman upang magawa ang isang proyekto o trabaho, ito ang tinatawag na Talento o karunungan. Para makamtan  o malaman ng bawat myembro ng team, kinakailangang magkaroon kayo ng mga pagpupulong o meeting.  Kinakailangang  i-share ng bawat isa ang kanyang nalalaman o expertise sa trabaho, nararapat na ang leader at iba pang membro ay marunong tumanggap ng suggestion o mungkahi.  Kung  malawak ang kaalaman o knowledge at karanasan na tinataglay ng isang team, magiging daan ito upang makamit ang  tagumpay o  panalo.

Subalit   hindi sapat na talino lamang ang mamayani sa isang team,  kundi dapat may sigasig (enthusiasm) din na mamayani sa bawat isa.. Ang ibig sabihin nito ay  kailangan magkaroon ng interest ang bawat miyembro  at alam kung paano niya gagamitin ang kanyang kaalaman. Dapat ding maging responsible at  masipag ang bawat isa upang maging kapakipakinabang sa trabaho. Magiging likas ang kalalabasan ng ating pagsisigasig’   kung nagiging mabuting ehemplo tayo sa iba.

Dapat din may pananagutan ang bawat myembro,  hindi lamang sa team kundi sa lahat ng kanyang kagrupo. Dapat din hindi lang tayo responsable sa ating sarili, dapat bawat isa sa grupo ay nakakaalam ng mga plano o yaong tinatawag na well informed, kaya dapat ang team leader ay may sapat na kaalaman sa tinatawag na “management” o “leadership”. Kapag may nakalimutan ang isa sa mga myembro,  kailangan itong paalalahanan. Bakit? Kasi po pag may nagkamali o pumalpak sa myembro ng team ninyo, apektado ang buong grupo. Hindi ba?

Nancy: Tama!

Kaka Alih: Sabi na nga ba eh tama! (LAUGHING) Dapat alam natin kung saan siya, ako, tayo magaling at dapat iagapay  ang kakayahan ng bawat miyembro ng team sa taglay na kagalingan. Ito ang tinatawag nilang proper management o pamamahala. Dapat bawat isa ay may ginagawa at alam kung ano ang kanyang tina-trabaho. Kung may hindi nalalaman, dapat alam kung sinong lalapitan.

Sabi ni Sir, tandaan kapatid: “Kung ang isang tao ay may talento at enthusiasm ngunit walang oras para magtrabaho, mababalewala ang lahat ng ito.”  

Ang availability ng bawat miyembro ay kailangan para makatrabaho bilang isang team. Dapat ang team leader, ang preparation, palaging may substitute sa kanyang plano, ito ang tinatawag nilang plan A, plan B,C, E.. ang ibig kong sabihin dito ay   kung ang isa ay wala, sinong gagawa ng kanyang trabaho? But please consider this, hindi lang dahil bakante siya o free-time,  consider din ang work-ability  ng ipapalit mo. Baka ang ipapalit mo ay hindi alam ang assignment, naku patay  kang bata ka, matatalo talaga kayo. (LAUGHING). Kaya dapat sa bawat miyembro present din ang tinatawag na  adaptability o may kakayanan na ibagay ang sarili.

Dapat naroon din ang expectation ng bawat isa sa ibang possibilities na mangyayari at alam kung paanong kumilos sa kanyang assignment.

Ang understanding sa members ng team ay kailangan upang ang bawat miyembro ay makapagtrabaho ayon sa kanyang abilidad. Kailangan maging open sa bagong ideya, o suhestiyon.  Magkaroon ng bukas na komunikasyon upang maging malinaw sa lahat ang bawat proyekto o adhikaing aabutin.

Matuto tayong respetuhin ang iba nang sa gayon ay naroon din ang respeto nila sa atin. Sa brainstorming, dapat naroon ang laya ng bawat isa na ipaalam ang kanyang opinyon ukol sa isang trabaho nang walang halong pang-iinsulto o pambabastos. Matutong makinig at maging malumanay sa pagtutol sa isang opinyon.

Ilan lamang ito sa gabay  kaibigan para makamtan ang   susi ng tagumpay ng inyong team o  grupo.

Ito ang inyong kateamwork, sa inyong programang Buhay-buhay sa DXUP sa segment na Nakaka… Ang inyong teammate,  Kaka Alih ng DXUP.. Sukran and Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 7:16 am | permalink | Add comment

6th Graduation Exercises ng STEP-UP isinagawa!

July 11, 2011

6th Graduation Exercises ng STEP-UP isinagawa!

DXUP FM -Lenyrose B. Sunio

Nuro, Upi (July11)..BalitaMasayang idinaos  ang 6th Graduation Exercises  ng STEP-UP sa Municipal Gymnasium , kahapon July 10,2011.

Tatlumpot anim ang nagsipagtapos kabilang na ang 14 na mga lalaki at 22 na mga Babae ang tinanggap ni Upi Womens Federation President Amelita Piang.

Ang  Stop Trafficking and Exploitation of People  Through Unlimited Potentials o STEP-UP ay programa ng Visayan Fourm Foundation  katuwang ang Upi Womens Federation Incorporated at ng Lokal na pamahalaan na Upi.

Ayon kay Maria Elena Castro – Vice President  for Operation ng UWFI mayroon ng 363  ang nakapagtapos .

Ayon pa kay Castro  target ng Visayan Forum Founation ang 800 graduates sa loob ng tatlong taon.

Sa 2013 magtatapos na ang nasabing programa.

Posted by dxupfm at 7:36 am | permalink | comments[6]

Ang Skylab o Habal-habal

Ang Skylab o Habal-habal

 (July 11, 2011 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:   Nakasakay ka na ba ng  skylab? May maishare ka bang kuwento na experience mo sa bagong usong-uso na pampasaherong sasakyan na ito,  bakit di mo ishare sa amin ni Kaka Ali sa ating segment  na Nakaka, dahil ang topic niya ngayong umaga sa ating nakaka ay ang tungkol sa Habal-habal o  skylab.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali, anong nakaka ang ibabahagi mo? Habal-habal o skylab? . 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.  Yes,   Ang skylab o habal-habal ang prepared ko ngayong  umaga, kaya sakay na lab este makinig kayo.. -(LAUGHING)

 

Ang skylab o habal-habal kung tawagin  ay isang uri ng sasakyan o transportasyon na karaniwang matatagpuan sa mga bulubundukin at liblib na lugar sa Visayas at Mindanao, at nitong mga dalawang taon na dumaan ay pati na rin ang mga lungsod, tulad ng Cotabato  City ay ginagamit na rin nila bilang “de pasahero” (for hire).

Ang tawag na habal-habal ay nagmula daw  sa salitang habal,  na ayon sa pasalin-salin naman na kuwento, na hanggang ngayon ay di ko parin nave-verify, (LAUGHING) ay nag-ugat daw ito sa salitang Bisaya o Cebuano na ang kahulugan ay:    “pagtatalik ng   hayop, kung saan ang lalaki ay nasa likod ng babae.”

Ang alam ko Nancy habal-habal ay tiganga sa R’nawon ano  sa Teduray?

Nancy: Tiganga din Kaka.

Kaka Alih: “How about the sky lab Kaka Alih, papaano na tinawag naman dito sa Upi na sky-lab, eh  pareho naman silang motorcycle for hire.” Tanong ni Maam.

Oo nga no? papaano ba ito natawag  na sky lab? Ang alam natin  na sky lab ay yaong laboratory  sa kalawakan na nasira na minsan  ng kinatakutan noon  na mahuhulog daw dito  sa  lupa.

Subalit ayon pa rin sa pasalin-salin na kuwentong barbero-(LAUGHING), bakit kuwentong barbero dahil walang kasiguruhan na kuwento, ang source ay hindi  maverify. (LAUGHING).

Ayon  sa sinulat ni Kaka Ali sa  blog na  http://dxup.multiply.com/ , ang  word na  Skylab  ay corrupted word daw o sadyang binago dahil sa kontrebersiya nito. Ang  original na word ay sakay na lab, meaning   “ ride now  my love.” (LAUGHING).

Ayon sa kuwento o joke joke lang, noong unang panahon (di pa  nagtatagal,mga ilang taon pa lamang) dahil sa mahirap ang transportation sa bayan ng Upi, motorsiklo ang nakitang sasakyan na  maaring panghatid ng  mga guro ng  kanilang mga asawa o mahal sa buhay sa kanilang  mga paaralan na nasa mga liblib na lugar, na ang tanging sasakyan na magagamit noon  ay kabayo.

Umaga pa ay ready na  si Mister para ihatid si Maam sa kanyang paaralan gamit ang kanyang motorsiklo, syempre mahal niya yun, kaya   bago sumakay sasabihin niya kay maam na “Sakay na  Love”. (LAUGHING). May nakarinig daw na hindi masyado  maintindihan ang  word na Love, na kong pronounce pa ay lab, (LAUGHING).  sa akala sigoro na ang tawag sa  motor na yaon  na  iyon ay sakay na lab, kaya hayun na tinawag  din  na sakay  na lab.  (LAUGHING).

