DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa dapat Forever

Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa dapat Forever

September 23, 2011

Maligayang  Pagsasama  ng Mag-asawa dapat Forever

 

(September 23, 2011 Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

 

Noralyn/Host: “Alam mo ba Kapatid  ang sikreto papaano mapapanatili ang maligayang pagsasama ninyong mag-asawa?   This morning, heto tiyak magugustuhan mo, papaano ba naman di mo magustuhan ay sa title palang kikiligin ka na: Maligayang  Pagsasama  ng Mag-asawa dapat Forever

 

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

 

Kaka Ali:  Alam mo Noralyn, maraming paraan   ang magagawa ng mag-sing-irog o mag-asawa… upang lalo pa nilang pagtibayin o patatagin ang kanilang pag-iibigan at pagmamahalan.

 

Noralyn/Host: Papaano?

 

Kaka Ali:  Ang pinaka mahalaga ay “personal will’  para baga yaong sinasabi nila noon kay Gloria na kailangan ang “political will” para maibangon ang bansang ito…buweno kapatid magbibigay ako ng ilang pointers o   mga payo..  

 

Una kapatid ay pag-nagagalit ang inyong mga asawa, o baka nagwawala na, simplenlang  ang gagawin mo:  tumahimik ka pansamantala.  You declare unilateral ceasefire at ikaw naman misis, declare ka rin ng ceasefire pag declare si Mr, ng ceasefire..(LAUGHING).

 

Hindi matatawag na karuwagan o kaduwagan ang manahimik muna habang nagpupuyos sa galit ang inyong asawa.

 

Kaibigan maniwala ka, matalinong pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagagalit ang ating  asawa.

 

Ganito kasi iyon Kapatid bakit ko sinasabi na pag galit ka ay lalong makakabuti na manahimik ka muna.  Ang tao pag galit ay may tendency na makapanakit ng kapuwa tao, iyong iba hindi tao kundi mga gamit nila ang sinisira, pinagtatapon, pinagsusuntok. ..(LAUGHING).  

 

At likas o natural sa tao na sino mang nasaktan ay may posibleng  manlaban at manakit din sa nanakit sa kanya, ang tawag daw diyan ni Pare ay “self defense”.

 

Ngayon, makatutulong na maiwasan ang away na may kakambal na pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna.

 

Maalaala ko Si Ustadz Ahmad, may payo siya sa ganitong siutwasyon. Ang payo  niya, kong isa kang Nanampalataya sa Islam o isang Muslim, mag-abdas ka, o ablution,   at lalong maigi kong magsambayang ka ng dalawang rakaah na sunnah.  

Next ay, Iwasan ang pagsisigaw sa asawa, lalo sa harap ng ibang tao.

 

Tandaan Kapatid na ang   pagsisigaw sa asawa lalo na  harap ng ibang tao ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa. Maliban  na lang  kung bingi ang asawa, mo (PLAY LAUGHING). Ganito kasi iyon Kapatid, tila pambabastos  at namumukhang tanga ang inyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa, kong aakalain nila na tanga siya, eh lalo kang tanga dahil bakit  ka nag-asawa ng tanga.

 

Noralyn :  Tama!..(PLAY LAUGHING).

 

Kaka Ali: Susunod Nancy na payo, Pag Nakagawa ka ng pagkakamali, matutong mag-sorry sa inyong asawa.

 

Noralyn:  Papaano yun Kaka, please elaborate o pakipaliwanag, ng maliwanagan si Mare at Pare.

 

Kaka Ali:  Ok ganito yun Noralyn, pag nakagawa ka ng pagkakamali o nasaktan ang damdamin ng inyong    asawa,  ituwid ito at mag-sori, but sigoraduhng  talagang sorry ha?!!! Ipakita mo sa asawa mo  na totoong nagso-sorry ka.

 

Paliwanag ko sa English ha? When  you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m sorry my Dear.” Show that you are really are sorry for what you done. Show it with your face and show it with your action.    (PLAY LAUGHING)

 

Bakit ko ito nasasabi Nancy? May tao kasi na  pag nagsosorry sa asawa at habang sinasabi ang “I’m sorry” ay nakangisi pa. (PLAY LAUGHING) Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing naman ng “I’m sorry my darling” sa asawa na wala namang pagbabagong nangyayari.  

 

Heto pa ang isa na payo ko kaibigan - Maging attractive sa paningin ng inyong  asawa.

 

Bakit? Hindi dahil asawa mo na ay hindi ka na, nagpapaganda. Minsan kasi, may mga   lalaki na ang nahulog na sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang kanyang asawa o kong si babae ay Lusyang NA at si lalaki naman ay ano???: Lolo na?. (PLAY LAUGHING) In short o sa madaling usapan, Kapatid, huwag kayong mag-pabaya sa inyong katawan.

 

Para mangyari ito, anong gagawin? Heto ang payo ng mga expert:

ü  Mag-exercise at iwasan ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura.

ü  Huwag labis na uminom ng alak o kong pwede itigil na ito ang pag-inom ng alak na nakakalasing. 

ü  Iwasan din na ang sigarilyo dahil ito ay nakakamatay.

 

At higit sa lahat daw, sabi ni Pare, sikapin na rin na maging mabango para sa kanya. Pero pari huwag kalimutan, tanungin din ang asawa kung anong amoy na pabaango, kong maari siya ang pumili o bumili, pero syempre bigyan ng pera na pambili. (PLAY LAUGHING)    

 

Sundin ang gusto ng inyong asawa para maging attractive sa kanya. I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka. (PLAY LAUGHING)

 

At higit sa lahat na maipapayo ko kaibigan, Maging kuntento sa anong biyaya ng Diyos sa inyo.

 

Alam ba ninyo kapatid na delikado ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ng mayron sila na binigay kanila ng Diyos?. Maaaring gulo o kapahamakan ang kasasadlakan MO.

 

NORALYN: Ano ba ang kailangan para maging kontento ang tao KAKA?

 

KAKA ALIH: Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang mag-asawang makukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Pero maging  kuntento  muna at maging maligaya  sa kung ano ang mayroon kayo ngayon na biyaya ng Allah.     Pasalamatan mo ang iyong Poong Lumikha anong mayroon kayo ngayon.

 

Ito ang inyong segment writer at producer, sa Gabay at Talakayang Pampamilya Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuhu.

 

NORALYN:  Hay salamat may  nakuha na naman akong pointers, papaano ko mapanatili ang tamis at maligayang pagmamahalan naming mag-asawa, ikaw kapatid mayroon  din ba? Sa lunes muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.

 

(PLAY-EXTRO)

Posted by dxupfm at 6:08 am | permalink

Previous Comments

Belstaff is one of best winter jackets which can let you own a warm and cozy winter life. Belstaff sale factory stores provide you free shipping for the belstaff womens jackets.

Posted by Belstaff outlet at October 12, 2011, 8:40 am

Moncler Site Officiel ont fait leur chemin dans les placards de gens qui sont sérieusement de Moncler Femme Longue Nouvel les vêtements qu’ils portent et par la suite le ?Blouson Moncler Femme définir les tendances que tout le monde finit par avoir à suivre. Doudoune Moncler est connu comme les fabricants de la célèbre Sacs à main Moncler Femme très chaud matelassé puffer Doudoune Moncler Homme. Le Moncler Femme Nouvel sera votre grand ami.

Posted by Doudoune Moncler at November 23, 2011, 10:37 pm

Ah well your comment! I did you good!

Posted by Microsoft Office at December 8, 2011, 12:17 pm

You are great! But I still did good! Hey!

Posted by Office 2010 at March 12, 2012, 9:48 am

Add a comment