DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Makabagong Teknolohiya/gadgets, Mga Negatibong Epekto sa Kabataan

Makabagong Teknolohiya/gadgets, Mga Negatibong Epekto sa Kabataan

August 2, 2011

(August 2,  2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)

 

Host/Nancy:  Ang makabagong teknolohiya /gadgets ay dumating na rin sa ating bayang Upi, napalag-alaman  ng mga dalubhasa o expert na may negatibong epekto sa tao lalo sa kabataan, ang tanong alam ba ninyo  papaano mo maiiwasan ang mga negatibong epekto nito sa ating mga anak? Samahan kami ni      Kaka Alih sa ating segment na nakaka:”

 

(PLAY INTRO)

Host/Nancy:  Magandang umaga Kaka Ali, papaano maiiwasan ang negatibong epekto  ng mga new gadget na ito na andito na sa ating  mga kamay?

 

Kaka Alih: Maganda umaga din  nancy, Assallamu Alaikum  Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

Tama ka Nancy sa inyong tinuran,  ang makabagong teknolohiya at gadgets  ay andito na rin sa ating bayang Upi, subalit napalag-alaman  ng mga dalubhasa o expert na may negatibong epekto sa tao lalo sa kabataan ang  mga ,  ang tanong alam ba natin kung   papaano  maiiwasan ang mga negatibong epekto nito sa atin lalo sa aating mga anak?  

 

Nitong mga nakaraan mga panahon  ay maraming magulang ang naalarma sa mga pinakabagong eskandalong bumulaga sa ating bansa, halimbawa ang pinaka-contrabersyal ay ang sex video ng mga kilalang pangalan sa showbiz. Nandiyan ang pangalang Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar De Mesa at marami pang tao na kilala sa lipunan.  At hindi lang sa Pilipinas  lalo na sa ibang bansa.

 

Madali lang kasi  ngayon gumawa ng mga ganitong video dahil sa mga bagong imbesnyon na teknolohiya o mga gamit. Halimbawa niot ay webcam na mabibili lamang sa  murang halaga, andiyan ang mobile phone na video camera, na halos na  yata  ng may celpon  ay ganito ang gamit. Dahil ginagamit  na rin itong pang-internet,  lalo yaong  may account sa  facebook, dahil pwede mong ipost o ilagay ang  nakuha mong  picture o  video.

 

Balikan  natin ang bold show o bastos napalabas sa video  ni  Hayden  at Katrina, matanongkita Nancy,bilang ina,   payag ka bang mapanood ng iyong anak ang ganoong panoorin?

 

Host/Nancy:  “ Ay Diyos po, Kaka Alih, ako nga hindi ko kayang panooring ang ganoon, ito ay labag sa kultura ng T’duray na manood ng bastos na  panoorin,  dahil   ito ay masama hindi dapat mapanood, bakit?  dahil kong ikaw ang nasa video magugustuhan mo, ba? May kasabihan tayo Kaka , ang masakit  sa iyo, huwag mong gawin sa iba, dahil masakit din ito sa kanila.”

 

Kaka Alih: Tama ka diyan Nancy, dati naman kasi, kahit merong ganyang mga eskandalo ay nalilimita ang access ng mga tao, lalo ng mga bata. Kung hindi ipapalabas sa telebisyon at hindi mailalathala sa dyaryo ay hindi makakarating sa kaalaman ng mga bata.

 

Pero ngayon ay madaling-madali nilang mapapanood nang buo at ‘uncensored’ ang mga bagay na hindi pa abot ng mura nilang kaisipan dahil sa computer, sa cellphone at sa iba pang makabagong teknolohiya. At dito mismo itinulay ang eskandalosong sex videos nina Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar De Mesa.

 

Sino ba naman na magulang ang di mag-alaala sa ganitong mga panoorin na mapapanood ng kanilang mga anak na may murang edad.  

 

Mga panoorin na di dapat gawin ng    mga kabataan, dahil ito ay haram o bawal ayon sa mga pananampalataya ng anumang relihiyon.

 

Ang  sex ay isa sa mga bagay na mahirap pang ipaunawa sa mga batang wala pa sa tamang edad kaya madalas ay iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng bahay.

 

Ngunit ngayon ay may pagkakataon silang makakita ng aktuwal na ‘sex video’, walang dudang sasaliksikin ito ng mga bata.

 

Kung tayo ngang matatanda at nasa edad ay curious na makita ang mga sex videos na ito, lalo na silang mga wala pang muwang  sa ganitong  mga gawain, na dapat sana  ay exclusibo sa mga sapat ng edad.

 

Ang ating mga kabataan,   dahil talagang uhaw sila sa kaalaman at maraming katanungan sa kanilang isip na hinahanapan nila ng sagot. At maaring kanilang subukan o experiment ang kanilang  mga mapapanood sa videong ito.  At kapag kanilang  sinubukan, patay kang bata ka, tiyak may mabubuntis, anong  gagawinmo  sa anak mong babae na bata  pa buntis na, eh di  ipapakasal, kaysa lumaki ang anak na  bastardo..(LAUGHING).

