DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » August 2011

92th Foundation day ng UAS-PTIA Ipinagdiriwang

August 19, 2011

92th Foundation day  ng UAS-PTIA  Ipinagdiriwang

Balita ni Lucy Duce

Nuro, Upi (August  19, 2011)….Ipagdiriwang ngayon araw ang 92nd  foundation day ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA).

Sa panayam ng DXUP FM kay Jenifer Casimina,  Administrative Officer 4 ng nasabing paaralan, ang   panauhing mananalita ay si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.  

Magbibigay din ng mensahe si Honorable Norma Sharief Ph.D. Regional Chairman 11/Managing Commisioner CHED-ARMM at ang mensahe din ni Bai Alibai Benito-Aliuden,Schools Division Superentendent Maguindanao 11.

Ang pagdiriwang ngayong taon  ay may temang  “Respond Critically and Responsively to National Demand”.

Tinukoy din ni Casimina ang magiging daloy ng aktibidad sa nasabing pagdiriwang.

Una ay magkakaroon ng parade ang mga estudyante at guro,  paikot sa Nuro poblacion.  Pangngunahan  ng Color and UAS-PTIA ROTC, drum corps, estudyante, farmers association, Alumni, Faculty and staff at ang float ng Mutya ng UAS 2011.

Ang assembly area ay sa harap ng municipal gymnasium ala  6:30 ng umaga at  alas 8:00 ay lalakad na ang parade.

Bahagi din ng programa ang floral offering sa munomento ng founder na si Captain Irving Bryant Edwards,  na pangungunahan ng mga naiwanang pamilya.

Ang UAS-PTIA ang isa  sa mga naunang paaralan sa bansa, na itinatag noongAugust 19, 1919, ng isang Amerikanong sundalo  na si Captain   Edwards na nagkapag-asawa ng T’duray.

Magbibigay ng tribute ang high school batch 1961 na si Venancio Ortega.

(para sa karagdagang larawan)

Posted by dxupfm at 9:42 am | permalink | comments[12]

Buwan ng Wika: Pre-School hanggang Grade 6 ng NCES, nagtagisan ng talino

Buwan ng Wika:   Pre-School hanggang Grade 6 ng NCES, nagtagisan ng talino

(Balita ni Noralyn Laguey Bilual) 

Nuro, Upi (August 19, 2011)….Nagtagisan ng galing kahapon sa dula-dulaan, tula, balagtasan, poster making  at slogan ang mga piling mag-aaral mula Pre-School hanggang Grade 6 ng Paaralang Sentral ng Nuro sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang   kada taon sa Pilipinas.  Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 ng Kagawaran ng Karunungan, na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto, pinangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang sa taong ito na may paksang-diwa na, “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.”

Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.  Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Pilipino bilang pambansang wika.

Panauhing pandangal si  Gng. Aida Defensor   ang punong  guro ng Joy Alliance Education Centre na ipinaliwanag   ang tema ngayong taon.

Nagwagi sa Dula-dulaan mula sa Pre-Schoolers sina

1)     1st section Spongebob under Teacher Apple,

2)     2nd section Tweety under Teacher Ryza,

3)     3rd section Mickey Mouse under Teacher Rodora.

 Wala katunggali ang grade 2 pupil at tinanghal na panalo. 

Sa tula naman ay unang puwesto ang Grade 3, pangalawang puwesto ang grade 4.

Sa balagtasan naman ay nangunguna ang grade 6 pupil na si Alyana Lyn Adviento, pumapangalawa ang grade 5 pupil nasi Val David Gersalino at pangatlo si Joshua Carino grade 5 pupil parin.

Para naman sa Poster making contest ay   si Alyana Lyn Adviento,  pumapangalawa  si Angelo Ivan Layson at pangatlo si Aviel Jasmin Sales.

Sa slogan contest ay nanguna si Sittie Hijara Sinsay, pangalawa si Leigh Ortega at Pangatlo si Earl Dimple Paclibar.

Posted by dxupfm at 9:31 am | permalink | comments[8]

Magandang kaugalian sa pakikipag-usap sa kapuwa

Magandang kaugalian sa pakikipag-usap sa kapuwa

 

(August 19, 2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Hostl/Nancy: “Ang  pakikipag-usap sa ating kapuwa ang pinaka-magandang ugnayan, ng tao sa kanyang kapuwa tao, subalit minsan ito  din  ang dahilan kong bakit may mga gulo o away, ang magkakamag-anak, magkakaibigan.  Pakinggan ang ibabahagi ni Kaka Ali ngayong umaga, namay pamagat na Magandang kaugalian sa pakikipag-usap sa kapuwa.

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Good morning Nancy, oh tila hindi ka nakikinig sa usapan natin, wala ka bang ganang makinig? (LAUGHING)

 

Hostl/Nancy: Oh no,!  I am listening, very attentively, good morning Kaka, alam mo  tense lang ako, basta kayo na ang magpreresent…  (LAUGHING).

 

Kaka Alih: Tense?  Hayun, tense ng  isang dahilan  kong bakit hindi tayo maka-concentrete kong minsan sa ating kausap. At oras na na  hindi ka makaconcenrete sa sinasabi  ng inyong kausap, posibleng   mag-iiba ang pagkakaintindi mo sa mga sinasabi  ng  inyong kausap.

 

Alam mo Nancy, ang pakikipag-usap sa kapuwa ay mabibilang sa sining o art.  

 

Ang sining ay ang pagsasagawa ng maayos na gawain, kaya naman ang pakikipag-usap ay itinuturing na isang sining.   

 

Ang pagkikipag-usap ng isang tao sa kanyang kapuwa ay dapat na madaling maunawaan at nakapagbibigay din ng aral.  Samakatuwid, dapat ang pagsasagawa   ng pakikipag-usap sa kapuwa ay kailangang maayos, mayroong buhay at hindi nakakabagot sa pandinig ng inyong kausap.

 

Natural lang naman sa isang tao ang pakikipag-usap sa kanyang kapuwa, kakilala man o hindi.

 

 Ang pakikipag-usap ay magagamit sa ibat-ibang layunin. Magagamit ito sa iyong pagtatalumpati, pagdedebate, pagbibigay ng pahayag, saloobin damdamin,at instrumento din sa matagumpay na pagtuturo upang malaman ang mga kamalian at wastong pananalita.

 

Minsan may mga taong mahusay na kausap at may mga tao ding walang talento, salita ng salita wala namang kalaman-laman ang sinasabi at kung minsan ay nawawala na sa paksang pinag-uusapan. Sa ganitong klaseng kausap kailangan ang pang-unawa, maging maingat at gumawa ng paraan na maibalik o  maituwid ang inyong pinag-uusapan, o baka saan  na mapunta ang inyong pinag-uusapan. (LAUGHING)

 

Kinakailangan palaging  mahalaga ang paksa sa pakikipag-uusap, kailangan makuha mo ang atensiyon ng iyong kausap at kailangan kawili-wili ang mga paksa na inyong pinag-uusapan.

 

Nancy: Papaano Kaka Ali?  

Kaka Ali: Papaano? Para maiwasan ito, kailangan mo ng pagsasanay at pananaliksik, pagbabasa pagkatapos practice,  my friend. Ito  ang kailangan mo upang magkaroon ka ng kasanayan sa pagsasalita para sa pakikipag-usap sa inyong kapuwa, o baka magamit mo pa sa pakikipag-usap sa ibang nilikha ((LAUGHING).

 

Sa mga Bangsamoro may mga itinuturo noon  bakit noon? Dahil tila baga hindi natin napapansin   sa ngayon.

 

Buweno magbibigay ako ng  ilan sa mga magagandang kaugalian nila sa pakikipag-usap na kanilang itinuturo sa kanilang mga anak, pakinggan mo at baka may mapakinabangan ditto.

 

ü  Sanayin daw ang iyong sarili  sa pakikinig,  kaysa ikaw ang salita ng salita;

ü  Pag-isipan ng maigi ang mga sasabihin at iwasan sabihin ang hindi mo naman alam;

ü  Huwag itaas ang tono ng inyong boses, makipag-usap ng malumanay, kaaya-aya o yaong tamang tama na maririnig ng iyong kausaap;

ü  Huwag putulin ang sinasabi ng iyong kapuwa habang siya ay nagsasalita, hayaan matapos ang kanyang gustong ipaliwanag;

ü  Iwasan na masabi ang kanyang kamalian at kong sakaling hindi maiiwasan na dapat na ituwid ang sinasabi nito ay gawin sa isang matalinong pamamaraan;

ü  Hanggat maaari paunahin mo siyang magbigay ng kanyang gustong pag-usapan, kong sakaling kinakailangan na ikaw ang mauna ay sikapin na magugustuhan niya;

ü  Huwag ipilit ang tamang alam mo, bigyan din siya ng panahon na makasali siya sa mga paliwanag mo;

ü  Iwasan ang paglibak sa kapuwa, dahil maaaring magduda siya sa iyong pagkatao;

ü  Kong una pa ninyong pagkakakilala, iwasan na mapuri mo ang iyong sarili, baka mapagkalamalan kang mapagmalaki o hambog;

ü  Kinakailangan ang magamit na salita o lengguwahe ay alam ng kausap mo, huwag kang English ng English na pareho naman kayong T’duray, na ditto din pawang lumaki sa Upi.

ü  Huwag magbanggit  ng mga personal na bagay sa loob ng inyong tahanan,lalo na tungkol sa ginagawa ninyong mag-asawa (LAUGHING) kahit na ang kausap mo ay matagal ng kilala, dahil ipinagbabawal ng Islam ang pagbubunyag sa ginagawa ninyong mag-asawa.

 

Pansamantala   hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  sa Lunes …mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi  ni Kaka Alih..   sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

 

Posted by dxupfm at 7:02 am | permalink | comments[9]

Barangay Nuro, Nag-donate ng mga Sports supplies sa NCES

August 18, 2011

Barangay Nuro, Nag-donate  ng mga Sports supplies sa NCES

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi (Agosto 15)…Nagdonate  ng mga gamit sa sports ang local na pamahalaan ng Barangay Nuro, sa Nuro Central Elementary School (NCES)    na mula sa 10% budget ng Barangay Sanggunian Kabataan.

Masayang tinanggap ni Abel Ersando principal ng NCES, ang ibat-ibang gamit na inihatid ni  Punong Barangay Jerry Pangcog, kasama si  Barangay Kagawad Bai  Noraid  Labungan.

Kabilang ang 4 pcs basketball, 1pc soccer ball,  4pcs volleyball, 4pcs badminton, 8pcs softball gloves, 2pcs table tennis, at 4pcs Lawn Tennis,

Sa panahon ni Michael Baby Datu Sinsuat ay namigay din ang Barangay Nuro ng mga gamit sa sports sa nasabing paaralan.

Nagbigay ng P15,000 na na halaga ng gamut ang LGU Barangay Nuro.  

Samantala sinimulan na rin  ang paglalagay ng tiles sa stage ng nasabing paaralan. Ang  pondo na P121,000.00 ay mula pa rin sa budget ng Barangay Nuro.

Posted by dxupfm at 9:42 am | permalink | comments[19]

Ibat-ibang Anyo ng Diskriminasyon

Ibat-ibang Anyo ng  Diskriminasyon

 

 (August 18, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:   Ang palaging sinasabi ng iba,  pag   hindi  napagbigyan o nabigyan ng pansin dahil sa kanyang  kahinaan o pagiging kakaiba nito sa iba  ay sasabihin na “discriminate nila ako”. Tama ba ang ganitong pananaw?  Next na   tanong: “alam mo ba ang kahulugan  ng diskriminasyon?”  Para sa kasagutan ng mga tanong, samahan kami ni    Kaka Ali   sa ating segment na nakaka dahil ang tatalakayin niya ngayon umaga ay ibat-ibang anyo ng diskriminasyon.

 

(Play- Intro-Nakaka)

Host/Nancy:  Magandang umaga, Kaka Ali. 

Kaka Ali:   Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.   

 

At  ayon sa Wikipedia ganito ang definition ng discrimination : “To treat one particular group of people less favorably than others because of their race, color, nationality, or ethnic or national origin.”

 

Ang ibig sabihin ay ang hindi pantay na pagtingin sa karapatan, lahi, kulay, o kultura nang isang tao.

 

Alam ba ninyo na may batas sa Britanya na kinikilala ang dalawang uri ng diskriminasyon? The law in Britain recognizes two kinds of discrimination: direct and indirect. Ito ang  tinatawag nilang:

 

Direct discrimination occurs when a ‘protected characteristic’ such as race, colour, nationality, or ethnic or national origin is used as an explicit reason for discriminating.

 

Ang ibig sabihin nito, ang Direktang diskriminasyon ay nangyayari kapag ang isang ‘protektadong katangian’ gaya ng lahi, kulay, nasyonalidad, o etniko o bayang pinanggalingan ay nagamit na bilang isang malinaw na dahilan para sa nakikitang kaibahan.

 

Indirect discrimination occurs when there are provisions, criteria or practices operating, which have the effect of discriminating against certain groups of people, by putting them at a disadvantage compared with others, and which cannot be justified as proportionate.

 

Ang hindi direktang  diskriminasyon ay nangyayari kapag may mga batas, pamantayan o kung saan ay mayroon ng epektong nakikita ang kaibahan laban sa ilang mga grupo ng tao, sa pamamagitan ng paglagay sa kanila bilang dehado kumpara sa iba, at kung saan ay hindi maaaring Pantay bilang katimbang.

 

Ang  halimbawa nito ay,   sa mga paaralan o o sa opisina, ang mga estudyante o kawaniay  pare-parehong code  o design ng damit.  Na sa ibang tribu o relihiyon ay   maaring hindi katanggap tanggap ang ganoon na design. 

Ang mga design ng damit Muslim ay mahaba ang manggas o sleeves, at dapat ay nakacover o natatakpan ang kanilang  buhok. Kong titingnan mo ang ganito ay masasabi natin hindi uniporme, dahil maiiba ang kanilang design di ba?

 

Mga tauhan sa isang tindahan sa cofffeshop  ay  kailangan magsuot ng unipormeng palda, ngunit ang isang Asian manggagawa babae tumanggi para sa relihiyosong dahilan.  Ang ganitong kaso ay nangyari subalit nananlo sa   hukuman napag-alaman na  ang shop ay  nagkasala ng hindi direktang diskriminasyon, dahil ang isang malaking bilang ng mga Asian kababaihan ay hindi magagawang sumunod sa mga ganitong patakaran dahil nga sa kanilang relihiyong pinaniniwalaan.

 

Ang isa pang diskrimisyon ay  ang tinatawag na racial discrimination?

 

Ang racial discrimination ay tungkol sa hindi pagtrato nang maayos sa mga tao dahil sa kanilang lahi. Ang racial discrimination ay ano mang kilos, sadya man o hindi, na magpapailalim sa isang indibidwal dahil sa kanyang lahi. Mayroong ding dalawang uri ng racial discrimination: Tuwiran at di Tuwiran na Diskriminasyon.

 

Napansin ba ninyo ang napansin  ko? Napansin  mo ba Nancy?

