DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » October 2011

Haharapin ang Problema

October 20, 2011

(Oct 20, 2011- Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

 

Host/Noralyn: “Kaibigan may problema ka ba? Mabigat bang Problema? Madalas ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag may problema, parang nagunaw na ang mundo, kaibigan, malaki o maliit man yan na problema,  relaks ka lang muna diyan kaibigan, dahil ang   ibabahagi  sa atin ni Kaka Ali ay papaano haharapin ang problema,  sa ating  segment na:

 

(PLAY Gabay at Talakayang Pampamilya- INTRO)

 

Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang umaga, mayroon ka bang problema?

 

Kaka Alih:  Magandang umaga din  Nor.

 

Sino ba naman ang taong walang problema, bibihira sa isang normal na tao na hindi makaranas ng problema, maaring personal o  problema ng  kanyang  pamilya.

 

Buweno kaibigan, bago natin pag-usapan ang problema, Assallamu Alaikum WW.. ang kapayapaan ay sasaatin nawa..

 

Agree ako Nor, na madalas ang taong may problema ay  stress,   may taong kapag may problema, parang nagunaw na ang mundo, kaibigan, malaki o maliit man yan na problema. 

 

Host/Noralyn: Kaka ano ang stress o tensiyon?

 

Kaka Alih: Ang istres ay hindi problema kundi  nasa isipan lamang. Ang ating katawan ay may pangkagipitang pagtugon na nangyayari kapag tayo ay nakararamdam ng tensiyon o istres. Halimbawa, kapag tayo ay kailangang humabol sa sasakyan, ang bahagi ng ating katawan ay naghahanda para matugunan ang kagipitan o  gahol sa oras. Ang pagtugon na ito ay tumutulong para tayo makatakbo ng mabilis at umabot sa nag-iisang sasakyan. Ang pagpintig ng puso ay bumibilis at ang presyon ng dugo ay tumataas. Lumalabas ang sugar patungo sa dugo. Ang paghinga ay bumibilis. Ang ibang bahagi ng katawan ay bumabagal. Ang pantunaw ay humihina. Ang sistema ng ating katawan na lumalaban sa sakit ay bahagyang sumasara.

 

Nor, may halimbawa ba ako, stress naman sa trabaho.

Ang ganitong stress sa trabaho ay nakararamdam tayo ng tensiyon sa trabaho kapag hindi natin nagagampanan ang mga hinihinging gawain ng ating trabaho. Maaaring hindi ninyo nagagampanan ang inyong trabaho dahil  sa panahon o haba ng oras na ibinibigay sa inyo para tapusin ang gawain.  Palpak o may sira ang mga kagamitan ninyo para magawa ang trabaho. Ang mga alituntunin o regulasyon ng inyong opisina  na kailangan ninyong sunurin, ngunit labag sa inyong paniniwala o kultura.

 

Ang mga trabaho na nagbibigay ng sobrang stress ay yaong mga mabibigat ang hinihiling sa manggagawa subalit walang gaanong kontrol na ibinibigay sa kanila kung paano gagawin ang trabaho.  

 

Ang sabi ng kaibigan,  “hindi naman lahat ng problema ay   nakakasira sa tao,  kundi kong minsan pa nga ay magagamit natin ang problema para maging lalong matatag at malapit sa isa’t isa.”  Nor, agree o disagree ?

 

Host/Noralyn:: Agree!!! Ang experience Ko Kaka sa problema, pag may problema ako, feel ko down na ako, papaano ba haharapin ang ating problema?

 

Alih:  Kailangan lamang na harapin natin ang problema, kong anon a siya,  dahil kung   babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. 

 

Pag-uusapan natin ang   ilang bagay na maaaring makagamot kung sakaling dumating ang problema sa inyong buhay.

1.     Maging kalma (Be calm)   mag-isip ng anumang mabuti, kahit gaano man kakumplikado ang sitwasyon na inyong kinakaharap.

2.     Humingi ng payo o tulong sa kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Depende sa problema, kong sino ang alam mo na expert o nakakaalam, ang siya mong dulugan ng inyong problema.  Maaari silang makapagbibigay ng magandang payo, dahil hindi sila “tense’ tulad ninyo na hindi na makapag-isip dahil sa problema.

3.     Kunsultahin ang iyong pamilya o sikaping  magsama-sama bilang isang pamilya.  Dahil sa pagsasama-sama ay maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.

4.     Tandaan ang anumang pagbabago sa buhay — pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro–ay laging stressful. Alam mo ba LMor, na kapag wala kang pera problema, pag marami ka ng pera problema pa rin? (LAUGHING)

 

Host/Noralyn: Papaano nangyari ang ganoon Kaka?

Alih: Problema niya papaano gastusin ang kanyang miliones…(LAUGHING).

 

5.     Pakatandaan din, Kaibigan na    ang mga stress, problema at paghihirap ay bahagi ng isang normal na buhay ng tao.  Abnormal   daw ang taong walang   problema?  TOTOO?

6.     Kaibigan, Para masolb ang problema mo, harapin ito ng  dahan-dahan o isa-isa, one alter one another.  Ganito ang gawin, ilista ang    mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin o gawin  ito.

