DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » ‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo

‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo

August 6, 2011

‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo

Balitang sinulat ni Alih  Anso

Upi, Maguindanao (Aug 6)…Sinabi  ng Malacañang na walang secret deals na nabuo sa “one o one” meeting nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim   sa Narita, Japan, kamakalawa August 4, 2011.

Ang meeting nina P-noy at Murad ay naganap sa Ana Crown Hotel, Narita, na tumagal ng dalawang  oras.

Ang pag-uusap ng dalawang leader ay closed door, at sinamahan lamang  ng tig-isang note takers. Si P-noy ay kasama ay si Marivic Leonin,  at si Al-Murad ay si Mohagher Iqbal.

Ang closed door meeting  ay naisagawa  kaagad,  pagkatapos na maipakilala ang mga delegasyon ng pangulo at  ng Chairman ng  MILF.

Ayon  kay Iqbal nabuo  ang pag-uusap na ito ng dalawang leader noong June 27, sa Kuala Lumpur, Malaysia na iniimbitahan ni President Aquino na makausap ng personal si Al Murad Ibrahim.

Ang back door channeling imbitasyon  ay dala ni Marivic Leonin   na pinadaan  sa   Malaysian facilitator, Tengku Dato’ Ab’Ja’afar Tengku Mohammed at tinanggap naman ni Mohagher Iqbal, at pinag-usapan naman kaagad ng  Central Committee ng MILF.

Ayon pa  rin kay Iqbal, ang proposed na lugar ng GPH ay sa Pilipinas samantala sa MILF ay ang bansang membro ng International Contact Group (ICG) tulad ng bansang  Turkey, Japan, Saudi Arabia at United Kingdom. At Pagkatapos ng mga kunsultasyon  ng magkabilang panig at ng Malaysian Facilator ang bansang Japan ang napili.

Niliwanag ng MILF peace  panel na ang meeting na ito nina  P-noy at Murad ay hindi binabale wala ang mga  naunang kasunduan at tuloy-tuloy  pa rin ang pag-uusap ng magkabilang peace panel, katunayan pa nga daw nito ay pinagkasunduan na kasama sa pag-uusap, ang Malaysian facitator sa kanilang pag-uusap sa  Japan.

Ayon naman kay Leonin, basta ang malinaw, nagkasundo sina Aquino at Ibrahim na magkaroon ng final peace agreement sa loob ng Aquino administration.

Dahil daw unofficial ang meeting, walang Japanese official ang sumalubong pero nagpadala naman ng security details ang gobyerno ng Japan sa hotel na pinagdausan ng meeting.

Nag-alok pa umano sina Leonen na palitan ang gastos ng Japanese police pero magalang namang tinanggihan ng Japan.

Kasama sa delegasyon ni Presient Aquino sina: Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, ng  Department of Budget Management, Secretary Cesar Purisima ng  Department of Finance, Secretary Voltaire Gazmin ng  Department of Defense, Tagapagsalita ng  Pangulo, Jose Lacierda, Secretary Teresita ‘Ging’ Quintos-Deles ng  Office of the Presidential Assistant on the Peace Process, GPH Peace Panel Chair Marvic Leonen, at Ret. Gen. Cesar Garcia who now heads the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ilang Presidential Security Group o PSG. 

Kasama naman ni MILF Chairman Murad ang mga matataas na official  ng  MILF na kumakatawan sa lahat ng sector, tulad nina  Aleem Abdul Aziz Mimbantas, MILF Vice-Chairman for Military Affairs; Aleem Kalifa Nando, Head ng  Supreme Shari’ah Court of the MILF Central Committee, Mohagher Iqbal, chairman of the MILF Information Committee at  MILF Negotiating Panel, Atty. Datu Michael Mastura, a senior panel member; kasama pa rin sina:  MILF panel member Maulana M. Alonto,   member; Datu Antonio Kinoc, representative ng  indigenous peoples (IPs) at alternate panel member.

Samantala, pinhayag ng GPH at MILF  peace panel na muling mag-usap ang panel sa kalagitnaan  nitong buwan ng Agosto sa Kuala Lumpur Malaysia.

Posted by dxupfm at 6:46 am | permalink

Add a comment