Hiwalay ang Magulang
September 29, 2011(Sept 29, 2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host: Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: Epekto sa kabataan ng hiwalay na magulang o ang tinatatawag broken marriages, ito ang muling tatalakayin ni Kaka Alih sa ating segment.
(PLAY-INTRO GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka.?
Kaka Alih: Maganda ka pa sa umaga Noralyn, (LAUGHING). Este magandang umaga din Noralyn, (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam o yaong mga kapatid na Muslim.
Noralyn, bilang support sa programa ng kampaniya laban sa pagsugpo sa Sex Trafficking of Children at kabataan, heto ang topic natin ngayon umaga Epekto sa kabataan ng hiwalay na magulang o ang tinatatawag broken marriages.
Sa ating pangangalap ng information, nakakuha tayo ng mga kuwento at kasagutan mula sa mga kabataan:
“Hiwalay na kasi ang parents ko eh, kaya siguro nagkakaganito ako”. kuwento ng isang estudyante na drop outs at palaging nasasangkot sa gulo.
“Sa totoo lang Kaka nararamdaman ko ang hinanakit at sakit ng damdamin ng aking classmates na hindi nakagraduate dahil sa marami sa grades niya ang bumagsak. Papaano kasi, palagi siyang absent mula ng mag-away at magkahiwalay ang kanyang mga magulang”. Pahayag naman ng classmates ni Dodoy.
Bakit ka naglayas Day, tanong ko sa isang nene na naglayas. Ang sagot ay: “di ko na masikmura ang ginagawa ni nanay, mula ng sila ay maghiwalay kay tatay, kong sinu-sinong lalaki ang kinakasama at iniaakyat sa bahay, nakakahiya. Minsan may isa siyang lalaki na manyak, pati ako gustong ..” never mind, bawal banggitin sa radio. (LAUGHING).
Alam mo Nancy, ako ay nagtataka kong bakit maraming mga mag asawang nag hihiwalay, naitanong ko tuloy sa aking sarili, ito ba ang uso ngayon?
Host/Noralyn: Napapansin ko din yan Kaka, matanong kita, ano ba ang mga dahilan at nag-hihiwalay ang mag-asawa?
Kaka Alih: Actually maraming dahilan kung bakit ‘ang mag-asawa ay naghihiwalay, na di na sila pwedeng mag sama sa iisang bubong.
Ang mga ibang dahilan ay si mister o misis ay nangangaliwa. Kong minsan naman ay issue tungkol sa pera.
Marami actually ang pwede nating banggitin but gusto ko ang pag-usapan natin ang epekto nito sa mga bata. It’s about the son and daughters that are caught right in the middle, hindi po ba?
Konting di pagkakaunawan naghahamon na si Babae o si Lalaki, ng hiwalay.
Alam mo Nor, minsan naiisip ko rin na parang ang selfish naman ng mga ganuong magulang. Basta basta na lang mag-dedecide na maghihiwalay sila na di man lang inisip ang kahihinatnan ng kanilang mga anak, na mapapalayo sila sa kanilang mga magulang.
Kuwento ng isang mag-aaral sa kanyang classmates na di din nakapagtapos dahil naghiwalay ang mga magulang.
“Alam mo Kaka, noong kami ay mga maliliit pa, pag nag-aaway ang mga magulang naming, lagi kaming ikinukulong sa isang kuwarto para di naming marinig yung mga sigawan nila. Pero honestly pwede bang di namin marinig ang kanilang sigawan eh high pitch masyado ang tono nila”
Tuloy natin ang kuwento Nor, “natuloy ang paghihiwalay ng mga magulang namin dahil kinampihan ni Lola ang aking nanay.”
Kuwento naman ng isang tinedyer na nakulong minsan dahil nasali sa rambol ng mga kabataan. “Pag nag-aaway, ang aking tatay at nanay, akala mo ay may demolition squad na dumating, dahil may nagliliparan namga gamit sa bahay, hagis ng plato, dito, hagis doon, murahan dito, murahan doon. At dahil dito, di nagtagal nalaman ko na lamang may kinakasama na si Tatay na ibang babae, at itonarin ang dahilan ng kanilang pag-hihiwalay. Kaya heto, lumaki akong ganito, basagulero, bilang pagrerebelde na rin sa aking mga magulang. Ang ginagawa ko para mapansin lang nila, inom dito, inom doon, yosi dito,yosi doon.”
Ito ang mga bunga ng mga batang galit sa sarili nilang mga magulang, sa mga batang hiwalay ang parents.
Sa panahong ngayon parang padami ng padami ang mga nasisirang pamilya. Napapansin ba ninyo?
Kaya nararapat na magbago na tayo mga pare at mare.. Tandaan mga kapatid, tayo ay nagsumpaan sa harap ng altar, na magsasama hanggang kamatayan, till death do us part…nasaan ang pangakong yaon? hanggang dito na lamang.. hanggang sa susunod na kabanata.. sa ating nakaka.. ni Kaka Alih.
Host/Noralyn: Alam ninyo mga kapatid, kong sakali mang may hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa bakit hindi aayusin, huwag tayong padalos dalos, kong sakaling mang naging matabang na ang inyong pagmamahalan, isipin na may mga anak na mawawalan ng gabay sa araw-araw, dahil ang kanilang mga magulang ay hiwalay.
(PLAY-EXTRO GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Kailan Naging Tama ang Pagsisinungalin?
September 28, 2011
Kailan Naging Tama ang Pagsisinungalin?
(September 28, 2011, -Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang tanong ay: Kailan ba Naging Tama ang Pagsisinungalin? Mayroon pala nito? Samahan ninyo kami ni Kaka Alihsa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya, at tiyak magkakaroon kayo ng kasagutan.
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Kailan ba naging tama ang pag-sisinungalin? Ikaw kaibigan nakapagsinungalin ka na ba ? Good morning Nor, ikaw ang matanong ko, nakapagagsinungaling ka nab a?
Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih, ay naku sa awa ng Diyos wala pa”
Kaka Alih: Salamat naman Nor.
“Naku Kaka Alih ano ba yan tanong mo?.. bakit pwede bang magsinungalin? Inis na taanong ni Mare.
May alam ako kong kailan, dapat magsinungalin? Kailan? Heto kuwento ni Kumpare:
“…pag tinanong ka kung masarap kanyang luto, dapat oo agad ang sagot mo. (LAUGHING) Yes para hindi sumama ang loob niya at hindi mainsulto.. Mrs mag-aral ka namang mag-luto.
Heto pa may isa pa ako: “.. pag kunti lang kinain mo, at itatanong kung bakit kakaunti lang nakain mo, baka daw di masarap at sabihin mo “masarap, kaya lang busog pa ako or inuunti unti ko para mamaya may ulam pa tayo.. nagbubudget tayo Ling”.
Pare pag nagtanong kung sexy pa siya, oo din dapat ang sagot mo kahit na siya seksi.
“Hay naku kayong mga lalaki mahilig magsinungalin.” Himutok ni Mrs.
“Mads, sabi ng mga kumpare: “kahit na mga white lies lang naman, ang ginagawa naming mga married men, at We do that for the betterment of the family, ika nga.” MaPilosopong paliwanag ni Pare #2
Mads, Mabuti pa pakinggan mo ang aking kuwento at tiyak maiintindihan mo kong bakit kailan tama ang pagsisinungalin.
Heto ang kuwento, kuwento ito ni Juan, pero hindi na si Juan Tamad ha.. ibang version na ito… masipag na si Juan ngayon…dahil karpentero na siya.
Karpintero itong si Juan at isang araw eh may kinukumpuning bahay sa tabi ng ilog. At dahil a lakas ng pagpukpok ng kanyang martilyo ay nalaglag ang martilyo sa ilog.
Dahil dito ay umiyak si Juan Karpentiro at di naglipat sandali biglang lumitaw ang mabait niyang guardian angel niya (lahat naman ng tao di may guirdian angel?).
Sabi ng guardian angel: “Huwag ka ng umiyak Juan, tutulungan kita.” Sabay lundag sa ilog.
Di nagtagal lumabas sa tubig ang Anghel na me hawak na gold hammer, “Ito ba ang martilyo mo Juan?”…
“Hindi po.” Sagot ni Juan.
Lundag uli sa tubig ang anghel at lumitaw muli na may hawak na silver hammer, “Ito ba Juan?”
“Hindi po.” sagot muli ni Juan.
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, “Ito ba ang martilyo mo Juan?”
” Opo, opo, opo maraming salamat maganda kong guardian angel!” masayang sagot ni Juan at dahil dito natuwa ang anghel.
“Dahil honest ka Juan , bukod sa martilyo mo, sa ‘yo na rin itong gold and silver hammer!” masayang sabi ng Anghel.