 

Nancy: Ang alin Kaka?

 

Kaka Alih:  Madalas na kapag napag-uusapan ang diskriminasyon, lahi kaagad ang unang pumapasok sa ating isip: itim kontra puti; oriental kontra kanluran. Minsan nariyan din ang estado sa buhay, ang taas ng pinag-aralan, pati na ang eskwelahang pinapasukan. Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang itsura: maganda kontra pangit, matangkad kontra pandak, at mataba kontra payat.

 

Subalit may nabasa ako sa internet, medyo tumaas ang kaliwa kong kilay. Bakit?  Sa isang bansa  di natin tutukuyin, (bilang pangangalaga ng kanilang dignidad)  ang mga bata, madalas na hindi natin maiiwasan ang tuksuhan ng mga ito sa eskwelahan.   Isang labinlimang taong gulang na mag-aaral na sobra-sobra ang timbang ang madalas na tampulan ng tukso. Pero imbes na pagbawalan ng mga guro at administrador ng eskwelahan ang mga lokong estudyanteng nanunukso, minabuti pa nilang paalisin o i-kickout ang kawawang matabang estudyante.

 

Kung makapagrason ang mga ito, tila wala silang pinag-aralan. Napakabaluktot ng rason nila na para wala ng tuksuhin ang mga bata, nararapat lamang na alisin ang pinanggagalingan ng tukso. Imbes na makisimpatiya sa matabang mag-aaral at ituro ang tamang pakikipagkapwa-tao sa mga alaskador na estudyante, alam ba ninyo na tila  naging pasimuno pa ang paaralang iyon?   Paano matututo ng wastong ugali ang mga nasasakupan ng mga ito kung mismong sila’y mapangmata?

 

Alam mo  Nancy  ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. Ikaw Nancy, may narinig ka?

 

Nancy: Wala pa  Kaka.

 

Kaka Alih: Tama ka Nancy, kabaligtaran ng kuwento ang nangyayari dito sa atin,  kasi ang pinatatalsik sa mga eskwelahan ay ang mga basagulero, walang hilig sa pag-aaral, o yung mga nahuhuling gumagawa ng ka-imoralan at siyempre, kagaguhan. Pero sa  bansang sinabi natin ay  iba ang trip nila. Mabuti na lang, swerte tayo dahil  ipinanganak tayo dito sa Upi, dito sa Pilipinas dahil kahit paano, karamihan sa mga Pilipino’y marunong din namang makipagkapwa-tao.

 

Nancy: Tama!

 

Kaka Alih: Talagang tama ka Nancy, tuloy tayo.

 

Dito naman tayo sa Diskriminasyon sa Paniniwala.

 

Ayon sa isang blogger na nagpapakilala ng Voyager:  “Wala sa relihiyon yan kundi nasa tao.. siguro nga isa sa malaking factor kung bakit hindi maganda ang pagkakakilala ng ating mga kababayan sa pinas tungkol sa muslim dahil narin sa media at sa nakikita nila minsan sa ugali ng mga ito lalo na sa Quiapo, mga   madumi ang paligid nagtitinda ng pirated. Mali rin kasi minsan ang mga nagbabalita sa dyaryo, telebisyon at radyo na pag may Muslim na gumawa ng masama ang tag ng headline ay “muslim pumatay, nahuli sa ganon, etc.etc., pero bakit pag ibang relihiyon ang gumawa di nila masabing: INC nakapatay, Protestante nanghalay, Kristiyano nandukot.. napaka unfair diba?.. isa yan sa dapat pakaingatan ng mga gumagawa ng mga balita na ganyan.. dapat minsan iexplore nila ang paligid nila kung bakit nagiging masama ang isang tao at di dapat unang tinitignan kung ano ang paniniwalang kinaaniban niya.”

 

Sigoro may friend Voyager, nasasabi nila yun dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng Muslim. Kong alam nila na ang sinasabing Muslim ay tribu o nationality ay hindi  nila gagamitin  ang term na  Muslim. Kong alam nila na ang ibig sabihin ng Muslim ay naniniwala sa Allah, Believer in English, ay hindi nila ito sasabihin. Kong alam lang sana nila na pagka-Muslim ay hindi dahil ikaw ay isang Maguindanaon, Iranun, Meranaw, kundi dahil ang relihiyon mo ay Islam ay hindi nila ito  sasabihin na Muslim.

 

“Hindi din Kaka ang mga taong iyan ay talagang nananadya, nagtapos ng kurso ng  law, isang tumanda ng membro ng media, hindi  pa niya alam ang ibig sabihin ng  Muslim?” ito ang hinanakit na sabi ni Bapa Rakman.

 

Na.. nana nampamba !..  Bapa Rakman, ang ganyan mga tao ang mahirap paliwanagan, kasi intentional na yan, naghahanap lang yan ng butas para siraan ang mga taong ayaw niya.

 

Kong minsan din daw may mga diskriminasyon sa membro ng pamilya o sa grupo. Halimbawa, sa kainan, sasabihin mo: “mamaya na kayo kumain, total hindi kayo bisita”. Sagot ni Tasyo, “bakit maam bisita lang ba ang nagugutom ako din” (LAUGHING) Tama ! ka Tasyo, kaya lang sabi ni Leny, pairalin mo naman ang hospitality, naaku Tasyo nawawalan  ka na ng  mabuting pakikitungo sa inyong panauhin, ugaling Pinoy ang “pagadiadi kano bo” (sa Iranun) give way.

 

Kong minsan ang salitang diskriminasyon ay naabuso din, kailan?

 

Ang iba ay ginagawa itong excuse upang makaganti, makapanlait, upang makakuha ng pansin, upang kaawaan.

 

Kong minsan nagkakaroon ng diskriminasyon dahil ang taong nasa kapangyarihan o kakayahan ay galit sa tao. Hindi  na niya ito bibigyan ng pantay na trato dahil  galit nga siya doon. At ito ang madalas na  dahilan kong bakit mga  diskriminasyon, dahil sa galit, inis, pagmamalaki, at higit sa lahat, dahil sa kakulangan ng pananampalataya at paniniwala sa Poong Lumikha o Allah.

 

Panahon na para tayo matakot sa parusang tatanggapin natin mula sa Lumikha kapag pinairral natin ang diskriminasyon na  wala sa lugar. Ang bawat tao ay may karapatan sa kanyang kapuwa, subalit karapatan mo man ito, ay ilagay mo pa rin sa perpektiba o  pag-angkin.

 

Ito  ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:30 am | permalink | comments[3]

NCES Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika

NCES Ipinagdiriwang  ang  Buwan ng Wika

(Balita ni Alih S. Anso)  

Nuro, Upi (August 18, 2011)….Ipagdiriwang ngayon araw ng Nuro Central Elementary School (NECS) ang buwanan ng wika sa bulwagan  ng paaralan.

Magsisimula ang palatuntunan sa ganap na ika-walo ng umaga na may  tema na “Ang Filipino ay wikang  panglahat, ilaw at lakas sa tuwid na landas”.

Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika.

Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.

Ang panauhing pandangal ay  Ginang Aida Defensor, punong  guro ng Joy Alliance Education Centre, pribadong paaralan na  pinalalakad ng Alliance churches.

Magkakaroon din  ng mga paligsahan o contest sa dula-dulaan para sa pre-school level at grade 1 at 2  level,. Ang ikatlo at  apat baitang ay mag-papaligsahan naman sa tula. At ang grade V  at VI ay  magtatagisan naman ng talino sa balagtasan.

Posted by dxupfm at 6:31 am | permalink | comments[7]

Janalene A. Navidad, Itinanghal na Mutya ng UAS 2011!

Janalene A. Navidad, Itinanghal na Mutya ng UAS 2011! 

(Balita ni Nancy L. Lawan)   

Nuro, Upi (August 18, 2011)….Hakot award ang itinanghal na Mutya ng UAS 2011 na si Janalene A. Navidad sa ginanap na Search for Mutya ng UAS 2011, na isinagawa sa Upi, Municipal Gymnasium.  

Nakuha din nito ang Minor Awards na Best in Casual Wear, Best in Sexy Shorts, Wittiest Candidate, Best in Talent Presentation,at Best in Gown.

Sa Major Awards naman 4th runner-up si Scenley May Martinez at Miss Photogenic, 3rd runner-up si Dessah Bansil at Miss Congeniality, 2nd runner-up si Darriane Pearl Esteban, 1st runner-up si Anna liza Alquizalas at Best in Production Attire.

Nagsilbi namang mga hurado sina Engr. Edenson T. Sawac, Loren Joy O. Garcia RN, Vincent Regin R. Gamino RN, Clinton John Colcol MPA at Sheila P. Censon CPA bilang chairman

Ang Search for Mutya ng UAS 2011 ay taunang aktibidad ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA)  na  bahagi ng 92nd Foundation Anniversary.

Ang UAS-PTIA ang isa  sa mga naunang paaralan sa bansa, na itinatag noongAugust 19, 1919, ng isang Amerikanong sundalo  na si Captain  Bryan Erving Edwards na nagkapagasawa ng T’duray.

Posted by dxupfm at 6:18 am | permalink | comments[9]

Hindi ako nagresign, misquoted lang ako-Mayor Piang

August 17, 2011

Hindi  ako nagresign, misquoted  lang ako-Mayor  Piang    

Balita ni Alih S. Anso 

Nuro, Upi (August 17)….Hindi ako nagresign sa peace panel” ito ang nilinaw ni mayor Ramon A Piang Sr, member ng GPH  peace panel na nakikipag-usap  kapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) .  

Naibalita kahapon sa community  radio DXUP FM na  naghain na ng kanyang resignation letter si  Upi Mayor Ramon A. Piang Sr. bilang membro ng GPH-MILF  Peace Talk Panel,

Ang  naibalitang  resignation  ay narinig ng mga  DXUP FM reporters sa  flag ceremony ng LGU Upi   LGU officials at employes ng Upi, at hinihintay lang di umano ang feedback  ng OPAPP.

Sa interview ng DXUP FM kay Mayor Piang ngayon hapon, kanyang sinabi na:  Gusto kong linawin, sigoro namis-interpret lang ang aking sinabi, gawa ng anunsiyo sa harap ng mga empleyado sa bayan ng Upi, noong   Lunes ng umaga, ang akin naman ay ganito ang sinasabi ko,  sa mga empleyado, humihingi ako  ng paumanhin dahil  sa loob ng ilang  Linggo ay bibihira ako nakakapasok sa opisina, dahil medyo tinutukan natin ang update, ng GPH panel   sa goberno sa MILF , ang sabi ko  sa mga empleyado na humihingi ako ng paumanhin, sabi ko,  medyo busy ako sa panel kaya bihira ako nakakapunta sa inyo, but ganoon pa  man ay ginagampanan ko ang obligation bilang alkalde ng bayan.”

Pinaliwang ni Mayor Piang na kong talagang hindi  na  kaya,  magten-tender ako ng resignation, pero sa ngayon  wala pa naman   dahilan, para magtender ng resignation, sapagkat namamanaged   pa naman, ang kanyang  schedule kahit ano pa man ang ka-busy sa   trabaho sa local na  pamahalaan ng Upi,

Dagdag ni Mayor Piang:  sigoro yun ang namis-interpret ng ating mga  reporter, ang sabi ko na kong hindi ko  kaya ay magtender ako  ng resignation, pero hindi ko sinabi na nagtender ako ng resignation.”

“Sabi kong talagang hindi  ko na kaya, magtetender ako ng resignation, subalit kakausapin ko muna ang secretary ng Office of the Presidential Adviser on the  Peace Process,   sa ngayon ay manageable pa naman ang aking schedule.”   

Ganoon pa man din sa lahat ay  humihingi tayo sa lahat  ng nakatanggap sa balitang ito, medyo namis-interpret ang message,  na hindi ganoon ang tunay na  kahulugan.

  “Hindi ko gagawin na ganoon na lang ay  ako magreresign ako, dahil  matagal nag hinihingi   ang mga kapatid na Lumad na magkaroon   ng representation  sa peace panel, na ngayon na nabigyan,  ay magreresign ako ng ganoon lang.” diin na paliwang  pa ni  Mayor Piang.

Dahil sa maling intepretatsyon na ito  ay humingi na rin ng paumahin kay Mayor Piang at sa mga iba pang concerned ang DXUP FM sa maling pag-bibigay ng balita.

Posted by dxupfm at 2:42 pm | permalink | comments[2]

Mga Dapat Malaman sa buwan Ramadan-Buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslim

Mga Dapat Malaman  sa  buwan  Ramadan-Buwan ng Pag-aayuno  ng mga Muslim

 

(August 16,  2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host:  Panglabing pitong araw na ngayon ng Ramadan,  ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim, magbibigay ng ilang kunting kaalaman sa banal na  araw na ito ng Ramadan- samahan si Kaka Ali sa ating segment na nakaka:

 

(PLAY INTRO)

Nancy: Magandang Kaka Ali, kumusta na ang pag-pupuwasa natin?

 

Kaka Alih: magandang umaga din Nancy, Insha Allah (sa Awa ngAllah) heto nakakasurvive pa rin.. uhaw at tulog ang karaniwang nararamdaman  ng isang nag-aayuno.

 

Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.

 

Ang Kalendaryong Islam katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ay binubuo ng labing-dalawang buwan.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb. Ang buong ikot ay nagaganap sa loob ng tatlongpu’t-limang taon. Sa ganitong paraan, ganoon din ang haba ng araw at sa sandali ng pag-aayuno sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay magkakaiba sa mga taon.

 

Ang mga Muslim sa   buwan  na ito ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

 

At dahil hindi kumakain sa araw ang iyong kapatid na Nanamapalataya sa Islam, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.

 

Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa medaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gusting matulog sa araw.

 

At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw ang boss o kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.

 

Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadan, dapat malaman mo na pwede namang kumain ang nag-pupuwasa o nag-aayuno na Muslim,  pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway mamayang hapon ang breaking of fast ay 6:02 ng gabi, so therefore pwede silang kumain  hanggang bukas na 4:10  umaga, dahil ito ang imsak o cut of  time.

 

Dapat malaman mo rin  Kapatid na may exempted  din, ibig sabihin ay  pwedeng  hindi muna  mag-aayuno.  Halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon, ang maglalakbay at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.

 

Ngayon kapatid kong sa  palagay  mo ay  dapat ka ng  dalhin sa mental hospital ay pwede ka ng magpa  exempt (LAUGHING)

 

Buweno tama na muna, at para sa  lahat happy  Ramadan, hanggang sa susunod na chapter, bukas Mga Kundisyon sa Kasuotan ng mga Kababaihan ang aming ibibigay sa inyo, Insha Allah.…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:13 am | permalink | comments[3]

Mutya ng UAS 2011 bahagi ng 92nd UAS-PTIA Foundation Anniversary

Mutya ng UAS 2011 bahagi ng 92nd UAS-PTIA Foundation Anniversary

Balita ni Lucy Duce

Nuro, Upi (August 17, 2011)…Mamayang ala-una ng hapon  ang kaabang abang na pagpili ng Mutya ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Institute of Agriculture (UAS–PTIA) 2011, na gaganapin sa Upi municipal gymnasium. 

