Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at
September 19, 2011Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon
(September 19, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang ibabahagi namin ngayon umaga sa ating segment na Gabay at Talakayang pampamilya ay itong Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon, makakasama natin si Kaka Ali…
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, matanong ko lang ano ba ang pagkakaiba ng kababaihan natin noon at ngayon?
Kaka Alih: Kong sa physical na kaanyuan ayt wala naman pagkakaiba ang kababaihan noon at ngayon, ang tanging nag-iba lamang ay ang kanilang pag-uugali, pananamit at maaring isama natin ang paniniwala.
Ngayon araw Nor, ang tatalakayin natin ay ang kalagayan ninyong mga babae.
Ang kalagayan ng mga kababaihan sa kasalukuyan sa ating bansang Pilipinas sa ngayoin . Alam mo ba naiulato naibalita na sa taong 2009, may 9,485 kaso ng karahasan sa kababaihan ang naitala ng Philippine National Police- Women and Children Protection Center (PNP-WCPC). Ito ay mataas ng 21% kumpara taong 2008.
Ayon sa Center for Womens Resources(CWR), may isang babaeng nagagahasa sa kada walong oras. Ang ibig sabihin kada araw may tatlong babae na nagagahasa.
Medyo balikan naman natin ang kalagayan noon ng mga kababaihan. Noong mga unang panahon ng Jahiliya o “day of the ignorance”…
Alam ba ninyong mga babae ang inyong katayuan sa lipunan?
Host/Noralyn: Hindi ko pa alam Kaka Ali, please tuloy ninyo, nakikinig ako.
Kaka Alih: Ang turing sa mga babae ay segunda klase na nilalang ng Diyos…Patawarin sila ng Diyos.. Tinuturing nila ang babae ay pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba, hinugot ka lang sa tadyang ni Adan. Dahil ang alam natin ay ang paglalang ng Diyos sa babaeng si Eba, ay mula sa ribs o tadyang ni Adan. …
Ang iba naman ay mahina ang babae, kaya pangkama na lamang kayo.
Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?.
Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan, sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din ang mga babae ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.
Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga babaing Arabo naman bago dumating ang Agama o relihiyong Islam ay itinuturing na isang kamalasan ang pagkakaroon ng anak na babae, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga Arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag ng Allah ang Islam. Nagbago ang lahat ng ihayag ng Allah kay Muhammad ang Sugo o Propeta, ang karapatan ng kababaihan. Nagbabago ang turing ng mga tao sa Babae, pagdating ng katuruan ng Islam, dahil umangat ang kanilang kinalalagyan. Nagkaroon sila ng karapatan. Karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan.
“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Nakasaad sa Qur’an, 49:13]
Ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin noong una pa man dito sa ating mga programa sa DXUP FM , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ng mga Bangsamoro ang mga karapatan ng mga Kababaihan, at pinangalalagaan ang kanilang maratabat o dangal, na kong minsan ay humantong ito sa patayan ng membro ng angkan, maibangon lamang ang dangal ng kababaihan nila.
Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, halimbawa ng kulturang Pilipino, na ang kulturang ito ay minana pa nila ang iba sa mga mananakop na Kastila at Amerikano.
Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito.
Ø Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro, ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;
Ø Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;
Ø Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;
Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala.
Ang mga babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayroon siya, sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:
1. May karapatang magmay-ari tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.
2. Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.
3. May karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali.
Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”
4. Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.
5. Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.
7. Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.
Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.
8. Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.
9. May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.
Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan.
Ang inyo pong Kaka Ali nagpapasalamat sa inyong pakikini at nag-anyaya muli sa susunod na kabanata n gating nakaka.. ditto pa rin sa ating programang buhay-buhay sa DXUP FM.
(PLAY EXTRO-Gabay at Talakayang Pampamilya)
Noralyn: sa muli kami ay nag-anyaya sa sa iyo kaibigan sa ting segment na Gabay at Talakayang Pampamilya
Previous Comments
Ah well your comment! I did you good!
Posted by Microsoft Office at December 8, 2011, 12:19 pmI will keep your new article. I really enjoyed reading this post, thanks for sharing.
Posted by Microsoft outlook 2010 at March 12, 2012, 9:44 am


Rudolf Dassler started Puma in 1948, once he left his brother Adi at Adidas. Puma Shoes started as a German based company making shoes and apparel, and the headquarters was located in Herzogenaurach, West Germany. The Puma “Atom” also hit the market in 1948, and ten years later the “Formstripe” hit the market.Later on Puma produced more appealing styles like the, soccer shoe the “King” and the popular “Suede” aka the “Clyde”. Both styles were seen in the World Cup worn by Eusebio da Silva Ferreira and in the Olympics worn by Lee Evans and Thomas Smith. Rudolf passed in 1974 of lung cancer, and his son ran the company. In 1989, Armin and Gerd Dassler sold Puma to Cosa Liebermann for a unknown amount. Since Puma was seen on the soccer field many years ago it’s still very popular with the players and fans. Puma offers tons of styles to pick from and with the basic look they never go out of style. Puma will be around for a very very long time. Cheap Puma Running Shoes for men are most likely the most slept on brand in the “Shoe Game”, and most Puma collectors are not in the US. The Puma collectors are mainly those that grew up during the “Break Dancing” era and people outside the US. Although the younger generation may think Puma is wack, you gotta have mercy on them because they’re just too young to understand. If you know Puma, you know there would be no “Shoe Game” without them and that’s that!!! LIN
Posted by cheap puma running shoes at October 25, 2011, 11:31 am