Ops, Kaibigan hindi pa tapos ang kuwento.. may karugtong pa, makinig pa.. mas masarap ang kasunod, mas maganda ang ending ng kuwento natin.. paalaala lamang kaibigan, kailangan ang may patnubay ng magulang sa mga batang nakikinig..(LAUGHING)
Heto ang itutuloy ng kuwento ni Juan Karpentiro. Ilang linggo ang nakaaran, malapit din sadating lugar na kinahulugan ng martinlyo ni Juan.
Naglalakad sina Juan sa tabing ilog at kasama ang misis niya. Dahil marahil sa katangahan, (o sadyang sinasadya) nalaglag ang Misis ni Juan sa ilog.
Tulad ng simula ng kuwento, iyak si Pedro, talgang iyaking lalaki itong si Juan. Juan walang iyaking lalaki. ..(LAUGHING)
At tulad ng dati litaw bigla ang Guardian Angel.
“Huwag kan g umiyak Juan, tutulungan kita.” At Sabay lundag sa ilog ng Angel at ng lumitaw ay akay-akay si Diana Zubiri . “Ito ba ang misis mo Juan?”
Pasigaw ansumagot si Juan at tuwang-tuwa na sumagot , “Opo!” Opo!” Opo!” siya na po..
Dahil nagsinungalin si Juan nagalit ang anghel, “Sinungaling ka.Juan. Akala ko pa naman eh mabait kang tao, tulad ka rin pala sa iba na makasarili.”
Ops! Ops! Ops! Di pa tapos ang kuwento kaibigan, hayaan nating magpaliwaang si Juan bakit siya nagsinungalin this time, ika nga ng batas natin, “you are innoccent until proven beyongd resonable doubts”.
Kaibigan may dahilan si Juan kong bakit siya nagsinungaling, pakinggan mo: “Sorry po, may beautiful guardian angel … kasi po alam ko, kapag sinabi kong ‘Hindi’, eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo na si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli… na hindi, ikaw lulundag muli sa tubig at paglitaw mo ay kasama mo naman si Diana Zubiri, at pag sinabi ko na hindi, alam ko lulundag kang muli ang pag-aahon mo dala mo na ang Mrs ko, at siempre sasabihin ko na opo, siya ang Mrs ko. At ibibigay mo rin sa akin si Katrina Halili at Diana Zubiri bilang asawa dahil mabait akong tao. Sori po guardian angel, di ko na kayang mag-asawa ng tatlo, isa pa lang ay di na nga kaya, ano pa kaya kong tatlo n a sila.. Mahirap lang po ako.. at hindi ko kayang bumuhay ng me tatlong asawa,.” (LAUGHING)
Moral lesson sa ating kuwento: Kaya lang naman nagsisinungalin ang mga lalaki eh for a good and noble reason. … (LAUGHING)
Ang pag-sisinungalin kaibigan, generally speaking, ay hindi dapat gawin ng simuman, dahil ay masama, maari lamang itong gawin sa magandang intension, kong ito ay para sa kabutihan ng nakakarami, hindi sa pansariling kapakanan.
Para sa programang buhay buhay sa segment na Gabay at Talakayang Pampamilya Ang inyong nakaka.. Kaka Ali.. sukran Wassalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
(EXTRO)
Karapatang Kababaihan at Kabataan
September 27, 2011
Karapatang Kababaihan at Kabataan
(September 27, 2011 Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Noralyn/Host: “Alam ba ninyo papaano bigyan ng proteksiyon tayong mga kababaihan at ating mga anak na nakararanas ng pag-aabuso o karahasan.? Pakinggan ang ibabahagi ngayon umaga ni Kaka Ali, sa ating segment na:
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Kaka Alih: Assallamu Alaikum warahmatullahi wabarakatu, good morning. Ang karapatan ng ninyong mga kababaihan ang ating tatalakayin ngayon umaga
Nor: Good morning Kaka Alih. May batas ba ukol sa violence laban sa aming mga kababaihan at mga anak?
Kaka Alih: Oo, ang Republic Act No. 9262 (2004) o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay batas na pinasa para bigyang proteksiyon kayong mga kababaihan at mga anak na nakararanas ng pag-aabuso o karahasan.
Nor: Matanong ko ulit Kaka, Anong akto ang sinasangga ng batas?
Kaka Alih: Ang batas ay nagbibigay proteksyon laban sa anumang aktong ginawa ng sinuman laban sa isang babae na: kanyang asawa o dating asawa; mayroon o nagkaroon siya ng sekswal na relasyon o “dating relationship”; o ina ng kanyang anak.
May proteksyon ding ibinibigay sa anak ng babaeng nabanggit sa itaas, lehitimo man o hindi:na ginawa sa loob o sa labas ng tahanan; na nagresulta o maaaring magresulta sa: pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala o paghihirap, pinansyal na pang-aabuso, pananakot na gawin ang mga nabanggit, pambubugbog, pananakit, pamimilit, panggugulo o pagkait ng kalayaan.
Nor: Kaka Alih pwede kang magbigay ng mga halimbawa ng mga karahasang labag sa batas.
Kaka Alih: of course naman Nor, narito ang ilan ang Pisikal na Karahasan: ito yung pananakit sa katawan o pisikal na pananakit sa babae o bata.
Pangalawa ay ang Sekswal na Karahasan ito naman ang mga aktong likas na sekswal; kabilang dito ang: panggagahasa; sexual harassment; kalaswaaan o acts of lasciviousness; pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal na bagay o sex object; paggamit ng mga salitang nakakapahiya o nakapanlilit, at mga salitang malaswa; pisikal na pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima; pamimilit sa kaniya na tumingin o manood ng mga malalaswang babasahin o palabas; pamimilit sa biktima o sa kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng malalaswang pelikula;
pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa kanilang bahay o parehong matulog sa iisang kuwarto kasama ang akusado; pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng gawaing sekswal; at pagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon.
Pangatlo ay ang Sikolohikal na Karahasan, ito ang mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o damdamin ng biktima, kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: pananakot; panggugulo; pagmamanman o stalking; paninira ng ari-arian; pamamaliit sa publiko o pamamahiya; paulit-ulit na pang-aabusong sa pananalita; pangangaliwa; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa isang kapamilya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri ng pornograpiya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabuso sa alagang hayop; at hindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait ng karapatang pangalagaan o bisitahin ang mga anak ng biktima at ng may-sala.
Pang-apat ay ang Pinansyal na Pang-aabuso: Ito ang mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: pagbawi ng sustentong pinansyal; pagbabawal sa biktima na pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung tumanggi ang asawa batay sa katanggap-tanggap, seryoso at moral na dahilan); pagkait ng kakayahang pinansyal at right to conjugal, community or property owned in common; paninira ng mga kagamitan sa bahay; at pamamahala sa sariling pera o propyedad ng biktima.
Mga mahal naming nanay at mga anak, alamin ang inyong karapatan, upang inyong makamatan ang katiwasayan ng pamumuhay.
Ito ang tatay na nagmamahal sa nanay ng mga bata.. Kaka Alih..
Nor: Hayun ang totoong tatay na nagmamahal sa nanay at anak si Kaka Ali, bukas muli kaming abangan sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.
(PLAY-Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Anong Malay mo Baka Maka-tsamba
September 26, 2011
(September 26, 2011 - Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Noralyn/Host: “Ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon ng isang bagay na hindi masyadong pinagpaguran. Ikaw kapatid ganito ka rin ba? Gusto mo ring makatsamba, pakinggan natin si Kaka Ali, dito hindi na tsamba sigorado naito…
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Kaka Ali: Tama ka Noralyn, ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon ng isang bagay na hindi masyadong pinagpaguran halimbawa y sa sugal.. Subalit may mga nanay na ayaw nila ang lang kanilang asawa ay nag-susugal, lalong marami naman ang tatay na ayaw nila ang nanay ay sugarol.
Bago sila makatsamba Nor, heto mo na sigorado ko ito, Assallamu Alaikum Warahmatulllahi wbarakatuh.. ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos ay sasaatin Nawa.. magandang umaga sa iyo Nor…
Noralyn/Host: Magandang umag din Kaka Alih, papaano ako makatsamba? (LAUGHING)
Kaka Ali: “anong malay mo baka makatsamba” Ito ang madalas na ginagamit ng mga kapatid na nagsusugal (game of chance), sila ay nagbabasakali na baka manalo.
Alam mo Nor, may mga kapatid pa itong: anong malay mo baka makatsamba.
Noralyn/Host: Ha? Hindi ko yun alam, baka may pinsan pa yan? (LAUGHING)
Kaka Ali: Heto Nor ang mga kapamilya: “tsumamba lang” which in English ay, just got lucky; heto pa ang isang kapatid, “tsumamba din ako”(I finally got lucky); “tsumamba ka lang” (you just got lucky); “tsumamba lang sila” (they just got lucky) at heto pa “mahirap tsumamba nang ganoon” (It’s tough to get lucky that way); “tsambahan lang ito” na ang meaning naman ay this is all a matter of being lucky.