7.     Huwag alalahanin  ang mga nakalipas o ang mga bagay na wala kayong kapangyarihang kontrolin.

8.     Ayon naman sa mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon na problema,  maaring manood ng isang nakakatawang palabas sa TV (kong may tv kayo, hindi ang X rated- PLAY LAUGHING), kong sakaling wala kayong tv tumawag sa isang kaibigan, (naku wala pa ring celpon- PLAY LAUGHING) makipagkuwentuhan sa membro ng pamilya o kapitbahay nang masasayang kuwento, piliting tumawa at kong hindi mapigilang  umiyak, huwag pigilan, ilabas sa pamamagitan ng luha, ingat lang,  siguraduhing walang nakakakitang mga tsismoso (PLAY LAUGHING). Bakit baka magtaka sila bakit ka umiiyak, at itsismis ka sa bayan.

9.     Ang last na advise natin, huwag maging tamad na mag-ehersisyo araw-araw lalo  sa umaga, para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Lalong maigi kong gagawin ito nang magkakasama ang buong pamilya.

 

This is your   segment writer at producer,    Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabarakatuh

Posted by dxupfm at 8:20 am | permalink | comments[58]

Karapatan ng Babaeng Bangsamoro

October 11, 2011

Karapatan ng Babaeng Bangsamoro

(October 10, 2011 – Martes-Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay  ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Biual)

Host/Noralyn “Sa kultura at paniniwala ng mga Bangsamoro ang mga kababaihan ay  dapat ibigay ang halaga at respeto, ito  ang    katuruan ng Islam, samantala ang  mga babaeng kanluranin o “western” ay ngayon pa lamang  isinisigaw   ang kanilang mga karapatan  bilang mga baba,  kapatid, makiisa sa amin, ang tatalakayin natin ngayon sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya ay ang karapatan ng babae sa pananaw ng mga Bangsamoro.

            

 (Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)

 

Kaka Alih: Ang babae ang isa sa mga pinakaingat-ingatan, pinakamamahal at nirerespeto ng mga Bangsamoro.

Ang kultura at paniniwalang ito ng mga Bangsamoro ay binatay   sa sinabi ng Propeta Muhammad (ang Kapayapaan Naway Sumasakanya):

“Dumating at nagtanong ang isang Sahabah (kasamahan) “Sino po sa mga tao ang lalong karapat-dapat sa magandang pakikisamahan ko?” Nagsabi ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ina.” Nagtanong i muli: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi muli ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ina.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi mula siya (Sumasakanya ang Kapayapaan)): “Ang iyong ina.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi siya (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ama.” ( Hadith   mula kay Bukhari at Muslim)

Sa mga Bangsamoro ay mahalaga ang angkan, kaya naman ang babae ay pinakaingat-ingatan nila dahil  ang babae ang magiging ina ng kanilang mga susunod na salin lahi o angkan.

Hindi nila pinapayagan na magsagawa ng mabibigat na gawain  ang mga kababaihan, upang sa gayon ay hindi masira ang porma ng kanilang mga katawan, upang maging manatiling pambabae ang kabuuan ng kanilang katawan, upang manatili at magiging malusog siyang ina. Sa kanilang paniniwala, ang malusog na ina ay magiging malusog din ang magiging supling.

Ang babae sa paniniwala ng mga  Bangsamoro, ay hindi puwedeng salingin o hawakan  ang kanilang mga kamay ng ibang lalaki, (na pwede siyang asawahin), at kong kong sakaling gawin man ito ng isang lalaki, siya ay may karampatang parusa o multa, ayon sa   kultura at paniniwala  ng mga Bangsamoro.

Kong nag-iisa lamang ang babae sa bahay, ang lalaki (na pwede siyang asawahin), ay hindi pwede pumasok sa bahay, hanggang  tarangkahan o hagdanan lamang, at hindi rin pwedeng kausapin ng lalaki na nag-iisa ang babae.

Hindi rin pinalalakad ang babae na nag-iisa na walang Mahram (kasama-magulang o kapatid).

Hindi rin pinapayagan na ipakita ng kababaehan ang kanilang kahubaran at ganoon din nman sa kalalakihan, ito ay tinatawag nilang Haram. Ang Haram ay kinasusuklaman ng Allah, hindi niya ito pinapayagan na kainin o gawin ng mga Muslim (Nanampalataya).

Ang kabuhabaran ng babae ay buong katawan, maliban sa mukha,kamay at  paa samantala ang lalaki ay kinakilangan  matakpan ang pusod at tuhod.

Kong may lalaki na darating sa bahay, ang nanay mag-ehem lamang ay agad ng aakyat sa “paga” (parte ng bahay sa may bandang itaas-nakakuwarto na hindi mo makikita ang nasa loob.)

Mayroong silang “rules of engagement” na sinususnod,  hindi sinasali ang mga babae sa giyera o sa kalaban.  

Sa rido o giyera o away ng mga angkan, na nagpapatayan na, ang kanilang mga babae ay hindi nila isinasali sa paghihigantihan.  Sa paniniwalang ang Allah ay nagsabi sa Qur’an na: “….. ang babae, bata at matatanda ay huwag isama (sirain o saktan) sa giyera”.

Hindi rin lumalabas sa publiko ang babae na hindi natatakpan ang kanilang kahubaran, bilang pagpahalaga sa kanilang dangal. (mga parte ng katawan na dapat takpan-maliban sa mukha, kamay at paa).

Sa pagsambayang o pagsisimba ang babae ay hindi nakikihalubilo sa mga kalalakihan, ito ay ibinatay na rin nila sa katuruan ng Islam, na ang babae ay hindi dapat makisalamuha sa kalalakihan upang ingatan ang kanilang mga dangal o dignidad.