Ang  pagpili ng Mutya ng UAS ay taunang ginagawa ng nasabing paaralan kaugnay ng ika siyamnapu’t  dalawang taong annibersaryo nang pagkakatatag ng UAS-PTIA.

Ang UAS-PTIA ang isa  sa mga naunang paaralan sa bansa, na itinatag noongAugust 19, 1919, ng isang Amerikanong sundalo  na si Captain  Bryan Erving Edwards na nagkapamilya ng isang T’duray.

Limang nag-gagandahan at matatalinong estudyante  ang rarampa sa entablado   kinabibilangan nina Anna Liza Alquizalas Dessa Bansil Darian Pearl Esteban, Schenley May Martinez at Janalene Navidad. 

Kabilang sa mga exposure na paglalabanan ay ang Best in production attire, Best in casual wear, best in sexy shorts, Wittiest candidate, Best in Talent Presentation at Best in gown pawang mga minor awards.

Pipili din ng UAS Singing Sensation at Special Awards na Miss congeniality at Photogenic.

Posted by dxupfm at 7:06 am | permalink | comments[18]

Piang naghain ng Resignation sa GPH-MILF Peace Talk Panel

August 16, 2011

Piang naghain ng Resignation sa GPH-MILF  Peace Talk Panel

Balita ni Nenita Minted

Nuro, Upi (August 15) Naghain na ng kanyang resignation letter si Upi Mayor Ramon A. Piang Sr. bilang membro ng GPH-MILF  Peace Talk Panel,

Ipinahayag ni Mayor Piang   ang kanyang resignation  kahapon sa  Flag ceremony ng LGU Upi   LGU officials at employes ng Upi, Maguindanao.

Sinabi nito na siya ay magreresign bilang membro ng peace panel, upang matutukan nito ang bayan ng Upi bilang alkalde nito.

Sa ngayon ay hihintay nalang nya umano ang feedback mula sa OPAPP.

Posted by dxupfm at 5:43 am | permalink | comments[20]

Flasflood na naman sa Nuro, Mayor Piang nagbigay alarma sa mamamayan!

August 15, 2011

Flasflood na  naman sa Nuro, Mayor Piang  nagbigay alarma sa mamamayan!

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi (Agosto 15)…Dahil sa malakas na buhos ng ulan kahapon ay muling naka-flashflood o biglaang baha sa ilang bahagi ng Barangay Nuro, mg  alas siyete  kagabi. 

Una ay  may nagtext sa programang Duyog Ramadan ala singko y media,   na sinasabi  na may baha sa Masjeed Nor sa silangan ng Barangay Nuro, at agad naman tinawagan ang number at sumagot si Bert at kinumpirma ang pag-taas ng tubig sa Nuro creek galing ng Sitio Kabutuyen,  Barangay Blensong. 

Agad na pinarating ng DXUP kay vice mayor Alexis Platon ang report at agad na pinuntahan ng bise alkalde  ang lugar na naiulat .

Pagsapit ng ika-pito ng  gabi ay biglang rumagasa ang tubig mula sa Sitio Kabutoyen, Barangay Blensong at di naglipat sandali ay ilang bahagi ng Nuro ay umabot nasa kalahating piye ang lalim ng tubig.

Dahil dito ay muling naalarma ang mamamayan dahil   naranasan na ang  ganito,  noong 1995 at 2008.

Agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan ng Upi Ramon Piang Sr,  sa mga mamamayan  na mag-ingat sa posibleng landslide,  baha  at flashflood lalo yaong  malalapit sa kabundukan at ilog.

Dahil sa madalas na mga flash flood ang  palaging nakikitang  dahilan ay ang pagkaubos  ng  mga punong kahoy sa mga kabundukan.

Ayon  sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy ang pansamantalang humaharang  at sumisipsip sa tubig  ulan at pagkatapos ay dahan-dahan ang pagbaba  ng tubig sa kapatagan.

Posted by dxupfm at 8:22 am | permalink | comments[4]

Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating Kapaligiran

Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating Kapaligiran

(August 15,  2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

Host/Nancy: Ang tanong natin ay gaano  kahalaga ang kagubatan sa ating kapaligiran? Ang sagot ay ito  ang tatalakayin natin sa ating nakaka   ang pagtataguyod at pamamahala ng ating kagubatan, dahil sa nakakaalarma ng kalagayan nito sa ating bayan at bansa.  Kaya kakibigan, samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …

(PLAY INTRO)

Host/Nancy: Good Morning Kaka Alih..

Kaka Alih:  Good morning din  kahit nakaranas kami ng flashflood kagabi.. ..(LAUGHING)  

Host/Nancy: Kumusta na ang baha Kaka, paki  flashback naman ang flashflood kagabi..(LAUGHING)  

Kaka Alih:  about seven oclock  na yun, prepared na akong pumunta sa Masjid ng biglang magsigaw ang aking  anak  na may tubig na sa loob ng bahay, ng aking tingnan palalim na  nga, di  naglipat sandal hayun mga anim na pulgada na ang  lalim ng tubig sa aming bakuran, kong gaano kabilis ang pagdating ganoon  din kabilis ang apaglisan ng tubig, dahil  alas nuwebe ng gabi humupa na ang tubig, parang walang nangyari..salamat at may mga ginawang kanal at nilinis na rin  ng LGU  ang mga kanal sa  Nuro, lalo na  sigoro kong matapos na  ito, dahil doon  sa amin di  natatapos ang muling paghukay sa  kanal.

Dahil sa flashfllod kagabi  ay muling naalarma ang mamamayan lalon an gating Mayor Piang, dahil   naranasan na ang  ganito,  noong 1995 at 2008.

Na agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan ng Upi Ramon Piang Sr,  sa mga mamamayan  na mag-ingat sa posibleng landslide,  baha  at flashflood lalo yaong  malalapit sa kabundukan at ilog.

Dahil sa madalas na mga flash flood ang  palaging nakikitang  dahilan ay ang pagkaubos  ng  mga punong kahoy sa mga kabundukan.

Ayon  sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy ang pansamantalang humaharang  at sumisipsip sa tubig  ulan at pagkatapos ay dahan-dahan ang pagbaba  ng tubig sa kapatagan.

Alam mo Kapatid na  Nancy, ang kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos, ang mga  kabundukan natin  noon  ay  maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal, puro ngayon ay halos wala ng natitira,  kong mayroon man ay di na sapat para mabalanse an gating  ecology o  kapaligiran natin.

May tanong sa atin: “Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating kapaligiran?”

Ang  ating naging kasagutan:

“Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil  ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan. 

Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na  siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.

Ang mga naglalakihang mga puno  ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman).

Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang  pangsala ng kalikasan (buffer system)  sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.

 Ang pinsalang pangkalikasan na ito sa ationg malusog na kagubatan noon   ay panimbang din sa lahat ng  labis  na  init at polusyon.

Ang    pag init ng buong daigdig o ang tinatawag na “global warming” ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon.  Na ayon sa mga siyentipiko o scientist ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos  ng punong kahoy, at dahil dito ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo o ang nagsisilbing payong sa initi ng araw .  

 Kaya naman ayon sa mga siyentipiko,   kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan.

Sa kalagayan natin sa ngayon na halos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunit kong gagawin natin ay kayan natin.

Ayon sa mga pag-aaral ay dapat  unahin na iwasto,  ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang  angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman.  

Maglagay ng mga shade plants o panganlong tanim, bago  isusunod ang mga  principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay  madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan.  Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.

 Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay kong susundin ang  ganitong pamamaraan, ayon sa mga  pag-aaral. Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.

Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa   pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.

Tanong pa rin ng isang batang nag-aaral “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”

Anak ganito ang pwede kong isagot: May mga bahagi ng ating  ang kagubatan sa ngayon ay   walang    namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala  kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha  ng mga yaman gubat.  Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon  ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.

Dahil sa sitwasyong ito,  may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol  ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive)  gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating  natitirang yamang-gubat o kagubatan.

‘Tay may pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?” dagdag na tanong ng anak.

Of course naman  Ting!, (LAUGHING) Ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, oo nasa atin na mamamayan ng Upi, kailangan lamang na gawin,  hindi sa salita lamang .

Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan,pwede pa nating isalba ang catastrophy o ang delubyo na darating.   

Kinakailangan lamang ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan.

Kaya naman saludo ako Nancy sa ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng  Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa  ating Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?

Nancy : Ano ang  FLUP Kaka,  pwede mong ipaliwanag sa atingmga  tagapakinig sa bago sa kanilang pandinig.

Kaka Ali: “Ang FLUP ay ang Forest Land Use Plan.  Ito ang  nagtataguyod o nagsasagawa ng   isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.

Nancy : Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?

Kaka Ali: Hindi pa naman Nancy, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghati-hati sa ating kagubatan kong papaano pangangalagaan at gagamitin.  

Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:

·        Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?

·        Anong parte ang maaring ipamahala  sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)?  O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?

Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala).  Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanan, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.

Nancy: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”

Kaka Ali:  “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay  mahalaga o  iportante,   upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon  na maaring mamahala dito.

Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?

Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano.  

Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbing rin batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaaksyunan ang mga problema na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan. Dahil ditto ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.

Halimbawa ay ang:

Ø  Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.

Ø  Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman.   Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.

Ø  Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad.  Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.

Ø  Mga pang-matagalang pakinabang.  Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy  ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan.  Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.

Nancy: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”

Kaka Ali: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan.  Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa.  Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular  na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.

Nancy: May  papel ba na dapat gamapanan ng pamayanan sa pagbuo   at sa pagpapatupad ng FLUP?

Kaka Alih: Yes, ito ay multi-sectoral.  Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad  ng FLUP.  Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n gating saling lahi o susunod na henerasyon.

Sukran… Wassallam.

Nancy: Maraming  salamat Kaka Ali, sa maganga presentasyon, mga kapatid kongmay tanong tungkol sa FLUP makipag-ugnayan lamang po sa LGU Upi, pwede ninyong lapitan si Glo Sentillo o dili kayay  si Kagawad Ben Suenan.

(PLAY EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:19 am | permalink | Add comment

Brownout Na Naman! Mga Negosyante Naalarma sa Magnanakaw

August 13, 2011

Brownout Na Naman!  Mga Negosyante  Naalarma sa Magnanakaw

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi (Agosto 13)…Kagabi  ay biglang nawalan ng korente ang pamilihang bayan ng Upi, kasama ang Barangay Blensong sa hindi pa napaglamaang dahilan. Agad namang  na-alerto  ang mga Pulis sa public market para  di na maulit ang mga pagnanakaw tuwing brownout.

Ang Upi ay sinusuplayan ng korente o electric power ng  Maguindanao Electric Cooperative Inc. MAGELCO  at  tatlong linya  ang ginagamit    sa  district 11 ng Magelco, na sakop ay ang Upi at South Upi. Ang  right phase ay ang bandang Darugao at Rempes, left phase ang Public Market at Barangay Blensong  at center phase ang Barangay Borongotan hanggang Sout Upi.

 Hanggang sa  pagabalitang ito,  ay brownout pa rin  ang left phase na sakop ang public market at Barangay Blensong.

Naireport naman sa DXUP FM ng isang  joggers,  nitong  madaling araw na walang ilaw ang tatlong electric post na nasa national higway at dalawa naman ang nasa Palileo street.  

Ang mga streets lights ay minimintina ng LGU Upi at hanggang sa pagbabalitang ito hindi  pa napapag-alaman ang dahilan. 

Posted by dxupfm at 8:49 am | permalink | comments[3]

School base seminar on campus journalism Nakatakda

School base seminar on campus journalism Nakatakda

Balita ni Lucy Duce

Nuro, Upi (Agosto 13)…Nakatakda ang seminar on school based campus journalism nitong Agosto 20-21   sa Nuro Sentral Elementary School.

Ayon kay Gng. Almaida Diaz ito ay lalahukan   ng mga paaralan mula sa ibat- ibang paaralang pampubliko at pribado ng Upi, Maguindanao.

Ang mga  Resource Person ay sina Grace Rivero ng Division Office Maguindanao , Dolores Clarete at Aireen Casada ng St Francis Highschool.

Ang layunin nito  ay upang maihanda ang bata sa darating na regional contest.  

Mayroon registration fee na ₧100  para certificate at seminat kit .

Posted by dxupfm at 8:39 am | permalink | comments[15]

Celpon inihatid sa DXUP nabawi na ng may-ari

Celpon inihatid sa DXUP nabawi na ng may-ari

Balita ni Nenita Minted

Nuro, Upi (Agosto 13)…Masayang tinanggap ni Noria Gandawali ng Barangay Rempes ang  kanyang cell phone na Nokia1208, na kong saan ito ay nawala bandang Darugao habang pauwi mula sa Nuro.

Napulot ni Johnny Lalison ang  mobile phone at inihatid naman kaagad ng kanyang asawa na si Aileen Lalison. Ipinaabot naman ni Noria ang pasasalamat sa pamilyang nakapulot sa kanayang celpon.

Mula ng maitatag walong taon na ang nakakaraan, ang community radio DXUP FM ay nagsilbing “lost & found center”  na mga mamamayan ng Upi at katarig bayan.

Posted by dxupfm at 8:30 am | permalink | comments[10]

Para sa mga Taong Hindi Makatulog ng Mahimbing

August 12, 2011

Para sa mga Taong Hindi  Makatulog ng Mahimbing

(August 12, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  May  problema ka ba sa pagtulog? Ayaw ka bang dalawin  ng  antok? o nahihirapan kang matulog ng mahimbing sa gabi, kong ganoon, makinig sa ibabahagi ni Kaka Alih, baka masulosyonan ang problema mo kaibigan.

 (PLAY-INTRO NAKAKA)

Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.

Kaka Alih: Magandang umaga din Nancy,    Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,.   

Ngayon umaga ay agad  akong nag-hanap  ng sulosyon sa aking konting problem, hindi ako makatulog kaagad, ayaw akong antukin sa gabi,  pero inaantuka ako bandang umaga, bakit kaya?

Naisip ko kaagad ang naging friend natin sa Facebook at Blogs, ang mag-asawang Dr at Dra Willie Ong, ang nagpadala sa ating mga babasahing aklat sa mga sagot sa ganitong ganitong problema.

Naku laking disgrasya, hiniram pala ng anak ko, ayaw na kasing bitiwan dahil very informative dawn a aklat. Sabi ko magpasalamat ka kay Dr Willie Ong.

Kaya ang ginawa ko, nag-explore ako sa search engine na GOOGLES, type ang words na hirap akong makatulog willie ong.. KLIK!  Ayon may sagot na  kaagad, ito angnagustuhan kong may internet connection  dahil sa new technology, sa isang kisap mata may sagot kana sa mga tanong.

May I quote, sa article ni Dear Doc Willie sa Pilipino Star Ngayon dated Aug 4, 2011.

Ayon sa sulat: “Dear Doc Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James”

Sagot ni Doc Willie:

“Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing.