May iba  pa akong version na   narinig, syempre nakita ng mga  ibang mga  tao na pwede pa lang itong pagkakitaan ang motorsiklo tulad sa ibang lugar, kaya dito  na nagsimula ang pag-gamit sa motorsiklo dito sa Upi, bilang de  pasaherong motor  kaya lang ang tawag ay skylab na  pinaikling sakay na lab. (LAUGHING).

Sa kasalukuyan,  ang habal-habal o skylab ay tumutukoy sa isang uri ng  pampasaherong motorsiklo na binago at higit na pinatibay upang makasakay ng higit pa sa daming pasahero   ng isang ordinaryong motorsiklo.

Ang de pasaherong single motorsiklong ito  ang karaniwang ginagamit na sasakyan sa mga lugar na hindi kayang daanan ng mga pampasaherong  bus at jeep dahil sa matarik, lubak-lubak at maputik na daanan patungo sa liblib at bulubunduking mga barangay.

Balikan ko lang yong sinabi ko kanina, na mayron din ibang version,  kong bakit skylab, ito daw ay kilala   sa tawag na Skylab na ayon sa ilan ay hango sa pangalan ng estasyong pangkalawakang nasira at bumulusok pabalik dito sa mundo,at ng panahon na yaon na sinimulang gamitin sa Upi ang panahon  na ginamit itong pampasahero.

 Alam ba ninyo na may dalawang  uri  ng Habal-Habal  o Skylab?

Yes ayon sa ating pananaliksik, mayroong dalawang anyo ang habal-habal sa Visayas at Mindanao.

Una, ang isang motorsiklo ay dinagdagan ng mga pampatibay sa katawan, nilagyan ng isang upuan sa ibabaw ng tangke ng gasolina, at pinahaba ang upuan sa likuran upang maaaring sakyan ng mula dalawa   hanggang sa limang   pasahero.  Karaniwang pinauupo ang pinakapayat at pinakamaliit na pasahero sa ibabaw ng tangke ng gasolina, sa unahan ng drayber.  Ang pinakamataba naman ay pinauupo sa pinaka-gitna upang mabalanse ang motorsiklo. Ang pang-apat, panlima at pang-anim na pasahero ay pinapaupo sa hulian.

Ito ang pinaka-gusto ko kaya pangarap kong maging driver ng skylab.

Nancy:  Bakit Kaka Ali, bakit mo  pinangarap na maging driver ng skylab?

Kaka Alih:  bakit?  Kasi yaong pinauupo mo ang pasahero sa harapan ng driver, ang sarap ng buhay ng driver pag chicks na  maganda ang nasa kandungan  mo. (LAUGHING). Kaya kung ako ang driver,  hindi  ko pipiliin na  paupuin sa tangke ang  maliit o payat, kundi yaong maganda at seksi. (LAUGHING).  pinakamataba naman ay pinauupo sa pinaka-gitna upang mabalanse ang motorsiklo. Ang pang-apat, panlima at pang-anim na pasahero ay pinapaupo sa hulian.

Ikalawa, wala dito sa Upi kundi doon ako nakakita nito sa may Silangang Mindanao sa Davao at Surigao. Ang isang simpleng motorsiklo ay nilalagyan ng kahoy na pahalang sa likuran ng sasakyan na magsisilbing upuan ng mga tao. Ang kahoy na ito ay binalutan ng goma at supot upang hindi masaktan sa pag-upo ng mga pasahero. Sa pamamaraang ito, maaaring magsakay ng hanggang sa labindalawang (12) pasahero sa motorsiklo. Ang kanilang mga bagahe tulad ng mga bag, isang sakong bigas, mga pinamili sa palengke, manok at kambing, ay itinatali lamang sa mga kahoy na nakakabit sa likuran. Kumplikado ang pamamaraang ito dahil kailangang balansehin ng drayber ang motorsiklo habang umaandar sa matarik at lubak-lubak na daanan.

May mga dahilan o rason  bakit  nauso ang pag-gamit ng single motocycle na ito.

“Di sapat ang aming capital para bumili ng napakamahal na sasakyan, ang motorsiklo ay mura lang , konting capital lamang di katulad sa jeep” Pahayag ni Jodie isang dating driver ng   6×6 na ngayon  ay isa ng driver ng habal-habal or skylab sa mga bulubundukin ng Upi.

Sa bayan ng Upi,  ang driver ng skylab ay hindi  gumagamit ng proteksyon sa katawan tulad ng helmet, na ito ay requirement ng ahensiya sa mga sakay ng motorsiklo. Bagaman itong mga ilang buwang  nakakaraan ay naibalita na natin mahigpit ng tinututukan ng otoridad ang pagpapagamit ng helmet sa mga sakat ng motorsiklo, bilang pangangalaga na rin sa kanilang kaligtasan.

aAnother  hirit   sa mga driver  ng skylab, kong nasa sakop na kayo ng AOR ng Barangay Nuro o nasa poblacion na ang speed limit ay 20 kph, kaya mga driver ingat, baka ang perang para sa pamilya ay mapunta pa sa multa sa kayo  ay kaskasirong driver.

Sukran. Wassalam

Posted by dxupfm at 7:11 am | permalink | Add comment

Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!

July 8, 2011

Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!

 (July 8, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Anong malay mo baka makatsamba! Kapatid makinig sa ibabahagi ni  Kaka Alih baka kayo makatsamba (PLAY LAUGHING) .

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali, ano  pwede nilang matsambahan sa ating segement  na  nakaka?

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   Pag nakinig kayo hindi lamang tsamba kundi sigoradso kayong magwawagi. (PLAY LAUGHING)

Alam mo Nancy? Ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon  ng isang bagay na hindi naman masyadong pinagpapaguran.

Ang madalas na gumagamit nito ng “tsamba” ay ang mga kapatid na mgaa nagsusugal (game of chance), dahil sila ay nagbabasakali na manalo. “Anong malay mo baka makatsamba!” (PLAY LAUGHING)

Alam ba Nancy na May  mga kapatid pa ito tsamba?.

Nancy:  Bakit kaka may kapatid pa pala ito? Please elaborate. (PLAY LAUGHING)

Kaka Alih:  Ang mga kapamilya nito ay:  “tsumamba lang”  in English ay, just got lucky; “tsumamba din ako”(I finally got lucky); “tsumamba ka lang”  (you just got lucky); “tsumamba lang sila” (they just got lucky) at heto  pa “mahirap tsumamba nang ganoon” (It’s tough to get lucky that way); “tsambahan lang ito” na ang meaning naman ay this is all a matter of being lucky.

Tsamba (chance)  ito  ang ugat na salita, pag binabanggit ang salitang tsamba ay Naalaala ko   ang     isang lumang pelikula na may titulo na “Patsamba-tsamba” , pelikula sa kalagitnaan ng 60’s, isang komedi at love story movie.  Ito ay kasaysayan ng isang babaeng   mahirap na walang ibang trabaho kundi ang magtinda ng bote na umibig sa isang tambay   na isa namang Butangero. Ang mga bida ay sina Nida Blanca, Nida Blanca siya si Bertang Bote, mga tinedyer pa sila dito, katambal niya dito si Bernard Bonnin, Mina Aragon, Menggay, Jose Garcia at Johnny Long, ang iba hindi ko na matandaan, ang naalaala ko lang kasi ang mga kilala kong  mga  artista.

Ang tanong: “ito ba ay nakakabuti sa ating mga tao?”

“Pag nanalo ka Kaka, makakabuti”. Sagot ng isang mahilig magtaya  sa sugal na last two.

Ang tanong kaibigan, how sure na pag may pera ka na bubuti ka na? Marami ng nagkaroon ng maraming  pera, subalit hindi pa rin bumubuti.

Marami na akong narinig na  nanalo sa sugal subalit lalo pa ring naghihirap ang kabuhayan.

Ayon sa pag-aaral  karamihan sa mga nanalo sa larong sugal ay nasa mas mahirap pa na sitwasyon ilang taon matapos niya mapanalunan ang malaking halaga ng pera mula sa sugal. Kokonti, kung mayroon man, ang tapat na ibinigay ang pera para sa mabuti o magandang hangarin.

Para sa mga kapatid na Kristiyano, may tanong: “Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsusugal?  Kasalanan ba ang pagsusugal?”

Heto  ang sagot : (http://www.gotquestions.org/tagalog/kasalanan-pagsusugal.html) “Maaaring isalarawan ang pagsusugal na “Pagbabakasakali sa pera upang tangkaing paramihin pa ito sa paraang di pangkaraniwan.” Hindi partikular na hinahatulan ng Bibliya ang pagsusugal, pagpupusta at iba pa. Gayon man, binibigyang babala naman tayo ng Bibliya na umiwas sa pagmamahal sa pera (1 Timoteo 6: 10; Hebreo 13: 5). Hinihikayat rin tayo ng Kasulatan na iwasan ang mga pagtatangkang yumaman sa pinakamadaling paraan” (Mga Kawikaan 13: 11; 23: 5; Mangangaral 5: 10). Ang pagsusugal ay kadalasang nakasentro sa pagmamahal sa salapi at hindi maipagkakailang maraming tao ang natutukso nito dahil sa pangakong madali at mabilis na pagkamal ng kayamanan.

May nagtanong pa ng: Ano ba ang mali sa pagsusugal?