At dahil sa pagdating ng mga banyagang kanluranin, ang mga paniniwala at kulturang ito ay unti-unti ng nakakalimutan ng mga Bangsamoro. Dahil dito  ay labis na ikinababahala ng may malawak na pananaw na mga Bangsamoro, at kinakailangan nilang pangalagaan ang magagandang kultura at kaugaliang ito, na nakaugat pa sa katuruan ng Islam.

“Ang makakapanumbalik sa ating magagandang kultura at kaugalian ay pag-aaral o edukasyon” Ayon kay Ustadz Muhammad Taha Yusof .

Sangayon ako kay Ustadz na kinakailangan natin ang mga paaralan na magtuturo ng mga magagandang kultura, kaugalian at paniniwala ng mga Bangsamoro.

“Kinakailangan ang nasa pamahalaan ay   magkaroon ng tamang programa sa edukasyon para sa mga Bangsamoro.” Pahayag ng isang retiradong guro

Sang-ayon ako kay Maestro, dapat ang mga moral values na itinuturo sa mga kabataang Bangsamoro ay naaayon sa kanilang  kultura, kaugalian at naaayon sa konsepto ng Islam.

Dahil dito,  kinakailangan ang malawak na pang-unawa ng bawat Pilipino, kong bakit gusto ng mga Bangsamoro na maibalik ang kanilang mga nawawalang kultura at kaugalian.

Sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kalagayan na ang kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, dahil  malakas masyado  ang “cultural assimilation” kaya naman nararapat na magtulong tulong ang lahat ng mamamayan na papaano maibabalik ang magagandang kultura, kaugalian at paniniwala ng bawat Pilipino, sapagkat ito ang labis na nagustuhan ng mga dayuhan noon hanggang sa ngayon.

Ang cultural asimilasyon ay ang dahan-dahan pagkawala ang kultura ng  isang lupon at napapalitan ng  kultura ng nakakarami.

Ito ang inyong Kaka Ali, Sukran .. Wassallamu Alaikum .

Posted by dxupfm at 9:46 am | permalink | comments[58]

Ang magulang

October 7, 2011

Ang Magulang

(October 7,  2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn: Ang maging magulang ay medyo kumplikado, subalit para sa iba ito   ay isang challenge, para magpakatao, ikaw kapatid  ano ang nararamdaman  bilang magulang?    

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”    

Alih:  Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Bilang magulang, responsibilidad natin na ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng ating mga anak. Kasama na dyan ang edukasyon, bahay, damit, pagkain, pagkalinga at pagmamahal.

“Ay  naku Kaka Alih, kong minsan may mga pagkakataon na parang gusto mo ng sumuko dahil parang hindi mo na kayang solusyunan ang mga problema pero hinde mo magawa dahil may mga anak kang nakadepende sayo.” Kuwento ng isang magulang.

 Tama  ka mads, sa paningin nila isa kang superhero, na kayang gawin ang lahat! Ang hindi nila alam, tao ka lang din na nanghihina kapag may pagsubok na dumarating.

Ito ang kuwento ni Mare Inday : “Pare  Ali, ngayong isa na akong magulang, napagtanto ko na tama pala ang mga sinabi ng nanay ko nung ako’y bata pa. Sabi ni nanay, “….anak darating ang panahon  na ulo mo naman ang sasakit pag me mga anak na kau  ng asawa  mo!”

Dagdag ni Mare: “Alam mo  Kaka Ali? Tama nga si nanay, makasakit nga sa ulo ang  magpalaki ng mga anak”

Pero Madz Inday, hindi naman dapat gawin iyan na problema, ang pagpapalaki ng mga anak, ang maganda, gawin mo silang  inspiration sa araw-araw dahil biniyayaan ka ng Diyos.

Kong sakaling dumating ang mga sinsabi  mong problema, at natural lang sa mga magulang  ang pagkakaroon ng mga konting “problem” Mads, ang  mainam nito ay   magagawan mo  ng paraan masolb kaagad yan, huwag talikuran, harapin ang problema para maging maganda ang pagsasama at masaya ang buhay.

Ayon naman sa isang magulang, isa itong ina, heto ang sabi:  “Para sa kin kayamanan ang aking mga anak, anghel sila na hulog ng langit kahit ubod sila ng kulit. Kahit na   ako’y galit sa kanila, ang pagmamahal ko sa kanila   ay hindi nababawasan bagkus nadadagdagan pa. Kaibigan nila akong maituturing lalo na sa panahon ng pangangailangan. Kung may mga bagay man na hindi pa nila maunawaan sa ngayon, alam kong darating ang panahon na kami’y magkakaintindihan. At ang lahat ng ito’y aking sentimyento bila isang ina na walang hangad kundi ang mapabuti sila.”  

Mga kapatid na magulang, ano  man ang  problema ay may sulosyon, bakit hindi mo harapin ang problemang yan, iyan ay isang pagsubok  lamang na, na siya namang magpapatibay sa iyo upang harapon  ang lalo pang  mabibigat na problema sa hinaharap.

Ito ang inyong kapatid na magulang din, Kaka Alih.