Kapatid kong may problema ka sa pagtulog o  kong wa la pa  naman, makinig ka  parin  anong malay  baka bukas, maranasan mo ang nararanasan ni Kaka Ali at James. Kapatid heto na   ishare ko sa inyo ang  mga payo ni Doctor:

1)      Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.

Kaka, Papaano ang favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend,  Eh  simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog, ang iportante sabi  ni Dok sanayin ang oras sa pagtulog. Suggestion

2)      Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukuo ang tiyan dahil sa gutom,   . Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.

3)      Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog

4)      Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap ma-tulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.

Kaibigan pwede kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.

5)      Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.

6)      Umiwas din sa pag-inom ng alak. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.

7)      Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan.

8)      Huwag magtrabaho pagkalampas ng 6 ng gabi. Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.

9)      Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.

Heto ang  nakaka na payo ni Dok, makakatulong ang makipag-sex sa gabi sa ionyong asawa. Ayon sa pagsusurin kasi , nakatatanggal ng stress ang pagtatalik. Nagiging mahimbing din ang pag-tulog. Pare Walang malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).

10)   Ilayo ang mga relos O  ALARM  CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.

11)  Huwag mag-schedule ng maagang meeting. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.

12)  Gawing matahimik at kom­portable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA NA  MAINGAY. Itali ang asong tahol ng tahol. Patulugin na si beybi. Gawing madi-lim ang silid.

13)  Bumili ng komporta-bleng kama, unan at kumot. MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok.

14)  Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umi­kot-ikot paitaas ang hangin.

15)  Uminom ng mainit na ga­tas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.

16)  Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.

17)  At siyempre, huwag kalimutan mag-dasal   Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito.SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO  HALIMBAWA SUBAHANALLAH, ALLAH AKABAR, ALHAMDULLLILAH…

SA MGA KRISTIYANO Magdasal ng ganito: “Diyos ko, naging maganda ang araw natin ngayon. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masa­ya, magagawa ko na po ang pina­gagawa mo sa akin. Amen.”  

Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW “Seek knowldege from the cradle to the grave” hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.  Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM..  Sukran and Wassallam

Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan sa Lunes ang ating segment na nakaka, at muli ninyong makakasama si Kaka Ali.,

(PLAY-EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:28 am | permalink | Add comment

Buwis at Zakah

August 11, 2011

Buwis at Zakah

(August 10, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Ang Buwis at Zakah  ay parehong binabayad o ibinibigay  ng mamamayan, ang pagbabayad dito ay by percentage   mula sa kita o income, ang tanong ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng buwis at Zakah? Umantabay sa pakikinig sa inyong mga radyo dahil ito   ang tatalakayin ni Kaka Ali   sa ating segment na nakaka…Buwis at Zakah

 (PLAY-INTRO NAKAKA)

Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.

Kaka Alih: Magandang umaga din Nancy,    Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,.  Ang nagpapatakbo sa   ekonomiya ng ating pamahalaan ay mula sa buwis na ibinabayad ng mamamayang Pilipino at mga Banyaga.

Kaya naman ang gobernó ng bansang Pilipinas ay nangongolekta ng buwis o tax  sa kanyang  mga  mamamayan. Dahil ang buwis na   ito   ang ginagamit sa operasyon o pagpapatakbo ng kanyang  pamahalaan.

Inilalaan ang mga nakolektang buwis sa suweldo ng mga opisyal at empleyado ng gobernó,  sa mga proyektong  para sa kaunlaran o development.

Marami ang uri ng buwis o tax sa Pilipinas: halimbawa ay  may tinatawag personal tax, excise tax, direct tax,  indirect tax , national tax,  local tax,   progressive tax, regressive tax, VAT,   EVAT,  toll tax,  sin tax, at ad-balorem tax. Ang sin tax  o buwis sa “kasalanan” ay mula sa buwis ng sigarilyo at alak na makalasing, na pawang ipinagbabawal o Haram sa Islam .

Ang Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) (Inggles: Bureau of Internal Revenue) ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na nasa ilalim ng Kagawaran ng Pananalapi na naglilikom ng mga iba’t ibang uri ng buwis sa bansa. Ito ay naglilikom mahigit sa kalahati ng kabuuang kita ng pamahalaan. At mga lokal na pamahalaan, bagmat ang  ibang kagawaran o ahensiya  ay binigyan din ng karapatan na mangolekta ng  buwis, halimbawa ay ang local government unit (LGU).

Sa Bansang Indonesia na isa ring demokratikong bansa, katulad ng Pilipinas, nangongolekta rin ang gobernó nito ng mga buwis o tax at ito rin ang ginagamit sa pag-papaunlad ng bansa.

Katulad sa ating  bansang Pilipinas, ang  mga mamamayan ng Indonesia na Muslim ay nagbibigay din ng Zakah, katulad ng mga Muslim sa Pilipinas.

Ano naman ang ibig sabihin ng Zakah?

Ang Zakah ay isa limang haligi ng Islam,  ito ay  ibinabayad ng mga Muslim mula sa kanilang kabuhayan o ari-arian. Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na itinakda ng Poong Lumikha. Iniutos sa mga Naniniwala na  bayaran o magbigay  ng   Zakah ang mga may sapat na kita o kayamanan.

Isa sa batayan sa pagbabayad ng Zakaah ay dapat ang isang tao ay Muslim, at hindi ito kinukuha sa mga di-Muslim.

Ang Pilipinas at Indonesia ay parehong nangongolekta ng buwis sa mamamayan nito. Sa Pilipinas ay nagbabayad din ng Buwis ang mga mamamayan nitong Muslim at nagbabayad din ng kanilang Zakat.

Ang kaibhan ng dalawang bansa, ay ang bansang Indonesia ay binibigyan halaga  ang mamamayan nitong mga Muslim. Halimbawa sa  Muslim na nagbabayad ng Zakah ay ibabawas sa kanilang bababayarang buwis ang mga halaga ng kanilang ibinayad sa kanilang Zakah.

Ang isa sa mga nag-iipon ng kanilang Zakah sa Indonesia ay ang Dompet Dhuafa, dito sa Pilipinas ay may kahantulad na organization ito ay kilala sa tawag na Lugnatul Awliya.

Ang tanong ay “Saan ginagamit ang Zakah?”

Tulad sa buwis, ay ginagamit ito sa pagtulong sa mga mamamayan, sa kanilang personal at pamayanang pangangailangan.

Ano ang layunin ng Zakah sa relihiyong pananaw?

Ang Zakah ay isang pamamaraan ng Ibadah na ang pangunahing layunin ay ang pagpapaunlad ng ispirituwal na pamumuhay ng isang Muslim. Ang kawanggawa na ibinibigay ng mga mayayaman ay nakatutulong upang ang kanilang mga puso ay maging malinis laban sa kasakiman at karamutan. Ang Zakah ay nagtuturo rin upang masanay ang tao sa pagbibigay sa kapuwa. Ang mga mahihirap naman ay magkakaroon ng magandang kaisipan at mawawala sa kanilang puso ang inggit at selos.

Ang patakaraan ng pagbibigay ng  Zakah.

Para maging wajib o compulsory ang Zakah , ang mga sumusunod ay dapat matupad:

Ang isang Muslim ay dapat na nasa hustong pag-iisip at gulang.   Walang obligasyon sa pagbibigay ng Zakah ang mga kulang ang isip sapagkat hindi sila responsable sa kanilang mga gawa o kilos.

Ang isang Muslim ay dapat na may naipong yaman o salapi na higit sa kanyang pangangailangan.

Ang naipong yaman o salapi ay dapat na higit sa hangganan ng Nisab (itinakdang minimum).

Ang naipong yaman o salapi ay dapat na nasa kanya na lagpas sa isang taon.

Ang halaga ng bayad sa Zakat ay 2.5% sa net income para sa mga negosyante at tumanggap ng kita mula sa suweldo at 5-10% mula sa kita agricultura.

Ang halaga ng Zakah na dapat bayaran ay 2.5% mula sa mga halagang naipon sa loob ng isang taon at 5-10% mula sa kita agricultura.

Sa pamamagitan ng pagbabayad o pagbibigay ng Zakah, pinapawi nito ang pagiging dukha at kahirapan sa pamayanan ng mga Muslim at inaako sa maaaring kasamaan na magmumula dito, gaya ng nakawan, patayan at ang paglabag sa kapakanan ng mga tao. 

Binubuhay ng Zakah  ang kasiglahan ng pagtitiwala at pangkapatiran sa pamayanan ng mga Muslim sa pagbabayad ng Zakah sa mga dukha at mahirap.

Ang tanong ay: Sino Ang Dapat Tumanggap Ng Zakah?

Mayroon walong (8) uri ng mamamayang Muslim na inilarawan ng Qur’an bilang mga taong nararapat tumanggap ng Zakah. 

1. Fuqara (Ang Mga Kapuspalad)-Sila ang mga taong umaasa lamang mula sa tulong ng kapuwa. Sila ay maaaring mga ulila, may kapansanan, biyuda o biyudo mga matatanda, walang mga hanapbuhay.

2. Masakin (Ang Mga Dukha o Mahirap). Sino ang mga tinatawag na Dukha?  Sino man ang hindi nagkaka-income ng sapat upang tugunan ang kanyang pangangailangan ngunit hindi namamalimos o hindi nakikita sa kanyang ang pagiging mahirap, siya ay isinasaalang-alang bilang dukha (masakin).

Ang ibig sabihin nita ay ang isang dukha ay taong mahirap ngunit dahil sa kanilang paggalang sa sarili hindi nila magawang humingi o mamalimos. Kaya ang komunidad ng Muslim ay nararapat magsiyasat kung sino ang mga taong ganito ang kalagayan upang matulungan sa kanilang pangangailangan.

3. Amilina Aalaiha (Ang Taga-Paningil o collector ng Zakah).  Sila ang mga taong inutusan ng Islamikong Pamahalaan na maningil ng Zakat. Sila ay dapat bayaran mula sa Kaban ng Zakat.

4. Muallafat-ul-Qulub (Mga Bagong Kasaping Muslim).  Sila ang mga bagong kasapi ng Muslim na dapat bigyan upang tulungan sa kanilang pagbabagong buhay.

5. Ar Riqab (Ang Pagpapalaya ng Alipin).  Sila ang mga taong nagnanasang makalaya mula sa pagkakaalipin. At dahil sa panahon ngayon ay wala ng ganitong kalakaran, ang dapat bigyan ay yaong mga taong nakakulong ng dahil sa kanilang walang kakayahang magbayad  sa itinakdang salapi ng korte. Sila ay nakakulong dahil maaaring sila ay nagkaroon ng mga aksidente.

6. Al-Gharimin (Mga Taong May Utang). Sila ang mga taong baon sa utang . Hindi naman ibig sabihin ay dapat tulungan ang isang taong nagkautang ng dahil sa kanyang kapritso at walang katuturang paggasta. Ang Al-Gharimin ay mga taong nagkakautang ng dahil sa mga di-maiwasang pangyayari o ng dahil sa kanilang pang-araw-araw ng pamumuhay.

7. Fi-Sabilillah (Sa Landas ng Allah).  Sila ang mga taong nakikipaglaban upang mapanatili ang Batas ng Allah. Bagamat ang isang taong nagsasagawa ng Jihad ay may salapi, hindi naman niya maaaring sarilinin ang gastos ng jihad. Kailangan din na ang lahat ay dapat magbigay para sa fi-sabilillah.

8. Ibn-us-Sabil (Mga Taong Naglalakbay).  Ang naglalakbay ay maaaring may konting salapi ngunit dahil sa malayong paglalakbay kinakailangan niya ng karagdagang salapi, siya ay nararapat tulungan mula sa Zakah.

Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW “Seek knowldege from the cradle to the grave” hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan.  Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM..  Sukran and Wassallam

Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan bukas ang ating segment na nakaka, at muli ninyong makakasama si Kaka Ali.,

(PLAY-EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:33 am | permalink | Add comment

NCES nangangailangan ng 4 na classroom-ayon sa Principal

NCES nangangailangan  ng 4 na classroom-ayon sa Principal

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi (Agosto 11)…Kinakailangan ng apat na classroom sa Nuro Central Elementary School para sa preschoolers na patuloy ang  pagdami taon-taon ng mga  enrollees.

Ayon sa principal na si   Abel  Ersando ay hiwa-hiwalay ng lugar ang  mga classroom ng pre-schoolers.

Ang paraan  para masulosyonan ang problema,  kong saan may bakante na classroom ay doon pansamantala ang classroom ng mga preschoolers,  dahil hindi ito napaghandaan ng  paaralan dahil bago lamang na programa ng DepEd ang preschool, bilang bahagi ng K+12 program.

Nitong school year 2011-2012 ay may    naitala na 223 na  preschool pupil enrollees at tatlo lamang at preschool teachers kaya   dalawang session bawat araw ang pinapatupad ng nasabing paaralan.

Matatandaan na sinabi noon ng Kalihim ng Edukasyon Armin Luistro na ang universal public kindergarten program para sa mga batang may limang taon ay magbibigay ng mas magandang paghahanda sa mga bata at malaking pagkakataon na makatapos sila ng pag-aaral.

Ang universal kindergarten ay isang hakbang sa ilalim ng K + 12 basic education program ng pamahalaan na naglalayon maihanda ang mga bata sa pagpasok sa high school patungo sa kolehiyo hanggang makahanap ng isang magandang trabaho matapos ang kanilang pag-aaral.

Base sa tala ng DepEd umabot sa 1,126,722 ang kabuuuang pre-schoolers ang nakapagpatala sa buong kapuluan.

Dahil dito, nakatakdang magkaroon ng karagdagang preschool teachers at classrooms ang DepEd upang matugunan ang malaking bilang ng mga batang papasok na preschoolers.

Base pa rin  sa tala ng DepEd,  sa kasalukuyan  ay mayroon lamang 29,615 na guro para sa preschool sa buong bansaat ang target ng kagawaran na magkaroon ng karagdagang 700 permanenteng guro at mahigit 10,000 sa ilalim ng contract of services.

Dahil dito ay  sinimulan na  ng makipagtulungan ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan, barangay officials, magulang, mga non-government organizations maging ang sektor sa pagnenegosyo upang matugunan  ang mga kakailanganing kagamitan  at   problema.  

Posted by dxupfm at 6:52 am | permalink | comments[1]

International Day of the World Indigenous Peoples, Matagumpay na naisakatuparan!

August 10, 2011

International Day of the World Indigenous Peoples, Matagumpay na naisakatuparan!

 (Balitang ni Nancy L. Lawan)

Nuro, Upi (August 9, 2011) ….Matagumpay na naisakatuparan ang International Day of the World Indigenous Peoples, na isinagawa sa IDP Site Timanan South Upi, Maguindanao.

Ayon kay Froilyn Tenorio Mendoza ang Coordinator ng Teduray Lambangian Womens Organization o TLWOI,naging sentro ng talakayan ang mga issue ng rape case sa South  Upi, issue ng paglikas ng 56 families na mga internally displace persons o mga bakwit na mula sa sa Sitio Kewagib Upper Malibacao Barangay  Remongaob South Upi,Maguindanao.