Sabagay, ang pagsusugal ay isang mahirap na isyu dahil kung ginagawa lamang ito ng paminsan minsan at hindi regular o kung may okasyon lang, maaring ito’y pagsasayang ng pera, subalit hindi nangangahulugang ito’y  kasamaan.   Ang mga tao ay nagsasayang ng pera sa anumang uri ng aktibidad.  Ang pagsususugal ay hindi maituturing na mas matinding pagsasayang ng pera kumpara sa palagiang panonood ng sine, pagkain ng mga hindi naman kinakailangang pagkain, o pagbili ng wala namang silbing bagay. Ang katotohanang naaaksaya ang pera sa anupamang bagay ay hindi nagbibigay-matuwid sa pagsusugal. Ang pera ay hindi dapat aksayahin. Ang sobrang pera ay dapat iniimpok para sa mga darating na mga pangangailangan o di kaya ibigay sa gawain ng Panginoon - at hindi dapat sayangin sa pagsusugal.

Sinasabi sa aklat ng Kawikaan 13: 11, “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.”

Winika ng Allah sa Qur’an na “bawal ang pagsusugal” at dahil dito, ang isang bansang nagpapatupad ng Islam ay hindi maaring magbukas ng casino, lotto, sweepstakes, atbp.

Tinatanong ka nila tungkol sa alak at pagsusugal. Ipahayag: O Propeta, sa mga ito aya may malaking kapinsalaan at ilang kapakinabangan, subalit ang kapinsalaan ay mas malaki kaysa kapakinabangan.” [Surah Al Baqarah 2:219]

Isa pa ring Islamikong panuntunan na sa mga bagay na ipinagbabawal, anumang bagay na makapagbibigay-daan sa pagsasagawa ng mga iyon ay ipinagbabawal din.

Ang pagsusugal ay  isa sa mga hindi  kanais-nais na gawain na karaniwang ginagawa ng tao. Higit na  itinuturing nila ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo,  balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan.   Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!

Sa iba ay ginagamit pa itong propesyon o hanap-buhay, ginagamit pa itong  paraan upang masunod ang luho sa sarili, makaahon sa kahirapan at iba pa, na sa pag-aakala ay wala itong ibubunga na kasamaan.

“Kung batid nga lamang nila, na ito ay isa sa malaking kasalanan sa harapan ng Allah.” Bahagi ng kuthba  (sermon sa Salah saBiyernes) ni Ustadz Ahmad.

Tama ang tionuran ni Ustadz Ahmad, dahil ayon sa pag-aaral,   bukod sa pinupukaw ng sugal   ang poot sa kalooban ng isa’t isa, lalo sa natatalo, nagbibigay din ito ng immoralidad sa katauhan ng isang tao.

Hindi ito nakapagdudulot ng kabutihan sa tao at kung mayroon man ay napakaliit lamang, na ang hahantungan din sa bandang huli ay pagkawasak at kapahamakan!

Bakit natin ito sinasabi?  Sinabi ng Allah. Dahil kailanman ay, hindi maaaring magbunga ng mabuti ang kasamaan, kundi ng kasamaan din! Maliwanag na sinabi ng Allah sa Quran:

“Sabihin (mo sa kanila O’ Muhammad): “Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan. Samakatuwid! O’ tao na may pang-unawa, Katakutan ninyo nang labis ang Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at mahalin ninyo Siya nang labis (sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos), upang kayo ay maging matagumpay.”

Kapatid na naniniwala sa Poong Lumikaha, para sa ating kapakanan ang pagbabawal na ito. Sa katunayan, napakabait ng Allah sa atin, ibinigay na Niyang lahat-lahat ang makabubuti para sa atin — ang pinakawastong pamamaraan ng pamumuhay! Subali’t ang iba ay ayaw pa ring pahalagahan ito!

Kong ang ating mga relihiyon o pananampalataya ang ating pagbabasehan ay  ang lahat ng uri ng sugal na sangkot ang salapi at mga ari-arian, ay ipinagbawal ng Allah na tulad ng: Lottery, Lotto, Sweeptakes, Casino, Jai-alai, Jueteng, Karera, Sakla, Madyong, Pares-Pares at iba pang mga laro na kauri nito.

Ang masaklap nga lang nito, ay kalat na kalat na sa ating lipunan ang mga ganitong bisyo:

May ilang uri ng sugal na ginawang legal ng pamahalaan, na kinabibilangan ng mga kilalang tao sa lipunan at may malakas na impluwensiya!

At ang iba namang sugal na hindi ginawang legal ng pamahalaan ay nagkalat at naglipana sa kapaligiran!

Paano mapabubuti ang lipunan kung ganitong sistema ang umiiral?

Kong gusto nating magkaroon  ng kayamanan o  pera, magbanat tayo  ng buto, paghirapan  natin, sundin natin ang tamang panuntunan ng ating relihiyong  pinaniniwalaan.

Ang  inyong kapatid, Kaka Alih. Sukran. Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:14 am | permalink | Add comment

Apat na resolusyon-inaprubahan sa 11th Regular Session ng Upi Sangguniang Bayan

July 7, 2011

Apat na resolusyon-inaprubahan sa 11th Regular Session ng Upi Sangguniang Bayan

Balita ni Lenyrose B. Sunio, Hannadi Sarmiento Guiamad at Kaka Alih-DXUP FM Balita

Nuro, Upi (July 7)…Inaprubahan sa 11th Regular session ng Sangguniang bayan kahapon ang apat na mahahalagang resolusyon sa kanilang executive agenda.

Ang session ay pinangunahan ni Vice Mayor Alexis Platon.

Si vice Mayor Platon ay dating nangungunang halal na kasapi ng Sanggunian Bayan, at dahil ang halal na alkalde na si Atty. Ruben Platon ay na-appoint na presidente ng Philippine Public Safety College (PPSC) ang bise alkalde na si Ramon Piang Sr ang pumalit na mayor.

Unang inaprubahan ng konseho ang, paglikha at pagpondo sa dalawang administrative aid na posisyon, sa ilalim ng   office of the Municipal Mayor.

Ikalawa, ay ang pagslipat  ng position at personnel mula office of the mayor patungo ng office of the municipal treasurer.

Pangatlo ang pag-papalit ng posisyong board secretary,  sa administrative V sa office of the board secretary to the sanggunian  at pag-upgrade sa salary grade at pagpondo dito at panghuli ang pag-apruba sa pagbibigay ng otoridad sa alkalde na pumasok sa isang kasunduan sa DILG para sa CBMS networking.

At dahil unang session ng buwan, nag-ulat din ang mga miyembro ng SB hinggil sa ibat ibang problema sa kani-kanilang distrito.

Posted by dxupfm at 7:29 am | permalink | comments[11]

Ang Paninigarilyo

Ang  Paninigarilyo

 (July 7, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Mga naninigarilyo ang nagplano pang manigarilyo, makinig sa ibbahagi ni Kaka Alih, ang ating nakaka na segment writer.. bakit paninigarilyo ang topic niya ngayon sa ating segment na nakaka.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali. 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.    Ang paninigarilyo ay maituturing na isang bisyo ng mga kabataan at mga matanda din.   Ang paninigarilyo ay ang paghithit ng siga na galing sa nasusunog na tabako.

 

Bago natin ito ituloy pagtuunan muna natin itong tabako na siyang pangunahing  ginagamit na material sa paninigarilyo.

Ang tabako (tobacco) ay tanim   na kadalasan ay ang ginagamit ay dahon.  Maari itong kainin,  (kaya kong wala ka ng bigas, nguya ka na lang ng tabako) gamitin bilang organikong pamuksa ng peste at bilang sangkap sa gamot kung gagamitin sa pormang nicotine tartrate.  Subalit ang madalas na ginagamitan  ng tabako   ay sa pamamagitan   ay  paninigarilyo, pag-nguya, pag-hitit, at may ibang uri pa ng pag-gamit.

Ang tabako ay matagal nang ginagamit ng mga unang tao sa Amerika. Subalit sa pagdating ng mga taga-Europa sa Hilagang Amerika, ito ay naging gamit pangkalakal at panlibang na gamot (recreational drugs). 

Di naglaon ay naging sikat  ang pag-gamit ng tabako na siyang n nagpaunlad ng ekonomiya ng katimugang bahagi ng Estados Unidos bago ito napalitan ng bulak. Ang bulak ang dating unang produkto ng Amerika.

At ang higit na nagpatanyag pa sa tabako ay pagkatapos ng  Digmaang Sibil ng Amerika , may mga pagbabago sa mga pangangailangan dahil dumami ang naninigarilyo at ang mga trabahador sa pagawaan ng  sigarilyo ay lumago. Ang produktong ito ay ang nagpaunlad sa mga kompanya ng tabako sa Amerika hanggang sa   kalagitnaan ng 1900.

Maraming uri ng mga tabako na napapabilang na mula sa lahi ng Nicotiana. Ang salitang nicotiana (pati na rin ang nicotine) ay pinangalan kay Jean Nicot, isang Pranses na embahador sa Portugal, na sa 1559 ay hinatid ito bilang gamot sa korte ni Catherine de Medici.

