DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!

Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!

July 8, 2011

Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!

 (July 8, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Anong malay mo baka makatsamba! Kapatid makinig sa ibabahagi ni  Kaka Alih baka kayo makatsamba (PLAY LAUGHING) .

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali, ano  pwede nilang matsambahan sa ating segement  na  nakaka?

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   Pag nakinig kayo hindi lamang tsamba kundi sigoradso kayong magwawagi. (PLAY LAUGHING)

Alam mo Nancy? Ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon  ng isang bagay na hindi naman masyadong pinagpapaguran.

Ang madalas na gumagamit nito ng “tsamba” ay ang mga kapatid na mgaa nagsusugal (game of chance), dahil sila ay nagbabasakali na manalo. “Anong malay mo baka makatsamba!” (PLAY LAUGHING)

Alam ba Nancy na May  mga kapatid pa ito tsamba?.

Nancy:  Bakit kaka may kapatid pa pala ito? Please elaborate. (PLAY LAUGHING)

Kaka Alih:  Ang mga kapamilya nito ay:  “tsumamba lang”  in English ay, just got lucky; “tsumamba din ako”(I finally got lucky); “tsumamba ka lang”  (you just got lucky); “tsumamba lang sila” (they just got lucky) at heto  pa “mahirap tsumamba nang ganoon” (It’s tough to get lucky that way); “tsambahan lang ito” na ang meaning naman ay this is all a matter of being lucky.

Tsamba (chance)  ito  ang ugat na salita, pag binabanggit ang salitang tsamba ay Naalaala ko   ang     isang lumang pelikula na may titulo na “Patsamba-tsamba” , pelikula sa kalagitnaan ng 60’s, isang komedi at love story movie.  Ito ay kasaysayan ng isang babaeng   mahirap na walang ibang trabaho kundi ang magtinda ng bote na umibig sa isang tambay   na isa namang Butangero. Ang mga bida ay sina Nida Blanca, Nida Blanca siya si Bertang Bote, mga tinedyer pa sila dito, katambal niya dito si Bernard Bonnin, Mina Aragon, Menggay, Jose Garcia at Johnny Long, ang iba hindi ko na matandaan, ang naalaala ko lang kasi ang mga kilala kong  mga  artista.

Ang tanong: “ito ba ay nakakabuti sa ating mga tao?”

“Pag nanalo ka Kaka, makakabuti”. Sagot ng isang mahilig magtaya  sa sugal na last two.

Ang tanong kaibigan, how sure na pag may pera ka na bubuti ka na? Marami ng nagkaroon ng maraming  pera, subalit hindi pa rin bumubuti.

Marami na akong narinig na  nanalo sa sugal subalit lalo pa ring naghihirap ang kabuhayan.

Ayon sa pag-aaral  karamihan sa mga nanalo sa larong sugal ay nasa mas mahirap pa na sitwasyon ilang taon matapos niya mapanalunan ang malaking halaga ng pera mula sa sugal. Kokonti, kung mayroon man, ang tapat na ibinigay ang pera para sa mabuti o magandang hangarin.

Para sa mga kapatid na Kristiyano, may tanong: “Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsusugal?  Kasalanan ba ang pagsusugal?”

Heto  ang sagot : (http://www.gotquestions.org/tagalog/kasalanan-pagsusugal.html) “Maaaring isalarawan ang pagsusugal na “Pagbabakasakali sa pera upang tangkaing paramihin pa ito sa paraang di pangkaraniwan.” Hindi partikular na hinahatulan ng Bibliya ang pagsusugal, pagpupusta at iba pa. Gayon man, binibigyang babala naman tayo ng Bibliya na umiwas sa pagmamahal sa pera (1 Timoteo 6: 10; Hebreo 13: 5). Hinihikayat rin tayo ng Kasulatan na iwasan ang mga pagtatangkang yumaman sa pinakamadaling paraan” (Mga Kawikaan 13: 11; 23: 5; Mangangaral 5: 10). Ang pagsusugal ay kadalasang nakasentro sa pagmamahal sa salapi at hindi maipagkakailang maraming tao ang natutukso nito dahil sa pangakong madali at mabilis na pagkamal ng kayamanan.

May nagtanong pa ng: Ano ba ang mali sa pagsusugal?

