Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating Kapaligiran
August 15, 2011(August 15, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang tanong natin ay gaano kahalaga ang kagubatan sa ating kapaligiran? Ang sagot ay ito ang tatalakayin natin sa ating nakaka ang pagtataguyod at pamamahala ng ating kagubatan, dahil sa nakakaalarma ng kalagayan nito sa ating bayan at bansa. Kaya kakibigan, samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …
(PLAY INTRO)
Host/Nancy: Good Morning Kaka Alih..
Kaka Alih: Good morning din kahit nakaranas kami ng flashflood kagabi.. ..(LAUGHING)
Host/Nancy: Kumusta na ang baha Kaka, paki flashback naman ang flashflood kagabi..(LAUGHING)
Kaka Alih: about seven oclock na yun, prepared na akong pumunta sa Masjid ng biglang magsigaw ang aking anak na may tubig na sa loob ng bahay, ng aking tingnan palalim na nga, di naglipat sandal hayun mga anim na pulgada na ang lalim ng tubig sa aming bakuran, kong gaano kabilis ang pagdating ganoon din kabilis ang apaglisan ng tubig, dahil alas nuwebe ng gabi humupa na ang tubig, parang walang nangyari..salamat at may mga ginawang kanal at nilinis na rin ng LGU ang mga kanal sa Nuro, lalo na sigoro kong matapos na ito, dahil doon sa amin di natatapos ang muling paghukay sa kanal.
Dahil sa flashfllod kagabi ay muling naalarma ang mamamayan lalon an gating Mayor Piang, dahil naranasan na ang ganito, noong 1995 at 2008.
Na agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan ng Upi Ramon Piang Sr, sa mga mamamayan na mag-ingat sa posibleng landslide, baha at flashflood lalo yaong malalapit sa kabundukan at ilog.
Dahil sa madalas na mga flash flood ang palaging nakikitang dahilan ay ang pagkaubos ng mga punong kahoy sa mga kabundukan.
Ayon sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy ang pansamantalang humaharang at sumisipsip sa tubig ulan at pagkatapos ay dahan-dahan ang pagbaba ng tubig sa kapatagan.
Alam mo Kapatid na Nancy, ang kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos, ang mga kabundukan natin noon ay maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal, puro ngayon ay halos wala ng natitira, kong mayroon man ay di na sapat para mabalanse an gating ecology o kapaligiran natin.
May tanong sa atin: “Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating kapaligiran?”
Ang ating naging kasagutan:
“Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan.
Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.
Ang mga naglalakihang mga puno ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman).
Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang pangsala ng kalikasan (buffer system) sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.
Ang pinsalang pangkalikasan na ito sa ationg malusog na kagubatan noon ay panimbang din sa lahat ng labis na init at polusyon.
Ang pag init ng buong daigdig o ang tinatawag na “global warming” ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon. Na ayon sa mga siyentipiko o scientist ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos ng punong kahoy, at dahil dito ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo o ang nagsisilbing payong sa initi ng araw .
Kaya naman ayon sa mga siyentipiko, kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan.
Sa kalagayan natin sa ngayon na halos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunit kong gagawin natin ay kayan natin.
Ayon sa mga pag-aaral ay dapat unahin na iwasto, ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman.
Maglagay ng mga shade plants o panganlong tanim, bago isusunod ang mga principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan. Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.
Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay kong susundin ang ganitong pamamaraan, ayon sa mga pag-aaral. Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.
Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.
Tanong pa rin ng isang batang nag-aaral “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”
Anak ganito ang pwede kong isagot: May mga bahagi ng ating ang kagubatan sa ngayon ay walang namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha ng mga yaman gubat. Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.
Dahil sa sitwasyong ito, may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive) gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating natitirang yamang-gubat o kagubatan.
‘Tay may pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?” dagdag na tanong ng anak.
Of course naman Ting!, (LAUGHING) Ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, oo nasa atin na mamamayan ng Upi, kailangan lamang na gawin, hindi sa salita lamang .
Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan,pwede pa nating isalba ang catastrophy o ang delubyo na darating.
Kinakailangan lamang ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan.
Kaya naman saludo ako Nancy sa ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa ating Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?
Nancy : Ano ang FLUP Kaka, pwede mong ipaliwanag sa atingmga tagapakinig sa bago sa kanilang pandinig.
Kaka Ali: “Ang FLUP ay ang Forest Land Use Plan. Ito ang nagtataguyod o nagsasagawa ng isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.
Nancy : Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?
Kaka Ali: Hindi pa naman Nancy, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghati-hati sa ating kagubatan kong papaano pangangalagaan at gagamitin.
Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:
· Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?
· Anong parte ang maaring ipamahala sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)? O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?
Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala). Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanan, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.
Nancy: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”
Kaka Ali: “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay mahalaga o iportante, upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon na maaring mamahala dito.
Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?
Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano.
Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbing rin batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaaksyunan ang mga problema na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan. Dahil ditto ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.
Halimbawa ay ang:
Ø Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.
Ø Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman. Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.
Ø Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad. Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.
Ø Mga pang-matagalang pakinabang. Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan. Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.
Nancy: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”
Kaka Ali: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan. Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa. Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.
Nancy: May papel ba na dapat gamapanan ng pamayanan sa pagbuo at sa pagpapatupad ng FLUP?
Kaka Alih: Yes, ito ay multi-sectoral. Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng FLUP. Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n gating saling lahi o susunod na henerasyon.
Sukran… Wassallam.
Nancy: Maraming salamat Kaka Ali, sa maganga presentasyon, mga kapatid kongmay tanong tungkol sa FLUP makipag-ugnayan lamang po sa LGU Upi, pwede ninyong lapitan si Glo Sentillo o dili kayay si Kagawad Ben Suenan.
(PLAY EXTRO-NAKAKA)




