DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak

Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak

September 16, 2011

Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak

 

(September 16, 2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang Buhay-buay sa segemtn na “Gabay at Talakayang Pampamilya” (8:00-9:00 A.M)   Host –Noralyn Bilual)

 

Host: “Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino ay samut sari, ngunit may mga kaugalian tayo na dapat baguhin o linangin, at ilan dito ay siyang tatalakayin ng  ating segment writer na si Kaka Alih..  ang pag-uusapan natin ay itong Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak.

 

 (Play- Gabay at Talakayang Pampamilya)

 

Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan multi cultural diversity.    Bagamat iisang    bansa ngunit  magkakahiwalay ang mga   lugar, dahil sa nahahati sa mahigit sa pitong -libong  pulo.      

 

Ang bansang Pilipinas  ay nahahati sa pagitan ng mga ibat-ibang pananampalataya may Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat ng paniniwala.

 

Nahahati din sa mga political boundaries,  sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag,

 

 Nahati hati din sa social at ethnic groups,   pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap, may mga Pilipino na makakanan (rightist) at makakaliwa (Leftist). Andiyan ang Ilokano, Bisaya, Maguiindanao, Meranaw, Iranun, Teduray at marami pang tribu, maging sa Luzon , Visayas at Mindanao.

 

Ang kultura ng mga Pilipino  o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop.

 

Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas.  At of course hindi din pahuhuli ang Kano (US), ang mga Sakang (Japanese) bagamat ang Intsik ay hindi tayo sinakop ay  malaki naman ang ipinama na mga kaugalian, tulad ng mga paputok, na isa mga malaking negosyo kong mga mga kasayahan ng mga fiesta at  bagong taon.

 

Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang  pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya, ngunit hindi natin alam kong saan ito nagmula, kong ito ay sadyang umusbong o nabuo na ng mga Pilipino o dahil nagkataon lamang? O dahil kinakailangan.

 

 Bakit kinakailangan?  Ganito yun kaibigan, dahil noong unang mga panahon o mag-pahanggang ngayon ay kailangan ang pagbuklod buklod o pagbubuo ng isang pamayanan bilang paghahanda o pagtatanggol sa kanilang angkan sa mga mananakop.

 

Ang mag-anak o pamilya  ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang tao.

 

Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng membro ng pamilya ang isang mag-anak, iginigiit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang tahanan, ang mga anak na may pamilya,    gaano man kaliit ang bahay nila. Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa kanilang piling.

 

Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mga anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring pamilya. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

 

Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya.

 

Bakit natin ang ekonomiya? Ang ibang magulang kasi  ay sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Kong bagong kasal  ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, na kadalasan ay hanggang katapusan ay hindi na bumubuklod…(LAUGHING)  at kong sakali man na magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit lang sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong. Yaong iba ay sa extension lamang gumagawa ng kanilang tirahan.

 

Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa.

 

Ang iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at nasanay  na nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya naman kahit halos pagluluto ay di natutunan.

 

At nitong kasalukuyang panahon na may honorarium ang mga Barangay Official  o perang matatanggap  ay marami ang nagkainteres na maging leader, dahil sa may hanapbuhay,  Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad.  Kong  di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalaban-laban sa isang position sa Barangay.

 

Pansamantala   hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi  ni Kaka Alih..   sa ating segment na  Gabay at Talakayang Pampamilya …. Sa ating programang buhay buhay,  ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:47 am | permalink

Previous Comments

Puma Ferrari Shoes for Women form the group executive committee, including the administrators of the board members and global function department director.At the same time puma formulated the four step strategy of enterprise development: since 1993, restructure global business and focus on improving the financial status; From 1997, increase the fall of marketing and product design strength, r&d investment from 2% of the business turnover increased to 4%, and marketing expenses increased from 10% to 15%.From the beginning of 2002, strengthen the company long-term development strategy, keep business healthy development and obtain profit. From the beginning of 2006, further advance the company management system, enhances the enterprise management efficiency. But the world is uncertain. In July 2007, the puma was hold by global famous luxury group PPR. After the public acquisition of stock, PPR hold puma 62.1% of the shares. So it is feared what is puma fate after the merger.For example, will give up the original development strategy, then turn to go high-end fashion line.To the leisure, sports primarily positioning will not be changed, of course will also go to balance the relationship between sports and fashion, Cheap Puma Espera shoes will be continued to supply,and won’t go pathway like PPR high-end luxury consumption brand. .LIN

Posted by cheap puma running shoes at October 25, 2011, 11:23 am

Ah well your comment! I did you good!

Posted by Microsoft Office at December 8, 2011, 12:19 pm

I will keep your new article. I really enjoyed reading this post, thanks for sharing.

Posted by Microsoft outlook 2010 at March 12, 2012, 9:44 am

Add a comment