Posted by dxupfm at 8:32 am | permalink | comments[45]

Papaano Maiwasan ang Panghahalay (Rape)

October 6, 2011

Papaano Maiwasan ang Panghahalay (Rape)

(October 6,  2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn:   Ang balita ng panghahalay sa kababaihan o Rape   ay nagiging madalas nitong mga huling mga panahon. Bakit kaya? Papaano ba ito  maiiwasan? Samahan  kami ni  Kaka Ali sa ting segment na:

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”    

Kaka Alih:  Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Nor, Tama ang intro mo sa  ating segement,  tungkol sa  balita ng panghahalay sa kababaihan o Rape   ay nagiging madalas nitong mga huling mga panahon. Bakit kaya,

Alam mo ba  na  ang panghahalay ay matagal ng ginagawa sa mga kababaihan, hindi  nga lamang naibabalita at iba  pang   kaibhan noon  at ngayon  ay walang lakas ng loob ang  kababaihan na irepport ito sa kinauukulan, dahil walang mga opisina na nakatutok dito.

Sa Olongapo  ay may naireport na  may kabuuang 106 na kaso ng panghahalay laban sa Pinay ang naitala sa Olongapo City Prosecutors Office simula noong 1986 hanggang 1992 kung saan pawang mga US military servicemen ang naging sangkot.

Karamihan sa Pinay na biktima ng rape ay mga tindera at kahera lamang sa mga club at commissary sa loob ng Subic Naval Base na pinaniniwalaang inimbita lamang lumabas ng mga suspek na Kano para mamasyal, subalit nauuwi sa panghahalay.

Bakit nangyayari ang mga panghahalay sa mga kababaihan?

Ang panghahalay o panggagahasa o rape sa English,  ay isa sa mga panganib na kinakaharap ninyong ng mga kababaihan  sa ngayon,  lalo na yaong mga domestic helper, o kasambahay o katulong sa bahay.

Ang tanong naman dito ay:  “bakit maraming pumapasok na katulong?”

Simple lang daw ang  kasagutan:  “Ito ay   dahil   sa kahirapan sa buhay, talagang maraming katulong sa ngayon sa ibang bansa pati na rin dito sa atin sa Pilipinas. Dito lang sa Bandara Kutawato o  Cotabato City ay marami tayong kababayanna  namamasukan bilang  katulogn sa bahay o kasambahay.

Ano ang panghahalay o rape?

Ok lalo pa nating  palalimin ang kahulugan  nito. Ang panghahalay o rape ay yaong pinipilit ng lalaki o babae ang kanyang kapuwa tao, lalaki man o babae na makipag-sex sa kanya, na labag sa kalooban ng huli, sa madaling salita ay pinipilit mo ang  kapartner o ibang tao (hayop di  kasali sigoro)  na makipagsex sa iyo.. (LAUGHING)    

Alam mo Nor,  ang mga manyakis or maniac o hayok sa laman ay kalat na daw sa mundo sa ngayon.(LAUGHING)    

Kaya kayong mga babae dapat alerto kayo, dapat alam mo ang kilos ng inyong amo, ng inyong kaibigan o kasama  na siya ay manyakis o nagpapahiwatig na may pagnanasa o gusto kayong i-rape o pagsamantalahan. Ilugso ang inyong puri.

Heto may mga palatandaan  akong ibibigay sa inyo, para makilala na gusto kayong pagsamantalahan ng isang lalaki, especially yaong mga manyakis: (LAUGHING).

Una Nor, possible na may pagnanasa ang amo mo, kaibigan mo, kasama mo,  kong palaging may panakaw na sulyap o matagalang titig, o matutulis na tingin,  lalo na kong sa malulusog mong…. kayamanan. (LAUGHING).

Another ay, palagi kang kinakausap  at nagkukuwento ng kahit na ano, lalo na ang mga paksang may kaugnayan sa sex.

Minsan nagtatanong pa kong kasintahan ka na, minsan ang tanong may karanasan ka na sa sex? , kinukumusta ka kong namimis mo ang asawa mo.

Ang iba naman ay madalas  ay nanagbigay ng regalo, para mahawakan ang inyong kamay o sinasadyang masagi ang maseselang bahagi ng inyong katawan. O dili kaya  para makuha ang kaloooban ninyo.

Noralyn: Anong gagawin naming mga  babae para hindi  mangyari ang masamang hangarin  ito ng mga lalaki sa  aming  mga babae?

Kaka Alih:  Ang gagawin mo Day, huwag kang magbigay ng motibo o bigyan ng pagkakaton ang inyong amo.

Iwasan na makinig sa mga kuwento ng amo na malalaswa, lalo na kong lasing o sabog sa bawal na gamot.

Kong aalukin ka na uminom ng alak, tanggihan, sabihin na haram sa Muslim ang uminom. “Ang problema Kaka hindi ako Muslim” sige lang, panindigan mo eh di mag-Muslim ka na…(LAUGHING)     

Heto  pa ang ibang senyales Nor, ang mga manyakis daw, kong minsan ang ginagawa nagpapalabas ng malalaswang palabas lalo na kong kayong dalawa lamang sa bahay .

Ang iba namang amo, nagpapamasahe at walang saplot na panloob, kong minsan pa pinaakita ang ari.. ang bastos! Pag ganyan Day, ingat talagang manyakis na talaga yan..

Ang iba naman ay magtatanong o magbibigay ng mga bagay-bagay lalo na kong gabi na tulog na ang lahat, para lamang makatok ang inyong kuwarto.

Pag mayroon kang maobserb sa mga sinabi ko Nor, maghinala na kayong mga babae, para makapaghanda at maiwasan ang ayaw mo, pero kong gusto mo eh di.. tuloytulo mo na .. (LAUGHING).

