Ang Skylab o Habal-habal
July 11, 2011(July 11, 2011 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Nakasakay ka na ba ng skylab? May maishare ka bang kuwento na experience mo sa bagong usong-uso na pampasaherong sasakyan na ito, bakit di mo ishare sa amin ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka, dahil ang topic niya ngayong umaga sa ating nakaka ay ang tungkol sa Habal-habal o skylab.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali, anong nakaka ang ibabahagi mo? Habal-habal o skylab? .
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Yes, Ang skylab o habal-habal ang prepared ko ngayong umaga, kaya sakay na lab este makinig kayo.. -(LAUGHING)
Ang skylab o habal-habal kung tawagin ay isang uri ng sasakyan o transportasyon na karaniwang matatagpuan sa mga bulubundukin at liblib na lugar sa Visayas at Mindanao, at nitong mga dalawang taon na dumaan ay pati na rin ang mga lungsod, tulad ng Cotabato City ay ginagamit na rin nila bilang “de pasahero” (for hire).
Ang tawag na habal-habal ay nagmula daw sa salitang habal, na ayon sa pasalin-salin naman na kuwento, na hanggang ngayon ay di ko parin nave-verify, (LAUGHING) ay nag-ugat daw ito sa salitang Bisaya o Cebuano na ang kahulugan ay: “pagtatalik ng hayop, kung saan ang lalaki ay nasa likod ng babae.”
Ang alam ko Nancy habal-habal ay tiganga sa R’nawon ano sa Teduray?
Nancy: Tiganga din Kaka.
Kaka Alih: “How about the sky lab Kaka Alih, papaano na tinawag naman dito sa Upi na sky-lab, eh pareho naman silang motorcycle for hire.” Tanong ni Maam.
Oo nga no? papaano ba ito natawag na sky lab? Ang alam natin na sky lab ay yaong laboratory sa kalawakan na nasira na minsan ng kinatakutan noon na mahuhulog daw dito sa lupa.
Subalit ayon pa rin sa pasalin-salin na kuwentong barbero-(LAUGHING), bakit kuwentong barbero dahil walang kasiguruhan na kuwento, ang source ay hindi maverify. (LAUGHING).
Ayon sa sinulat ni Kaka Ali sa blog na http://dxup.multiply.com/ , ang word na Skylab ay corrupted word daw o sadyang binago dahil sa kontrebersiya nito. Ang original na word ay sakay na lab, meaning “ ride now my love.” (LAUGHING).
Ayon sa kuwento o joke joke lang, noong unang panahon (di pa nagtatagal,mga ilang taon pa lamang) dahil sa mahirap ang transportation sa bayan ng Upi, motorsiklo ang nakitang sasakyan na maaring panghatid ng mga guro ng kanilang mga asawa o mahal sa buhay sa kanilang mga paaralan na nasa mga liblib na lugar, na ang tanging sasakyan na magagamit noon ay kabayo.
Umaga pa ay ready na si Mister para ihatid si Maam sa kanyang paaralan gamit ang kanyang motorsiklo, syempre mahal niya yun, kaya bago sumakay sasabihin niya kay maam na “Sakay na Love”. (LAUGHING). May nakarinig daw na hindi masyado maintindihan ang word na Love, na kong pronounce pa ay lab, (LAUGHING). sa akala sigoro na ang tawag sa motor na yaon na iyon ay sakay na lab, kaya hayun na tinawag din na sakay na lab. (LAUGHING).
May iba pa akong version na narinig, syempre nakita ng mga ibang mga tao na pwede pa lang itong pagkakitaan ang motorsiklo tulad sa ibang lugar, kaya dito na nagsimula ang pag-gamit sa motorsiklo dito sa Upi, bilang de pasaherong motor kaya lang ang tawag ay skylab na pinaikling sakay na lab. (LAUGHING).
Sa kasalukuyan, ang habal-habal o skylab ay tumutukoy sa isang uri ng pampasaherong motorsiklo na binago at higit na pinatibay upang makasakay ng higit pa sa daming pasahero ng isang ordinaryong motorsiklo.
Ang de pasaherong single motorsiklong ito ang karaniwang ginagamit na sasakyan sa mga lugar na hindi kayang daanan ng mga pampasaherong bus at jeep dahil sa matarik, lubak-lubak at maputik na daanan patungo sa liblib at bulubunduking mga barangay.