Ito ay dinaluhan ng 182 mga partisipante mula sa ibat-ibang lugar kabilang ang Datu Odin Sinsuat Maguindanao,Datu Blah Sinsuat Municipality,Upi at South Upi,Maguindanao.

Naging panauhing mananalita si Municipal Kagawad Erlinda Erese sa kanyang mensahe labis itong nababahala dahil sa mataas na insidente ng rape case sa bayan ng South Upi, Maguindanao.

Posted by dxupfm at 7:40 am | permalink | comments[5]

Dagdagdag Pamasahe sa sikad-sikad ipinapatupad na!

Dagdagdag Pamasahe sa  sikad-sikad ipinapatupad na!   

Balita ni Lucy Duce at Alih S. Anso

Nuro, Upi (August 10, 2011).. Ipinapatupad   ang  dagdag    pamasahe sa sikad-sikad na ipinasa ng  Barangay Nuro, na inaprubahan naman  sa ika- 13 session ng 14th  Sanggunian Bayan ng Upi. Ayon  sa batas ng local government code ang mga ordinansa ng Barangay ay idadaan muna sa Sanggunian bayan bago ito maging  ganap na  batas ng  Barangay.

Ayon sa fare matrix ng Barangay Nuro ang bagong pamasahe sa sikad ay   mula sa market  patungong Maharlika Plaza ay apat na piso,  mula sa Market hanggang kay Betita ay apat na piso (₧4)   , Market  hanggang white house  ay ₧6 , Market – Notredame- ₧6 , Market-Salik Residence ₧6, Market –Darugao bridge ₧6 , Market-Ticua ₧6, market –St Francis -₧5 ,  Market – Rotonda ₧4.00, market –Montesori ₧4, market – globe ₧8, Plaza – Suaran ₧7, Magelco-NCES ₧4, student at senior citizens pamasahae ay  ₧3. Ang minimum na pamasahe sa ay apat na piso.

Ayon kay Barangay Nuro Chairman Jerry Pangcog mahigpit na ipinapatupad ng Barangay Council na  dapat may ID ang bawat   driver at dapat mayroong fare matrix na nakapaskil sa bawat sikad bago nila masingil ang bagong pinatutupad na pamasahe.

Posted by dxupfm at 7:33 am | permalink | comments[4]

Barangay Nuro benepisyaryo ng Cash-for-work program ng DSWD

Barangay Nuro benepisyaryo ng Cash-for-work program ng DSWD

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi (Agosto 9)  Umaabot sa pitumpo   na residente ng Barangay Nuro, Upi    ang kalahok sa programang pangkabuhayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng cash-for-work program ng ahensiya para sa mga mahihirap na pamilya.

Ayon kay Barangay Nuro, Punong Barangay Jerry Pancog,      ang mga kalahok sa cash-for-work ay kasali sa paghuhukay  at  paglilinis   ng mga  drainage canal sa Barangay Nuro kasama ang Nuro creek.   

Sa ilalim ng programang cash-for-work, ang lahat ng kalahok sa implementasyon ng lokal na proyekto ng barangay ay tatanggap ng arawang sahod na P150  sa loob ng pitong  araw mula sa pondo ng DSWD na pangangasiwaan ng local na pamahalaan.

Ayon pa rin Pangcog ang cash-for-work program ay magka-partner ang DSWD, Barangay Nuro at Lokal na Pamahalaan ng Upi.

Posted by dxupfm at 7:32 am | permalink | comments[3]

Ang Trisikad Driver, Kaibigan ng Masa

Ang  Trisikad Driver, Kaibigan ng Masa

(August 10, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)

Host/Nancy:  Ang buhay ng trisikad o sikad-sikad driver,  ay medyo mabigat na trabaho, dahil lakas at resistansiya ng katawan ang pinaka-capital,  subalit ito ay isang  marangal na hanap buhay,  sa umagang ito ang ifeature ni Kaka Ali sa ating segment  na nakaka,  Ang Trisikad Driver,kaibigan ng Masa.

(PLAY-INTRO NAKAKA)

Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.

Kaka Alih: Maganda ka pa sa Umaga Nancy, (LAUGHING).   este magandang umaga din Nancy (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,. 

Ano ang sinasabing trisikad?

Ang trisikad ay   isang sasakyang pangkalupaan na walang motor,   ang  isang parte nito ay  bisiklita    na may nakakabit na side car, at kinakailangan padyakan o pedalan para ito  tumakbo. Ang regular na makasakay ay dalawa, pangatlo ang driver.

Sa bayan ng Upi ay magsasampung taon pa lamang ng simulang gamitin bilang transportation panghanap-buhay.

Saan ako unang nakaita ng ganitong sasakyan? Naku mahabang kuwento kong ikukuwentoko, but short cut  lang natin  ang kuwento (LAUGHING)…Una akong nakakita sa may plaza ng cultural center  of the Philippines, at mga Turista ang sumasakay nito, palibot sa plaza ng center, at ang pamasahe ay isang daan pataas. 

Ang halaga ng set ng isang  trisikad sa Cotabato City ay P5,500-7,000 idagdag mo pa ang pamasahe sa sasakyan hanggang Upi ay P150-200.

Sa bayan ng Upi, ay madalas ang driver ay di siya ang nagmamayari ng trisikad kundi nagrerenta lamang. Ang renta sa buong araw noon ay 30 pesos, subalit nitong nakaraang dalawang taon  ay umakyat ng 40 pesos.

Ang bagong dagdag na   pamasahe sa trisikad ngayon sa Nuro ay ibabalita ni Nancy sa atin.

Host/Nancy: Ayon sa fare matrix ng Barangay Nuro, ang bagong pamasahe sa sikad ay   mula sa market  patungong Maharlika Plaza ay apat na piso,  mula sa Market hanggang kay Betita ay apat na piso (₧4)   , Market  hanggang white house  ay ₧6 , Market – Notredame- ₧6 , Market-Salik Residence ₧6, Market –Darugao bridge ₧6 , Market-Ticua ₧6, market –St Francis -₧5 ,  Market – Rotonda ₧4.00, market –Montesori ₧4, market – globe ₧8, Plaza – Suaran ₧7, Magelco-NCES ₧4, student at senior citizens pamasahae ay  ₧3. Ang minimum na pamasahe sa ay apat na piso.

 

Ayon kay Barangay Nuro Chairman Jerry Pangcog mahigpit na ipinapatupad ng Barangay Council na  dapat may ID ang bawat   driver at dapat mayroong fare matrix na nakapaskil sa bawat sikad bago nila masingil ang bagong pinatutupad na pamasahe.

 

Kaka Alih: Maraming Nancy, sa update sa pamasahe ng trisikad. 

Alam ba ninyo na matagal ng gustong itaas ng mga driver ang pamasahe ng singko pesos,  subalit dahil sa wala silang association upang maging collective ang decision,  kaya hindi nanamaterialized  ang pagtaas ng singil pasahe sa trisikad.

Sa ating pagtatanong  noong Sabado ay iba-iba ang pahayag ng mga driver na income sa isang araw sa araw daw ng Sabado may umaabot ng 250 mayroon naman na mahigit isang lamang. Bawasin mo ang 40 piso na  renta sa trisikad, ay tamang-tamang makabili ka ng bigas.

May driver na nagsabi sa akin ng: “Ang hirap lang Kaka sa driver ng trisikad dahil pedal ka ng pedal maghapon, pagdating ng gabi di ko  na maasikaso si Mrs, pagod na kasi ako, kaya lupaypay na si Manoy. (LAUGHING).

May natanong din tayong maganda at seksing  Ginang na paboritong sumakay sa trisikad: “Kaka Alih, masarap  sumakay  sa trisikad, masisipag ang mga draybers. Buhat agad nila ang mga dala nyo, sempre di ko nakakalimutan magdagdag ng pasahe? Papaano ba naman ay buhat nila yan hanggang sa loob ng bahay mo. Minsan nga kakatakot kasi akala mo besprend mo na agad  kung umasta e. Sempre hindi mo naman sya besprend, lalong hindi boyprend pa.” (LAUGHING)

Para sa akin mga bayani ang mga trisikad driver, halimbawa ng sinasabi natin ay tulad   noong July 13, 2008 inihatid ni   Ryan Jay V. Elian isang  trisikad driver ng Barangay Nuro sa  DXUP FM ang natagpuang    raincoat na naiwanan ng may-ari sa bandang tulay patungong Darugao.

Next na sample ay noong January 26, 2008 –isnauli din  ng isang trisikad driver  na si Ricky Blala ang maliit na bag o wallet sa DXUP FM na may lamang pera.   At marami pang magagandang ginawa ang mga driver na ito na nalingid sa media, kaya wala tayong balita.

“Pero Kaka hindi lahat ng mga driver ng trisikad ay good boy” Bakit? tanong ko, “kasi Kaka, minsan may nasakyan ako, binigay ko ang 20 pesos ko, maghahanap pa raw ng sinsilyo, hanggang ngayon di na binalik ang sukli” hinanakit ng ng isang Kumpare.

Heto pa ang isang nakaka..    

“Kong minsan may driver din na hindi na naliligo, ang amoy..never mind..” (LAUGHING)

Tama, ka Mare, kaya ang panawagan natin ay heto:  “mga Kapatid na driver ng Trisikad, bago pa kayo pumasada sa kalsada, maligo muna kayo at syempre bagong laba ang damit  at sigoraduhing naibabad sa downey.. (LAUGHING)

Ito ang   kaibigan ng mga trisikad driver na si Kaka Alih.. Sukran.

Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, tama naman ang panawagan ng isang Maestra, na  maligo naman kayo  mga pareng driver, para walang sumakit ang ulo dahil sa inyong amoy.  Tama ka   Maam, bago mamasada sa umaga ang driver , maligo muna at magpalit din  ng bagong laba na damit,

(PLAY-EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:27 am | permalink | Add comment

2ND REGIONAL MEDIA CONFERENCE MAKABULUHANG NAISAKATUPARAN.

August 8, 2011

2ND REGIONAL MEDIA CONFERENCE MAKABULUHANG NAISAKATUPARAN.

Balita ni Lucy Duce

Nuro, Upi (Aug 8) …Makabuluhang naisakatuparan ang 2nd rRegional Media Conference na ginanap sa Tiera Montana Hotel, General Santos City, nitong Agosto 5-6, 2011.

Layunin ng nasabing conference ay upang maibahagi at makagawa ng kuwento o balita kaugnay sa pagtatanim  ng mais, palay at iba pang produktong pang agrikultura upang mapakain ang lumolubong populasyon ng bansa na inaasahang aabot sa 90 bilyon pagsapit 2030.

Ang seminar ay  inorganisa ng MindaNews sa pangunguna nina Carol Arguillas at Amelia Cabusao mga convenor.

Ang mga partisipante ay mula sa print media, radyo at television, student journalist at mga kawani gobyerno.

Bahagi din ng Conference/semianr ang tour   sa Breeding Station ng Monsanto Philippines sa General Santos City.

Ibinahagi din ng Head Scientist ng Monsanto  na Si Peo Morito kaugnay sa prosesso ng pagpapalahi ng semilya ng makabagong variety ng mais.

Posted by dxupfm at 7:59 am | permalink | comments[8]

Matatag na Pamilya Kakambal ng Kaunlaran

Matatag na Pamilya  Kakambal ng Kaunlaran

 

(August 8,  2009-Lunes  script na sinulat ni Alih “Kaka Ali” Anso,  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Lenyrose: “Matatag na pamilya ay  kakambal  ng kaunlaran. Ito naman ngayon ang ibabahagi ni    Kaka Alih sa ating segment na Nakaka. 

 

(PLAY INTRO-NAKAKA)

 

Host/Nancy:   Kapayapaan Kaka Ali, ang happy Ramadan.. Kumusta ang  unang araw ng pag-aayuno natin?

 

Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig.

 

Alam mo Nancy,    mahalaga ang pamilya,  dahil ito   ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa nga kahalagahan ng isang pamilya. Kapag mahihina ang pamilya ng isang bansa, ay mahina  din ang bansa.

Ang tanong ay: “Papaano ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya? 

 

Bago natin sagutin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay liwanagin muna natin ang  kahulugan ng tinatawag na pamilya.   

 

Simple lang  Kaka: Ang sinasabing pamilya ay si Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya” (LAUGHING)

 

Tama ka Ting, ang  pamilya ay binubuo ng tatay, nanay o mga nanay ((LAUGHING), si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay (LAUGHING).

 

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.

 

 May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan   at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.

 

Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin ang  pamilya sa   walang lamang kahon.  Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.

 

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.

Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba? 

Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”.

Nancy: Kaka Alih, matanong ko lang, ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

 Kaka Ali: Nancy, kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:

May Pananagutan sa kanyang pamilya.

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.  Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

  • Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
  • Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
  • Maging maaasahan.  Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
  • Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
  • Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.

May Pagpapahalaga sa kanyang pamilya

Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila. 

  • Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
  • Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
  • Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
  • Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,  

Umagapay sa inyong  pamilya.

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. 

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

  • Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
  • Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
  • Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
  • Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapamilya  muli ninyo kaming samahan   sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

Nancy: Inyong narinig ang amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan,  tinutulungan o umaagapay ka rin bas a  inyong pamilya, kong wala pa, hindipa  huli  ang lahat..may pagkakataon  ka pa upang lalong papatagin  ang pundasyon ng inyong pamilya.. sa muli abangan an gating segment na nakaka at  sigorado  kong  nakaka talaga…

(PLAY-EXTRO NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:17 am | permalink | comments[1]

‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo

August 6, 2011

‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo

Balitang sinulat ni Alih  Anso

Upi, Maguindanao (Aug 6)…Sinabi  ng Malacañang na walang secret deals na nabuo sa “one o one” meeting nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim   sa Narita, Japan, kamakalawa August 4, 2011.

Ang meeting nina P-noy at Murad ay naganap sa Ana Crown Hotel, Narita, na tumagal ng dalawang  oras.

Ang pag-uusap ng dalawang leader ay closed door, at sinamahan lamang  ng tig-isang note takers. Si P-noy ay kasama ay si Marivic Leonin,  at si Al-Murad ay si Mohagher Iqbal.

Ang closed door meeting  ay naisagawa  kaagad,  pagkatapos na maipakilala ang mga delegasyon ng pangulo at  ng Chairman ng  MILF.

Ayon  kay Iqbal nabuo  ang pag-uusap na ito ng dalawang leader noong June 27, sa Kuala Lumpur, Malaysia na iniimbitahan ni President Aquino na makausap ng personal si Al Murad Ibrahim.

Ang back door channeling imbitasyon  ay dala ni Marivic Leonin   na pinadaan  sa   Malaysian facilitator, Tengku Dato’ Ab’Ja’afar Tengku Mohammed at tinanggap naman ni Mohagher Iqbal, at pinag-usapan naman kaagad ng  Central Committee ng MILF.

Ayon pa  rin kay Iqbal, ang proposed na lugar ng GPH ay sa Pilipinas samantala sa MILF ay ang bansang membro ng International Contact Group (ICG) tulad ng bansang  Turkey, Japan, Saudi Arabia at United Kingdom. At Pagkatapos ng mga kunsultasyon  ng magkabilang panig at ng Malaysian Facilator ang bansang Japan ang napili.