Sabagay, ang pagsusugal ay isang mahirap na isyu dahil kung ginagawa lamang ito ng paminsan minsan at hindi regular o kung may okasyon lang, maaring ito’y pagsasayang ng pera, subalit hindi nangangahulugang ito’y  kasamaan.   Ang mga tao ay nagsasayang ng pera sa anumang uri ng aktibidad.  Ang pagsususugal ay hindi maituturing na mas matinding pagsasayang ng pera kumpara sa palagiang panonood ng sine, pagkain ng mga hindi naman kinakailangang pagkain, o pagbili ng wala namang silbing bagay. Ang katotohanang naaaksaya ang pera sa anupamang bagay ay hindi nagbibigay-matuwid sa pagsusugal. Ang pera ay hindi dapat aksayahin. Ang sobrang pera ay dapat iniimpok para sa mga darating na mga pangangailangan o di kaya ibigay sa gawain ng Panginoon - at hindi dapat sayangin sa pagsusugal.

Sinasabi sa aklat ng Kawikaan 13: 11, “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.”

Winika ng Allah sa Qur’an na “bawal ang pagsusugal” at dahil dito, ang isang bansang nagpapatupad ng Islam ay hindi maaring magbukas ng casino, lotto, sweepstakes, atbp.

Tinatanong ka nila tungkol sa alak at pagsusugal. Ipahayag: O Propeta, sa mga ito aya may malaking kapinsalaan at ilang kapakinabangan, subalit ang kapinsalaan ay mas malaki kaysa kapakinabangan.” [Surah Al Baqarah 2:219]

Isa pa ring Islamikong panuntunan na sa mga bagay na ipinagbabawal, anumang bagay na makapagbibigay-daan sa pagsasagawa ng mga iyon ay ipinagbabawal din.

Ang pagsusugal ay  isa sa mga hindi  kanais-nais na gawain na karaniwang ginagawa ng tao. Higit na  itinuturing nila ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo,  balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan.   Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!

Sa iba ay ginagamit pa itong propesyon o hanap-buhay, ginagamit pa itong  paraan upang masunod ang luho sa sarili, makaahon sa kahirapan at iba pa, na sa pag-aakala ay wala itong ibubunga na kasamaan.

“Kung batid nga lamang nila, na ito ay isa sa malaking kasalanan sa harapan ng Allah.” Bahagi ng kuthba  (sermon sa Salah saBiyernes) ni Ustadz Ahmad.

Tama ang tionuran ni Ustadz Ahmad, dahil ayon sa pag-aaral,   bukod sa pinupukaw ng sugal   ang poot sa kalooban ng isa’t isa, lalo sa natatalo, nagbibigay din ito ng immoralidad sa katauhan ng isang tao.

Hindi ito nakapagdudulot ng kabutihan sa tao at kung mayroon man ay napakaliit lamang, na ang hahantungan din sa bandang huli ay pagkawasak at kapahamakan!

Bakit natin ito sinasabi?  Sinabi ng Allah. Dahil kailanman ay, hindi maaaring magbunga ng mabuti ang kasamaan, kundi ng kasamaan din! Maliwanag na sinabi ng Allah sa Quran:

“Sabihin (mo sa kanila O’ Muhammad): “Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan. Samakatuwid! O’ tao na may pang-unawa, Katakutan ninyo nang labis ang Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at mahalin ninyo Siya nang labis (sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos), upang kayo ay maging matagumpay.”

Kapatid na naniniwala sa Poong Lumikaha, para sa ating kapakanan ang pagbabawal na ito. Sa katunayan, napakabait ng Allah sa atin, ibinigay na Niyang lahat-lahat ang makabubuti para sa atin — ang pinakawastong pamamaraan ng pamumuhay! Subali’t ang iba ay ayaw pa ring pahalagahan ito!

Kong ang ating mga relihiyon o pananampalataya ang ating pagbabasehan ay  ang lahat ng uri ng sugal na sangkot ang salapi at mga ari-arian, ay ipinagbawal ng Allah na tulad ng: Lottery, Lotto, Sweeptakes, Casino, Jai-alai, Jueteng, Karera, Sakla, Madyong, Pares-Pares at iba pang mga laro na kauri nito.

Ang masaklap nga lang nito, ay kalat na kalat na sa ating lipunan ang mga ganitong bisyo:

May ilang uri ng sugal na ginawang legal ng pamahalaan, na kinabibilangan ng mga kilalang tao sa lipunan at may malakas na impluwensiya!

At ang iba namang sugal na hindi ginawang legal ng pamahalaan ay nagkalat at naglipana sa kapaligiran!

Paano mapabubuti ang lipunan kung ganitong sistema ang umiiral?

Kong gusto nating magkaroon  ng kayamanan o  pera, magbanat tayo  ng buto, paghirapan  natin, sundin natin ang tamang panuntunan ng ating relihiyong  pinaniniwalaan.

Ang  inyong kapatid, Kaka Alih. Sukran. Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:14 am | permalink

Add a comment