Sa gustong kumilala kay   Catherine, siya ay may asawa na, dahil maagang nag-asawa sa edad na katorse, diyan sigoro hinango ang pelikulang katorse (LAUGHING).  Si Catherine ay isang Italyano na naging asawa  ni Haring Henry II ng Pransya.

Balik tabako tayo,  ang tabako ay  nakakaadik dahil sa taglay nitong  nicotina, na sa oras na makahiligan mo ito ay mahirap  ng hiwalayan dahil sa linamnam nito.

Pag-usapan natin ang madalas na gamit ng tabako, of course daw, ang paninigarilyo. Sigarilyo ang gamit ng  naninigrilyo of course, mayroon ka pa bang ibang naiisip?. (LAUGHING). 

Ang sigarilyo ay  mula sa salitang Pranses na   cigare + ette,  na ibig sabihin ay  maliit na sigaro. Ito   ay isang produktong ginagamit sa pamamagitan ng pagpapausok   o paninigarilyo, at gawa mula sa pinong hiwang dahon ng tabako.

At tulad ng nakagisnan ninyo, ang sigarilyo ay sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito (alangan naman na sa ginatna mo sindihan-LAUGHING) at sa kabila naman ay kung saan maaaring hithitin ang usok, pero ang iba kong walang posporo o walang  pansindi ay nginunguya na lamang. (LAUGHING). 

Sa kabila ng babala na nakakaadik ang tabako, nakakamatay din ang paninigarilyo. “Bakit may naninigarilyo  pa rin?”   Oo nga no?  bakit may naninigarilyo pang tao? Hindi ba nila alam na ito ay nakakmatay din.

Ayon sa ating pagtatanong ay dahil sa nayaya ng barkada, stress, nakikita sa mga matatanda, nakikita sa TV o patalastas.

“Kaka Ali totoo ba na nakakabaog   ang paninigarilyo?” tanong ng isang batang-bata na Mrs.

Yes… may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang paninigarilyo ay nakakabaog sa lalaki at babae.  Kaya hindi  muna kailangan ang condom. (LAUGHING). 

Ano ang mga epekto ng paninigarilyo Kaka Ali? Tanong ng isang estudyante.

“Kaka adik na ako sa sigarilyo  may solusyon pa ba para matigi ako sa paninigarilyo?” tanong pa muli ni Mrs.

Para sa akin ang solusyon ng paninigarilyo ay sa pag iwas sa mga kaibigan na naadik sa paninigarilyo at para lalo pa itong maiwasan.  At dapat kumain ka ng sapat at mga masustansyang pagkain. At ang mabisang   solusyon  nito ay pag may batas na nag sasabing bawal na ang pag-gamit ng sigarilyo at dapat ding turuan ng mga magulang ang mga anak nila na nakakasama ang pag-gamit ng sigarilyo sa katawan ng isang tao at dapat din tayong makinig sa payo ng mga doctor, na nakakasama sa kalusugan ang paninigarilyo.

Nancy: Kaka ayon sa nakasulat sa etikita sa kaha ng sigarilyo,  nabasa ko doon an “SMOKING KILLS”. (LAUGHING). 

Kaka Alih: Tama ka Nancy,   nakasulat na ngayon sa mga kaha ng sigarilyo ang katagang ang paninigarilyo ay nakakamatay . Binase ng goberno     ito marahil sa ulat na 250 ang Pilipinong namamatay araw-araw o may katumbas na 90,00 bawat taon ang namamatay dahil may kaugnayan sa paninigarilyo ng tabako. Ang mga sakit na maaring sanhi ng paninigarilyo ay sakit na cardiovascular, pulmonary, metabolic diseases, at cancers lang naman , (LAUGHING).  Lalo na ang lung cancers.  

“Kaka gustong tumigil na sa paninigarilyo, paano matitigil ang paninigarilyo?” Tanong ng kumpare na naniwala sa ating tinatalakay.

Matitigil ang paninigarilyo kung titigil na kayong manigarilyo…( SIMPLE ) 

Kapatid na nakikinig sadyang nakalulungkot isipin na ang paninigarilyo, isang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa bibig, lalamunan at baga, ay laganap na sa lipunan.  Hindi maitatatwa na may mga Muslim na biktima rin ng bisyong ito. Kanilang ikinakatwiran na ang paninigarilyo ay Makrooh.

Noong ika-17 siglo, nang unang nakarating ang sigarilyo at tabako sa mga Muslim ng Emperyong Ottoman (Ottoman Muslim Empire), karamihan sa mga paham (iskolar) sa Islam ay nagbigay pasiya (alituntunin) sa pamamagitan ng Qiyaas  na ang paninigarilyo ay Makrooh, sapagka’t ang tanging alam nilang masamang bunga nito, sa mga panahong iyon, ay ang pagkakaroon ng mabahong hininga. Ang pasiya ay batay sa isang Hadith na ang Propetar ay nagsabi: “Sinumang kumain ng masangsang na halamang ito (bawang) ay hindi dapat pumunta sa Masjid.” Ang mga tao ay nagsabi: “Ito (bawang) ay ipinagbawal! Ito ay ipinagbawal!” Nang ito ay nakarating sa Propetar, siya ay nagsabi “Hindi ko maaaring ipagbawal ang pinahihintulutan ng Allah.  Ang tanging amoy lamang nitong halaman (bawang) ang hindi ko nais.” Sa mga sumunod na panahon, kanya ring isinama ang sibuyas at leek sa mga bagay na masangsang (offensive). Katulad ng pagkain ng bawang at sibuyas, ang taong naninigarilyo ay may masamang amoy din na nakaaabala sa ibang nasa Masjid.  Bagama’t hindi namamalayan ng isang taong naninigarilyo, kadalasa’y ang kanyang hininga, damit, sasakyan at pamamahay ay may masamang amoy.

Nancy: Sa Islam kasalanan ba ang paninigarilyo?

Kaka Alih: Sa panahon natin ngayon, napatunayan ng mga dalubhasa sa medisina na ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng kanser, bukod pa sa mabahong hininga at iba pang mga karamdaman. Sa pakete pa lamang ay may babalang nakasulat na ang paninigarilyo ay nagbibigay panganib sa kalusugan.  Ayon sa mga lathalaing pang-medisina, ang usok ng sigarilyo o tabako ay kinapapalooban ng 4,000 kemikal, karamihan sa mga ito ay kilalang nagdudulot ng kanser. Ang ilan sa mga nakapipinsalang kemikal na ito ay tar, carbon monoxide at nicotine. Ang tar ay may libo-libong kemikal kasama na rito ang nitrogen oxide at hydrogen cyanide na pinanggagalingan ng kanser.  Ang carbon monoxide naman ay katulad ng usok na lumalabas sa tambutso ng sasakyan. Ang kemikal na ito, kapag nahalo sa hemoglobin sa daloy ng dugo, ay nagbibigay balakid sa kakayahan ng katawan upang makakuha at makagamit ng oxygen, isang pangunahing sangkap na kailangan ng katawan.  Ang paninigarilyo ay nagdudulot sa naninigarilyo at sa lagi nang nakalalanghap ng usok nito ng kawalan ng gana sa pagkain, kanser sa baga, emphysema, asthma, bronchitis, myocardial infraction (atake sa puso), coronary heart disease, at ang laganap na pagtigas ng mga arteries (punong daluyang ugat).

Sa dahilang ang kanser ay kadalasang nakamamatay, ang mga paham o iskolar sa Islam ang nagbigay pasiya sa pamamagitan ng Qiyaas na ang paninigarilyo ay Haraam (kasalanan).

Kaya sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, itigil na ang paninigarilyo. Sukran. Wassalam.

Posted by dxupfm at 6:47 am | permalink | comments[4]

Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month isinagawa sa Rempes!

July 6, 2011

Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month isinagawa sa Rempes!

Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month isinagawa sa Rempes!

(By: Noralyn Laguey Bilual) DXUP FM Balita

Nuro, Upi (June 6)…Isingawa kamakalawa July 4,2011 sa Dr. Bernabe G. dela Fuente Sr. National High School na dating Rempes National High School ang Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month.

Ipinaliwanag ni Dexter Supeña Registered Nurse mula sa RN Heals Program na kumatawan kay Municipal Health Officer Dr.Carmelo Esberto ang kahulugan ng tema ng Nutrisyon ngayong taon na “Breastfeeding Tama, Sapat at Ekslusibo”.

Ilan din sa nagbigay ng mensahe ukol sa Disaster Risk Reduction ang Project Manager ng CCF-TDSP Noli Acosta, habang mayroon ding mula sa Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni Fire Marshall Luther Opo at kanyang ipinaliwanag ang pagtuturo sa mga kinakailangang paghahanda sa mga sakuna at kalamidad at nagkaroon din ng drill o pagsasanay ng aktuwal kasama ang mga istudyante, guro at School Nurse ng Dr.Bernabe G. dela Fuente Sr. National High School.

Layunin ng nasabing drill na maging handa ang mga kabataan sa panahong may sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad.

 

Posted by dxupfm at 10:42 am | permalink | comments[12]

RHU BOOTH NANGUNA SA CONTEST

RHU BOOTH NANGUNA SA CONTEST

LeLucy B. Duce--DXUP FM Balita

Nuro, Upi (June 6)…Nagwagi bilang 1st placer ang booth Number 8 RHU  na may puntos na 91.67 % at nagkamit halagang 2,000.00 sa ginawang booth contest bahagi ng 1st Upi Health summit.