Noralyn/Host: Ang dami palang kapamilya.
Kaka Ali: Tsamba (chance) ito ang ugat na salita, pag binabanggit ang salitang tsamba ay naalaala ko ang isang lumang pelikula na may titulo na “Patsamba-tsamba” , pelikula ito sa kalagitnaan ng 60’s, isang komedi at love story movie. Ito ay kasaysayan ng isang babaeng mahirap na walang ibang trabaho kundi ang magtinda ng bote na umibig sa isang tambay na isa namang Butangero. Ang mga bida dito ay sina Nida Blanca, Nida Blanca siya si Bertang Bote, mga tinedyer pa sila dito, katambal niya dito si Bernard Bonnin, Mina Aragon, Menggay, Jose Garcia at Johnny Long, ang iba hindi ko na matandaan, ang naalaala ko lang kasi ang mga kilala kong mga artista. Any way hindi pelikula ang tatalakayin natin, balik tayo sa topic natin na Anong Malay mo Baka Maka-tsamba
Ang tanong ito ba ay nakakabuti sa ating mga tao?
“Pag nanalo ka Kaka, makakabuti”. Sagot ng isang mahilig magtaya sa sugal na last two.
Ang tanong kaibigan, how sure na pag may pera ka na bubuti ka na? Marami ng nagkaroon ng maraming pera, subalit hindi pa rin bumubuti.
Noralyn/Host: Marami na akong narinig na nanalo sa sugal subalit lalo pa ring naghihirap ang kabuhayan.
Kaka Alih: Tama ka Nor, Ayon sa pag-aaral karamihan sa mga nanalo sa larong sugal ay nasa mas mahirap pa na sitwasyon ilang taon matapos niya mapanalunan ang malaking halaga ng pera mula sa sugal. Kokonti, kung mayroon man, ang tapat na ibinigay ang pera para sa mabuti o magandang hangarin.
Para sa mga kapatid na Kristiyano, may tanong: “Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsusugal? Kasalanan ba ang pagsusugal?”
Heto ang sagot : (http://www.gotquestions.org/tagalog/kasalanan-pagsusugal.html) “Maaaring isalarawan ang pagsusugal na “Pagbabakasakali sa pera upang tangkaing paramihin pa ito sa paraang di pangkaraniwan.” Hindi partikular na hinahatulan ng Bibliya ang pagsusugal, pagpupusta at iba pa. Gayon man, binibigyang babala naman tayo ng Bibliya na umiwas sa pagmamahal sa pera (1 Timoteo 6: 10; Hebreo 13: 5). Hinihikayat rin tayo ng Kasulatan na iwasan ang mga pagtatangkang yumaman sa pinakamadaling paraan” (Mga Kawikaan 13: 11; 23: 5; Mangangaral 5: 10). Ang pagsusugal ay kadalasang nakasentro sa pagmamahal sa salapi at hindi maipagkakailang maraming tao ang natutukso nito dahil sa pangakong madali at mabilis na pagkamal ng kayamanan.
May nagtanong pa ng: Ano ba ang mali sa pagsusugal?
Sabagay, ang pagsusugal ay isang mahirap na isyu dahil kung ginagawa lamang ito ng paminsan minsan at hindi regular o kung may okasyon lang, maaring ito’y pagsasayang ng pera, subalit hindi nangangahulugang ito’y kasamaan. Ang mga tao ay nagsasayang ng pera sa anumang uri ng aktibidad. Ang pagsususugal ay hindi maituturing na mas matinding pagsasayang ng pera kumpara sa palagiang panonood ng sine, pagkain ng mga hindi naman kinakailangang pagkain, o pagbili ng wala namang silbing bagay. Ang katotohanang naaaksaya ang pera sa anupamang bagay ay hindi nagbibigay-matuwid sa pagsusugal. Ang pera ay hindi dapat aksayahin. Ang sobrang pera ay dapat iniimpok para sa mga darating na mga pangangailangan o di kaya ibigay sa gawain ng Panginoon - at hindi dapat sayangin sa pagsusugal.
Sinasabi sa aklat ng Kawikaan 13: 11, “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.”
Winika ng Allah sa Qur’an na “bawal ang pagsusugal” at dahil dito, ang isang bansang nagpapatupad ng Islam ay hindi maaring magbukas ng casino, lotto, sweepstakes, atbp.
“Tinatanong ka nila tungkol sa alak at pagsusugal. Ipahayag: O Propeta, sa mga ito aya may malaking kapinsalaan at ilang kapakinabangan, subalit ang kapinsalaan ay mas malaki kaysa kapakinabangan.” [Surah Al Baqarah 2:219]
Isa pa ring Islamikong panuntunan na sa mga bagay na ipinagbabawal, anumang bagay na makapagbibigay-daan sa pagsasagawa ng mga iyon ay ipinagbabawal din.
Ang pagsusugal ay isa sa mga hindi kanais-nais na gawain na karaniwang ginagawa ng tao. Higit na itinuturing nila ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo, balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan. Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!
Sa iba ay ginagamit pa itong propesyon o hanap-buhay, ginagamit pa itong paraan upang masunod ang luho sa sarili, makaahon sa kahirapan at iba pa, na sa pag-aakala ay wala itong ibubunga na kasamaan.
“Kung batid nga lamang nila, na ito ay isa sa malaking kasalanan sa harapan ng Allah.” Bahagi ng kuthba (sermon sa Salah sa Biyernes) ni Ustadz Ahmad.
Tama ang tionuran ni Ustadz Ahmad, dahil ayon sa pag-aaral, bukod sa pinupukaw ng sugal ang poot sa kalooban ng isa’t isa, lalo sa natatalo, nagbibigay din ito ng immoralidad sa katauhan ng isang tao.
Hindi ito nakapagdudulot ng kabutihan sa tao at kung mayroon man ay napakaliit lamang, na ang hahantungan din sa bandang huli ay pagkawasak at kapahamakan!
Bakit natin ito sinasabi? Sinabi ng Allah. Dahil kailanman ay, hindi maaaring magbunga ng mabuti ang kasamaan, kundi ng kasamaan din! Maliwanag na sinabi ng Allah sa Quran:
“Sabihin (mo sa kanila O’ Muhammad): “Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan. Samakatuwid! O’ tao na may pang-unawa, Katakutan ninyo nang labis ang Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at mahalin ninyo Siya nang labis (sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos), upang kayo ay maging matagumpay.”
Kapatid na naniniwala sa Poong Lumikha, para sa ating kapakanan ang pagbabawal na ito. Sa katunayan, napakabait ng Allah sa atin, ibinigay na Niyang lahat-lahat ang makabubuti para sa atin — ang pinakawastong pamamaraan ng pamumuhay! Subali’t ang iba ay ayaw pa ring pahalagahan ito!
Kong ang ating mga relihiyon o pananampalataya ang ating pagbabasehan ay ang lahat ng uri ng sugal na sangkot ang salapi at mga ari-arian, ay ipinagbawal ng Allah na tulad ng: Lottery, Lotto, Sweeptakes, Casino, Jai-alai, Jueteng, Karera, Sakla, Madyong, Pares-Pares at iba pang mga laro na kauri nito.
Ang masaklap nga lang nito, ay kalat na kalat na sa ating lipunan ang mga ganitong bisyo.
May ilang uri ng sugal na ginawang legal ng pamahalaan, na kinabibilangan ng mga kilalang tao sa lipunan at may malakas na impluwensiya!
At ang iba namang sugal na hindi ginawang legal ng pamahalaan ay nagkalat at naglipana sa kapaligiran!
Paano mapabubuti ang lipunan kung ganitong sistema ang umiiral?
Ang payo ni Pastor at Ustadz , “Kong gusto nating magkaroon ng kayamanan o pera, magbanat tayo ng buto, paghirapan natin, sundin natin ang tamang panuntunan ng ating relihiyong pinaniniwalaan.
Ang inyong kapatid, Kaka Alih. Sukran. Wassallam.
Noralyn: Tama ka Kapatid na Kaka Alih, sa aming relihiyon na talagang bawal sa aming relihiyon ang pagsusugal, kaya nararapat lamang naitigil na ito…
(Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa dapat Forever
September 23, 2011(September 23, 2011 Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Noralyn/Host: “Alam mo ba Kapatid ang sikreto papaano mapapanatili ang maligayang pagsasama ninyong mag-asawa? This morning, heto tiyak magugustuhan mo, papaano ba naman di mo magustuhan ay sa title palang kikiligin ka na: Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa dapat Forever
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Kaka Ali: Alam mo Noralyn, maraming paraan ang magagawa ng mag-sing-irog o mag-asawa… upang lalo pa nilang pagtibayin o patatagin ang kanilang pag-iibigan at pagmamahalan.
Noralyn/Host: Papaano?