 

Ikalawa, isa sa napakahirap salain ay ang impormasyon sa internet, lalo pa nga’t madali itong naikakalat at nabibitbit kung saan-saan sa pamamagitan ng cellular phones, discs at flash drive o USB.

 

Ikatlo, oras na masagap ang ganito kaeskandalosong materyal, napakahalaga na maipaliwanag sa kanila ng mga nakakatanda kung ano ito. Hindi pa kumpleto ang kanilang kaisipan para iproseso nang tama ang nakikita.

 

Ikaapat ay nagkalat at makakabili ka ng   pirated videos na nagkakahalaga lamang murang-mura , na kayang-kayang bilihin ng kabataan at pwedeng mapanood dahil halos lahat ng pamilya ay may video player dahil din sa pirated na video gadget o player.

 

Pero dahil iniisip nga nila na ‘taboo’ o bawal pa ito sa kanila ay itatago nila ito sa kanilang mga magulang at sa mga nakakatanda. Dito nagsisimula ang problema. (dahil magagalit si tatay, sabi bakit ninyo  itinatago, sana napanood  ko na rin-(LAUGHING) Mali ang pagkakaproseso ng mga bata sa nakikita at napapanood hanggang sa bumaluktot na ang kanilang kaisipan patungkol sa bagay na ito.

 

Mga kapatid na magulang, importante na maipaintindi sa mga bata ang mga sumusunod:

 

Una, ang pakikipagtalik ay isang sagradong bagay na ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan. Sa mga konserbatibo, kailangan ay ginagawa ito sa loob ng matrimonya.

 

Ikalawa, ang pagtatalik ay isang pribadong bagay na dapat ay nakalimita lang sa kaalaman ng mismong nagtalik. Hindi ito dapat ikinukuwento, ibinibida at lalong hindi dapat inirerekord para maipanood sa iba. Hindi ito ginagawa ng isang taong may respeto sa kanyang sarili at sa kanyang kapareha, kahit pa nga sabihing may ‘consent’ nila pareho o nagkasundo sila na i-video ang kanilang pagtatalik.

 

Sa Islam, ang pagtatalik ng mag-asawa ay sagrado, kinakailangan natatakpan o hindi kayo nakikita pag inyo itong ginagawa na mag-asawa at hindi magpakailan man pinapayagan na gawin ng hindi kasal.

 

Ikatlo, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng video ay hindi kailanman dapat maging katanggap-tanggap, hindi dapat tangkilikin, hindi dapat hangaan at lalong hindi dapat pamarisan ng sinuman.

 

Mapa-lalaki o mapa-babae man, ang sinumang nasa likod ng pagbi-video  at lalong masama ay pagpapakalat nito para mapanood ng iba ay isang malinaw na pruweba ng sakit sa isip at pagkatao.

 

Ang pagtsismis sa kapuwa,  of course ngayon ay high-tech  na rin daw ang  pagtsismis, dahil dahil ay mangangapit bahay  ka pa, ngayon ay hindi na, dahil ang  gamit ay celpon na, sa  pamamgitan ng text, at  kong ikaw  ay   unlimited call, call na, dahil daw  na offer ng mga service provider na smart at globe. Ang tsismis ay isang karumaldumal na gawain, na ayon sa katuruan ng Islam ay parang ang kinakain mo ay ang laman ng iyong kapuwa.

 

Mga mahal na magulang, sama-sama nating labanan ang pagkalat ng ganitong mga panoorin.

 

Hanggat maari huwag bilihan ng mobile phone na may video camera, ang inyong mga anak, para di sila matukso na mag upload ng ganitong malaswang panoorin.

Kong sakaling bilihan ninyo sila, yaong limited ang memory para di sila makapagdownload ng mga nasabing eskandal.

 

Huwag silang bigyan ng pagkakataon na makapag search sa internet na hindi ninyo na-screen, at payo ko sa may internet connection, na magulang pwede ninyong makontrol ang ganitong video dahil din sa bagong teknolohiya, ang Gawin ninyo makipag –ugnayan sa mga nakakaalam nito.

 

Para sa karagdagang kaalaman sa katuruan  ng magagandang kaugalian at gawain makinig sa Duyog Ramadan tuwing ika-lima ng Ramadan, ang buwan  ng pag-aayuno.   

 

 Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.

 

Nancy: At para sa T’duray version  naman,  ng mga magagandang katuruan ng kultura at  pag-uugali, makinig sa ating programang “keadat adatan, mula ika  pito  hanggang ikawala ong gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

 

PLAY- EXTRO-NAKAKA

Posted by dxupfm at 7:23 am | permalink

Add a comment