2nd place naman Philhealth nutrition at 4Ps  booth na may 89.3% at nagkamit ng 1,500.00 at 3rd placer ang booth number 5 Birthing Clinic at may cash prize na 1,000.00 habang may consolation prize naman ang mga booth numbers 2,3,4,6,7, na may tig 500.00.

Nagsilbing hurado sina Emran Mohamad ng Zuelig Family Foundation,Pearl Gariguez Chiong at Cecilia Pelobillo ang Municipal Local Government Operation Officer (MLGOO).

Posted by dxupfm at 10:30 am | permalink | comments[19]

Comprehensive Social Health Program isusulong sa bayan ng Upi!

Comprehensive Social Health Program isusulong sa bayan ng Upi!

Hanadi Sarmiento Guimad -DXUP FM Balita

Nuro, Upi (June 6)…Sinabi kahapon ni Honorable Mayor Ramon A. Piang Sr. sa kanyang mensahe sa idinaos na kauna-unahang Municipal Health Summit na isa sa isusulong ng kanyang administrasyon ang Comprehensive Social Health Insurance Program kung saan ang lahat ng sector ng lipunan ay makikibahagi sa pagsusulong ng maayos na kalusugan ng bawat mamamayan dito sa bayan. Dagdag pa niya, ang kalusugan ay business ng lahat at hindi  ng mga health providers lamang.

Isasailalim din sa naturang programa ang pagpapatuloy ng legacy program ni dating Municipal Mayor at ngayon ay Philippine Public Safety College president Atty Ruben Platon na pamamahagi ng libreng Phil Health Cards. Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit kumulang 1600 Philippine Health enrollees ang bayan ng Upi. Ayon kay Mayor Piang taun-taon umano ay mag-eenrol ang LGU ng karagdagang 1,500 at naniniwala ito na darating ang panahon na magkakaroon ang bawat upian ng pansariling kakayahan pagdating sa pangkalusugang aspeto. Ngunit nilinaw nito na ang unang taon lamang ang babayaran ng LGU at ang susunod na mga taon ay contribution na ng mga card holders.

Posted by dxupfm at 10:22 am | permalink | comments[8]

1st HEALTH SUMMIT SA UPI ISINAGAWA

1st HEALTH SUMMIT SA UPI ISINAGAWA

Lucy B. Duce-DXUP FM Balita

Nuro, Upi (June 6)…Isinagawa sa Upi Maguidanao ang kauna unahang Health Summit na dinaluhan nina Upi Mayor Ramon Piang Sr, Upi Vice Mayor Alexis Platon mga Sangguniang Bayan Members Barangay Opisyals ng 23 Barangays, at ibat ibang Stake holders.

Dumalo din si Emran Mohamad  mula sa Zuellig Family Foundation.

Sa maikling Programa sa Municipal Gymnasium Binati at pinuri ni Mohamad ang mga stakeholders lalo na ang lokal na pamahalaan ng Upi sa pagiging partner nito sa pagsusulong ng magandang aspeto ng pangkalusugan.

Aktibong nakilahok naman ang mga Barangay Opisyal sa Workshop kung saan sa pamamagitan ng pagguhit ay ipinaalam nito ang kalagayang pangkalusugan sa Upi at pangarap para sa Upi na ipinaliwanag din ng walong grupo.

Maliban sa mga Barangay opisyal at mga BHW ay aktibong nakilahok din ang Philppine Army sa pamumno ni 1LT Jose Philip De Castro at Police Inspector Mark Ian Ramos Deputy Chief of Police.

Nagkaroon din ng Presentation si Dr Carmelo Esberto Municipal Health Officer kaugnay sa kalagayang pangkalusugan mga kahinaan at kalakasan nito at mga programang pangkalusugan.

Makabuluhang nagtapos ang programa sa pamamagitan ng final judging ng mga  booth.

Posted by dxupfm at 10:12 am | permalink | comments[12]

ARMM Human capacity Development Chief Adviser Michimasa Numata at Mayor Piang Lumagda sa isang Memorandum of Agreement !

ARMM Human capacity Development Chief Adviser Michimasa Numata at Mayor Piang Lumagda sa isang Memorandum of Agreement !

Lenyrose B. Sunio-DXUP FM Balita

Nuro, Upi (June 6)…Balita Lumagda sa Memorandum of Basic Agreement o MOBA  sina ARMM Human Capacity Development Chief Adviser Michimasa Numata  bilang representante ng IC net Limited at Upi Mayor Ramon Piang Sr.  ukol sa Technology Transfer  ng ARMM Human Capacity Development project kung saan nakapaloob ang Goat Raising sa ilalim ng Economic Component nito.

Ang Signing ay isinagawa sa Municipal Conference Hall kahapon ng  umaga na sinaksihan ng mga Municipal Councilors, Department heads, barangay officials at mga empleyado ng Lokal na pamahalaan ng Upi.

Ang IC Net Limited ang in-charge sa Extension Period Mula May 2011 hanggang March 2013  sa ARMM kung saan nagpapatuloy ang pagpapatupad ng programang ARMM Human Capacity development Project para sa  mga opisyal nito  sa pamamagitan ng kooperasyon ng  Japan International Cooperation Agency o JICA.

Magpapatuloy din ang pagtrain ng mga magsasaka sa teknolohiya ng pangangalaga ng kambing bilang bahagi din ng  pag-tatag ng Halal Industry sa rehiyon.

Posted by dxupfm at 10:05 am | permalink | comments[8]

Diskriminasyon

Diskriminasyon

 (July 6, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:   Ang bukang bibig ng karamihan pag may hindi  napagbigyan o nabigyan ng pansin dahil sa isang kahinaan o pagiging kakaiba nito ay sasabihin na diskriminasyon, ang tanong alam mo ba ang kahulugan  ng diskriminasyon? samahan kami ni    Kaka Ali   sa ating segment na nakaka dahil ang tatalakayin niya ngayon umaga ay diskriminasyon.

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali. 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.

 

At  ayon sa Wikipedia: To treat one particular group of people less favorably than others because of their race, color, nationality, or ethnic or national origin.

Ang ibig sabihin ng diskriminasyon ay ang hindi pantay na pagtingin sa karapatan, lahi, kulay, o kultura nang isang tao.

Alam ba ninyo na may batas sa Britanya na kinikilala ang dalawang uri ng diskriminasyon? The law in Britain recognizes two kinds of discrimination: direct and indirect. Ito ang  tinatawag nilang

·         Direct discrimination occurs when a ‘protected characteristic’ such as race, colour, nationality, or ethnic or national origin is used as an explicit reason for discriminating. Ang ibig sabihin nito, ang Direktang diskriminasyon ay nangyayari kapag ang isang ‘protektadong katangian’ gaya ng lahi, kulay, nasyonalidad, o etniko o bayang pinanggalingan ay nagamit na bilang isang malinaw na dahilan para sa nakikitang kaibahan.

·         Indirect discrimination occurs when there are provisions, criteria or practices operating, which have the effect of discriminating against certain groups of people, by putting them at a disadvantage compared with others, and which cannot be justified as proportionate. Ang hindi direktang  diskriminasyon ay nangyayari kapag may mga batas, pamantayan o kung saan ay mayroon ng epektong nakikita ang kaibahan laban sa ilang mga grupo ng tao, sa pamamagitan ng paglagay sa kanila bilang dehado kumpara sa iba, at kung saan ay hindi maaaring Pantay bilang katimbang.

Ang  halimbawa, ay sa paaralan o kawani ng pare-parehong code  o design ng damit na maaring hindi katanggap tanggap ang ganoon na design.  Ang mga design ng damit Muslim ay mahaba ang manggas o sleeves, at dapat ay nakacover o natatakpan ang kanilang  buhok. Kong titingnan mo ang ganito ay masasabi natin hindi uniporme, dahil maiiba ang kanilang design di ba?

Mga tauhan sa isang tindahan sa cofffeshop  ay  kailangan magsuot ng unipormeng palda, ngunit ang isang Asian manggagawa babae tumanggi para sa relihiyosong dahilan.  Ang ganitong kaso ay nangyari subalit nananlo sa   hukuman napag-alaman na  ang shop ay  nagkasala ng hindi direktang diskriminasyon, dahil ang isang malaking bilang ng mga Asian kababaihan ay hindi magagawang sumunod sa mga ganitong patakaran dahil nga sa kanilang relihiyong pinaniniwalaan.

 

Ang isa pang diskrimisyon ay  ang racial discrimination?

Ang racial discrimination ay tungkol sa hindi pagtrato nang maayos sa mga tao dahil sa kanilang lahi. Ang racial discrimination ay ano mang kilos, sadya man o hindi, na magpapailalim sa isang indibidwal dahil sa kanyang lahi. Mayroong ding dalawang uri ng racial discrimination: Tuwiran at di Tuwiran na Diskriminasyon.

Napansin ba ninyo ang napansin  ko? Napansin  mo ba Nancy?

Nancy: Ang alin Kaka?