Kaka Ali: Ang pinaka mahalaga ay “personal will’ para baga yaong sinasabi nila noon kay Gloria na kailangan ang “political will” para maibangon ang bansang ito…buweno kapatid magbibigay ako ng ilang pointers o mga payo..
Una kapatid ay pag-nagagalit ang inyong mga asawa, o baka nagwawala na, simplenlang ang gagawin mo: tumahimik ka pansamantala. You declare unilateral ceasefire at ikaw naman misis, declare ka rin ng ceasefire pag declare si Mr, ng ceasefire..(LAUGHING).
Hindi matatawag na karuwagan o kaduwagan ang manahimik muna habang nagpupuyos sa galit ang inyong asawa.
Kaibigan maniwala ka, matalinong pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagagalit ang ating asawa.
Ganito kasi iyon Kapatid bakit ko sinasabi na pag galit ka ay lalong makakabuti na manahimik ka muna. Ang tao pag galit ay may tendency na makapanakit ng kapuwa tao, iyong iba hindi tao kundi mga gamit nila ang sinisira, pinagtatapon, pinagsusuntok. ..(LAUGHING).
At likas o natural sa tao na sino mang nasaktan ay may posibleng manlaban at manakit din sa nanakit sa kanya, ang tawag daw diyan ni Pare ay “self defense”.
Ngayon, makatutulong na maiwasan ang away na may kakambal na pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna.
Maalaala ko Si Ustadz Ahmad, may payo siya sa ganitong siutwasyon. Ang payo niya, kong isa kang Nanampalataya sa Islam o isang Muslim, mag-abdas ka, o ablution, at lalong maigi kong magsambayang ka ng dalawang rakaah na sunnah.
Next ay, Iwasan ang pagsisigaw sa asawa, lalo sa harap ng ibang tao.
Tandaan Kapatid na ang pagsisigaw sa asawa lalo na harap ng ibang tao ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa. Maliban na lang kung bingi ang asawa, mo (PLAY LAUGHING). Ganito kasi iyon Kapatid, tila pambabastos at namumukhang tanga ang inyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa, kong aakalain nila na tanga siya, eh lalo kang tanga dahil bakit ka nag-asawa ng tanga.
Noralyn : Tama!..(PLAY LAUGHING).
Kaka Ali: Susunod Nancy na payo, Pag Nakagawa ka ng pagkakamali, matutong mag-sorry sa inyong asawa.
Noralyn: Papaano yun Kaka, please elaborate o pakipaliwanag, ng maliwanagan si Mare at Pare.
Kaka Ali: Ok ganito yun Noralyn, pag nakagawa ka ng pagkakamali o nasaktan ang damdamin ng inyong asawa, ituwid ito at mag-sori, but sigoraduhng talagang sorry ha?!!! Ipakita mo sa asawa mo na totoong nagso-sorry ka.
Paliwanag ko sa English ha? When you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m sorry my Dear.” Show that you are really are sorry for what you done. Show it with your face and show it with your action. (PLAY LAUGHING)
Bakit ko ito nasasabi Nancy? May tao kasi na pag nagsosorry sa asawa at habang sinasabi ang “I’m sorry” ay nakangisi pa. (PLAY LAUGHING) Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing naman ng “I’m sorry my darling” sa asawa na wala namang pagbabagong nangyayari.
Heto pa ang isa na payo ko kaibigan - Maging attractive sa paningin ng inyong asawa.
Bakit? Hindi dahil asawa mo na ay hindi ka na, nagpapaganda. Minsan kasi, may mga lalaki na ang nahulog na sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang kanyang asawa o kong si babae ay Lusyang NA at si lalaki naman ay ano???: Lolo na?. (PLAY LAUGHING) In short o sa madaling usapan, Kapatid, huwag kayong mag-pabaya sa inyong katawan.
Para mangyari ito, anong gagawin? Heto ang payo ng mga expert:
ü Mag-exercise at iwasan ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura.
ü Huwag labis na uminom ng alak o kong pwede itigil na ito ang pag-inom ng alak na nakakalasing.
ü Iwasan din na ang sigarilyo dahil ito ay nakakamatay.
At higit sa lahat daw, sabi ni Pare, sikapin na rin na maging mabango para sa kanya. Pero pari huwag kalimutan, tanungin din ang asawa kung anong amoy na pabaango, kong maari siya ang pumili o bumili, pero syempre bigyan ng pera na pambili. (PLAY LAUGHING)
Sundin ang gusto ng inyong asawa para maging attractive sa kanya. I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka. (PLAY LAUGHING)
At higit sa lahat na maipapayo ko kaibigan, Maging kuntento sa anong biyaya ng Diyos sa inyo.
Alam ba ninyo kapatid na delikado ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ng mayron sila na binigay kanila ng Diyos?. Maaaring gulo o kapahamakan ang kasasadlakan MO.
NORALYN: Ano ba ang kailangan para maging kontento ang tao KAKA?
KAKA ALIH: Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang mag-asawang makukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Pero maging kuntento muna at maging maligaya sa kung ano ang mayroon kayo ngayon na biyaya ng Allah. Pasalamatan mo ang iyong Poong Lumikha anong mayroon kayo ngayon.
Ito ang inyong segment writer at producer, sa Gabay at Talakayang Pampamilya Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuhu.
NORALYN: Hay salamat may nakuha na naman akong pointers, papaano ko mapanatili ang tamis at maligayang pagmamahalan naming mag-asawa, ikaw kapatid mayroon din ba? Sa lunes muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.
(PLAY-EXTRO)
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
September 22, 2011
(September 22, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? Iyan ang tatalkayin ni Kaka Alih sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? Ito adin ang mga linya na palagi naming isinisigaw noong bago mag-martial law. Kahapon Sept 21, 2011 ay anniversary ng declaration ng martial law o batas military. Subalit hindi martial law ang topic natin, dahil kong minsan di magandang sariwain ang malagim na karanasan nay un ng mga kabataan, isa na ako doon.
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanapbuhay sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng kalinga at pagmamahal ng magulang at kapuwa.
Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral. Delikado ang pinagdaraanan nila para lang may mapagkakitaan.
Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan, parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang iba naman, matapos makadilihensya’y pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang kapanyarihang taglay ng rugbie? (Aywan ko).
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod, gutom at problema.” (Totoo bayan?) Yes Kaka, ito ang nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman sa gilid na ng kalsada mismo.
Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad ng Maynila, ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi makapasumbong sa otoridad.
Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,
Ayon sa ating batas nakasaad na ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo.
Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.
Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang maghanap ng makakain upang mabuhay.
Matatandaan ko noon sa aming klase, nasabi ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.
Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.
Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang kapaligiran.
Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?
“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng sulosyon ng ating gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang sasabihin
Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat magtulungan?”
Mga giliw naming tagapakinig kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo magsisihan.
Para sa akin, gagampanan ko ang aking tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.
Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…
Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas sama-sama tayo sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya…. Sa ating programang buhay buhay FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at
September 19, 2011Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon
(September 19, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang ibabahagi namin ngayon umaga sa ating segment na Gabay at Talakayang pampamilya ay itong Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon, makakasama natin si Kaka Ali…
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, matanong ko lang ano ba ang pagkakaiba ng kababaihan natin noon at ngayon?
Kaka Alih: Kong sa physical na kaanyuan ayt wala naman pagkakaiba ang kababaihan noon at ngayon, ang tanging nag-iba lamang ay ang kanilang pag-uugali, pananamit at maaring isama natin ang paniniwala.
Ngayon araw Nor, ang tatalakayin natin ay ang kalagayan ninyong mga babae.
Ang kalagayan ng mga kababaihan sa kasalukuyan sa ating bansang Pilipinas sa ngayoin . Alam mo ba naiulato naibalita na sa taong 2009, may 9,485 kaso ng karahasan sa kababaihan ang naitala ng Philippine National Police- Women and Children Protection Center (PNP-WCPC). Ito ay mataas ng 21% kumpara taong 2008.
Ayon sa Center for Womens Resources(CWR), may isang babaeng nagagahasa sa kada walong oras. Ang ibig sabihin kada araw may tatlong babae na nagagahasa.
Medyo balikan naman natin ang kalagayan noon ng mga kababaihan. Noong mga unang panahon ng Jahiliya o “day of the ignorance”…
Alam ba ninyong mga babae ang inyong katayuan sa lipunan?
Host/Noralyn: Hindi ko pa alam Kaka Ali, please tuloy ninyo, nakikinig ako.
Kaka Alih: Ang turing sa mga babae ay segunda klase na nilalang ng Diyos…Patawarin sila ng Diyos.. Tinuturing nila ang babae ay pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba, hinugot ka lang sa tadyang ni Adan. Dahil ang alam natin ay ang paglalang ng Diyos sa babaeng si Eba, ay mula sa ribs o tadyang ni Adan. …
Ang iba naman ay mahina ang babae, kaya pangkama na lamang kayo.
Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?.
Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan, sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din ang mga babae ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.
Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga babaing Arabo naman bago dumating ang Agama o relihiyong Islam ay itinuturing na isang kamalasan ang pagkakaroon ng anak na babae, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga Arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag ng Allah ang Islam. Nagbago ang lahat ng ihayag ng Allah kay Muhammad ang Sugo o Propeta, ang karapatan ng kababaihan. Nagbabago ang turing ng mga tao sa Babae, pagdating ng katuruan ng Islam, dahil umangat ang kanilang kinalalagyan. Nagkaroon sila ng karapatan. Karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan.
“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Nakasaad sa Qur’an, 49:13]
Ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin noong una pa man dito sa ating mga programa sa DXUP FM , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ng mga Bangsamoro ang mga karapatan ng mga Kababaihan, at pinangalalagaan ang kanilang maratabat o dangal, na kong minsan ay humantong ito sa patayan ng membro ng angkan, maibangon lamang ang dangal ng kababaihan nila.
Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, halimbawa ng kulturang Pilipino, na ang kulturang ito ay minana pa nila ang iba sa mga mananakop na Kastila at Amerikano.
Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito.
Ø Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro, ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;
Ø Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;
Ø Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;
Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala.
Ang mga babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayroon siya, sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:
1. May karapatang magmay-ari tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.
2. Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.
3. May karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali.
Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”
4. Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.
5. Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.
7. Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.
Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.
8. Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.
9. May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.
Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan.
Ang inyo pong Kaka Ali nagpapasalamat sa inyong pakikini at nag-anyaya muli sa susunod na kabanata n gating nakaka.. ditto pa rin sa ating programang buhay-buhay sa DXUP FM.
(PLAY EXTRO-Gabay at Talakayang Pampamilya)
Noralyn: sa muli kami ay nag-anyaya sa sa iyo kaibigan sa ting segment na Gabay at Talakayang Pampamilya
Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak
September 16, 2011

Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak
(September 16, 2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang Buhay-buay sa segemtn na “Gabay at Talakayang Pampamilya” (8:00-9:00 A.M) Host –Noralyn Bilual)
Host: “Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino ay samut sari, ngunit may mga kaugalian tayo na dapat baguhin o linangin, at ilan dito ay siyang tatalakayin ng ating segment writer na si Kaka Alih.. ang pag-uusapan natin ay itong Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak.
(Play- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan multi cultural diversity. Bagamat iisang bansa ngunit magkakahiwalay ang mga lugar, dahil sa nahahati sa mahigit sa pitong -libong pulo.
Ang bansang Pilipinas ay nahahati sa pagitan ng mga ibat-ibang pananampalataya may Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat ng paniniwala.
Nahahati din sa mga political boundaries, sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag,
Nahati hati din sa social at ethnic groups, pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap, may mga Pilipino na makakanan (rightist) at makakaliwa (Leftist). Andiyan ang Ilokano, Bisaya, Maguiindanao, Meranaw, Iranun, Teduray at marami pang tribu, maging sa Luzon , Visayas at Mindanao.
Ang kultura ng mga Pilipino o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop.
Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. At of course hindi din pahuhuli ang Kano (US), ang mga Sakang (Japanese) bagamat ang Intsik ay hindi tayo sinakop ay malaki naman ang ipinama na mga kaugalian, tulad ng mga paputok, na isa mga malaking negosyo kong mga mga kasayahan ng mga fiesta at bagong taon.
Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya, ngunit hindi natin alam kong saan ito nagmula, kong ito ay sadyang umusbong o nabuo na ng mga Pilipino o dahil nagkataon lamang? O dahil kinakailangan.
Bakit kinakailangan? Ganito yun kaibigan, dahil noong unang mga panahon o mag-pahanggang ngayon ay kailangan ang pagbuklod buklod o pagbubuo ng isang pamayanan bilang paghahanda o pagtatanggol sa kanilang angkan sa mga mananakop.
Ang mag-anak o pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang tao.
Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng membro ng pamilya ang isang mag-anak, iginigiit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang tahanan, ang mga anak na may pamilya, gaano man kaliit ang bahay nila. Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa kanilang piling.
Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mga anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring pamilya. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya.
Bakit natin ang ekonomiya? Ang ibang magulang kasi ay sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Kong bagong kasal ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, na kadalasan ay hanggang katapusan ay hindi na bumubuklod…(LAUGHING) at kong sakali man na magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit lang sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong. Yaong iba ay sa extension lamang gumagawa ng kanilang tirahan.
Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa.
Ang iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at nasanay na nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya naman kahit halos pagluluto ay di natutunan.
At nitong kasalukuyang panahon na may honorarium ang mga Barangay Official o perang matatanggap ay marami ang nagkainteres na maging leader, dahil sa may hanapbuhay, Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad. Kong di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalaban-laban sa isang position sa Barangay.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya …. Sa ating programang buhay buhay, ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Mga Dahilan Bakit Nag-aaway ang Mag-asawa
September 13, 2011
Mga Dahilan Bakit Nag-aaway ang Mag-asawa
(September 13, 2011-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Sa mag-asawa natural lang daw ang pag-aaway, natural lang ba talaga? Ang tanong natin bakit nga ba nag-aaway ang mag-asawa? Ano ba ang dahilan? Alamin natin ang mga ilan sa kasagutan mula sa ating segment writer/producer na si Kaka Ali sa ating segment na:
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.
“Papaano hindi kami mag-aaway Kaka Aluih eh nagger si Babae.” Tugon kaagad ng isang batang-batang naging ama na nahinto sa pag-aaral dahil nabuntis ang kasintahan.
Nor, hayan, may sagot na ako sa tanong mo kanina na: bakit nag-aaway ang mag-asawa?
Noralyn: Ano pa ang ibang dahilan Kaka Ali bakit hindi nagkakasundo ang mag-asawa.
Kaka Alih: Relaks lang Nor, marami akong nalaman tungkol diyan, just listen, ok?
Ladies, Pasensya na mo kayo ang mauuna ika ladies first, (LAUGHING) problema sa babae ang aking naunang ilista.
Kanina nasabi natin ay “nagger” ang babae. Yaon bang mapaghanap ng kamalian ng kanyang partner. Hindi naman talaga maiiwasan na ang umpisa or dahilan ng alitan ng mag-asawa (or kahit mag-syota pa lang) ay ang pagiging nagger ni babae. Si Lalaki pa naman ayaw n’ya nang binubungangaan. Pasensiya na Lalaki, nature lang talaga ng mga Babae ang mabubungaga..
“Hindi a, excuse me Kaka, ako hindi, for the information of everybody, hindi lahat ng babae ay bungangera.” Objection ng isang estudyante.
Sorry, I stand to be corrected, in every rules there is exception. (LAUGHING)
Next na dahilan, lasenggero si Lalaki. Hiks! Yan ang paboritong sabihin ni Juan pagkatapos n’ya mag-inom sa kanto. Uuwi sa bahay at aawayin si Babae at ang mga anak. Sino ba namang matinong babae ang hindi aakayat ang dugo sa ulo ang ganito ang asal na lalaki?
Babaero si Lalaki. Naku…hindi lang sampal ang aabutin kay Juana! Bugbog sarado si Juan sa sermon at posible pang magka-hiwalayan.
Noralyn: Kawawang mga anak.
Alih: Heto ang pinaka…Lalakero si Lalaki. Well, napakalaking insulto ito para kay Inday. Biruin mo? Hindi nakuntento sa kanya si Mister kaya naghanap pa ng…lalaki.
Noralyn: Diyos ko po.. Ok lang sigoro Kaka kung babae ang hinanap! Pag-ganito ang pangyayari, Ewan ko lang , baka di lang away, kundi mauwi pa sa hiwalayan.
Kaka Alih: Heto pa, Nor, Lalakero si Juana. Papaano kasi nasa ibang bansa si Mister, Nag-abroad si Lalaki. Hayun Nagpadala ng pera. Sumulat hindi na uso ang sulat, by e-mail na tayo, di na uso ang snail mail) at heto pa nag text si mister. Tumawag at nagsabing miss na miss na si Juana at ang kanilang mga anak. Si Juana, hindi nakayanan ang lungkot at tukso hayun kumanta ng “tukso layuan mo ako” (LAUGHING) Pumatol sa ibang lalaki. Kawawang Lalaki.
Heto pa ang hate na hate ni Mare, Bayolente si Lalaki. Papaano kasi palaging lasing o bangag sa ipinagbabawal na gamut. Hoy!!! mga machong mister diyan, ang babae po ay minamahal hindi sinasaktan.
