Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
September 22, 2011
(September 22, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? Iyan ang tatalkayin ni Kaka Alih sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? Ito adin ang mga linya na palagi naming isinisigaw noong bago mag-martial law. Kahapon Sept 21, 2011 ay anniversary ng declaration ng martial law o batas military. Subalit hindi martial law ang topic natin, dahil kong minsan di magandang sariwain ang malagim na karanasan nay un ng mga kabataan, isa na ako doon.
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanapbuhay sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng kalinga at pagmamahal ng magulang at kapuwa.
Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral. Delikado ang pinagdaraanan nila para lang may mapagkakitaan.
Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan, parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang iba naman, matapos makadilihensya’y pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang kapanyarihang taglay ng rugbie? (Aywan ko).
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod, gutom at problema.” (Totoo bayan?) Yes Kaka, ito ang nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman sa gilid na ng kalsada mismo.
Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad ng Maynila, ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi makapasumbong sa otoridad.
Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,
Ayon sa ating batas nakasaad na ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo.
Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.
Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang maghanap ng makakain upang mabuhay.
Matatandaan ko noon sa aming klase, nasabi ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.
Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.
Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang kapaligiran.
Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?
“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng sulosyon ng ating gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang sasabihin
Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat magtulungan?”
Mga giliw naming tagapakinig kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo magsisihan.
Para sa akin, gagampanan ko ang aking tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.
Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…
Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas sama-sama tayo sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya…. Sa ating programang buhay buhay FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Previous Comments
In 1990 he joined Puma and as a vice-president of international marketing and sales, where he was responsible for the company’s international communications strategy and contributed significantly to the repositioning of the Puma brand. On year after Zeitz became CEO, Puma Shoes reported its first profit–DM 25 million–since its initial public offering in 1986. Under Zeitz leadership the company initiated a fundamental, market-oriented “fitness program” that included rigorous cost cutting and reorganization measures. Inflexible structures were replaced, as was the case when the purchasing and Womens Puma Espera III Nu Basic Shoes for sale product development departments were merged. Several warehouses were replaced by a central distribution center, and all departments became profit centers.
Posted by cheap puma running shoes at October 25, 2011, 11:35 amI very much agree with your thoughts and insights. Hope that more could ord!
Posted by ugg boots on sale at November 14, 2011, 10:33 amMoncler Site Officiel ont fait leur chemin dans les placards de gens qui sont sérieusement de Moncler Femme Longue Nouvel les vêtements qu’ils portent et par la suite le ?Blouson Moncler Femme définir les tendances que tout le monde finit par avoir à suivre. Doudoune Moncler est connu comme les fabricants de la célèbre Sacs à main Moncler Femme très chaud matelassé puffer Doudoune Moncler Homme. Le Moncler Femme Nouvel sera votre grand ami.
Posted by Doudoune Moncler at November 23, 2011, 10:35 pmAh well your comment! I did you good!
Posted by Office 2007 at December 8, 2011, 12:18 pmI will keep your new article. I really enjoyed reading this post, thanks for sharing.
Posted by Microsoft outlook 2010 at March 12, 2012, 9:40 am


belstaff devotes every details to its own products. These belstaff jackets are well designed.They are cool and noble. These jackets have a top quality. And also the belstaff bag is durable in use.
Posted by Belstaff outlet at October 12, 2011, 8:40 am