Kaka Alih:  Madalas na kapag napag-uusapan ang diskriminasyon, lahi kaagad ang unang pumapasok sa ating isip: itim kontra puti; oriental kontra kanluran. Minsan nariyan din ang estado sa buhay, ang taas ng pinag-aralan, pati na ang eskwelahang pinapasukan. Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang itsura: maganda kontra pangit, matangkad kontra pandak, at mataba kontra payat.

Subalit may nabasa ako sa internet, medyo tumaas ang kaliwa kong kilay. Bakit?  Sa isang bansa  di natin tutukuyin, (bilang pangangalaga ng kanilang dignidad)  ang mga bata, madalas na hindi natin maiiwasan ang tuksuhan ng mga ito sa eskwelahan.   Isang labinlimang taong gulang na mag-aaral na sobra-sobra ang timbang ang madalas na tampulan ng tukso. Pero imbes na pagbawalan ng mga guro at administrador ng eskwelahan ang mga lokong estudyanteng nanunukso, minabuti pa nilang paalisin o i-kickout ang kawawang matabang estudyante. Kung makapagrason ang mga ito, tila wala silang pinag-aralan. Napakabaluktot ng rason nila na para wala ng tuksuhin ang mga bata, nararapat lamang na alisin ang pinanggagalingan ng tukso. Imbes na makisimpatiya sa matabang mag-aaral at ituro ang tamang pakikipagkapwa-tao sa mga alaskador na estudyante, alam ba ninyo na tila  naging pasimuno pa ang paaralang iyon?   Paano matututo ng wastong ugali ang mga nasasakupan ng mga ito kung mismong sila’y mapangmata?

Alam mo  Nancy  ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. Ikaw Nancy, may narinig ka?

Nancy: Wala pa  Kaka.

Kaka Alih: Tama ka Nancy, ang dito sa atin kasi ang pinatatalsik sa mga eskwelahan ay ang mga basagulero, walang hilig sa pag-aaral, o yung mga nahuhuling gumagawa ng ka-imoralan at siyempre, kagaguhan. Pero sa  bansang ito ay  iba ang trip nila. Mabuti na lang, swerte tayo dahil  ipinanganak tayo dito sa Upi, dito sa Pilipinas dahil kahit paano, karamihan sa mga Pilipino’y marunong din namang makipagkapwa-tao.

Nancy: Tama!

Kaka Alih: Talagang tama ka Nancy, tuloy tayo.

Dito naman tayo sa Diskriminasyon sa Paniniwala.

Ayon sa isang blogger na nagpapakilala ng Voyager:  “Wala sa relihiyon yan kundi nasa tao.. siguro nga isa sa malaking factor kung bakit hindi maganda ang pagkakakilala ng ating mga kababayan sa pinas tungkol sa muslim dahil narin sa media at sa nakikita nila minsan sa ugali ng mga ito lalo na sa Quiapo, mga   madumi ang paligid nagtitinda ng pirated. Mali rin kasi minsan ang mga nagbabalita sa dyaryo, telebisyon at radyo na pag may Muslim na gumawa ng masama ang tag ng headline ay “muslim pumatay, nahuli sa ganon, etc.etc., pero bakit pag ibang relihiyon ang gumawa di nila masabing: INC nakapatay, Protestante nanghalay, Kristiyano nandukot.. napaka unfair diba?.. isa yan sa dapat pakaingatan ng mga gumagawa ng mga balita na ganyan.. dapat minsan iexplore nila ang paligid nila kung bakit nagiging masama ang isang tao at di dapat unang tinitignan kung ano ang paniniwalang kinaaniban niya.”

Sigoro may friend Voyager, nasasabi nila yun dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng Muslim. Kong alam nila na ang sinasabing Muslim ay tribu o nationality ay hindi  nila gagamitin  ang term na  Muslim. Kong alam nila na ang ibig sabihin ng Muslim ay naniniwala sa Allah, Believer in English, ay hindi nila ito sasabihin. Kong alam lang sana nila na pagka-Muslim ay hindi dahil ikaw ay isang Maguindanaon, Iranun, Meranaw, kundi dahil ang relihiyon mo ay Islam ay hindi nila ito  sasabihin na Muslim.

“Hindi din Kaka ang mga taong iyan ay talagang nananadya, nagtapos ng kurso ng  law, isang tumanda ng membro ng media, hindi  pa niya alam ang ibig sabihin ng  Muslim?” ito ang hinanakit na sabi ni Bapa Rakman.

Na.. nana nampamba !..  Bapa Rakman, ang ganyan mga tao ang mahirap paliwanagan, kasi intentional na yan, naghahanap lang yan ng butas para siraan ang mga taong ayaw niya.

Kong minsan din daw may mga diskriminasyon sa membro ng pamilya o sa grupo. Halimbawa, sa kainan, sasabihin mo: “mamaya na kayo kumain, total hindi kayo bisita”. Sagot ni Tasyo, “bakit maam bisita lang ba ang nagugutom ako din” (LAUGHING) Tama ! ka Tasyo, kaya lang sabi ni Leny, pairalin mo naman ang hospitality, naaku Tasyo nawawalan  ka na ng  mabuting pakikitungo sa inyong panauhin, ugaling Pinoy ang “pagadiadi kano bo” (sa Iranun) give way.

Kong minsan ang salitang diskriminasyon ay naabuso din, kailan?

Ang iba ay ginagawa itong excuse upang makaganti, makapanlait, upang makakuha ng pansin, upang kaawaan.

Kong minsan nagkakaroon ng diskriminasyon dahil ang taong nasa kapangyarihan o kakayahan ay galit sa tao. Hindi  na niya ito bibigyan ng pantay na trato dahil  galit nga siya doon. At ito ang madalas na  dahilan kong bakit mga  diskriminasyon, dahil sa galit, inis, pagmamalaki, at higit sa lahat, dahil sa kakulangan ng pananampalataya at paniniwala sa Poong Lumikha o Allah.

Panahon pa tayo matakot sa parusang tatanggapin natin mula sa Lumikha kapag pinairral natin ang diskriminasyon.

Ito  ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.

Posted by dxupfm at 9:52 am | permalink | comments[5]

Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision

July 5, 2011

Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision Jul 5, ‘11 8:26 AM
for everyone

Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision

Balita: Lenyrose B. Sunio

Nuro, Upi (July 5)….Semi-Finalist si Upi Mayor Ramon Piang Sr sa  Kategoryang  Award for Exemplary Conduct and Ethical Behavior  o Outstanding Public Officials And Employees  na tinaguriangdin “Dangal ng bayan Award.” Ng  Civil Service Commission o CSC.

Ilan pa sa mga Finalist :

1. Lucille Abad (Philippine Nuclear Research Institute, Quezon City);

2. David Adongay Jr. (Department of Public Works and Highways, Northern Samar);  

3. Josefina Bajade (Provincial Gov. of Agusan del Sur);

4. Helen Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);

5. Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);

6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);

7. Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);

8. Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);

9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);

10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);

11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);

12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);

13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);

14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro);

 15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);

16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);

17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);

18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);

19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);

20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).

 

Ang Honor and Awards  program ng CSC ay isang taunang aktibidad  na kumikilala sa mga Government Officials and Employees  na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na  paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo Publiko.

Posted by dxupfm at 7:36 am | permalink | comments[21]

Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng Bayan 2011 ng Civil Service Commision

Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision

Balita: Lenyrose B. Sunio

Nuro, Upi (July 5)….Semi-Finalist si Upi Mayor Ramon Piang Sr sa  Kategoryang  Award for Exemplary Conduct and Ethical Behavior  o Outstanding Public Officials And Employees  na tinaguriangdin “Dangal ng bayan Award.” Ng  Civil Service Commission o CSC.

Ilan pa sa mga Finalist :

1. Lucille Abad (Philippine Nuclear Research Institute, Quezon City);

2. David Adongay Jr. (Department of Public Works and Highways, Northern Samar);  

3. Josefina Bajade (Provincial Gov. of Agusan del Sur);

4. Helen Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);

5. Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);

6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);

7. Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);

8. Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);

9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);

10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);

11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);

12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);

13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);

14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro);

 15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);

16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);

17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);

18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);

19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);

20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).

Ang Honor and Awards  program ng CSC ay isang taunang aktibidad  na kumikilala sa mga Government Officials and Employees  na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na  paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo Publiko.

Posted by dxupfm at 7:34 am | permalink | comments[4]

Transmission tower ng NGCP sa North Cotabato, nag-collapse dahil sa baha

Balita: Hanadi  Sarmiento  Guimad

Nuro, Upi (July 5)…Nag-collapse ang transmission tower ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa North Cotabato makaraang umapaw ang tubig-baha kahapon ng  madaling araw.

Dahil sa nangyaring insidente, nawalan ng supply ng koryente ang Maguindanao at Cotabato City.

Ayon kay Crisente Ferolino, manager ng Cotabato Light and Power Co. (Colight), nag-simula ang brownout sa dalawang area, alas-5:00 kahapon ng  umaga.

Nakaranas din ng Brown-out dito sa bayan ng Upi mula alas singko ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Sa statement naman ng NGCP, nag-collapse ang transmission tower na malapit sa Lumayong river sa Kabacan, North Cotabato at naapektuhan din ang katabi nitong transmission tower.