Heto daw angmadalas na dahilan, Money Matters. ‘Money is the root of all evil’ wika nga nila. Isa ito sa mga mahirap lampasan. Kung mahirap at kapos sa pera sigurado may away at pag-dadalawang isip lalo na si Juana. Kung sobra-sobra naman ang pera ang away ay kung paano ang hatian at ang tamang pagba-budget. Maaaring maging sugarol ang alin man kay Juan at Juana o maging maluho sila pareho. Dito na lalabas ang sumbatan blues.
Heto ang di dapat, Hygiene. Naalala ko ang isang mag-asawang kapit-bahay ko. Iniwan ni misis si mister kasi hindi n’ya na raw matiis ang baho ng kilikili. Yes mga kapatid, may anghet o putok si mister! Sa sobrang pag-iibigan nakalimutan na maligo.
Heto naman ang isa na di dapat, Kakulangan ng oras sa isa’t isa. Maaring nasobrahan ng sipag si Juan/Juana o kaya naman ay dala ng barkada kaya wala ng oras mag bonding at maglambingan sina Juan at Juana. Alalahanin na ang foremost priority sa isang relasyon ay ang karelasyon!
Ang last Listening but not hearing. Heto ang dapat tandaan ng mga magsing-irog. There’s a big difference between Listening and Hearing. Maaring nandiyan ka palagi para mag-listen sa iyong partner pero ang tanong…do you really hear his/her heart’s message? You listen with your ear but you hear with your heart.
Oh kapatid, kuha ninyo? (LAUGHING)
Once again Kaka Alih at your service, muling nag-anyaya na palaging makinig sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya”.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi wabarakatuh.
Noralyn: Mare, hindi na kayo mag-aaway ni Mister, dahil alam mo na ang mga dahilan kong bakit kayo nagbabangayan. Maraming salamat Kaka Ali sa magandang presentation..
(EXTRO)
“Give and take” dapat sa magka-Partner
September 12, 2011
“Give and take” dapat sa magka-Partner
(September 12, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Sa pag-aasawa, mahalaga ang may “give and take” pagbibigayan, yaong tinatawag nilang kaugalian na give and take, iyan ang dapat na umiral sa samahan ng mag-asawa.”
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, papaano ba ang pagbibigayan ng mag-asawa?
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.
Give and take, ito ang mahalaga bahagi na dapat gampanan ng mag-asawa. Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs… (PLAY LAUGHING). Don’t laugh Nor, ipapaliwanag ko, at sa libo-libong madlang people na nakikinig, sa mga sandaling ito.
“Hindi ganoon,…. ganito, ang dapat.” (PLAY LAUGHING) Ang favorite line ni Mrs. At ni Mr? (PLAY LAUGHING) Pare , Mare makinig ka bago ka tumawa diyan, serious tayo sa usapan naito..
First of all, take note, sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at sampung porsento lamang ng pagtanggap.
Alam mo Nor, nabasa ko sa isang aklat, nakasulat sa God’s Little Devotional Book for Couples, na nakasaad na mayroong sampung (10) katanungan na maari nating itanong sa ating sarili, para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa.
You want to be a great lover my friend? If yes, listen, Heto ibahahagi ko sa iyo, ang sampung katanungan na maaaring makapabigay ng guide para maging maligaya, at hindi basta ligaya kundi ligayang walang kapares? (PLAY LAUGHING) What I mean ay, ang hangad natin ay magkaroon ng katuturan ang pagsasama ninyong mag-asawa:
1. Handa ka bang ibigay ang katahimikan kung kailangan ng inyong asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay? Kaya Mrs. Kapag humihingi ng ceasefire si Mr , dapat tigil ka na sa pag-sisigaw. PLAY LAUGHING)
2. Handa ka bang tanggapin kung pagsabihan ka ng inyong asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes, naman matuto din tayo minsan, na makinig, hindi lang tayo ang palaging nagsasalita, kong baga sa valleyball, hayaan mong ang partner mo naman ang magserve ng bola…Kapatid, Matuto din tayong makinig, hindi lang tayo ang palagi anbg nagasalita.
3. Handa bang ibigay sa iyong asawa ang buong pagtitiwala? Huwag masyadong seloso my friend. Give him or her a space, hayaan naman siya minsan na makapamuhay binata? At makapamuhay dalaga kong minsan. (PLAY LAUGHING) What I mean magtiwala tayo sa ating Mrs o Mr. Alam mo? sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa,
4. Handa ka ang tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang iyong asawa? Minsan pare pagsilbihan mo din ang iyong Misses.. papahingahin din natin siya…minsan ikaw naman ang maglaba, minsan ikaw naman ang magluto.. minsan ikaw naman ang magtrabaho, mrs.. (PLAY LAUGHING).. ang sabi nga nila ang buhay parang gulong kong minsan nasa ibaba kong minsan nasa itaas. (PLAY LAUGHING)
5. Handa ka bang magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng inyong asawa? Naulit mo naba ang sinabi mo noon na nanliligaw ka pa sa kanya: “mahal kita.. Iniibig kita…(PLAY LAUGHING) yes, Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit niyaNG accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..
6. Handa ka bang magbigay ng panahon sa iyong kabiyak, iyong bang kayo lang dalawa at walang istorbo? Yes, give time naman sa iyong Misses. Pare, maaga kayong matulog para makarami.. (PLAY LAUGHING) estee… hindi…ang ibig kong sabihin ay ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm.
7. Handa ka bang magbigay sa iyong asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you” my darling? Tayan, .. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8. Handa ka bang tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Pare, Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera ito.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… maniwala ka pare, mamimiss ka rin? (PLAY LAUGHING)
9. Handa ka bang magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan.. halimbawa nakapagluto siya ng ulam na paborito mo , magsabi ka naman “hmmm heto ang masarap na ulam”. Next na halimbawa, kong naligo at mabango na ang inyong asawa, magsabi ka naman ng “Wow”.. (PLAY LAUGHING) never mind ang susunod na sasabihin mo.. cut na …(PLAY LAUGHING)
10. Handa ka bang tumanggap ng kapintasan mula sa iyong asawa? Lalo ito ay para sa ating ikabubuti? Pag sinabi ng asawa mo na “hindi ka marunong..” eh tanggapin mo ba?, eh sa talagang hindi ka marunong tumanggap, papaano .. never mind.. (PLAY LAUGHING) Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang kaibigang Pastor.
“May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”
Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”
Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon na hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo n gating asawa.
O kayo kapatid bakit dininyo subukan na mag-asawa?.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong kapatid na si Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong Gabay at Talakayang Pampamilya … sukran wasssalam.
Noralyn: thaths our very tatay dito sa DXUP, Kaka Ali, muling abangan ang kanyang assign segment na Gabay at Talakayang Pampamilya at tinitiyak ko na maaaliw kayo at makakapulot ng aral.
(PLAY EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)
Pagpapalaki ng Anak
September 9, 2011
(September 9, 2011-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Kapatid at kaibigan Papaano mo pinapalaki ang iyong mga anak? Yan ang katanungan na sasagutin mo at sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kaka Alih: “Kapatid gusto ko lang ulitin ang tanong, Papaano mo pinapalaki ang inyong mga anak?
Habang ikaw ay nag-iisip ng isasagot kapatid, narito ang nai-prepared ko na mga sagot sa mga tanong mo, lalo na sa katulad mong napakabatang naging magulang, pwede rin itong gamitin ng anak sa kanyang magulang para matauhan para matuto, papaano kasi, tumandang magulang na walang alam sa pagpapamilya, pag-gawa lang pamilya ang alam.
(Play laughing).
1. Huwag mo siyang piliting maging katulad mo. Lahat tayo ay Nilikha ng Allah o Diyos, tayo ay binigyan ng talento, alalahanin na kahit ang kambal ay kong minsan ay magkaiba ng hilig. Pwede mong isuggest sa anak mo ang gusto mong maging siya, ngunit huwag mong igiit o ipilit ito sa kanya. Ang iyong tungkulin bilang magulang ay gabayan at itaguyod an gating mga anak, hindi para diktahan o pilitin siya. Maging maingat, palaging alalahanin na ang puno ng kawayan ay mababali kung pipilitin mong yumukod sa direksyon na di niya hilig.
2. Tulungan mo siyang madiskubre ang kanyang mga abilidad at paunlarin ang mga ito. Magbigay ka ng panahon sa tabi ng iyong anak. Iwasang makapanood ng mga bayolenteng pa- labas sa TV o laro sa computer. Presensya mo ang pinakamahalaga kong sakaling manonood ng TV at mag-computer, huwag pabayaan na manood na mag-isa. Kausapin mo siya. Obserbahan. Tulungan mo siyang magtagumpay sa mga hilig at hikayatin siyang maging malapit sa Allah o Diyos.
3. Iparanas mo sa kanya ang pag-ibig na walang hanggan. Mahalin mo ang iyong mga anak, ayon sa kanilang kakayanan. Ang pagmamahal mo sa iyong anak ay hindi dapat nasusukat sa pamamagitan ng kanyang mga magagawa at hindi magagawa, hindi dahil sa kanyang pag-uugali, hitsura o tagumpay.