Day, huwag naman kasi kayo magpakita ng magaslaw na galaw o yaong nagibigay motibo, tulad ng “malaswang” pananamit at pananalita, dahhil maaring magbigay ito ng motibo sa manyakis na gawin ang masamang binabalak sa inyo.

Mga kapatid,  mga anak, heto ang mga magandang gagawin ninyo;

Huwag makipag-usap ng matagalan sa inyong amo na lalaki kong hindi kinakailangan, lalo kong kayo lang sa bahay.

Manatiling mahinhin sa kilos at pananalita, huwag magsuot ng shorts, lalo kong kayo ay may makinis, maputi at balbunin na legs o hita.. naku Day kinikilig diya ang mga lalaki kahit walang lahing manyakis baka magkaroon (LAUGHING). Yes tama  man ang sinasabi ko, huwag maagsuot ng mahahalay na damit o maiiksing palda, kong pwede lang huwag gumamit ng pamapaganda sa mukha.

Sa regalo na ibinibigay,   tanggapin ang mga regalo  na binibigay ng among lalaki kong nasa harap ang kanyang “matabang”  asawa      (LAUGHING)     , hindi ang big kong sabihin kahit anong asawa niya, payat, mataba maganda o pangit man huwag mong tanggapin ang regalo kong kayong dalawa lamang.

Pagbutihin o lalong palawigin ang pakikisama sa among babae kaysa sa among lalaki, maliban kong may pagnanasa ka din sa amo mong lalaki, I baliktarin mo ang pakikisama.. (LAUGHING) .. Totoo itong sinsabi ko, Nor,ang magandang samahan ninyo ng among babae ay makakatulong sa panahon na kinakailangan ninyong magsumbong sa pagiging manyakis ng inyong among lalaki.   

Heto pa Day ang iwasan mo, pag bagong paligo,  syempre mabango ka, huwag magpakita sa inyong amo na manyakis, tiyak kikiligin yan.. (LAUGHING).

Sa oras nasa inyong kuwarto palaging ilock ang pinto  ng inyong kuwarto, siguraduhin na may lock ito sa loob na kayo lang ang pwedeng magbukas na nasa loob.

Mayron ikinuwento si Lola ang style sa para di magtagumpay ang mga ganoon amo, na manyakis, magsuot ng sapin-sapin na short at pantaloon. Gumamit ng tali sa halip na sinturon, kong pwede pa maglagay ng padlock. (LAUGHING)    

Kong talagang di na maiiwasan ang panggagahasa, ng amo ninyong manyakis, dahil gagawin ang lahat ng paraan maisagawa ang balak. Heto ang gawin mo, pairalin ang kalmadong pag-iisip, bolahin o kaya’y lansihin. 

“Ang madaling gawin Kaka Ali, ay sumigaw”. Day pwede din ang magbato ng kahit ano upang makagawa ng ingay na maaaring ikatakot ng inyong amo at higit sa lahat Day, ipaglaban ang puri hanggang sa huling lakas mo, hindi yaoang madali din kayong madarang, sa konting halik ay bumigay na din kayo (LAUGHING), dahil hindi nay an rape with consent na… (LAUGHING)    

Kong nangyari na ang ayaw nating mangyari dahil narape na nga kayo.. bumagsak na talaga ang Bataan at Mariveles    (LAUGHING) ibig sabihin, na ilugso na dalaga ang inyong puri, heto ang payo natin:

Huwag matakot na binantaang papatayin kong ikaw ay magsusumbong.

Huwag ding maniwala sa pagmamahal na sinasabi, na kaya ginawa ay dahil mahal kayo,

Huwag ding tumanggap ng suhol ba salapi o alahas kapalit ng puri, dahil lalo pang dadami ang manyakis ditto sa mundo.

Isumbong kaagad sa among babae ang panghahalay at kong sa ibang bansa ka, isumbong kaagad bao 24 oras sa ating embassy o kong dito sa bansa naman sa magulang  o pulis. 

Ngayon huwag dagdagan ang kuwento sa pagrereport, maging makakatotohanan at matuwid sa pagsasalaysay.

Higit sa lahat huwag mahiya na sabihin ang totoo sa mga kinauukulan, huwag matakot na malalaman ng bayan ang nangyari sa inyo, sa oras na hindi mo isumbong para na ring sinusuportahan mo ang pagdami ang mga biktima ng rape.

Panahon para Dapat ng kalusin ang mga manyakis dito sa mundo..

Ang kasong rape ay kamatayan ang hatol sa batas ng tao ang Diyos. Kaya  kapatid maghunos dili ka, kong ayaw mong masilya elektrika.

Heto ang   inyong  Kaka Alih, sukran wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

(Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)

Posted by dxupfm at 8:51 am | permalink | comments[14]

Mapanggulong Pagkilos (Disruptive Disorder) Sa mga Bata

October 5, 2011

 (October 4,  2011-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn:  .  Ano ang disruptive order o mapanggulong pagkilos ng  mga bata? Ang kasagutan  alamin sa ating segment  na…..

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”    

Alih:  Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Noralyn:  Ano ang dapat nating malaman bilang magulang sa sinasabi  natin   na  disruptive disorder o mapanggulong pagkilos. 