Ang nasabing tower ang nagdadala ng 69 kilovolts (KV) line mula sa Kabacan papuntang Simuay Substation na nagsu-supply ng koryente sa Cotabato City at Maguindanao.

Agad namang inayos ng NGCP ang nasirang tower at tiniyak na naibalik ang supply ng koryente sa mga naapektuhang lugar.

Posted by dxupfm at 7:20 am | permalink | comments[6]

Pag-organisa ng Pulong (Organizing a Meeting)

Pag-organisa ng Pulong (Organizing a Meeting)

(July 5, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy: Ang pagpupulong o meeting ay karaniwan na itong ginagawa ng mga organization, grupo, pamilya at ano pang grupo, ang tanong marunong ka bang mag-meeting? Ano man ang sagot mo kapatid, samahan kami ni    Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga,  Kaka Ali. 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum Warahamtulllahi Wabarakatuh.

Muli nating tatalakayin ito dahil marami pa ang  nangaganilanga nito, alam mo ba Nancy sa kahit sa ibang bansa , ay ginagamit din itong sinulat natin, katunayan nga nitong umaga nakapost sa http://www.filipinosocietyinlofoten.com/blog/2011/05/20/PAG-OORGANISA-NG-PUL0NG-ORGANIZING-THE-MEETING.aspx, ang kabuuan ng ating sinulat, ang masaklap lang nito ay sila daw ang sumulat, sana sinabi na lang na copy paste ni writer Skrevet  mula Lofoten, Norway.

PAG-OORGANISA NG PUL0NG (ORGANIZING THE MEETING)

Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Ang apat (4) na elemento ng isang organisadong pulong .

1. PAGPAPLANO (PLANNING)

Ang mga sumusonod na tanong ang siyang dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong:

  • Ano ba ang dapat makuha o maaabot ng grupo pagkatapos ng pulong?
  • Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?
  • Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong: ito ba ay pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga ito upang malinaw kung sino dapat ang iimbitahan sa pulong.

MAGKAROON NG MALINAW NA LAYUNIN, KONG BAKIT DAPAT MAY PAGPUPULONG:

  • Pagpaplano para sa organisasyon  (Planning)
  • Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mga kasapi)
  • Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang membro lamang)
  • Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)
  • Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto)

2. PAGHAHANDA (ARRANGING)

Sa imbitasyon (by letter, text o verbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat dumalo sa pulong: kung kalian (petsa at oras),saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga bagay na pag-uusapan) na tatalakayin. Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga particular na tungkulin ng mga tao sa pulong.

  • Chairman/President  (presiding officer)– kailangang alam nya ang agenda, kung paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
  • Secretary (Kalihim)– kailangan niyang ihanda ang katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon.
  • Mga kasapi sa pulong (members)– kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok

SA IMBITASYON DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA PAG UUSAPAN/TATALAKAYIN   (Agenda of the Meeting)

a.       Pagbubukas ng pulong (date, day, time, and place of meeting)

b.      Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong     (reading the minutes of the previous meeting)

c.       Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong.(pending matters)

d.      Pinakamahalagang pag-uusapan (business  of the day)

e.       Ibang paksa (other matters)

f.       Pagtatapos ng pulong (adjournment)

MAGHANDA SA PULONG

a.       Ihanda ang lugal, (mesa. Upuan, pagkain kong kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security at iba pa)

b.      ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or pentel pen at iba pa)

c.       pag-aralan (research) ang mga topic na tatalakayin, kong kinakailangan magtalataga

d.      ( assign) ng taong mas higit na nakakaalam sa usapin.

3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)

Ang pulong ay dapat mayroong mga “rules, procedures o standing orders” kung paano ito patatakbuhin. Sa pangkalahatan, pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang (rules) ginagamit ng union, nagkakaiba lang sa mga detalye. 

Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng desisyon.

  • Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong. Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
  • Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.
  • Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
  • 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.

MAGSIMULA AT MAGTAPOS SA TAKDANG ORAS

  • Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.
  • Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras, alalahanin, ang ibang kasapi ay may iba pang nakatatakdang gagawin.

4. PAGTATALA (RECORDING)

          Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes) ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na record ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan ng organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lang ang Kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala rin sila ng hindi nila makalimutan ang pinag-usapan.

MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG

  1. Pinuno (Chairperson) – tinatawag ding facilitator” tagpatnubay, o “meeting leader”. Sinisiguro niya na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon. Ang chairperson ay parang pulis-trapiko na siyang nagpapaandar o nagpapahinto ng usapan sa pulong: 

MGA TUKOY (PATRIKULAR) NA GAWAIN NG CHAIRPERSON

1)     Nangunguna at nag-aambag sa usapan.

2)     Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan.

3)     Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa mga usapan.

4)     Nag-aayos ng sistema ng pulong.

5)     Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga kasama sa pulong.

  1. Secretary – tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala. Responsibilidad niya ang sistematikong pagtatala ng mga nagpag-uusapan at desisyon sa pulong. Tungkulin niya na ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at upang maging tuloy-tuloy ang pag-uusap.
  2. Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) – sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong. Responsibilidad nila na ipaalala sa Chairperson at Secretary ang kanilang mga gawain. Maaari ding silang magbigay ng mga mungkahi o panukala sa pamamaraan ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang pumumuna at gumagawa ng desisyon.

MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

1.     Malabong layunin sa pulong – dapat  malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.

2.     Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.

3.     Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.

4.     Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.

5.     Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema.

6.     Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.

7.     Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.

8.     Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras – tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa.

MGA KASAMANG NAKAKAGULO SA PULONG

  1. Parating Huli – nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang ipaliwanag at ulitin sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag-usapan.
  2. Maagang Umaalis – umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong. Kadalasan ay hindi siya nakakasama sa pagdedesisyon sa huling bahagi ng pulong at siya pa minsan ang reklamador.
  3. Sirang Plaka – paulit-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang may kakulitan lang o gumawa ng sariling “papel” o gustong palaging “bida”. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong.
  4. Parating Nagdududa – anumang tinatalakay  sa pulong ay pinagdududahan o pinagsususpetsahan. Ang tingin niya ay laging masama o negatibong balak ang grupo o ang ilang mga kasama. Walang tiwala sa kakayahan ng kasamahan.
  5. Laging Umiiling-iling – parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama sa grupo, na sa tuwing sasabihin ang kasamahan ay pailing-iling na walang namang sinasabi.
  6. Walang Gana – bagamat pisikal na nasa pulong, ang kanyang isip ay nasa ibang lugar at may ibang ginagawa nagbabasa, nagdro-drowing, hikab ng hikab, natutulog, at iba pa, habang nagpupulong.
  7. Bulungero – nakakainis at nakakailang dahil kahit nagsasalita ang mga kasama sa grupo, bulong siya ng bulong (pangiti-ngiti pa kung minsan) sa kanyang katabi. Para bang may intrigang sinasabi sa katabi niya.
  8. Daldalero – halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang nagsasalita. Kadalasan din siya ang may pinakamalakas na boses, at madalas ay “out of topic.”
  9. Tsismoso – nagdadala na kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang katuturan sa pulong. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong sa kanyang mga kuwento.
  10. Masyadong Marunong – ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang makinig sa mungkahi ng iba dahil akala niya siya ang palaging tama.
  11. Paalis alis – habang nagpupulong, paalis-alis (pupunta ng comfort room, tatawag sa telepono o cellpon, makikipagkwentuhan sa iba, at kong ano-ano pa ang pinag-aabalahan) pero pagbalik ang daming tanong.
  12. Tagasunod  - taga-tango at nakikisanay sa lahat ng nangyayari sa pulong at walang sariling opinion, kundi sama-sama lang sa mas maraming kasama.

Ito  ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:04 am | permalink | Add comment

Kailan matatawag na maunlad ang isang Pamayanan

July 4, 2011

Kailan matatawag na maunlad ang isang Pamayanan

 (July 1, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy: Kailan matatawag na maunlad ang isang bansa pamayanan? Ano man ang sagot mo kapatid, samahan kami ni    Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Host/Nancy:  Magandang umaga,  Kaka Ali. 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.

Ang tanong kanina ni Nancy ay: “kailan matatawag na maunlad ang isang bansa pamayanan?”  alam mo Nancy, ang kaunlaran ay isang kondisyong mahirap bigyan ng aktwal na kahulugan.

Ang kaunlaran ay nababatay sa pananaw ng isang bansa o pamayanan at pagpapakahulugan ng mga mamamayan nito.

Mga palatandaan  ng isang bansang maunlad:

Maunlad na kabuhayan o ekonomiya,  kasaganaan sa pagkain,

Ayon sa ulat  ay ganito sinasabi: “Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na pwesto ng World Bank ayon sa kanyang purchasing power parity. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado.”  

Totoo na ba ito? Hndi sasabihin na oo o hindi, para hindi na tayo magtalo dito. To see si  to believe na lang tayo.  (LAUGHING) Dahil nasa demokratikong bansa tayo, kayo ang makapagpagsasabi kong totoo ang ulat .

Maunlad na kultura

Maunlad ang isang pamayanan kapag intact ang kultura?  O ang mga  kultura nito ay naghalo-halo o nahaluaan ng mga ibang kultura?

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.