Niliwanag ng MILF peace  panel na ang meeting na ito nina  P-noy at Murad ay hindi binabale wala ang mga  naunang kasunduan at tuloy-tuloy  pa rin ang pag-uusap ng magkabilang peace panel, katunayan pa nga daw nito ay pinagkasunduan na kasama sa pag-uusap, ang Malaysian facitator sa kanilang pag-uusap sa  Japan.

Ayon naman kay Leonin, basta ang malinaw, nagkasundo sina Aquino at Ibrahim na magkaroon ng final peace agreement sa loob ng Aquino administration.

Dahil daw unofficial ang meeting, walang Japanese official ang sumalubong pero nagpadala naman ng security details ang gobyerno ng Japan sa hotel na pinagdausan ng meeting.

Nag-alok pa umano sina Leonen na palitan ang gastos ng Japanese police pero magalang namang tinanggihan ng Japan.

Kasama sa delegasyon ni Presient Aquino sina: Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, ng  Department of Budget Management, Secretary Cesar Purisima ng  Department of Finance, Secretary Voltaire Gazmin ng  Department of Defense, Tagapagsalita ng  Pangulo, Jose Lacierda, Secretary Teresita ‘Ging’ Quintos-Deles ng  Office of the Presidential Assistant on the Peace Process, GPH Peace Panel Chair Marvic Leonen, at Ret. Gen. Cesar Garcia who now heads the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ilang Presidential Security Group o PSG. 

Kasama naman ni MILF Chairman Murad ang mga matataas na official  ng  MILF na kumakatawan sa lahat ng sector, tulad nina  Aleem Abdul Aziz Mimbantas, MILF Vice-Chairman for Military Affairs; Aleem Kalifa Nando, Head ng  Supreme Shari’ah Court of the MILF Central Committee, Mohagher Iqbal, chairman of the MILF Information Committee at  MILF Negotiating Panel, Atty. Datu Michael Mastura, a senior panel member; kasama pa rin sina:  MILF panel member Maulana M. Alonto,   member; Datu Antonio Kinoc, representative ng  indigenous peoples (IPs) at alternate panel member.

Samantala, pinhayag ng GPH at MILF  peace panel na muling mag-usap ang panel sa kalagitnaan  nitong buwan ng Agosto sa Kuala Lumpur Malaysia.

Posted by dxupfm at 6:46 am | permalink | Add comment

Supply ng Tubig di pa bumabalik

August 5, 2011

Supply ng Tubig  di pa bumabalik

Balita ni Alih Anso

Nuro, Upi (Aug 4).. Marami ang nagtatanong sa DXUP  kong kalianat anong oras  magbabalik ang supply ng tubig.  Mula pa kahapong umaga ay  wala ng supply ng tubig mula sa Upi Water Supply System (UWSS), dahil sa maintenance repair sa main line sa Barangay Borongotan.

Kamakalawa ay may panawagan ang UWSS  na sa simula ikawalo ng umaga kahapon ay  “magkakaroon ng pansamantalang water supply interruption, dahilmagkakaroon ng buong araw na paglilipat ng tubo sa main line sa Borongotan”.

Lumipas na ang isang araw ay wala pa ring tubig sa mga gripo ng mga consumers.

Bandang hapon  ng Huwebes ay natapos ang pagsasayos ng main line   at  muling bumalik sa normal ang supply ng tubig sa Barangay Nuro.

Posted by dxupfm at 7:34 am | permalink | comments[3]

Pilipino- Magkakaiba ng mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala

Pilipino- Magkakaiba ng mga  Kultura, Kaugalian at Paniniwala

 

(August 5, 2010-Biyernes-script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Noralyn Bilual)

 

Host/Noralyn: “Ang mga Pilipino ay kinabibilangan ng ibat-ibang tribu, at bawat tribu   ay halos

magkakaiba ng  Kultura, Kaugalian at Paniniwala.   At isa pinagkakaisahang paniniwala ng bawat tribu ay ang pagrespeto sa kultura ng ibang tribu o kapuwa, dahil ito   ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman,  kaya naman ngayon umaga sa ating segment na nakaka ay tatalakayin o magbibigay kaalaman si Kaka Ali.. umantabay lamang po kayo..”  

 (PLAY INTRO)

Kaka Alih: “Tama ka Noralyn,   sa  bansang Pilipinas, napakaraming tribu, at bawat tribu   ay halos

magkakaiba ang  Kultura, Kaugalian at Paniniwala.  At isa pinagkakaisahang paniniwala ng bawat tribu ay ang pagrespeto sa kultura ng ibang tribu o kapuwa, dahil ito   ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman…  , kaya dapat nating alamin ang ating mga Magkakaibang  Kultura, Kaugalian at Paniniwala.

 

Noralyn: “ Agree ako  Kaka, para sa akin bilang isang T’duray, masakit sa aking puso, na may malabag

ako  sa mga  kultura, kaugalian at paniniwala  ng aking mga kapuwa Pilipino. O kahit man taga ibang bansa.”

 

Kaka Alih: Tama ka diyan Nor, tulad ng nasabi  ko na, na  dito sa   bansang Pilipinas,  ay sadyang

napakarami ang tribu, at bawat isa rito ay iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwala.

 

Halimbawa lamang ay dito sa   ating bayan ng Upi, dito mo makikita ang multi-diversity na kultura. Sa mga native inhabitants tulad ng T’duray, Lambangian, Maguindanaon, Iranun, Meranaw isang pulo lang sila, ngunit magkakaiba sila ng kultura, kaugalian at paniniwala.  

 

Ganoon din ang mga mula sa isla ng Luzon at Visayas, kahit na sila ay matatawag na Kristiyano ay iba-iba din ang kanilang paniniwala, iba iba din ang “denomination” may Romano katoliko, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist at iba pa.  Of course pati na rin ang kanilang kultura at kaugalian.   At tandaan:  Ang bawat tribu ay may  pamantayan sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.  

 

Kaya may mga kilos at gawi o ginagawa  tayo na maaaring tama sa isa iba  ngunit mali o nakaiinsulto sa iba.  Dahil ito ay labag sa kultura, kaugalian at paniniwala  o  di etikal na matatawag sa kanilang tribu. o    ang tingin ng sa ibang tribu ay nakakabastos o nakakainsulto sa kanilang angkan.

 

Halimbawa, ang pag-gamit ng sapatos, sa loob ng sambahan (house of worship), sa mga Muslim (pag sinabi nating Muslim, ay yaong naniniwala sa Islam-Believer-one who submit tothe Will of Allah). Ang mga Muslim ay mag-aalis ng sapatos kong papasok sa  masjid (place of worship)  samantala sa simbahan ng mga kapatid  na Kristiyano ay hindi na ito hinuhubad, pwede  ipasok.

 

May mga tribu natin sa Pilipinas na sa kanilang kultura ay  minamasama ang sobrang paglapit ng tao sa kinakausap o kinakalabit ang kausap..  Taliwas naman ito sa ibang bansa, halimbawa sa bansang Korea,  Malaysia   Qatar at Saudi Arabia, at sa   mga bansang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang  pakikisalamuha ng lalaki at babae.

 

At ganitong paniniwala o  cultura ay    magkapareho  ang mga Bangsamoro. Labag sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala ang paghahalubilo ng babae at lalaki, dahil ipinagbabawal ng Islam,  kaya naman huwag kang magtaka sa mga okasyon natin, na  binibigyan ng karapatan ang mga Bangsamoro ay  naipapakita nila  ito, iniimplement nila, halimbawa sadarating na Meguyaya festival,    sa  Moro Nights,   ay tiyak muli mong mararanasan   na ang lugar ng kababaihan at kalalakihan sa gymnasium ay magkahiwalay, pati na ang pasukan at labasan ng tao ay magkaiba. Kaya dapat na itong pag-aralan at alamin ng  ating  mga otoridad (Pulis at Sundalo) kong papaano isasakatuparan ang  kanilang tungkulin na hindi masakripisyo ang kultura, paniniwala at kaugalian ng ibang tribu.

 

Alam  mo Nor, nangyari na ito minsan sa ating Meguyaya nights, na hindi binigyan halaga ng oficial na yun,  Pulis oficial pa naman, ang mga arrangement ng committee na iba ang  daanan at lugar  ng kababaehan sa kalalakihan, simple lamang ang explanation ng official: “for security reason.”

 

Ang tanong mo kaibigan ay: “Bakit, kailangan  pa kasing maghiwalay ang babae at lalaki?”

Ang simpleng ssagot ay: “Dahil sa mga Bangsamoro na Muslim,   ay labag sa kanilang kaugalian at paniniwala.

 

Bawal din na   hawakan ang babae ng lalaki sa pagbati, na siya namang kabaliktaran  ito sa ibang cultura,  tulad sa Mediterranean, na pilit na ginagaya ng mga Pinoy. O,  di ba? Doon sa  sa kanila, magtatampo pa nga ang mga kababaihan kapag nakaligtaan mong batiin sa pamamagitan ng halik o yakap. Iyan ang tinatawag nilang “beso-beso”.  ( LAUGHING)

 

Nor, Ang beso pala sa R’nawon ang kahulugan ay bingi.. ( LAUGHING)

 

Samantala iba naman sa bansang  Thailand, dahil doon   ang ulo ng tao ay sagrado.

 

NORALYN: “Kaka di ba minsan ka ng napunta ng Bangkok, Thailand?  may nahawakan ka bang ulo

doon?  ( LAUGHING)

 

Kaka Alih: Yes minsan na tayong napasyal sa Bansang Thailand, 3 days ako doon, nag-aattend ako ng

regional human trafficking conference seminar.  Salamat sa Allah, sa awa ng Diyos, Wala pa naman, kong mayroon man, iba yun na ulo, …( LAUGHING)

pasalamat nga ako at di ko nagawa,  baka uuwi akong walang ulo. LAUGHING)

 

Nor, heto pa ang nakaka, maniniwala ba kayo na ang maling paggamit ng kaliwa at kanang kamay ay maaaring isyung malaki sa ibang  kultura?

 

Maoobserbahan ito sa bansang India, Morroco, Middle East at Africa  na  tradisyonal pa rin ang  paggamit ng kamay kong kumakain. Malimit pa rin na nagsasalo sa iisang pinggan o bowl sa hapag-kainan ang isang pamilya kong kumakain.

 

At dito naman sa ating  homeland, ang mga kapatid na Bangsamoro ay  patuloy pa rin ang pag-gamit ng kamay pag kumakain, taliwas sa mga Pilipino na gumagamit na rin ng kutsara at tinidor tulad sa kanluranin. Kaya asahan mo kapag pinagamit mo ng kutsara medyo kimi, o hindi masyado  gamay ang pag-gamit ng kutsara at tinidor. Kaya huwag magtaka nakongkumakain si Kaka Ali, ay nakakamay at hindi naka-kutsara at  naka-tinidor.

 

At napag-usapan din lang ang pagkain , para sa mga Bangsamoro na Muslim, tanging kanang kamay lamang  ang para sa pagkuha at pag-subo  ng pagkain ang dapat gamitin.

 

Kanang kamay   din ang ginagamit pag hinawakan ang Quran.  Samantala ang  gamit namanng   kaliwang kamay  ay para sa ibang bagay, tulad ng marurumi. Sa sandaling magkamali tayong halinhinang gamitin ang kanan at kaliwang kamay sa pagkain, tiyak na madidismaya ang mga kapatid na R’nawon at T’duray.

 

Naku kaibigan, lalo pa raw  sa India, halimbawa, ang kaliwang kamay ay gamit sa pagpunas at paglinis matapos magritwal sa kubeta.  Ganoon din sa Bangsamoro, kaliwang kamay din  ang gamit sa paglilinis, ng maseselang parte ng  katawan.

 

Anu-ano ang pwede nating gawin upang di mapahiya at di makalabag sa kultura, kaugalian at paniniwala ng iba, sa mga ganitong sitwasyon?

 

“Simple lamang Kaka Ali, Alamin at pag-aralan, manaliksik ukol sa kultura ng iyong kapatid na iba ang tribu” paliwanag ng isang kaibigan na retired teacher.

 

A ng payo natin, masusing obserbahan ang mga gawi ng mga kapatid,   o kaya’y huwag mag-atubiling magtanong nang maiwasan ang kahihiyan at makalabag sa Kultura, Kaugalian at Paniniwala  . Ikatutuwa pa nila ito dahil hudyat ng ating pagiging sensitibo sa kanilang kultura at paggalang sa kanilang mga tradisyon,   kaugalian at paniniwala.

 

Kapatid, pansamantala muna natin isasara ang tabing ng ating  segment na nakaka..   Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  sa Lunes ,  lalo pa natin paiigtingin ang mga ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

NORALYN: Iyan  po ang ating  kapatid  na si Kaka Ali, ng tribung Iranun isa sa mga tribu  na 

nabibilang sa tinatawag nating  Bangsamoro. Para sa ating  mga Kapatid na T’duray,  R’nawon at Kasila,  alamin at pag-aralan ang ating kultura, kaugalian,  lalo na sa ating  paniniwala. Irespeto at mahalin ang  ating kultura dahil sino pa  ang  mangangalaga  dito kundi ikaw, ako at tayong lahat na mga Pilipino. Sa Lunes muling abangan ang buhay-buhay dito sa DXUP.

 

(PLAY-EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:20 am | permalink | comments[1]

13th regular Session ng 14th Sangguniang bayan na ginanap kahapon!

August 4, 2011

Balita ni Noralyn Laguey Bilual

Nuro, Upi (Aug3) Aprobado na sa ginawang 13th regular Session ng 14th Sangguniang bayan na ginanap kahapon August 03, 2011 ang Passage/ Approval of Upi, Municipal Revenue Code of 2011.

Kabilang din sa mga naaprobahan ay ang pagtaas ng Piso sa pamasahe sa trysikad na kung saan ay nakadepende sa layo ng biyahe ng pasahero.

Subbalit ang   pamasahe mula sa globe transmitter papuntang palengke ay may dagdag na   tatlong piso na dati ay P5 lamang.

Ilan din sa mga naaprubahan ay ang Supplemental budget No.2 ng mga Barangay ng Kaba-kaba, Kibleg, Kibucay, Mirab, Nuro, Ranao Pilayan, Bungcog, Renti at Tinungkaan.

Nagkaroon din ng  District at Committee Report ang bawat   Municipal Kagawad.

Unang nagreport si Kagawad Myrna Lou De vera, na ayon sa kanya nagkaroon ng SOBEA sa Brgy. Sefegefen at ngayon ay ginagawa na ang Barangay Hall doon at problema pa rin doon ang kanilang kalsada. Ongoing narin ang pagpapatayo ng Birthing Home sa Ranao Pilayan,habang Kinukumpuni naman ang mga Farm to Market road ng Brgy.Nuro.

 Nag-report  din sina Kagawad Kalima Gunsi na ayon sa kanya ay naghihintay na lang ang mga Brgy .Chairman ng Bantek, Ranao Pilayan,  Renti at Rifao para maayos ang kanilang kalsada at handa na ang crudong gagamitin.