Kaka Alih:  Ang  “Disruptive Disorder”  ay salitang ginagamit ng mga propesyonal sa kalusugan  na tumutukoy sa suliranin ng mga bata kung sila’y nahihirapang sumunod sa  mga alituntunin na karaniwang tinatanggap naman ng ibang mga bata.

Ang mga ilan sa  halimbawa ng suliranin na ito:   

  1. Hindi pagsunod sa iniuutos ng mga magulang at ibang nakatatanda katulad   ng guro. Karaniwan sa mga bata ang hindi sumusunod paminsan-minsan sa iniuutos, nguni’t ang inilalarawan dito ay ang hindi pagsunod sa halos lahat  ng bagay kahit na alam nilang ito ay may mabigat na kaparusahan.
  2. May mga  pag-aalboroto  na higit na madalas at  malubha kaysa   karaniwang bata na nasa katulad nilang gulang.
  3. Agresibong pagkilos  o pananakit.  Kasama rito  ang paninira ng ari-arian,   pagbabanta at mapanganib na gawi katulad ng pagnanakaw at pagbabanta  o pagtatangkang saktan ang iba.  
  4. Sa pagsagot,  palaging kasama ang pagsalungat, pakikipagtalo, pagpapalaki  ng mga bagay at ang gusto ay palaging sila ang may huling salita.  
  5. Ayaw gumawa ng pang-araw-araw na gawain katulad ng gawaing bahay  (homework) at paglilinis ng katawan. Karaniwan sa mga  kabataan na may  karumihan ang kanilang tulugan at bantulot tumulong sa gawaing bahay nguni’t  ang palaging pagtanggi  na tumulong  at hindi  pagbibigay pansin sa  kalinisan at pangangalaga ng katawan ay hindi karaniwan.
  6. Lahat ng bata ay nagsisinungaling kung sila ay takot malagay sa gulo at  kung sila ay may gustong makuha.  Ngunit may  mga batang palaging  nagsisinungaling kahit hindi kailangan ito.
  7. Ang pagsalungat sa lipunan ay ipinakikita rin sa labis na galit, pagmumura,  nakayayamot na ugali katulad ng pagdura sa tao at pagwawalang-bahala sa  saloobin ng iba. Ang ilang tawag sa malubhang anyo ng suliraning ito:   

Ø  Oppositional Defiant Disorder: Ito ay ginagamit upang ilarawan ang mga batang madaling magalit  at madalas makipag-away. Ito ay karaniwan samga batang maliliit na madalas sumalungat sa kanilang magulang at guro.  Sila ay hindi sadyang malupit, mapang-api, madaya at lumalabag sa batas  nguni’t maaari silang magkaganito kung hindi masusupil.

Ø  Conduct  Disorder: Ang salitang ito ay ginagamit  kung  ang ating anak ay lumalabag sa lahat ng alituntunin.

Ø  Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD):  Ito ay naglalarawan sa mga  batang pabigla-bigla kung kumilos (impulsive)  at  may problema sa pananatiling panatag (settled), sa pagtutuon ng pansin (concentration) at sa  pag-aaral.

Ang ibang  pagkilos ng mga bata  o kabataan  ay maaaring problema  paminsan- minsan.  Maaaring ito ay  sanhi ng  kanilang  nararamdaman   tungkol sa   nangyayari sa kanila katulad halimbawa  kung ang mga magulang  ay nagdesisyong maghiwalay o  kaya  sila ay lilipat ng paaralan.

Maaaring  sila ay nakakaramdam ng  stress at dahil  dito ay mahirap silang pakitunguhan. Ang mga problemang tinutukoy dito ay kadalasang  nagtatagal o nagiging napakalubha. Ang  mga batang may disruptive disorder o  mapanggulong pagkilos ay hindi kadalasang tumutugon  sa pagkalinga at ayaw nilang pansinin ang sinumang gustong tumulong  sa kanila.

Noralyn:  Kaka Alih, Kung ang ating mga anak ay may ganitong suliranin,  ano ang mga mahalagang malaman ng mga magulang na  na maaaring  magpalala nito:   

Kaka Alih: Una na rito mahalagang bagay na dapat malaman ng magulang ay ang  Suliranin ng mag-anak o pamilya.  Kung maraming  suliranin ang  mga magulang, mahirap magbigay-pansin  sa suliranin ng kanilang mga anak. Bakit?   Halimbawa:

         Hindi pagkakasundo  sa  pamamaraan ng pagtulong sa mga  anak sa  kanilang mga problema

         Madalas na pag-aaway ng mga magulang sa harapan ng mga anak;  

         Kung idinadamay ang mga bata sa pag-aaway ng mga magulang; 

         Kung ang mga anak ay nag-aalala  sa  kaligayahan at  kaligtasan ng   kanilang mga magulang.

Pangalawa, Nor, ay ang   paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pag-inom ng alak.

  • Maaaring lumabas ang masasamang asal ng mga magulang o mga anak  kung sila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o umiinom ng alak;  
  • Paggamit  ng ipinagbabawal na gamot o  pag-inom ng alak sa halip  na  humingi ng wastong tulong.

Pangatlo ay ang pag-uudyok ng mga kaibigan.

         Kung ang ating mga anak ay inuudyok ng ibang kabataan na uminom ng  alak at gumamit ng ipinagbabawal na gamot o gumawa ng masasama

         Kung ang mga anak ay inaasahang kumilos na kakaiba sa kanilang mga  kaibigan o ka-edad na mga bata.

Pang-apat  ay ang Stress mula sa paaralan.