Maunlad ang isang pamayanan kapag  ang mga mamamayan nito ay modern o makabago  na ang ginagamit na  kagamitan at teknolohiya.

Sa ating bayan o bansa ngayon ay hindi na maitatatuwa na marami ng makabago na teknolohiya na ginagamit ng mga mamamayan natin, tulad ng internet, cable tv, mobile phones, ngunit ang maitatanong muli natin maunlad na ba tayo? Dahil may mobile phone o celpon  akong may camera, recorder, maka-acess sa internet  o wifi-(wireless fidelity). Ang gamit nito  “is to connect two or more computers without wires.”

Mataas na antas ng edukasyon.

Ang pagdami ng mag-aaral sa ating mga paaralan ay talagang hindi na matatawaran katunayan pa ay halos lahat ng lugar sa bansa ay kulang na kulang ang mga silid aralan sa dahil sa pagdami ng magsisipag-aral.  Kahit saan sa bansa ay mga kolehiyo o Universidad. Tumaas na ba talaga ang antas ng education natin sa bansa?  Masasabi ba nating mataas na ang antas ng edukasyon sa isang bansa pa gang mga mamamayan nito ay mga propesyonal na, Doctor, Engr. ?

Mabilis na pagsulong ng ekonomiya at mga industriyang gumagamit ng makinarya na nagdudulot ng malawakang produksyon.

Halos wala ang mga kalabaw na ginagamit sa mga pag-aararo, kundi ang makikita mo sa bukid ay mga traktora.  Pero maririnig mo   pa rin na kinukulang tayo ng bigas kaya kinakailangan umangkat tayo ng bigas sa ibang bansa. Ngayon  tanong, maunlad na b a tayo Kapatid?

Nakararanas ang mga mamamayan ng kalayaan sa pagsasalita, pagsulat, pagtititipon

Malaya na tayong sumulat, dahil ngayon ay pwede mo ng sabihin ang lahat, just post your article sa iyong blog o facebook, iyan ba ang sinasabing kalayaan sa pagsasalita pagsusulat?

Malayang paghahalal  ng kanilang mga opisyal o   maunlad na pulitika.

Totoo bang malaya na tayong  maghalal ng ating gusto? O naghihintay pa tayo ng  mabigyan ng “regalo” mula sa mga kandidato bago natin sila iboboto?  (LAUGHING)

“Malaya na tayo Kaka, ngunit tayo ang pilit na nagpapatali n gating sarili, dahil ang malayang manok ay kinakailangan magkahig ng kanyang makakain, samantala ang nakataling manok ay pinakakain ng kanyang tagapag-alaga ng mabibitaminang pagkain”. Paliwanag ng isang sabungerong Kumpare natin.

Ang mga tanda ay puwede nating subukan sa ating bayan o sa ating bansa kong mayroon na ba nito sa  atin at dahil mayroon nito ay masasabi na ba natin na  maunlad na ang ating  bayan o pamayanan.

“Ang tunay na kaunlaran ay kaunlaran sa pananampalataya, kapag matatag at malakas ang iyong paniniwala sa relihiyong pinaniniwalaan ay iyon ang  matatawag kong kaunlaran.” Sabi ni Ustadz Ahmad.

Buweno kapatid kong di mo kayang paunlarin ang lahat n gating pinag-usapan, kahit isa lamang dito ay kaunlaran ng matatawag para sa akin.

Ito  ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.

Posted by dxupfm at 6:53 am | permalink | comments[10]

21 Arabic Kinder Pupils sa Madraza Darussalam Al Islamie, nagsipagtapos kahapon!

21 Arabic Kinder Pupils sa Madraza Darussalam Al Islamie,  nagsipagtapos kahapon!   

DXUP Balita ni Hannadi Sarmiento Guiamad

Nuro, Upi (July 3).. Tinanggap ng kinatawan ni Ustadz Ahmad Mamalangkas ang chairman ng Tarbiya Wataalim na si Ustadz Esmael Haron ang 21 nagsipagtapos ng Kinder sa Madraza Darussalam Al Islamie kahapon ika-tatlo ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sa nasabing closing program naging panauhing pandangal si Hon Hadji Guiamel Abutazil at kanyang ipinahayag  sa mga magulang at graduates  na isa mga sinusuportahan ng LGU Upi na Madraza ay ang Madraza Darussalam Al Islamie, na nasa Barangay Nuro.

Mula ng maupo bilang alkalde si Mayor Ramon Piang Sr. ay sinuportahan na ng kanyang administarsyon ang mga paaralan na kulang sa  mga guro kasama na dito ang mga paaralan na ang medium ay Arabic.

Dumalo din ang mga opisyal ng Barangay Nuro na sina Kagawad Norodin Lidasan, Kagawad Bai Noraida Labungan at Kagawad Beth Abas sa nasabing closing program.

Pinahayag naman ni Rakim Sinsay, vice president ng PTA ng Madraza Darusallam na ang enrollment para sa susunod na school year ay magsisimula na sa July 9 at ang klase ay sa July 16 nitong taon.

Posted by dxupfm at 6:44 am | permalink | comments[7]

Mga Mabubuting Katangian ng mga Pilipino?

July 1, 2011

Mga  Mabubuting Katangian ng mga Pilipino?

 (Hulyo 1, 2011 - Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

Host/Nancy:    Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Alam ba ninyo ano ang  mga ito? Samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…  

(NAKAKA- INTRO)

Host/Nancy:  Magandang umaga,  Kaka Ali. 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.

Tama ka Nancy, maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Ikaw ba kapatid nanakikinig, mayron ka  nito?  Ang mga ipapahayag natin ay hindi pangkalahatan kundi positibong pananaw, sa mga Kapatid na Pinoy.

       I.            Pagkamasayahin –sadyang masayahin ang mga Pinoy, kahit na may sakuna ay kaya pa ring tumawa. To prove subukan mong mag cover sa baha, pag kinunukunan mo sila ng picture naku asahan mo nakasmile yan.  Mahilig sa joke daw ang Pinoy?

    II.            Pagiging Magalang- Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.

Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng “Salamat po” at “Magandang hapon po.” Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

 III.            Pagiging magiliw sa panauhin – pag may bisita kahit may “cold war” silang mag-asawa ceasefire yan, ang sabi nakakahiya sa bisita. Tiyak kakatayin ang pinamamahal na manok pag may bisita.. doon patutulugin sa kuwarto nila, at sila sa sala. Kaya absent muna sila sa …(LAUGHING) never mind alam na ninyo  yun.

 

 IV.            Pakikipagkapwa-tao o Pakikisama- Kilala rin tayo sa kagalingan nating makisama. Tayo ang kusang mag-a-adjust sa iba’t ibang ugali ng mga tao. Dagdagan pa ng pagkakaroon ng utang na loob kung saan susuklian mo ang ginawang kabutihan ng iba, kaya’t tinatangkilik at gusto tayo ng mga dayuhan.

Sa pakikipagkapuwa-tao. Sa Pilipinas lang makikita ang kaugaliang iyan kung saan tutulong ka sa kapwa mo at pakikisamahan mo sila ng maayos para naman ganoon rin sila sa inyo. Tutulungan at dadamayan mo sila sa oras ng kagipitan, kilala mo man o hindi. Dito rin magmumula ang tinatawag na bayanihan o ang pagtutulungan nang walang hinihintay na kapalit.

    V.            Pagtutulungan -Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino.

Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa’t isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.

 VI.           

Mapagkamalikhain-Creative – isa ito sa katangian ng mga Pinoy,  mabutingting, halimbawa, yaong finish product asahan mong may dagdag siya, ang motorcycle lalagyan pa yan ng carrier, side car.

VII.            Pagiging Magalang- Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Subalit ngayon kahit hindi matatanda hinalikan, beso-beso (LAUGHING). Isa daw itong    paraan ito ng paggalang but sabi ng estudayante hindi na daw pag-galang ngayon, pagmamahal na may kasamang pagsasamantala (LAUGHING).. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.

Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng “Salamat po” at “Magandang hapon po.” Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa. pero ngayon hindi na daw? Dahil “ye ye popsie”  na  lang (LAUGHING).

VIII.             Pananampalataya sa Diyos o  Pagtitiwala sa Panginoon

Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.

 

 IX.             Pagmamahal sa pamily- Pagsama-sama ng Pamilya- Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito’y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may “family reunion” kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.

 

Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo’t lola, at kamag-anak hanggang sila’y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.

 

Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak.. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

    X.            Pagiging masipag at matiyaga – oo masipag talaga ang  mga Pinoy. Masipag gumawa ng anak.. (LAUGHING).

 XI.            Amor propio- May Pagpapahalaga sa  kanyang pagkatao at  dignidad ang  mga Pinoy. Ayaw niyang magkaroon ng pangit na imahe at ayaw niyang madusta ng iba. Pahahalagahan niya ang kanyang pangalan nang sa gayoon ay may mukha siyang maiharap sa mga taong nakapaligid sa kanya

XII.            Palabra de honor - May isang salita” Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako sa iba at hindi paiba iba ng opinyon.

Sukran,  ito po ang inyong Kapatid na Bangsa Moro .. mula sa tribung Iranun.. Kaka Alih .. Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:11 am | permalink | comments[2]