Wala namang problema sa district na hinahawakan ni Kagawad Benjamin Suenan.

Naireport naman ni Kagawad Susan Mayo ang Barangay Rifao na wala pang ginawang session o Assembly ang mga opisyal, na dapat dalawang beses sana bawat buwan ay may session dahil ito ay Mandatory ng Department of Interior and Local government (DILG).

Problema naman sa Barangay Kibucay ayon kay Kagawad Raul Gardose ang mga Teacher aid na inilipat ang budget sa mga day care worker kung saan walang nagtuturo ngayon sa 87 na mga Grade 3 pupils ng Kibucay Elementary School.

Ayon naman kay Kagawad Nurodin Musa kailangan lagyan ng tatlong pintuan ang paaralan ng Besas Elementary School, sa Barangay Blensong at tungkol naman sa  committee  on infrastructure  ay naireport na malapit  nang matapos ang Municipal Terminal.

“Cattle Russtling” Naman ang report ni ABC President Charlie Olvido na dapat daw umanong mapagmatyag ang mga may ari ng kalabaw at ipunin lahat ang mga kalabaw sa isang lugar at mag-relibo sa pagbabantay.

Huling nagreport si Sk Federation President Crismela Julio na magmimiting daw sila kasama ang mga Barangay Chairman at ang MLGOO na si Cecilia Pelobillo ngayong August 11, 2011.

Posted by dxupfm at 8:01 am | permalink | Add comment

Bakit may Landslide, Flashflood at Baha

(August 4, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Nancy:  Ngayong  madaling araw,  bandang  2:30 ng umaga ay  napakalakas ng ulan, kaya  ang mga nasa mababang lugar sa Nuro, ay muli nmang nangamba na muling  babahain ang kanilangmga tahanan, tuladng mga nagyayarii kapag umuulan ng malakas. At kapag malakas ng ulan, madalas ng naibabalita na ,may  mga landslide, flashfllod at baha.  Bakit  ba nagkakaroon ng landslide,  pagbaha at flash flood? Iyan ang sasagutin sa atin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.

 

(PLAY INTRO)

 

Host/Nancy:   Kapayapaan Kaka Ali, and happy Ramadan..  

 

Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…

 

Tama ka Nancy, marami  ang nagtatanong may  bagyo naman? Dahil nga ngayong  madaling araw,  bandang  2:30 ng umaga ay  napakalakas ng ulan, kaya  ang mga nasa mababang lugar sa Nuro, ay muli nmang nangamba na muling  babahain ang kanilangmga tahanan, tuladng mga nagyayarii kapag umuulan ng malakas. At kapag malakas ng ulan, madalas ng naibabalita na ,may  mga landslide, flashflood at baha.  Bakit  ba nagkakaroon ng landslide,  pagbaha at flash flood? Iyan ang sasagutin sa atin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.

 

Ang malaking katanungan,: “Bakit nagkakaroon ng pagbaha, landslide at flash flood?  Noong mga mga araw naman ay hindi naman nangyayari ang ganito.”

 

“Simple lang Kaka, gigabaan ta sa Ginoo.” Pimurkaan tano  aki o  Allah (LAUGHING ni BAPA SONGER).  

 

Bakit naman Bapa?  “Hindi na kasi natin sinusunod ang batas ng kalikasan o Diyos” paliwanag ni  Bapa Songer,  isang matandang nainterview natin.

 

Ang tanong paano nagkakaroon ng flashflood?   Bago natin sagutin ang katanungan, heto pa ang isang  tanong.

 

Ano ang flashflood? – Ang flashflood ay ang biglaang paglaki at pag-apaw ng tubig sa isang ilog patungo sa karatig na mababa o patag na lugar

 

Paano nga ba nagkakaroon ng flashflood? 

 

  • Una dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na pag-ulan.
  • Biglaang pagtagas ng naipong tubig sa kabundukan.
  • Biglaang paglipat ng aktibong channel ng ilog.
  • Pagkasira/pagkaubos ng kagubatan
  • Biglaang pagtagas ng naipong tubig  sa  dam –
  • Natural landslide o log jam o nagbara ang tubig  sa ilog at bigla magbubuksan, hayun flasflood.
  • Dahil sa biglaang malakas na ulan,  ang ibabaw ng lupa ay mabilis na napupuno ng tubig.
  • Dahil panot na o wala ng mga puno na sumisipsip ng tubig lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng lupa at masipsip ng mga ugat ng halaman.
  • Dahil sa mabilis na lumalaki ang tubig na mapupunta sa mga sapa at ilog,
  • Dahil wala ng humarang pansamantala,
  • Dahil nga sa wala ng mga mga puno. Kapag nasira o nawala ang kagubatan…
  • Dahil sa wala ng mga puno at halamang nagpapabagal sa pagbagsak at pag-agos ng ulan sa lupa – Sinisiksik ng direktang patak ng ulan ang ibabaw ng lupa, lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng lupa –

 

Inaasahang magiging mas madalas o malawakan ang mga flashflood at landslide dahil sa climate change.

 

Ang sinasabi nating  landslide ay  pagkaagnas ng lupa sa tagilid o bakilid na lugar.  Ang paglipat ng  lupa mula sa mataas na lugas padausdos sa mababang lugar, na  madalas na nagiging sanhi ng pagkamatay na mga tao. Kong minsan ay nalilibing na sila dito  ng buhay at hindi na natatagpuan ang kanilang  mga bangkay.

 

Halimbawa nito ay noong October 10, 2009, na naibalita na  pinaniniwalaan na 150 katao ang namatay sa naganap na malawakang landslide na tumabon sa maraming kabahayan sa La Trinidad, Benguet   habang nananalasa ang bagyong Pepeng sa mga lalawigan ng northern Luzon.

 

Bakit nagkakaroon ng land slide?

 

Na ang isa sa  dahilan ay ang pagkawala ng mga puno sa ating kapaligiran.  Nangangahulugan ito ng mas malaking panganib sa mga mahirap na komunidad na nasa kabundukan o matataas na lugar at sa iba pang sektor na bulnerable sa naturang mga panganib.

 

Ayon sa isang expert “Ang pinaka ugat kong bakit nagkakaroon ng mga madalas na landslide, flashflood at baha ay ang kaulangan ng mga ugat ng punong kahoy na humahawak sa lupa o mga bato.”

 

Kaya ayon na  rin  sa   mga experto na: “panahon na upang tayo ay mamulat sa katotohanan, na kulang na ang mga punong kahoy sa ating kabundukan at ating kapaligiran, kaya kinakailangan ibalik ang likas na kalikasan.” Programang Reforestation ang kailangan, tulad  ng sinimulan ng Barangay Borongotan,  sa pangunguna ni Punong Barangay Aireen Galanto ng Borongotan.

 

“Kinakailangan itigil na ang pamumutol ng mga puno sa ating kabundukan.” Ayon naman  kay  Maguindanao’s Community Environment & Natural Resources Officer chief Kahal Kedtag.

 

“Panahon na upang tayo ay magtanim ng mga puno” upang iligtas ang buhay ng mga susunod na salin-lahi natin. Payo naman n gating butihing Mayor Ramon A. Piang Sr.   

 

Mula sa ating community radio, ang pakiusap natin  ay sama-sama nating pangalagaan at mahalin ang ating kalikasan  at kapaligiran,para na  rin  ito  sa ating susunod na salin-lahi o next generation.

 

Sukran at maraming salamat.

 

NANCY: Maraming salamat Kaka, sa ibinahagi mongayong umaga, na tungkol sa pangangalaga ng kalikasan, mga kapatid Ang kalikasan ay bahagi ng buhay ng tao, kaya naman dapat nating pangalagaan.

 

Bukas muling abangan ang ating segment na nakaka.

 

(PLAY EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:23 am | permalink | Add comment

Papaano Maiiwasan ang Pag-aaway ng Mag-asawa?

August 3, 2011

(August 3, 2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Nancy: Sinasabi nila na normal daw ang  pag-aaway  ng mag-asawa,  kayo bang  mag-asawa ay nag-away na? o madalas ang away ninyo, gaano kadalas? Hindi  ba marami  na  rin  ang mag-asawang nag-hiwalay dahil sa away na hindi na nasettle? Samahan  ninyo  kami ni  Kaka Ali, dahil ang pag-uusapan ngyong umaga ay papaano maiiwasan ang pag-aaway ninyong mag-asawa.

 

(PLAY INTRO)

 

Host/Nancy:   Kapayapaan Kaka Ali, and happy Ramadan.. Kumusta ang  unang araw ng pag-aayuno natin?

 

Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…

 

“Kaka sa totoo lang ayaw ko  ng nag-aaway kaming mag-asawa, subalit anomang iwas ko, nangyaya ri pa rin. Kaka ,papaano maiiwasan ang pag-aaway ng Mag-asawa?” kuwento  at tanong ng  isang Kaibigan.

 

Alam mo  Kapatid, ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa relasyong mag-asawa ay maaaring humantong sa ibat-ibang uri ng pag-aaway, of course, mayroong diyan nag-aaway   na puro sigawan, mayroon  naman na cold war o  hindi nagkikibuan,  pagbagsak ng mga kagamitan, pananakit, paglayas ng isa. Of course, ang lahat ng mga ito ay dulot ng hindi pagkakaroon ng kaunawaan sa kalagayan at saloobin ng bawat isa.  

 

Ganito ang gawin natin, pansamantala relax  ka  muna diyan  kaibigan, makinig sa ating  mga ipapahayag  at piliin ang maaaring makatulong sa inyo, para di na  kayo mag-away  ni Mrs o  ni Mr.

 

Una ay tanggapin mo natalagang dumarating sa isang relasyong mag-asawa ang  mga panahon  na  may tampuhan at hindi pag-kakaunawan, sabi nga ni nancy  Normal lang daw..(LAUGHING)

 

YES MY FRIEND, Ang hindi pagkakaunawaan ay mahirap ngang pigilan, sapagkat madalas itong nangyayari nang biglaan, kahit ang mga matatagal nang nagsasama ay nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaintindihan.  Ngayon makakatulong kung bukas ang ating isipan at kalooban at syempre  paghandaan ang pagdating nito,  upang maiwasan itong lumala.

 

Ang paninisi sa asawa ang madalas din  na  dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.  

 

“Alam mo Kaka Ali, para sa akin ang paninisi at panunumbat sa panahon ng pag-aaway ay nakakawala ng dangal kahit na nasa katwiran ka   o wala.” Pag-papaliwanag ni Pareng Boy, syempre dose-dosena ang kumpareng Boy na ating Kumpare. (LAUGHING)

 

Kapatid ito pa, ang paguungkat  sa mga nakaraang pagkakamali upang itoy isumbat ay hindi makakatulong sa kasalukuyang sitwasyon, magdudulot ng lamat sa relasyon ang idinudulot ng paninisi hanggat kaya hanggat maaari’y iwasan ito.

 

Ngayong kong sakaling nangyuarina  nga  ang di pagkakaunawan, gawan agad  itong  solusyon  o lunas kaagad,  kong gabi nangyari huwag  ng ipabukas, bago  daw  mag-hating gabi dapat  may mangyari.. (LAUGHING) este magkasundo  na  kayo  ni Mrs.    

 

“Ang sugat na hindi agad ginamot ay maaaring lumala at maimpeksyon.” Paliwanag ni Dok.

 

Tama kayo Dok, ang away mag-asawa ay nagdudulot ng sugat sa damdamin, kapag hindi ito agad nalunasan, maaaring maging malalim na galit kapag nagkasugatan ng damdamin agad tayong gumawa ng paraan upang luminaw ang di pagkakaintindihan at magkabati.  Mag-aplay ng ng first aid, maaring pag-uwi mo mamaya hapong bigyan ng pasalubong si  Mrs, pwedeng bulaklak  ng rosas, kong kaya  mo ang matagal ng minimithi  ni Mrs na mobile phone na  may camera at internet ay iregalo sa kanya (LAUGHING). Hindi any  thing, nakaya mo, halimbawa dib a noong nanliligaw  ka  pa ay  gustong-gusto niya ang chocolate, eh  di chocolate pero dagdaganmo lamang dahil tiyak hihingi ang  mga  marami ninyong  mga  anak.. (LAUGHING)

 

Pero heto ang  sigorado,  tanggalin sa inyong kalooban ang poot, lalong maigi  kong kayo  ang  maunang humingi ng tawad, kahit na alam ninyong siya ang may pagkakamali.  Hindi mababawasan anginyong pagkakalalaki o  pagkababae kong humingi kayo  ng kapatawaran sa inyong asawa, lalot ikaw naman  ang may kasalanan.

Alam mo may paghahambing  ako diyan,  malalaman nating malinis talaga ang ating mga bahay kung naitapon na natin ang mga basura sa tamang lalagyan. Ang galit o poot ay tulad ng basura na kapag ginawan natin ng lunas ay para na natin itong winawalis palabas sa ating mga puso at dahil nasa labas na ito mukhang wala na ngunit ito ay nangangamoy parin at nakakalat salabas ng ating mga bahay. Kinakailangang mawala ito nang tuluyan. Kinakailangang mabunot ito nang lubusan sa ating mga kalooban.

 

Pero siguraduhin  mo lang na itatapon mo  sa tamang basurahan, dahi may garbage segregation  tayo (LAUGHING).

 

Itanim sa isipan  kaibigan na  ang pag-aaway ng mag-asawa , lalo na ang maling pag-aaway, dahil hindi lang nakiss ni Mr, ay  nagal-aburot ka na, at di  ka  nag-handa ng isusuot na damit ni Mr, Ang pag-aaway ay hindi makakatulong sa pagkakaroon ng isang mabuting pamilya.

 

Ang mga batang laging nakakasaksi ng pag-aaway ng kanilang mga magulang ay matatakutin at maliit ang pagtingin sa sarili. Alang alang sa ating mga anak maging maingat tayo sa pag-aaway sa ating  partner in life.

 

Kong mahal ninyo ang inyong mga anak, huwag ipakita o iparinig sa mga anak ninyo, na kayo ay nag-aaway na mag-asawa.

 

Ayon kay Ustadz Ahmad, sa katuruan sa Islam, ayon sa   payo ni  Propeta Muhammad (SAW)   kong may poot o galit sa inyong dibdib, at humingi ng kapatawaran o payo sa Allah, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Salah o  sambayang,    gawin ito kong ikaw ay galit na galit sa iyong asawa, at  humihingi ka ng magandang pag-iisip,sa Allah.

 

Kaibigan  hindi ka dapat padalos dalos. Humanap ng taong may sapat na kaalaman, at humingi ng payo sa inyong problema.

 

Kaibigan,  bakit hindi natin subukin, na magpaka hinahon , huwag tayong padadala sa bugso ng ating galit damdamin, huwag tayong basta mangatwiran  kong galit pa tayo..hayaan nating humupa ang galit sa bawat isa,  bago tayo magpaliwanag.

