Ang Trisikad Driver, Kaibigan ng Masa
August 10, 2011
Ang Trisikad Driver, Kaibigan ng Masa
(August 10, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang buhay ng trisikad o sikad-sikad driver, ay medyo mabigat na trabaho, dahil lakas at resistansiya ng katawan ang pinaka-capital, subalit ito ay isang marangal na hanap buhay, sa umagang ito ang ifeature ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka, Ang Trisikad Driver,kaibigan ng Masa.
(PLAY-INTRO NAKAKA)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.
Kaka Alih: Maganda ka pa sa Umaga Nancy, (LAUGHING). este magandang umaga din Nancy (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,.
Ano ang sinasabing trisikad?
Ang trisikad ay isang sasakyang pangkalupaan na walang motor, ang isang parte nito ay bisiklita na may nakakabit na side car, at kinakailangan padyakan o pedalan para ito tumakbo. Ang regular na makasakay ay dalawa, pangatlo ang driver.
Sa bayan ng Upi ay magsasampung taon pa lamang ng simulang gamitin bilang transportation panghanap-buhay.
Saan ako unang nakaita ng ganitong sasakyan? Naku mahabang kuwento kong ikukuwentoko, but short cut lang natin ang kuwento (LAUGHING)…Una akong nakakita sa may plaza ng cultural center of the Philippines, at mga Turista ang sumasakay nito, palibot sa plaza ng center, at ang pamasahe ay isang daan pataas.
Ang halaga ng set ng isang trisikad sa Cotabato City ay P5,500-7,000 idagdag mo pa ang pamasahe sa sasakyan hanggang Upi ay P150-200.
Sa bayan ng Upi, ay madalas ang driver ay di siya ang nagmamayari ng trisikad kundi nagrerenta lamang. Ang renta sa buong araw noon ay 30 pesos, subalit nitong nakaraang dalawang taon ay umakyat ng 40 pesos.
Ang bagong dagdag na pamasahe sa trisikad ngayon sa Nuro ay ibabalita ni Nancy sa atin.
Host/Nancy: Ayon sa fare matrix ng Barangay Nuro, ang bagong pamasahe sa sikad ay mula sa market patungong Maharlika Plaza ay apat na piso, mula sa Market hanggang kay Betita ay apat na piso (₧4) , Market hanggang white house ay ₧6 , Market – Notredame- ₧6 , Market-Salik Residence ₧6, Market –Darugao bridge ₧6 , Market-Ticua ₧6, market –St Francis -₧5 , Market – Rotonda ₧4.00, market –Montesori ₧4, market – globe ₧8, Plaza – Suaran ₧7, Magelco-NCES ₧4, student at senior citizens pamasahae ay ₧3. Ang minimum na pamasahe sa ay apat na piso.
Ayon kay Barangay Nuro Chairman Jerry Pangcog mahigpit na ipinapatupad ng Barangay Council na dapat may ID ang bawat driver at dapat mayroong fare matrix na nakapaskil sa bawat sikad bago nila masingil ang bagong pinatutupad na pamasahe.
Kaka Alih: Maraming Nancy, sa update sa pamasahe ng trisikad.
Alam ba ninyo na matagal ng gustong itaas ng mga driver ang pamasahe ng singko pesos, subalit dahil sa wala silang association upang maging collective ang decision, kaya hindi nanamaterialized ang pagtaas ng singil pasahe sa trisikad.
Sa ating pagtatanong noong Sabado ay iba-iba ang pahayag ng mga driver na income sa isang araw sa araw daw ng Sabado may umaabot ng 250 mayroon naman na mahigit isang lamang. Bawasin mo ang 40 piso na renta sa trisikad, ay tamang-tamang makabili ka ng bigas.
May driver na nagsabi sa akin ng: “Ang hirap lang Kaka sa driver ng trisikad dahil pedal ka ng pedal maghapon, pagdating ng gabi di ko na maasikaso si Mrs, pagod na kasi ako, kaya lupaypay na si Manoy. (LAUGHING).
May natanong din tayong maganda at seksing Ginang na paboritong sumakay sa trisikad: “Kaka Alih, masarap sumakay sa trisikad, masisipag ang mga draybers. Buhat agad nila ang mga dala nyo, sempre di ko nakakalimutan magdagdag ng pasahe? Papaano ba naman ay buhat nila yan hanggang sa loob ng bahay mo. Minsan nga kakatakot kasi akala mo besprend mo na agad kung umasta e. Sempre hindi mo naman sya besprend, lalong hindi boyprend pa.” (LAUGHING)
Para sa akin mga bayani ang mga trisikad driver, halimbawa ng sinasabi natin ay tulad noong July 13, 2008 inihatid ni Ryan Jay V. Elian isang trisikad driver ng Barangay Nuro sa DXUP FM ang natagpuang raincoat na naiwanan ng may-ari sa bandang tulay patungong Darugao.
Next na sample ay noong January 26, 2008 –isnauli din ng isang trisikad driver na si Ricky Blala ang maliit na bag o wallet sa DXUP FM na may lamang pera. At marami pang magagandang ginawa ang mga driver na ito na nalingid sa media, kaya wala tayong balita.
“Pero Kaka hindi lahat ng mga driver ng trisikad ay good boy” Bakit? tanong ko, “kasi Kaka, minsan may nasakyan ako, binigay ko ang 20 pesos ko, maghahanap pa raw ng sinsilyo, hanggang ngayon di na binalik ang sukli” hinanakit ng ng isang Kumpare.
Heto pa ang isang nakaka..
“Kong minsan may driver din na hindi na naliligo, ang amoy..never mind..” (LAUGHING)
Tama, ka Mare, kaya ang panawagan natin ay heto: “mga Kapatid na driver ng Trisikad, bago pa kayo pumasada sa kalsada, maligo muna kayo at syempre bagong laba ang damit at sigoraduhing naibabad sa downey.. (LAUGHING)
Ito ang kaibigan ng mga trisikad driver na si Kaka Alih.. Sukran.
Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, tama naman ang panawagan ng isang Maestra, na maligo naman kayo mga pareng driver, para walang sumakit ang ulo dahil sa inyong amoy. Tama ka Maam, bago mamasada sa umaga ang driver , maligo muna at magpalit din ng bagong laba na damit,
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)