4. Bigyan mo siya ng proteksyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga hangganan (boundaries) kung saan lamang siya matuwid na gagawa, kikilos, at maglalaro. Halimbawa, linawin mo sa kanya ang mabuting oras na siya ay nasa bahay at nasa sa labas. Matutuwa siyang malaman na ang iyong hangarin ay ang kanyang seguridad.
5. Tulungan mo siyang maabot ang kanyang mga pangarap. Tulungan mo siyang makagawa ng layunin,
6. Tulungan mo siyang maging maka-Diyos. Kong mga nanampalataya kayo sa Islam, kong Muslim kayo yayain siyang isakatuparan ang limang beses na salah (pagsisimba) sa Masjeed (lugar ng sambahan ng mga nanampalataya sa Islam). Kong sakaling Kristiyano naman kayo, tulungan mong makilala niya ang Panginoon at matututong sumunod sa Kanyang mga alituntunin, paunlarin ang kanyang karakter, maging mapagpakumbaba sa tagumpay, marunong umunawa sa kahinaan ng iba, mapagpatawad, hindi palaaway, at maging mahabagin at matulungin sa kapwa.
7. Ipakita o ipamulat sa inyong anak ang tama. Kadalasan tayong mga magulang ang kanilang iniidolo, kaya dapat maging magandang ehemplo ka na magulang. Tumayo ka bilang isang mabuting huwaran para sa iyong anak. Mag-ingat ka sa iyong mga salita at mga kilos, huwag iparinig ang mga walang kuwentang mga salita. Igalang at mahalin mo ang kanyang ina pagkat dagdag na seguridad sa kanya ang pagkakaroon ng matatag na pagsasama ng kanyang mga magulang. Magiging malapit sa Diyos ang iyong anak kung ikaw mismo na kanyang ama ay malapit sa Diyos. Ganyan ang magbigay ng magandang halimbawa.
Noralyn: Ameen.
Kaka Alih: Bweno itutuloy natin ang pagbibigay ng sermon sa Lunes, pansamantala hanggang dito lang muna ang presentasyon ngayong araw, sa Lunes Muli kaming aabangan kasama si Sister Nor, .. This is your segment writer and producer.. at your service …. Brother Alih. Sukran and Wassallam.
Noralyn: Ameen, maraming salamat father Kaka Ali, talagang tatay ang dating ng ating segment writer at producer…si Kaka Alih, sa Lunes muling abangan ang kanayang segment na
Gabay at Talakayang Pampamilya.
(EXTRO)
Paano paligayahin ang babae?
September 7, 2011(September 7, 2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at talakayang pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Tayong mga babae ay may kanya-kanyang katangian, ugali, at papaano pagmamahal. Ang mga mag-asawa ay naghahangad na maging maligaya sa kanilang pag-sasama, subalit may mga mag-asawa na hindi mo masasabi na maligaya, bakit kaya? Papaano ba paliligayahin ang pagsasama ng mag-asawa? Ang ating segment writer at producer si Kaka Alih, anag kanyang inihanda, heto na: ‘papaano paligayahin ang babae..?”
(PLAY INTRO- Gabay at talakayang pampamilya).
Host/Noralyn: “Magandang umaga Kaka alih, gustong gusto ko ng marinig ang inihanda mo, dahil papaano kami maging maligaya sa piling ng aming asawa.. Kaka alih, go na!
Kaka: “ Relaks lang Noralyn, Tanong – Paano ba paligayahin ang babae? Papaano nga ba..? (STINGER NA TAWA)
Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila
nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila minsan naman eh hinde. Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?
Mapapaligaya ba ang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na nais nila?
“Sa pag-papadama sa kanila ng Pagmamahal, ssagot sa akin ng isang relihiyosong kaibigan….. “pero alam natin na hindi tayo perpekto para maibigay ito lahat”
“Ah para sa akin Kaka, Sex?” sabi ng nagbibinata na estudyante.
Sabi ni Pare: “Siguro hindi naman Kaka, hindi LANG SA sex lang pwede magpaligaya, ang tao diba? (aywan ko)
Kung hahanapin natin ang babae dahil sa nais nila.. na dapat maibigay ang gusto niya, eh baka hindi natin Makita ang babae, na pwede mong mapaligaya.
May tanong dito: “Anong klaseng bagay, ang makapagpapaligaya sa babae? Ang ….pagmamahal ba?, ang material ba? , ano pa ang magpapaligaya sa iyo babae? Palagay mo kaibigan?.. alam mo ba?
Mahirap isipin di ba? … kaya minsan hindi nating magawang iwasang masaktan sila dahil hindi natin maibigay ang talagang nais nila. Dahil maski silang mga babe hindi nila alam ang kanilang gusto.
Totoo di ba mga babae? sagot! Ikaw kilala mo ba ang sarili mo?, Kung hindi huwag mong sagutin baka hindi tama sa damdamin mo mapahiya ka sa sarili mo. Sa mga taong nakakaintindi dyan pwede kayong sumagot.. para sa susunod na episode……
Pero ako marami na akong nakalap na sagot.. heto ang ilan sa na lista ko…kaya lista na kayo.. o text na rin>
Sagot ni Kumare #1: “Pare alam mo Ang babae just wanted to be loved unconditionally by men at yun ang makapagpapaligaya sa amin, yung walang lokohan at wag nyo kaming sasaktan”.
Kumpare # 1: “Sa akin pare? … basta be true to yourself, ipakita mo sa kanya na totoong ikaw… huwag mong pilitin sarili mo gawin ang mga bagay na di mo kayang gawin.”
Tama ka pare, may mga tao talaga na mataas ang expectation at kung ganun sila wag mo ilagay sarili mo sa palad nila at kung di ka nila matanggap sa pagiging ikaw, hindi sila ang babae para sa iyo, they are not worthy to be with you…..Be true lang sa iyong sarili.. kong di ka niya matanggap, so be it…hindi siya ang soul mate…
Kumpare # 2: “Para sa akin, pare, simple lang naman magmahal ng mga babe. Pinakamaganda nyan ay ipakita mo lang naman yung tunay mong pagkatao tapos yung tunay mong bad na ugali para matantya ng bawat isa sa inyo kung kakayanin nyo ba… if acceptable then everything will just come naturally…!!! Mas sweet na ang pagsasamahan…di ba? . (style mo bulok.. hahahaha)
“The only thing that would make girls happy is that we want to be loved, accept for what we are… feel that we are important and of course… the security… no material thing can replace.” (pa-English Englih ka pa)
O ikaw naman Pare?
Alam mo pare, hindi naman kasi mahirap paligayahin ang mga babae… (sige, tuloy tuloy, iyan ang gusto… ) Alam mo pare…kaunting patawa…konting bola…konting akrobatiks jan…okay na. “deep inside” masaya na talaga sila. lalo na pag mahal nya talaga ang lalake, … kaso…. siyempre nature ng mga babae ang magtago ng emotions. ito ung tinatawag na “pagpapakipot”.
(STINGER TAWA)
Yes alam mo ito, dahil turo sa amin ng nanay namin iyan! madali lang daw talaga…… kaso hindi madaling malaman ang nagpapasaya sa mga ito. at bakit hindi madaling nalalaman at bakit madalas nilang sabihin na hindi nila alam? dahil maraming babae ang hindi dinadaan sa salita ang tunay nilang nararamdaman. minsan umaasa na lang sila na
Sabi nga nila, let’s not only look on one side of the coin. a relationship is a two way street. Bakit naman marami sa mga lalake, pag matagal na ang relationship eh nagbabago ng ugali?
Kaya paghandaan mo, ang panahon na iyon na magbabago ang partner, at dito dapat mong intindihin, kong tiis at adjust… magbabago din iyan.. lalo mong pag-ibayuhin ang iyong pagpapakita ng iyong wagas na pagmamahal…manalangin ka ng madalas sa Diyos….
Ano yan?…. di ba may kasabihan tayong mga Pilipino na: walang matimtimang birher sa matiyagang manalangin.. pero pare ang problema di nasiya birhen… ay tange… paaalm na ako baka pati ako mai-love…Kaka Ali po ang inyong nakaka.. gigil… hanggang sa muli nating pagniniig…
(STINGER NA TAWA)
Matatag na Pamilya Kaagapay ng kaunlaran
September 2, 2011Matatag na Pamilya Kaagapay ng kaunlaran
(Sept 2, 2010-Biyernes script na sinulat ni Alih “Kaka Ali” Anso, para sa programang “Buhay –buhay ” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “gabay at talakayang pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Ang kaunlaran ng bayan o bansa ay malaki ang ginagamapanan ng bawat pamilya, kaya naman kapag matatag ang mga pamilya sa isang pamayanan ay asahan mong isa na ring itong maunlad na pamayanan. Kaya naman sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, ay tatalakayin ni Kaka Alih ang: “Matatag na Pamilya Kaagapay ng kaunlaran”.
(PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA)
Host /Noralyn: Magandang umaga at Kapayapaan Kaka Ali. Kumusta ang aming nagsisilbing magulang?
Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at magandang umaga nanay, ate.
Alam mo Noralyn, mahalaga ang pamilya, dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng maraming pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na probinsiya. Ilan lamang ito sa kahalagahan ng isang pamilya. Kapag mahihina ang pamilya ng isang bansa, ay mahina din ang bansa.
Noralyn: “Papaano ba ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
Kaka Alih: Bago natin sagutin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay liwanagin muna natin ang kahulugan ng tinatawag na pamilya. Nor, paki-explain what is pamilya?
Host /Noralyn: Simple lang Kaka: Ang sinasabing pamilya ay si Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”
Kaka Alih: Tama ka Nor, , ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay o mga nanay ((LAUGHING), si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay. (LAUGHING).
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap ang mga pamilyang ito. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang pagmamahal, katuwaan, kaligayahan at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.
Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin ang pamilya sa walang lamang kahon. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Anong say mo nanay?
May natatandaan ako na payo ng isang tagapayo ng paaralan: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”.
Noralyn: Kaka Alih, matanong ko lang, ano ang kailangan sa pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
Kaka Ali: Noralyn, para maging matatag ang pamilya, kailangang mo ang mga katangian na ito:
- May pananagutan ka sa iyong pamilya.
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
- Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
- Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
- Maging maaasahan. Tumawag o magtext sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
- Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming magsabi ng “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
- Kapag may problema, dumulog sa isang kamag-anak, kaibigan , para matulungan kayong harapin ito.
- Katangian na may pagpapahalaga sa kanyang pamilya
Ipakita pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
- Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
- Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
- Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
- Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,
- Pangatlong katangian ay umaagapay sa pamilya.
Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa. Kaibigan, makinig ka, kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.
Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:
- Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
- Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay malalagpasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
- Harapin ang mga problema nang dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
- Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks. Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.
Kapamilya muli kaming samahan sa ating segment na gabay pamapamilya.. sa programang buhay-buhay sa Lunes, at asahan ninyong lalo pa nating paiigtingin ang pananaliksik sa papaano patatagin ang pamilya ..
Ito ang inyong kapamilya, ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Noralyn: Inyong narinig ang amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan, tinutulungan o umaagapay ka rin ba sa inyong pamily? kong wala pa, hindi pa huli ang lahat..may pagkakataon ka pa upang lalong papatagin ang pundasyon ng inyong pamilya. sa muli abangan ang ating segment na gabay at talakayang pampamilya sa Lunes.
(PLAY-EXTRO )
Bakit Ang Mga Magulang ay Ayaw ng Maagang Pag-asawa ng Kanilang Anak?
September 1, 2011Bakit Ang Mga Magulang ay Ayaw ng Maagang Pag-asawa ng Kanilang Anak?
(September 1, 2011 Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Resposnible Parenthood”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay mag-asawa ng maaga. Oo nga no? Bakit ba ang mga magulang ayaw na mag-asawa ng maaga ang kanilang anak? Iyan ang sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment
(PARENTHOOD- INTRO)
Host : Good morning Kaka. Pabor ka ba sa maagang pag-aasawa?
Kaka Ali: “Ako? Pabor sa maagang pag-aasawa? Kong ako ang ikakasal yes na yes…Nor .(LAUGHING)
Host: Ano? Kaka pabor ka? Akala ko experience magulang ka na, please Explain
para hindi malabo…
Kaka Alih: Mamaya na kong bakit, kasi ang issue dito ay magulang. Alam mo Nancy ang mga magulang na tulad mo, tulad ko, Hanggat maari ayaw natin an gating mga anak ay mag-asawa ng maaga.
Host: Bakit ba Kaka ipaliwanag mo sa madlang nakikinig ngayon umaga, bakit mga magulang ayaw nilang mag-asawa ng maaaga ang mga anak nila.
Kaka Ali: “Wala na akong mauutusan” …(LAUGHING) heto ang sagot ng isang magulang na hindi pinapag-aral ang anak.
Pero heto ang isang Nanay na nainterview ko: “Payag akong makapag-asawa ang mga anak ko, provide makatapos na sila sa pag-aaral”. Tama! Aral mo bago makapagpamilya.. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak. Alam nila o sadyang naranasan nila ang bunga ng maagang pag-aasawa. Ikaw kaibigan pabor ka ba sa maagang pag-aasawa?
Balikan ko lang ang tanong ni Nancy, ang tanong ay kong pabor ba daw akong mag-asawa ng maaga. Ang sagot ko ay pabor ako…. kong ako ang ikakasal. …(LAUGHING) Ang problema, pwede pa ba akong bumalik sa pagkabata?
Ang sarap yata noon …(LAUGHING) ayaw mo ba ng masarap? Halos lahat gusto ng masarap pero ako ay naniniwala na walang gusto ng hirap, alam ko din na ang gusto natin ay pawing ligaya at sarap. …(LAUGHING)
Alam mo Nor,, ang ating mga kabataan sa ngayon ay iilan lamang ang nakakaalam sa tunay na layunin kong bakit tayo nag-aasawa.
Mga anak makinig kayo, ang sabi ni Father: “…ang pag-aasawa ay sagrado, hindi bahay-bahayan.”
Karamihan sa mga murang edad tulad ko noon, limampung taon na ang nakakaaraan, …(LAUGHING) ay sex lamang ang unang hangad kong bakit nag-asawa ng maaga, hindi ang pagpapamilya. …(LAUGHING)
No joke Nor, karamihan sa mga kabataan ay mahina ang “resistansya” sa paglaban sa udyok ng tawag ng kalikasan o yaong tinatawag nilang “sex”. Ang iniisip nila ay ang dulot na sandaling ligaya, Hindi pa halos malirip sa murang isipan ang maaring idudulot ng maagang pag-aasawa o bata pa ay nag-kakapamilya na.
Host: Bakit Kaka Ali ano ba ang negatibong epekto ng maaga o bata pa ay nag-aasawa na?
Kaka Alih: Negatibo? Akala ko ang gusto mong malaman ay ang positive effect. (LAUGHING)..
Noon kasi may mga magulang na maaga nilang pag-aasawahin ang anak, para daw may apo na sila …(LAUGHING).. sabi nila: bago man ako bawian ng buhay, makita ko ang apo ko, kaya anak mag-asawa ka na. …(LAUGHING)..
Buweno heto na ang research ni Kaka Ali, sa bunga o epekto ng maaagang pag-aasawa o bata pa ay nagkakapamilya na.
Una, pag bata pa ang babae ay nag-asawa na at natural magbubuntis at pag nagbuntis, siyempre manganganak, dahil ditto maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at maari niya itong ikamatay, o di man ikamatay ay manghihina na ang kanyang katawan, na sanhi na madali siyang kapitan ng sakit.
Pangalawa na nalaman ko, pag bata pa pareho ang mag-asawa, madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni babae at ni lalaki ay bahay-bahayan lang.
Ting /Adi !!may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa. …(LAUGHING)
Heto pa ang negatibong epekto ng maagang pag-aasawa. Magiging kawawa ang mga magulang, ng mga anak na maagang nag-aasawa, dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapuwa, walang pang hanap-buhay.
Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.
Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Hirap ang daranasin.mo Day! Ikaw na ang mag-lalaba, ikaw na ang magluluto, ikaw na ang maghahanap ng inyong kabuhayan, lahat-lahat kayo na dahil isang pamilya na kayo at hindi lang kayo ang mahihirapan kundi pati mga anak ninyo, wala silang kakainin. Papaano sila mag-aaral?. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.
Sabagay Nor, sa kabilang banda, may maganda rin namang bunga ang maagang pag-aasawa, dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak, para ka na rin may kapatid, na bunso …(LAUGHING)
Bweno hanggang dito na lamang ang talakayan at mag-aasawa na ako .. …(LAUGHING) ano ba ito, nagkamali-mali na tayo.. mga kapatid bago natin wakasan ang segment na ito ay mag-iiwan muna ako ng mensahe sa mga magulang na tulad ko:
“Mga kapatid na magulang huwag pabayaan ang inyong mga anak, ilayo sila sa tukso, sa tawag ng laman, gabayan sila ng tamang landas, ituro sa kanila ang tamang sex education, iparamdam sa kanila ang tunay na pagmamahal ng magulang. Bigyan ng inyong panahon ang inyong mga anak, hindi yaong pawang trabaho lamang.”
Sukran o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating programang buhay-buhay, wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Host: Maraming salamat Kaka , sa very informative at nakakaaliw na presentation, Kapatid abangan ang susunod na segment, n gating responsible parenthood.