 

Ito ang inyong kapatid na mapagmahal sa asawa, the lover boy (LAUGHING) of all times.. (LAUGHING)

 

Hanggang dito na lamang,  hanggang sa muli,   Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.

 

NANCY: Iyon  po si   Kaka Ali, ang great lover boy daw of all times, hahaha.. bakit di ninyo  subukan.. bukas muli ninyong abanganang ating segment na  nakaka at sinisigoro ko sa inyo na makakapulot kayo  ng aral na  nakaka…(LAUGHING)

 

(PLAY EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:22 am | permalink | Add comment

Payo ng MILF sa GPH: Suspendihin ang Exploration ng foreign companies sa Bangsa Moro Ancestral domain

August 2, 2011

Payo ng  MILF sa GPH: Suspendihin ang Exploration ng foreign companies sa Bangsa Moro Ancestral  domain

Alih S. Anso

Upi, Maguindanao (Aug 1)..HINIMOK ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) na pansamantalang suspendihin ang operasyon ng mga  foreign companies na nagsasagawa ng  off-shore at on-shore oil at gas exploration sa mga lugar na sakop pa rin nga teritoryo ng Bangsamoro ancestral domain.

Kasabay nito, hiniling din ng MILF sa gobyerno na huwag ituloy ang  privatization ng  Agus at Pulangi hydro power complex, dahil kapag natuloy ito ay magiging hadlang ito sa pagpapatuloy ng peace negotiation lalo na sa isyu ng ancestral domain.

Ang nasabing posisyon ng MILF ay nilagdaan ni  MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar habang suportado naman nina Mohagher Iqbal, MILF chief peace negotiator at Atty. Datu Michael Mastura, ang nagsisilbing  senior panel member.

Sa statemet na inilabas ni Jaafar sa official website ng MILF na www.luwaran.com, sinabi nitong dapat lamang na malaman ng Aquino administration ang boses ng Bangsa Moro at hindi lamang ng iilang opisyal ng MILF.  Kaugnay nito, umaasa ang MILF na pagbibigyan ng gobyerno ang kanilang hiling para hindi makaaapekto sa pag-usad ng usapang pangkapayaan.

Posted by dxupfm at 7:32 am | permalink | comments[12]

Makabagong Teknolohiya/gadgets, Mga Negatibong Epekto sa Kabataan

(August 2,  2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Nancy:  Ang makabagong teknolohiya /gadgets ay dumating na rin sa ating bayang Upi, napalag-alaman  ng mga dalubhasa o expert na may negatibong epekto sa tao lalo sa kabataan, ang tanong alam ba ninyo  papaano mo maiiwasan ang mga negatibong epekto nito sa ating mga anak? Samahan kami ni      Kaka Alih sa ating segment na nakaka:”

 

(PLAY INTRO)

Host/Nancy:  Magandang umaga Kaka Ali, papaano maiiwasan ang negatibong epekto  ng mga new gadget na ito na andito na sa ating  mga kamay?

 

Kaka Alih: Maganda umaga din  nancy, Assallamu Alaikum  Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

Tama ka Nancy sa inyong tinuran,  ang makabagong teknolohiya at gadgets  ay andito na rin sa ating bayang Upi, subalit napalag-alaman  ng mga dalubhasa o expert na may negatibong epekto sa tao lalo sa kabataan ang  mga ,  ang tanong alam ba natin kung   papaano  maiiwasan ang mga negatibong epekto nito sa atin lalo sa aating mga anak?  

 

Nitong mga nakaraan mga panahon  ay maraming magulang ang naalarma sa mga pinakabagong eskandalong bumulaga sa ating bansa, halimbawa ang pinaka-contrabersyal ay ang sex video ng mga kilalang pangalan sa showbiz. Nandiyan ang pangalang Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar De Mesa at marami pang tao na kilala sa lipunan.  At hindi lang sa Pilipinas  lalo na sa ibang bansa.

 

Madali lang kasi  ngayon gumawa ng mga ganitong video dahil sa mga bagong imbesnyon na teknolohiya o mga gamit. Halimbawa niot ay webcam na mabibili lamang sa  murang halaga, andiyan ang mobile phone na video camera, na halos na  yata  ng may celpon  ay ganito ang gamit. Dahil ginagamit  na rin itong pang-internet,  lalo yaong  may account sa  facebook, dahil pwede mong ipost o ilagay ang  nakuha mong  picture o  video.

 

Balikan  natin ang bold show o bastos napalabas sa video  ni  Hayden  at Katrina, matanongkita Nancy,bilang ina,   payag ka bang mapanood ng iyong anak ang ganoong panoorin?

 

Host/Nancy:  “ Ay Diyos po, Kaka Alih, ako nga hindi ko kayang panooring ang ganoon, ito ay labag sa kultura ng T’duray na manood ng bastos na  panoorin,  dahil   ito ay masama hindi dapat mapanood, bakit?  dahil kong ikaw ang nasa video magugustuhan mo, ba? May kasabihan tayo Kaka , ang masakit  sa iyo, huwag mong gawin sa iba, dahil masakit din ito sa kanila.”

 

Kaka Alih: Tama ka diyan Nancy, dati naman kasi, kahit merong ganyang mga eskandalo ay nalilimita ang access ng mga tao, lalo ng mga bata. Kung hindi ipapalabas sa telebisyon at hindi mailalathala sa dyaryo ay hindi makakarating sa kaalaman ng mga bata.

 

Pero ngayon ay madaling-madali nilang mapapanood nang buo at ‘uncensored’ ang mga bagay na hindi pa abot ng mura nilang kaisipan dahil sa computer, sa cellphone at sa iba pang makabagong teknolohiya. At dito mismo itinulay ang eskandalosong sex videos nina Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar De Mesa.

 

Sino ba naman na magulang ang di mag-alaala sa ganitong mga panoorin na mapapanood ng kanilang mga anak na may murang edad.  

 

Mga panoorin na di dapat gawin ng    mga kabataan, dahil ito ay haram o bawal ayon sa mga pananampalataya ng anumang relihiyon.

 

Ang  sex ay isa sa mga bagay na mahirap pang ipaunawa sa mga batang wala pa sa tamang edad kaya madalas ay iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng bahay.

 

Ngunit ngayon ay may pagkakataon silang makakita ng aktuwal na ‘sex video’, walang dudang sasaliksikin ito ng mga bata.

 

Kung tayo ngang matatanda at nasa edad ay curious na makita ang mga sex videos na ito, lalo na silang mga wala pang muwang  sa ganitong  mga gawain, na dapat sana  ay exclusibo sa mga sapat ng edad.

 

Ang ating mga kabataan,   dahil talagang uhaw sila sa kaalaman at maraming katanungan sa kanilang isip na hinahanapan nila ng sagot. At maaring kanilang subukan o experiment ang kanilang  mga mapapanood sa videong ito.  At kapag kanilang  sinubukan, patay kang bata ka, tiyak may mabubuntis, anong  gagawinmo  sa anak mong babae na bata  pa buntis na, eh di  ipapakasal, kaysa lumaki ang anak na  bastardo..(LAUGHING).

 

Ikalawa, isa sa napakahirap salain ay ang impormasyon sa internet, lalo pa nga’t madali itong naikakalat at nabibitbit kung saan-saan sa pamamagitan ng cellular phones, discs at flash drive o USB.

 

Ikatlo, oras na masagap ang ganito kaeskandalosong materyal, napakahalaga na maipaliwanag sa kanila ng mga nakakatanda kung ano ito. Hindi pa kumpleto ang kanilang kaisipan para iproseso nang tama ang nakikita.

 

Ikaapat ay nagkalat at makakabili ka ng   pirated videos na nagkakahalaga lamang murang-mura , na kayang-kayang bilihin ng kabataan at pwedeng mapanood dahil halos lahat ng pamilya ay may video player dahil din sa pirated na video gadget o player.

 

Pero dahil iniisip nga nila na ‘taboo’ o bawal pa ito sa kanila ay itatago nila ito sa kanilang mga magulang at sa mga nakakatanda. Dito nagsisimula ang problema. (dahil magagalit si tatay, sabi bakit ninyo  itinatago, sana napanood  ko na rin-(LAUGHING) Mali ang pagkakaproseso ng mga bata sa nakikita at napapanood hanggang sa bumaluktot na ang kanilang kaisipan patungkol sa bagay na ito.

 

Mga kapatid na magulang, importante na maipaintindi sa mga bata ang mga sumusunod:

 

Una, ang pakikipagtalik ay isang sagradong bagay na ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan. Sa mga konserbatibo, kailangan ay ginagawa ito sa loob ng matrimonya.

 

Ikalawa, ang pagtatalik ay isang pribadong bagay na dapat ay nakalimita lang sa kaalaman ng mismong nagtalik. Hindi ito dapat ikinukuwento, ibinibida at lalong hindi dapat inirerekord para maipanood sa iba. Hindi ito ginagawa ng isang taong may respeto sa kanyang sarili at sa kanyang kapareha, kahit pa nga sabihing may ‘consent’ nila pareho o nagkasundo sila na i-video ang kanilang pagtatalik.

 

Sa Islam, ang pagtatalik ng mag-asawa ay sagrado, kinakailangan natatakpan o hindi kayo nakikita pag inyo itong ginagawa na mag-asawa at hindi magpakailan man pinapayagan na gawin ng hindi kasal.

 

Ikatlo, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng video ay hindi kailanman dapat maging katanggap-tanggap, hindi dapat tangkilikin, hindi dapat hangaan at lalong hindi dapat pamarisan ng sinuman.

 

Mapa-lalaki o mapa-babae man, ang sinumang nasa likod ng pagbi-video  at lalong masama ay pagpapakalat nito para mapanood ng iba ay isang malinaw na pruweba ng sakit sa isip at pagkatao.

 

Ang pagtsismis sa kapuwa,  of course ngayon ay high-tech  na rin daw ang  pagtsismis, dahil dahil ay mangangapit bahay  ka pa, ngayon ay hindi na, dahil ang  gamit ay celpon na, sa  pamamgitan ng text, at  kong ikaw  ay   unlimited call, call na, dahil daw  na offer ng mga service provider na smart at globe. Ang tsismis ay isang karumaldumal na gawain, na ayon sa katuruan ng Islam ay parang ang kinakain mo ay ang laman ng iyong kapuwa.

 

Mga mahal na magulang, sama-sama nating labanan ang pagkalat ng ganitong mga panoorin.

 

Hanggat maari huwag bilihan ng mobile phone na may video camera, ang inyong mga anak, para di sila matukso na mag upload ng ganitong malaswang panoorin.

Kong sakaling bilihan ninyo sila, yaong limited ang memory para di sila makapagdownload ng mga nasabing eskandal.

 

Huwag silang bigyan ng pagkakataon na makapag search sa internet na hindi ninyo na-screen, at payo ko sa may internet connection, na magulang pwede ninyong makontrol ang ganitong video dahil din sa bagong teknolohiya, ang Gawin ninyo makipag –ugnayan sa mga nakakaalam nito.

 

Para sa karagdagang kaalaman sa katuruan  ng magagandang kaugalian at gawain makinig sa Duyog Ramadan tuwing ika-lima ng Ramadan, ang buwan  ng pag-aayuno.   

 

 Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.

 

Nancy: At para sa T’duray version  naman,  ng mga magagandang katuruan ng kultura at  pag-uugali, makinig sa ating programang “keadat adatan, mula ika  pito  hanggang ikawala ong gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

 

PLAY- EXTRO-NAKAKA

Posted by dxupfm at 7:23 am | permalink | Add comment

Bakod ng NCES Magandang Tanawin Na!

August 1, 2011

Bakod ng NCES Magandang Tanawin Na!

Nuro, Upi (August 1) Maganda ng tanawin   ang bakod ng Nuro Central Elementary School, dahil pinipinturahan ngayon ng rainbow colors.

Ang budget na Tatlong  libong piso,  na ibinili ng 5 gallon na  pinturaay mula sa   General Parents Teachers and Community Association (PTCA) ng paaralan.

Nadagdagan din isang libong piso  mula naman sa harvest ng mga  punong niyog na nasa compound at ito  ang ginamit  na pambili ng miriyenda ng mga pupil na grade 6 na siyang nagpipintura sa bakod.

Sa panayam ng DXUP FM kay Almaida Diaz ang OIC prioncipal ng NCES, ay pinahayag din na  napinturahan din ang office ng   principal at mula naman ito    sa donation  ng Synergia Foundation.    

Umaasa namansi  Mrs Diaz na sana may magbibigay  ng karagdagang tulong para matapos ang pagpipintura sa buong bakod ng paaralan.

Posted by dxupfm at 7:53 am | permalink | comments[19]

Ramadan, ang buwan ng Pag-aayuno

Ramadan, ang buwan ng Pag-aayuno

 

(August 1, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Nancy:   R

amadan  ..  ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim,   ngayon umaga dahil unang araw ng Ramadhan ay  magbibigay ng ilang aralin ang ating segment  writer at reporter na si Kaka Ali, tungkol sa  Ramadan ang buwan ng pag-aayuno.  

 

(PLAY INTRO)

 

Host/Nancy:   Kapayapaan Kaka Ali, ang happy Ramadan.. Kumusta ang  unang araw ng pag-aayuno natin?

 

Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…muli nating tatalakayin ang Ramahan ang buwan ng pag-aayuno.

 

Ang Ramadan ang ika-9 na buwan   sa Hijri calendar.

 

Ang Ramadan ay banal na buwan dahilan sa ito ay  itinadhana ng Panginoon   sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:

 

“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13 ng buwan ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng Ramadan.”

 

Ang buwan ng Shaban ang buwan  na sinusundan ng Ramadan ay may 29 na araw o 30 araw.

Ang  Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: “Huwag (magsimulang) magayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Hadith ni Bukhari at Muslim)

Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.

 

Ang Kalendaryong Islam, ang Hijri calendar,  katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ito ay binubuo ng labing-dalawang buwan.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.

 

Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , walong na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo  ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa kapatid na Muslim ay  isinahimpapawid ang programang Duyog Ramadan, na muling inilunsad nitong Sabado. Maririnig  mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi. Ang layunin radio program  na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.

 

Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magrib.

 

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

 

Ang mga Muslim sa   buwan  na ito ng Ramadhan, ang araw ng  pag-aayuno ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

Ang mga Muslim na baligh o nasa hustong gulang na   ay nararapat lamang na mag-ayuno at pinapayuhan na dapat:

 

·        Magbigay ng kawanggawa sa mga mahirap at maralita.

·        Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.

·        Maging mabuti sa mga musmos at nakakabata.

·        Kumandili sa mga kamag-anak.

·        Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat kahit na ibulong man lamang.

·        Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.

·        Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.

·        Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na pakikitungo ng iba.

 

Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling gising sa karamihang oras sa pagdarasal at paggawang mga bagay na kalugod-lugod sa Allah.

 

Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman  ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at   pagpapalitan ng mga hadiya o  regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).

At dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam sa buwan ng Ramdan, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.

 

Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gustong matulog sa araw.

At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.

 

Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway.  

Dapat malaman mo rin  na may exempted o pinapayagan  na hindi mag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo  at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.

 

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo muli  sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:09 am | permalink | comments[6]