  • Kung ang isang guro  ay mataas  ang hangarin  sa mga bata  na hindi  nalalaman ang hangarin ng iba rin guro;  
  • Kung masyadong mataas ang hangarin natin  sa ating mga  anak, sila’y  madalas na nababahala;  
  • Kung masyadong mataas ang hangarin natin  sa ating sarili ang  halimbawang ito ay sinusunod ng ating mga anak;
  • Kung ang ating mga anak ay nahihirapang makitungo sa ibang bata at sila ay madalas na binibiro.

Heto pa, Ang pansariling stress ng mga bata.   

         Kung ang  ating mga anak ay maramdamin, dapat natin silang turuan ng  paraan para ipagtanggol ang kanilang sarili na hindi nalalagay sa  gusot.   Ang  ibang bata na maramdamin ay umaasta na sila’y matapang at sila rin  ang nang-aapi (bullies).  Kadalasan,  ang mga batang “depressed,”  ay  mainitin ang ulo at agresibo.   Kung ang ating anak ay  may ganitong mga problema, mahirap silang pakitunguhan. Kahit nais  nating gawin ang mabuti para  sa  kanila, hindi natin alam ang mga wastong pamamaraan.

Narito ang ilang pamamaraan kung paano mapapangasiwaan  ang  batang may disruptive disorder  habang naghihintay ng  tulong:        

  1. Kilalanin/tanggapin ang kanilang katangian at huwag bigyang-pansin angkanilang kahinaan;
  2. Purihin ang  ating mga anak  kung  sila  ay nakagawa ng tama sa halip na  parusahan lamang sila kung nakagawa ng mali;
  3. Hayaan silang gumawa ng kanilang ikinasisiya sa halip na ipinapagawa ang ating kagustuhan lamang;
  4. Pakinggan natin ang ating mga anak. Matuto tayong makinig sa kanila kung  gusto natin silang makinig sa atin.
  5. Maging tapat at makatwiran. Ipinakikita natin ang ating suporta, kung iniisip natin ang mabuti sa ating mga anak, at pinapapansin din natin ang kanilang  mga maling pagkilos sa eskuwela o paglabag sa batas.
  6. Pagpapakita na  hindi natin sinisisi ang iba kung tayo ay nakagawa ng mali  o kung ang pangyayari ay dahil sa kamalasan (bad luck);
  7. Turuan ang mga anak ng humanap ng kalutasan  sa suliranin  sa halip na  sisihin ang iba;
  8. Pagiging mabuting halimbawa ng nararapat o tamang pagkilos sa mga anak  sa halip na pamimilit na gumawa ng tama dahil sa pananakot (threat) o  parusa;   
  9. Pagbibigay katiyakang malamig ang ating ulo bago makipag-usap sa ating  mga anak kung  sila’y  nakakagawa ng hindi tama;
  10. Iwasan ang pag-aaway bilang mag-asawa na nakagagambala sa buong  mag-anak at nakababahala sa mga anak;
  11. Pagbibigay ng pagkakataong  magsalita ang ating anak kung sila ay   nagagalit o nayayamot, ng hindi tayo nagagalit din. Sa ganitong paraan,  malalaman nila na maaaring pag-usapan ang kanilang damdamin o ilahad   and kanilang katwiran sa paraang makatutulong sa kanila. 
  12. Iwasan ang pabago-bagong alituntunin para sa mga anak.

Noralyn:   Tanong ko lang Kaka Alih, kailan tayo dapat humingi ng tulong na mga magulang sa ibang tao?

Kaka Alih: Kung ang pamilya ay nahihirapan at ang mga magulang ay nawawalan ng  pananalig sa kanilang kakayahang lutasin ang problema sa pagkilos ng   mga anak;

Kung ang asal ng ating anak ay nakagagambala sa kanyang pang-araw-araw na gawain katulad ng pag-aaral.

Kung ito ay nagiging dahilan na siya’y    nasasaktan o nakapananakit ng iba at lumalabag sa batas.

Noralyn:   Ano ang magagawa natin kung kailangan ng tulong ng ating  mga anak at hindi tayo sigurado kung ano ang maaaring   gawin?

Kaka Alih: Sumangguni sa ating mga “Nakakatanda” o mga elders ng pamilya. Makipag-usap sa school counsellor ng ating anak.

Maraming salamat bukas Insha  Allah, dagdag pa  rin impormasyon sa ting mga magulang papaano ang tamang pagpapalaki ng mga anak..ito  ang  inyong writer at producer ng segment na Gabay at talakayang pampamilya.. Kaka Alih.

Posted by dxupfm at 8:39 am | permalink | comments[17]

Pag-aasawa ng Maaga

(October 5,  2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)

Host/Noralyn: Pag-aasawa ng  maaga ng mga kabataan sa ngayon, isa daw ito sa dahilan  ng di  pag-unlad ng basing Pilipinas? Totoo  kaya ito?     

(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)

Host/Noralyn:  “Good morning Kaka Alih.”    

Alih:  Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.

Host/Noralyn:  Totoo ba na ang ag-aasawa ng maaga,  ng mgakabataan ngayon ang isa sa nagiging  dahilan kong bakit hindi  tayo umuunlad hanggang ngayon ang  bansang Pilipinas?

