DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » “Give and take” dapat sa magka-Partner

“Give and take” dapat sa magka-Partner

September 12, 2011

“Give and take” dapat sa  magka-Partner

 (September 12, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)

Host/Noralyn:  “Sa pag-aasawa, mahalaga ang may “give and take” pagbibigayan, yaong  tinatawag nilang kaugalian na give and take, iyan ang dapat na umiral sa samahan ng mag-asawa.”

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:     Magandang umaga Kaka Alih, papaano ba ang pagbibigayan ng mag-asawa?

Kaka Alih:  Magandang umaga din Nor, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.

Give and take, ito ang mahalaga bahagi na dapat gampanan ng   mag-asawa.  Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs… (PLAY LAUGHING). Don’t laugh Nor,  ipapaliwanag ko, at sa libo-libong madlang people na nakikinig, sa mga sandaling ito.

“Hindi ganoon,…. ganito, ang dapat.” (PLAY LAUGHING) Ang favorite line ni Mrs. At  ni Mr?  (PLAY LAUGHING) Pare , Mare makinig ka bago ka tumawa diyan, serious tayo sa usapan naito..

First of all, take note, sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at sampung porsento lamang ng  pagtanggap.

Alam mo Nor, nabasa ko sa isang aklat, nakasulat sa  God’s Little Devotional Book for Couples, na  nakasaad na mayroong sampung (10) katanungan na maari nating itanong sa ating sarili,  para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa.

You want to be   a great lover my friend?  If yes, listen,    Heto ibahahagi ko sa iyo, ang sampung katanungan  na maaaring makapabigay ng guide para maging maligaya, at hindi basta ligaya kundi  ligayang walang kapares? (PLAY LAUGHING)  What I mean  ay,  ang   hangad natin ay magkaroon  ng katuturan ang pagsasama ninyong mag-asawa:

1. Handa ka bang  ibigay ang katahimikan kung kailangan ng inyong  asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay?   Kaya Mrs. Kapag humihingi  ng ceasefire si  Mr  , dapat tigil ka na sa pag-sisigaw. PLAY LAUGHING) 

2. Handa ka bang  tanggapin kung pagsabihan ka ng inyong  asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes, naman  matuto din tayo minsan,  na makinig,  hindi lang tayo ang palaging  nagsasalita,  kong baga sa valleyball,  hayaan mong ang partner mo naman ang magserve ng bola…Kapatid, Matuto din tayong makinig, hindi lang tayo ang palagi anbg nagasalita.

3. Handa bang ibigay sa iyong asawa ang buong pagtitiwala?  Huwag masyadong seloso my friend. Give him or her a space, hayaan naman siya minsan na makapamuhay binata?  At makapamuhay dalaga kong minsan. (PLAY LAUGHING)  What I  mean magtiwala tayo sa ating Mrs o Mr. Alam mo? sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa,

4. Handa ka ang  tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang iyong asawa? Minsan pare pagsilbihan mo  din ang iyong  Misses.. papahingahin din natin siya…minsan ikaw  naman ang maglaba, minsan ikaw   naman ang magluto.. minsan ikaw naman ang magtrabaho, mrs.. (PLAY LAUGHING).. ang sabi nga nila ang buhay parang gulong kong minsan nasa  ibaba kong minsan nasa itaas.   (PLAY LAUGHING) 

5. Handa ka bang  magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng inyong asawa? Naulit mo naba ang sinabi mo noon na nanliligaw ka pa sa kanya: “mahal kita.. Iniibig kita…(PLAY LAUGHING)  yes, Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit niyaNG accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..

6. Handa ka bang  magbigay ng panahon sa iyong  kabiyak, iyong bang kayo lang  dalawa  at walang istorbo? Yes, give time naman sa iyong Misses. Pare, maaga kayong matulog para makarami.. (PLAY LAUGHING)  estee… hindi…ang ibig kong sabihin ay  ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm. 

7. Handa ka bang  magbigay sa iyong  asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you” my darling?    Tayan, .. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…

8. Handa ka bang  tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa?  Pare, Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera ito.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… maniwala ka pare, mamimiss ka rin? (PLAY LAUGHING)

9. Handa  ka bang  magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan.. halimbawa nakapagluto siya ng ulam na paborito mo , magsabi ka naman “hmmm heto ang masarap na ulam”. Next na halimbawa,  kong naligo at mabango na ang inyong asawa, magsabi ka naman ng “Wow”.. (PLAY LAUGHING)  never mind ang susunod na sasabihin mo.. cut na …(PLAY LAUGHING) 

10. Handa ka bang  tumanggap ng kapintasan mula sa iyong asawa? Lalo ito ay  para sa ating ikabubuti?  Pag sinabi ng asawa mo na “hindi ka marunong..” eh tanggapin mo ba?, eh sa talagang hindi ka marunong tumanggap, papaano .. never mind.. (PLAY LAUGHING)   Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..

Kuwento ng isang kaibigang Pastor.

“May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”

Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”

Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon na hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo n gating asawa.

O kayo kapatid bakit dininyo subukan  na  mag-asawa?.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong kapatid na si  Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong Gabay at Talakayang Pampamilya …  sukran wasssalam.

Noralyn: thaths our very tatay dito  sa DXUP, Kaka Ali, muling abangan ang kanyang assign segment na Gabay at Talakayang Pampamilya at tinitiyak ko na maaaliw kayo at makakapulot ng aral.

(PLAY EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)

Posted by dxupfm at 8:27 am | permalink

Previous Comments

PUMA is a world famous large multinational sports goods brand.They have alot of products such as cheap puma ferrari for men and sales all over the world.Also they provide the best sports goods for the sports lovers.The majority of PUMA products are shoes and clothings.The hip-hop graffiti culture of PUMA shoes and clothing is extremely popular in the countries, The fifty years history of PUMA are written in the history of the great accomplishments of movement. PUMA with Pele went into the final of World Cup championship,While with tennis player Beck always won at wimbledon lawn of soil. And made cooperation with the most of the top athletes and constantly strive for the latest technology to make the best sports equipment. Puma founder,Rudolph Deisler established the PUMA brand in 1948 in Germany.for decades puma has been the important actor in the sport.During the recent years, the more successful combination of pop sports,puma become one of the favorite brand for young people.

Posted by cheap puma running shoes at October 25, 2011, 11:24 am

Ah well your comment! I did you good!

Posted by Microsoft Office at December 8, 2011, 12:20 pm

I will keep your new article. I really enjoyed reading this post, thanks for sharing.

Posted by Microsoft outlook 2010 at March 12, 2012, 9:46 am

Add a comment