Balikan ko lang yong sinabi ko kanina, na mayron din ibang version, kong bakit skylab, ito daw ay kilala sa tawag na Skylab na ayon sa ilan ay hango sa pangalan ng estasyong pangkalawakang nasira at bumulusok pabalik dito sa mundo,at ng panahon na yaon na sinimulang gamitin sa Upi ang panahon na ginamit itong pampasahero.
Alam ba ninyo na may dalawang uri ng Habal-Habal o Skylab?
Yes ayon sa ating pananaliksik, mayroong dalawang anyo ang habal-habal sa Visayas at Mindanao.
Una, ang isang motorsiklo ay dinagdagan ng mga pampatibay sa katawan, nilagyan ng isang upuan sa ibabaw ng tangke ng gasolina, at pinahaba ang upuan sa likuran upang maaaring sakyan ng mula dalawa hanggang sa limang pasahero. Karaniwang pinauupo ang pinakapayat at pinakamaliit na pasahero sa ibabaw ng tangke ng gasolina, sa unahan ng drayber. Ang pinakamataba naman ay pinauupo sa pinaka-gitna upang mabalanse ang motorsiklo. Ang pang-apat, panlima at pang-anim na pasahero ay pinapaupo sa hulian.
Ito ang pinaka-gusto ko kaya pangarap kong maging driver ng skylab.
Nancy: Bakit Kaka Ali, bakit mo pinangarap na maging driver ng skylab?
Kaka Alih: bakit? Kasi yaong pinauupo mo ang pasahero sa harapan ng driver, ang sarap ng buhay ng driver pag chicks na maganda ang nasa kandungan mo. (LAUGHING). Kaya kung ako ang driver, hindi ko pipiliin na paupuin sa tangke ang maliit o payat, kundi yaong maganda at seksi. (LAUGHING). pinakamataba naman ay pinauupo sa pinaka-gitna upang mabalanse ang motorsiklo. Ang pang-apat, panlima at pang-anim na pasahero ay pinapaupo sa hulian.
Ikalawa, wala dito sa Upi kundi doon ako nakakita nito sa may Silangang Mindanao sa Davao at Surigao. Ang isang simpleng motorsiklo ay nilalagyan ng kahoy na pahalang sa likuran ng sasakyan na magsisilbing upuan ng mga tao. Ang kahoy na ito ay binalutan ng goma at supot upang hindi masaktan sa pag-upo ng mga pasahero. Sa pamamaraang ito, maaaring magsakay ng hanggang sa labindalawang (12) pasahero sa motorsiklo. Ang kanilang mga bagahe tulad ng mga bag, isang sakong bigas, mga pinamili sa palengke, manok at kambing, ay itinatali lamang sa mga kahoy na nakakabit sa likuran. Kumplikado ang pamamaraang ito dahil kailangang balansehin ng drayber ang motorsiklo habang umaandar sa matarik at lubak-lubak na daanan.
May mga dahilan o rason bakit nauso ang pag-gamit ng single motocycle na ito.
“Di sapat ang aming capital para bumili ng napakamahal na sasakyan, ang motorsiklo ay mura lang , konting capital lamang di katulad sa jeep” Pahayag ni Jodie isang dating driver ng 6×6 na ngayon ay isa ng driver ng habal-habal or skylab sa mga bulubundukin ng Upi.
Sa bayan ng Upi, ang driver ng skylab ay hindi gumagamit ng proteksyon sa katawan tulad ng helmet, na ito ay requirement ng ahensiya sa mga sakay ng motorsiklo. Bagaman itong mga ilang buwang nakakaraan ay naibalita na natin mahigpit ng tinututukan ng otoridad ang pagpapagamit ng helmet sa mga sakat ng motorsiklo, bilang pangangalaga na rin sa kanilang kaligtasan.
aAnother hirit sa mga driver ng skylab, kong nasa sakop na kayo ng AOR ng Barangay Nuro o nasa poblacion na ang speed limit ay 20 kph, kaya mga driver ingat, baka ang perang para sa pamilya ay mapunta pa sa multa sa kayo ay kaskasirong driver.
Sukran. Wassalam