Alih:  Maaari Nor, Ang bansa natin ngayon ay lugmok sa kahirapan.. Dahil sa iba’t ibang krisis na ating nararanasan o nadadama sa ngayon.. Andiyan ang mataas na presyo ng bilihin, kalamidad, panggigipit ng mga nasa may kapangyarihan para sa kanilang pansariling kapakanan, paglabag sa batas ng ilang mamamayan na nagdudulot ng kaguluhan, paglabag sa mga karapatang pantao dulot ng kawalan ng respeto sa bawat isa, di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nasa pamahalaan at mamamayan, at marami pang iba..

“Haaay!! kailan pa kaya ito mawawakasan o mabibigyan ng karampatang solusyon..” himutok  ni  Lola.

Kaibigan patuloy na lang ba nating isisisi ang lahat ng ito sa pamamalakad ng gobyerno?

Bakit di natin tanungin ang ating sarili:  “May naitulong ba ako upang maiayos ang kalagayan ng ating bansa?”   o  “nakadagdag lang ako sa mga pinu-problema ng ating bansa?”

Iyan kapatid ang ilan sa mga dapat nating maunawaan at masagot.

Ang sabi naman ng iba: “Sa kabataan, nakasalalay ang hinaharap ng bansa.”

Sabagay tama ka, kapatid ang Kabataan, bata pa  man ay may malaking magagawa o maiaambag upang maisulong sa pag-unlad ang ating bansa.  

Ang mga kabataan ay may mga karapatan gaya ng karapatang makapag-aral at marami pang iba.. Ang mga karapatan na ito’y makakatulong sa atin upang magkaroon ng magandang kinabukasan,  makakatulong din ito upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa paglilingkod sa ating bayan.

Napakaraming problema kinakaharap ng ating bansa sa ngayon at napakaraming dahilan kung bakit nananatiling mahirap ang ating bansa sa ngayon.

Napakaraming factor o  dahilan, ayon  sa pananaw  ng isang social expert,  isa sa   sanhi nito ay ang pag aasawa ng maaga ng ilang kabataan. Ang kabataan ay may obligasyon na mag aral. Mag aral upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan at ang ating bansa. Ngunit papaano na lamang kung may mga kabataang nag aasawa ng maaga?

Subalit ito ang katotohanan napakarami ang maagang  nag-aasawa  na kabataan sa  ngayon.   

Maraming kabataan sa ngayon ang nag aasawa ng maaga. Napakaraming dahilan kung bakit?

 “Sa  palagay ko Kaka  Alih,  ang pinaka sanhi ng pag aasawa ng maaga ng ilang kabataan ay ang kapabayaan ng kanilang mga magulang.” Tugon  ng isang  kumpare nbatin.

Naitanong ko sa kanya bakit naman?

Ang paliwanag: “Dahil hindi na  naasikaso  ng  mga   magulang ang mga anak, papaano kasi eh, napakaraming iniisip at responsibilidad ng isang magulang lalo na kung may bisyo pa ito kaya’t minsan di maiwasang mapabayaan ang kanilang mga anak. Kaya’t minsan hindi na nabibigyang gabay ang kanilang mga anak nagdedesisyon lamang ito batay sa kanyang sariling pananaw lalo na ang mga kabataang may mura pang isipan kaya’t di maiwasang mapunta sya sa masamang landas.”

May dagdag naman si  kumara sa issue: “Isa pa sa tingin ko Kaka Alih, and dahilan o  sanhi ng maagang pag aasawa ng ilang kabataan ay ang panonood ng mga palabas na tungkol sa pag ibig at pag aasawa. Dahil sa labis na labis na panonood nito di maiwasang maging interesado sila at gayahin ang napapanood sa mga telebisyon.”

Tama ka Mare,  kaya’t sa mga kalagayang ito hndi talaga maiwasan ng ilang kabataan na mag asawa ng maaga, papaano kasi nakakakilig din  yun.. (LAUGHING).

Napakaraming maaaring ibunga ang pag aasawa ng maaga.

Sa pag aasawa ng maaga maaari itong magbunga ng pag aaway o pagtatalo ng mag asawa dahi na rin sa kanilang ugaling bata pa.

Hindi nila maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang anak dahil na nga sila ay bata pa at wala pang mga trabaho.

 Kahirapan sa panganganak ng babae dahil hindi pa kaya ng kanyang kalusugan dahil sa siyay bata pa at maaaring maraming dugo ang maaaring mawawala sa kanya.   

Ang bumubuo sa sambayanang Pilipino ay tayong mga mamamayan, kong mahina tayo ay mahina rin  ang bansa. Kong naghihirap tayo ay maghihirap din ang bansang Pilipinas.

Ang  pag-hihirap ng bawat pamilya ay makaapekto sa kaunlaran  ng bansa.    

Kaya’t bago mag asawa tiyaking may trabaho na kayang tumustos sa pangangailangan ng isang pamilya. Ito ay di basta basta. Ito ay isang pang habang buhay na obligasyon. Kaya’t tiyaking sa bawat aksyon ay may kalakip na tama at angkop na desisyon. Dahil sa bawat aksyon na ating ginawa ay maaaring permanente na o di na mababago. Kaya’t masasabing ang pagisisisi ay laging nasa huli.

Ito  ang  inyong kaka Alih, at bago wasakan ang segment na ito, huwag kalimutan  ang kasabihan, na ang pag-aasawa ay di katulad  na kaning isusubo na pag napaso ay pwedeng iluwa.

Sukran,  wassallamu alaikum warahmatulllahi wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 8:36 am | permalink | comments[25]